webnovel

6

MABILIS na kumalat sa buong campus ang balitang pagpapatalsik kay Maritoni sa unibersidad. Ngunit nag-kibit- balikat lang siya. Wala siyang pakialam dahil plano niya naman na talagang huminto. Sari-saring komento ang kaniyang naririnig. May naaawa dahil sa maaga niyang pagbubuntis. At ang iba nama'y nanunuya at pinagtatawanan siya.

" Malandi kasi!"

" Ang sabihin mo,oportunista! Mayaman si Kyle,eh. Chance niya na iyon para yumaman din!"

" Ambisyosa talaga,'no?"

" Bakit naman kasi may naligaw na pulubi dito sa school natin? Di'ba exclusive 'to?"

Napalingon si Maritoni sa mga nag-uusap na iyon. Nakita niya ang grupo ni Darlene. Matalim ang mga mata niyang tumingin sa mga ito. Nakatitig lang din si Darlene sa kaniya,bakas sa mukha nito ang galit. Ayaw niya na sana patulan pa ang mga ito,ngunit hindi niya napigilan ang sarili. Tutal ay aalis naman na siya sa school na iyon. Kaya,away kung away! Nilapitan niya ang mga ito.

" Oops! Ang grupo ng mga bitter na tinubuan ng mga inggit sa katawan!" pang-aasar niya'ng wika.

" Excuse me? Bakit naman kami maiinggit sa'yo,paki-explain nga?" tanong ni Aya na tumaas pa ang kilay.

" Am i need to explain? Eh,kitang-kita naman sa mga pananalita niyo! Hindi niyo matanggap na ang campus hearthrob at varsity ng university ay ako ang napansin at hindi kayo!"mataray niyang sagot.

" Is that what you think? Sorry girl,you're so pathetic! Hindi kami naiinggit sa'yo,'no! Actually,naaawa kami sa'yo. You really think na seryoso si Kyle? Ikaw na pulubi?"pang-iinis naman ni Wilma.

" Weh? Eh,bakit namumula iyang pangit mong mukha? Todo effort ka sa panlalait sa akin,ah? Napaka ordinaryo naman ng mukha mo,mayaman ka 'di ba? Bakit di ka magparetoke?" ganting pang-iinis niya.

" How dare you!" galit na sagot ni Wilma.

" How dare you,too! Hoy kayo, ah! Kung hindi lang ako buntis kanina ko pa kayo pinagbuhol-buhol! Palibhasa kasi yaman lang ang meron kayo,pero wala kayo nito."

Tinuro ang sariling mukha na ang ibig sabihin ay walang gandang tulad na nasa kaniya. Magsasalita pa sana ang isang babae ngunit inawat na ito ni Darlene.

" Guys enough,you're wasting your time! Let's go,may practise pa tayo," awat nito sa mga kasama.

Isinukbit na nito ang bag at nag-umpisang maglakad. Ngunit huminto ito at lumingon sa kaniya.

" Yes,Maritoni. Maybe,we don't have a beauty like you na lagi mong pinagmamalaki. But one thing is for sure.Wala ka nito," sabi ni Darlene na tinuro pa ang sariling sentido.

Napakunot-noo naman siya,napikon siya dun ah! Siya? Walang utak? Ngumisi naman ng nakakainis ang mga kasama nito. Ngunit hindi siya magpapatalo. Tatalikod na sana si Darlene nang magsalita ulit siya.

" Oh,yes,Darlene. Maybe i'm not a brainy and smart like you. But i have Kyle beside me," ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

Agad siyang tumalilis ayaw niya na kasi makabawi pa ng sagot si Darlene. Lumarawan naman sa mukha ni Darlene ang galit at lungkot sa sinabi niyang iyon.

" Don't mind her,Darlene. Hindi natin siya ka-level. At isa pa,hindi-"

" Shut up! I don't need your opinion!" putol nito sa sasabihin ng kaibigan na ikinatahimik naman ng isa.

Huh! Anong akala nila, ha? Magpapatalo ako?! Palaban yata,'to.

Agad niyang nilisan ang lugar na iyon at baka kung ano na naman ang marinig niya. Kahit papaano ay nasasaktan din naman siya,hindi naman kasi siya manhid. Nasasaktan din siya sa pang-aalipusta ng mga ito. Ngunit pag naaalala niyang magsasama na sila ni Kyle ay sumisigla siya. Excited na siyang dumating ang araw na iyon.

NAPUTOL sa pagbabalik-tanaw si Maritoni nang biglang nagpreno ng malakas ang bus na sinasakyan niya papunta sa kanilang baryo. Kaniya-kaniya namang reklamo ang mga pasahero. At agad namang humingi ng pasensya ang driver.

Inaninag niya ang labas at bahagyang napapangiti. Pamilyar na sa kaniya ang lugar ibig sabihin ay malapit na siya sa baranggay San Antonio. Sa maraming taon na hindi niya pag-uwi sa lugar na kinalakihan ay nakaramdam siya ng sobrang pananabik. Natatanaw na niya ang mga puno ng mga niyog na isa sa mga pangunahing produkto sa Samar. Ang maliit nilang niyogan na pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Miss na miss niya na ang mga magulang. Ang pag-aaruga at pagmamahal ng mga ito sa kaniya. Palibhasa ay nag-iisa siyang anak ay itinuturin siyang prinsesa sa kanilang tahanan. Ibinibigay ng mga magulang niya ang lahat ng gustuhin niya dahil sa pagmamahal sa kaniya. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay tila naging lason sa kaniyang pagkatao,dahil hindi niya nasuklian ang pagmamahal ng magulang sa kaniya. Lumaki siyang walang galang at respeto sa mga ito. Ngunit ngayon ay babawi siya,ipinangako niya iyon sa sarili.

Lumapad ang ngiti niya ng makitang malapit na ang bus na sinasakyan kung saan siya bababa. Ang totoo ay hindi alam ng kaniyang mga magulang ang eksaktong araw ng uwi niya. Hindi niya talaga sinabi dahil gusto niya itong sorpresahin.

" Para na po!" malakas niyang sigaw.

Bitbit ang maleta at ilang pasalubong para sa mga magulang at sabik na bumaba. Pagkababa niya ay sinamyo pa niya ang simoy ng hangin.

" Hmm. Iba talaga ang hangin sa probinsya napakasariwa," aniya pa.

Sumakay pa siya ng tricyle dahil nasa looban pa ang bahay nila. Habang nakasakay siya ay nakatanaw siya sa labas. Bawat madaanan niya ay nagpapaala ng kaniyang kabataan. Malaki na ang pinagbago ng lugar nila. Ang dating lubak-lubak na daan ngayon ay sementado na. Kung susumahin niya ay halos sampung taon na pala siya hindi nakakauwi. Napakatagal na. Malayo palang ay pinahinto niya na ang sinasakyang tricycle. Baka kasi makita siya ng Nanay niya. Masira pa ang plano niyang pagsorpresa sa mga ito.

Habang naglalakad siya ay agad niya ng natanawan ang kaniyang Nanay na abala sa pagwawalis ng bakuran. Laylay na ang katawan nito bunga ng katandaan.

Napansin niya ring malaki ang itinanda ng Ina,marahil dahil narin sa kakaisip sa kaniya.

Gusto niyang maluha ng mga oras na iyon. Gusto niya na agad itong yakapin ngunit tila natulos siya sa pagkakatayo. Pasinghot-singhot siya dahil sa pag-iyak kaya naman napadako ang tingin ng ina sa kaniya. Natulala ito at nabitawan pa ang hawak na walis tingting.

" A-anak?" garalgal ang boses na sabi nito.

"Inay," lumuluha niyang sambit ngunit nakangiti.

Mabilis siyang naglakad papunta sa ina at mahigpit itong niyakap na agad din namang ginantihan ng yakap din nito at nag-iyakan pa sila. Napahagulgol si Maritoni na tila nagsusumbong sa lahat ng pait at kabiguan na dinanas niya. Kumalas sa pagkakayakap ang nanay niya at pinagmasdan siyang mabuti. Hindi pa rin makapaniwala ito na nasa harap na ang kaniyang anak na matagal nawalay. Naging madamdamin ang tagpong iyon para sa kanilang mag-ina. Pamaya-maya lang ay dumating na rin ang tatay niya.Galing ito sa bukid nila.

Nagulat din ito sa nadatnan. Hindi makapaniwalang nasa harapan na nito ang anak na matagal ng nawalay.

Malaki na rin ang itinanda ng tatay niya. Maluha-luha pa ito ng lumapit at niyakap siya.

" Anak,kumusta ka na?Ang laki na ng pinagbago mo," wika ng tatay niya habang pinagmamasdan siya.

" Bakit hindi mo naman sinabi na uuwi ka ngayon? Eh,di sana nakapaghanda man lang kami ng pagsasaluhan natin?" Tanong sa kaniya ng nanay niya.

" Sinadya ko po talaga na 'wag sabihin sa inyo kasi gusto ko kayong sorpresahin," sagot niya habang pinapahid ang luha.

" Ay,sus ang batang ito talaga. Muntik na ako atakihin ng makita kita kanina,ah?" natatawang sambit na nanay niya.

Bakas sa mag-asawa ang labis na katuwaan sa pagbalik muli ng anak.

" Salamat naman anak at naisipan mo nang umuwi. Sobrang nag-alala kami sa iyo,ah? Magkuwento ka nga,ano ba nangyari sa'yong bata ka,ha?" tanong naman ng tatay niya.

" Mahabang kuwento, Tay," maiksi niyang sagot pigil ang luha.

" Aba'y kahit na mahaba iyan at abutin pa tayo ng bukas ay makikinig ang Tatay," nangingiting sagot ng tatay niya.

" Makikinig kami sayo,anak. Alam naming hindi naging madali ang napagdaanan mo. Andito lang kami,ha?" pang-aalo naman ng Nanay niya.

" Sorry po,Nay,Tay! Siguro po karma ko lang 'to kasi naging sutil ako sa inyo. Dapat lang siguro sa akin 'to," mangiyak-ngiyak niyang sambit.

" Ay, naku ang anak ko talaga sabi kong 'wag mo ng sisihin ang sarili mo,eh. Ang importante nagbalik ka na dito sa amin. Sayang lang at hindi mo kasama ang apo ko," malungkot na tugon ng Nanay niya.

" Siyanga pala,anak? Bakit ba hindi mo siya sinama? Kaya naman nating buhayin ang anak mo. At ikaw,gusto kong mag-aral ka ulit,ha? Tapusin mo ang pag-aaral mo,hindi pa huli ang lahat. Malaki pa ang pag-asa mo na ayusin ang buhay mo," determinadong sabi naman ng kaniyang Tatay.

" Opo, 'Tay aayusin ko na ang buhay ko simula ngayon," sagot niya na puno ng pag-asa.

Nang araw ding iyon ay pinaghanda at pinagkatay pa siya ng baboy ng mga magulang niya bilang selebrasyon sa kaniyang pag-uwi. Nais ng mga ito na punan ang maraming taon na hindi nila ito nakasama. Gustong nilang iparamdam na kahit nakagawa ito ng maling mga desisyon sa buhay ay nandiyan sila para muling ituwid ang direksyon nito sa buhay.

Napansin naman niya ang malaking pagbabago ng kanilang bahay. Mula sa pagiging kubo ay sementado na ito. Nabanggit ng mga magulang niya na ang perang ipapadala sana sa kaniya bilang allowance at tuition fee ay inilaan nalang sa paunti-unting pampagawa ng kanilang bahay. Inilaan ang bahay na iyon para sa kaniya. Lubos ang kaniyang kaligayahan dahil sa kabila ng lahat ay maswerte pa rin siya at may mapagmahal siyang mga magulang.

Nagsidatingan din ang iba pa nilang kamag-anak. Tila nanunuya pa ang tingin ng ilan dahil sa nangyari sa kaniya. Ang ilan ay tila nakikichismis lang kung ano na nga ba ang ganap sa kaniya sa maraming taon ng pagkawala niya. Ngunit hindi na lang niya binigyang pansin ang mga ito. Mapagkumbaba nalang siyang ngumingiti sa mga kamag-anak ng mga magulang.

" Ikaw naman kasi,masyado mong ini-spoiled ang anak mong iyan. Mantakin mong pag-aralin ba sa Maynila kahit hirap naman kayo sa buhay!"

Narinig niyang sabi ng kaniyang tita,kapatid ng Tatay niya. Kausap nito ang Ama.

" Ang importante sa amin ngayon ay nakauwi na siya. At hindi namin pinagsisisihan na pinag-aral namin siya sa isang mamahaling unibersidad. Obligasyon namin iyon bilang kaniyang mga magulang," depensa naman ng kaniyang Ama.

" Oh,eh,may narating ba naman?" hirit pa rin ng tita niya na puno ng pekas ang mukha.

" Tama na nga iyan,Simang! Andito tayo para makipagsaya,ha? Huwag mong sirain," wika naman ng isa niyang Tito na wala ng ngipin sa harapang bahagi dahil sa katandaan.

Sinulyapan niya ang kaniyang Tita na sumambakol ang mukha. Natahimik naman ito ngunit wala namang lubay sa pag ngata ng litson.

Ngunit sa kalooban niya ay nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Tama naman kasi ang sinabi ng Tita niya. Pagkatapos ng pagsasakripisyo ng mga magulang ay heto siya. Walang narating.

Ngunit determinado siyang baguhin ang sarili. Patutunayan niya sa lahat ng nga taong umalipusta sa kaniya na kaya niyang magbago.Hindi lang para sa sarili kundi para sa anak na balang araw ay gusto niyang mabawi.

Kung sana ay noon pa niya ito naisip hindi niya sana dadanasin ang ganitong buhay. Kung nakinig lang sana siya sa payo ng mga magulang at kaibigan.Ngunit sadyang palaging nasa huli ang pagsisisi. Mga pangyayaring gusto nating balikan ngunit huli na ang lahat. Mananatiling alaala na lamang.

Bakit nga ba siya humantong sa ganitong sitwasyon? Bakit nga ba nauwi sa wala ang pagsasama nila ni Kyle?

Next chapter