webnovel

Crush

Blink! tunog ng celphone ni Blake. Kinuha niya iyon at agad napangiti ng makita kung sino ang nagtext. Dumapa ito sa higaan at nagreply agad sa nagtext.

"Kumusta? Ano gawa mo?" tanong ng nagtext.

"Wala naman, nakahiga lang. Napagod ako maglakad kanina eh." reply niya

"Ganun ba. May kopya ka ba ng tanong dun sa assignment natin sa Chemistry?" tanong nito. Napakunot ang noo niya

"Check ko." reply niya at saka bumangon at kinuha ang notes niya. Wala siyang notes. Napapikit siya at kumagat sa labi bago nagreply.

"Wala." reply niya ulit dito

"Sabi ko na eh." reply nito saka sunod niyang nareceive ang tanong sa assignment.

"Wag mo kalimutan gumawa ng assignment." dagdag pa nito. Napangiti siya.

"Yes baby." reply niya

"Baby my foot ha ha" reply nito

"Cge na tatapusin ko pa itong assignment ko." dagdag na text pa nito

"Okay, luv u." reply niya

"Luv u too." huling reply nito, nakangiti siyang tumihaya at niyakap ang unan.

"Hay Lyka." aniya at bumuntong-hininga. Tumitig siya sa puting kisame at nag isip. "Ano kaya gagawin mo kapag nalaman mong—" pumikit siya at huminga ng malalim saka muling tumitig sa kisame.

"Magagalit ka ba? Iiwas ka ba?" aniya.

Nangilid ang luha niya sa naiisip na posibleng lumayo si Lyka sa kanya. Hindi niya kakayanin kung bigla itong iiwas. Ayaw niya na masayang ang friendship nila. Pinahid niya ang luha sa mata at muling binasa ang message nito. Saka siya bumangon at nagtungo sa study table. Nilingon niya ang picture nila magkakaibigan sa frame na nasa mesa niya

"Ayoko mawala ka." aniya sa sarili habang tumutulo ang luha "Ayoko mawala kayo." dagdag pa niya saka pinahid ang luha at nag-umpisang gawin ang assignment.

Lumabas ng banyo si Stan habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok. Pumunta siya sa study table at tiningnan ang mga assignments na nandoon. Inilagay niya ang tuwalya sa hanger at isinabit iyon sa labas ng balkon ng kwarto niya. Bumalik siya sa study table at nag umpisa gawin ang assignment niya ng nag-ring ang phone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at napakunot ang noo.

"Hello?" sagot niya

"Pre, pwede dyan ako sa inyo gumawa ng assignment?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Bakit?" tanong niya

"Hindi ko kasi maintindihan tong assignment eh." sagot nito, ngumisi siya

"May bayad ang pagtuturo ko." aniyang pabiro

"Aw sige ano gusto mo Tilapia o Hito?" tanong nito, natawa siya

"Sige na, pumunta ka na dito bago pa ako matulog." aniya

"Talaga promise?" anito

"Wag na lang." aniya

"Aw sige na please." anito, tumawa siya

"Oo na pumunta ka na dito." aniya

"Okay buksan mo na yung gate." anito, nagulat siya ng bahagya

"Nasa labas ka na?" tanong niya

"Oo kanina pa bago ako tumawag sayo he he" sagot nito, napatayo siya at pumunta sa balkon, nakita nga niya ang kausap na nandun sa labas ng gate nakatayo, naka-suot ito ng stripe na T-Shirt at shorts. Kumaway ito ng makita siya. Ngumiti siya

"Sige sandali lang." aniya at pinatay na ang tawag at patakbong pumanaog sa hagdan at dali-daling tumakbo palabas para buksan ang gate. Pagbukas niya ay nakangiti sa kanya ang naghihintay.

"Hi." anito, ngumiti siya at binuksan ng malaki ang gate para makadaan ito.

"Pasok na." aniya, pumasok naman ito at nagpalinga-linga sa labas

"Ang ganda talaga ng bahay niyo." paghanga nitong sabi. Tumingin din siya sa kabuuan ng bahay nila sa labas at saka nakataas ang kilay niyang sinagot ito

"Architect si Mommy at Engineer si Dad. Kapag hindi nila ginandahan ang bahay ewan na lang di ba?" aniya sa tonong mayabang. Tiningnan siya ni nito mula ulo hanggang paa saka inilapit ang mukha sa kanya

"Eh di wow" anito na nakadilat ang mata, natawa siya

"Halika na sa loob." aya niya at umakbay na dito. Pagpasok nila sa loob ay nasalubong nila si Yaya Tising.

"Magandang gabi po." bati ng bisita

"Tammi."sagot nito "Magandang gabi din sa iyo." anito

"Uhm gagawa kami ng assignment dito sa sala. Pwede po ba pahanda ng makakain." malumanay na utos niya

"Sige po." sagot nito "sandali lamang." anito saka pumunta sa kusina. Namangha si Tammi,

"Wow, ikaw na ang may Yaya." anito saka inilagay ang mga dalang libro at notebook sa lamesita at naupo sa sahig na may carpet.

"Huy wag ka maupo jan sa sahig sa sofa ka maupo." saway niya

"Ha?" anito at tumingin sa sofa at sa carpet "Dito na lang mas komportable." anito at inumpisahan buksan ang mga notebook at libro.

"Malamig ang sahig." saway pa niya, tumingin ito sa kanya saka itinuro ang carpet kung san siya nauupo, natatawa siyang umiling

"Kunin ko lang mga notes ko." aniya, tumango lang ito pero hindi tumingin sa kanya. Pumanhik siya taas.

Pagpasok ng kwarto ay napasandal siya sa pinto. Napapikit at kinalma ang sarili saka kinuha ang mga notes, libro at laptop niya.

Nag umpisa na nga silang gumawa ng assignment. Hindi naman siya nahirapan turuan si Tammi kasi mabilis naman itong makakuha ng mga sinasabi niya. Maya-maya pumasok sa sala si Yaya Tising na may dalang Juice, chips at cookies na may nuts.

"Salamat po." ani Tammi sabay kuha ng cookies "Hmmm ang sarap." dagdag pa niya "Ano tawag dito sa cookies na to?" tanong nito sa kanya

"Cookie." pilosopo niyang sagot, napasimangot ito

"Ano nga?" pilit nito, ngumiti siya at nag-isip

"Fortune cookie." sagot niyang pabiro, namangha ito

"Wow ganito pala ang itsura at lasa ng fortune cookie." anito, ngumiti siya, gullible talaga to si Tammi

"Magwish ka para gumwapo ka." pang-uuto pa niya

"Gwapo na ako, pero iba na lang ang iwi-wish ko." anito sabay pikit at nagwish nga sa cookie. Humalakhak siya, nagtataka naman itong dumilat at tumingin sa kanya

"Naniwala ka talaga?" aniya, nalilito itong nagtanong sa kanya

"Bakit?" tanong nito iiling-iling siya habang tumatawa na kumuha na din ng cookies

"Naniwala ka talaga na Fortune Cookie to?" aniya na hindi mapigilan ang pagtawa

"Oo . Sabi mo eh." sagot nito ng walang preno

"Chocolate chip cookie to." aniya sa gitna ng pagtawa "Hindi ganito ang itsura ng fortune cookie." dagdag pa niya, halatang naasar si Tammi

"Ganun ba" anito pagkuway sumimangot "Akala ko pa naman matutupad ang wish ko." maktol nito tawa pa din siya ng tawa

"Bakit ano ba winish mo?" tanong niya, tumingin ito ng diretso sa kanya, unti-unting inilapit ang mukha nito sa kanya, nakiramdam siyang nakipagtitigan dito "Ano?" tanong niya sa gitna ng lakas ng kabog ng dibdib. Inilapit nito ang mukha sa tainga niya at bumulong

"Secret. Walang clue." anito at saka hinipan ang tainga niya. Tinulak naman niya ito at naiinis na natatawa dahil nakiliti siya sa ginawa nito. Tumawa ng tumawa si Tammi at pabiro siya nitong kinurot sa pisngi.

"Tapusin na natin 'tong assignment natin at inaantok na ako." aniya na hanggang ngayon ay sobra-sobra ang kaba at nanlalamig ang mga kamay. Tawa pa din ng tawa si Tammi.

9PM

Natapos na silang dalawa sa pag-gawa ng assignment at nagpapahinga na lang sa sala. Nag uusap ng kung ano-ano. Maya-maya pa ay nagpaalam na umuwi si Tammi. Inihatid niya ito hanggang sa labas ng gate.

"Salamat Pre." anito, tumango siya

"Ingat ka, baka habulin ka dyan ng aso." aniya, lumingon ito sa dadaanan niya

"Hindi yan." sagot nito "Alis na ako." paalam nito "Bukas na lang" dagdag pa, tumango siya at nagumpisa na itong maglakad paalis.

Hinatid niya ito ng tingin. Lumingon pa ito at kumaway. Kumaway din siya at ngumiti. Pagkuway pumasok na din siya. Pagdating niya sa loob ay inililigpit na ni Yaya Tising ang mga ginamit nila. Kinuha niya ang mga notebook, libro at laptop saka umakyat na sa itaas. Pagdating sa silid ay naupo siya sa kama. Nag-isip. Saka nilingon ang picture nila sa may study table niya. Napangiti siyang nahiga at tumitig sa kisame. Hinawakan ang dibdib na hanggang ngayon ay kumakaba.

Bahagyang nag-ingay ang gate ng bahay nila Tammi ng pumasok siya. Inabutan niya ang tatay niya na nakahiga sa upuan sa may maliit na balkon nila na nakaharap sa maliit na garden ng Nanay niya.

"Pa," aniya lumingon ito sa kanya "Hindi pa kayo matutulog?" tanong niya, bumangon ito.

"Nariyan ka na pala." sagot nito "Hinihintay kita at iyon ang bilin ng Mama mo." anito

"Ahh" aniya at tumango

"Ano natapos mo ba yung assignment mo?" tanong nito, tumango siya

"Opo, mas naintindihan ko na siya ngayon kaysa kanina." sagot niya, tumango ito

"Buti naman. Napakabait ng kaibigan mo." anito "Mahirap makahanap ng ganyang kaibigan." dugtong pa, ngumiti lang siya

"Sige na matulog ka na at matutulog na din ako." anito at pumasok na sa silid nila ng Mama niya. Isinara naman niya ang pinto at tumuloy na din sa silid niya. Nilapag niya ang mga gamit sa study table. Nahagip ng tingin niya ang picture nila magkakaibigan. Kinuha niya ito at pinagmasdan ng nakangiti.

"Kaibigan." aniya saka nilapag ang picture frame sa study table saka dumapa na sa higaan para matulog.

Next chapter