webnovel

WOUNDS

Third Person's P.O.V

Tila kasing lamig ng nagyeyelong kagubatan ang naging paglalakbay pabalik ng prinsesa at ng mortal habang tangan nito ang walang malay na katawang tao ng batang lobo. Napilitan silang bumalik upang gamutin na muna ang mga sugat ng bata sa kaniyang katawan. Minsanan nilang ginagamit ang kanilang bilis at minsanan naman ay normal silang naglalakad upang hindi sila mapagod nang husto.

Vreihya is crying silently while biting her lip in order to keep the sobs to herself. She felt guilt all over her mind because of what she had done. She felt the anger that Mino has for her dahil sa kaniyang ginawa. She doesn't have the courage to explain because she is drowning on her own thought.

Hours had passed and the Goddess was completely expose in the night sky. Even though she is sad and depress she made sure that the flowers on their way are glowing to be the light on their way. Pagkaraan ng ilang minuto pang lakaran ay matagumpay silang nakabalik sa tahanan ni Calix. It is still as cold and dead as how they left it earlier.

Walang imik silang pumasok doon at mabilisang inihiga ni Mino ang bata sa malaki at nag-iisang higaang kahoy. Tila impit na napaiyak ang bata kahit pa nakapikit pa ito nang maihiga na siya sa higaan. Mino is too worried at tila hindi niya alam ang gagawin upang malunasan ito. He doesn't want to talk to Vreihya dahil sa nasaksihan niya kanina.

All of the things that he had read on the old notebook ay nagsisimula na niyang pagdudahan. Is she really the kind of princess na nabasa niya sa kwaderno? How can she coldly hurt a child like that if she really is that kind of princess. Napansin ni Vreihya ang tila walang magagawa si Mino sa kalagayan ng bata kaya naman agad niyang kinuha sa lamesa ang botelya ng pulbura kanina.

She have no choice but to use it again. Nang akma na siyang lalapit sa bata ay agad na humarang sa kaniya si Mino na tila ba may balak siyang masama. "What are you planning to do?" malamig na turan nito. Vreihya doesn't have any time to explain. All she want to do ay ang makabawi.

"Move!" malamig din na turan nito sa tila paos na tinig dahil sa kaniyang pag-iyak. Ngunit lalong nagmatigas si Mino. Nawalan na ng pasensya ang prinsesa at gamit ang kaniyang lakas ay malakas niyang hinawi si Mino paalis at agad siyang napasalampak sa lamesa na siyang nagdulot ng malakas na ingay.

Vreihya quickly took off the thick cloth na ibinalot kanina ni Mino. Revealing the small body of the child with his torn and bloody shorts. "Don't touch him!" agad na singhal ni Mino at umakmang tatayo ngunit iniangat ng prinsesa ang kaniyang kamay at agad na may pumasok na malalaking nagyeyelong baging sa bintana. Mabilisan itong bumalot sa katawan ni Mino upang hindi siya makagalaw. She did that without even looking.

Mabilis niyang binuksan ang botelya at sa kaniyang kumpas ay may makapal na baging na may malaking dahon na may tubig ang lumapit sa kaniya. Tinaktak niya ang laman ng botelya at nag-usal ng dasal. Samantalang tila hindi nagugustuhan ni Mino ang kaniyang ginagawa. Hinalo ng prinsesa ang kulay lila na ngayong tubig gamit ang kaniyang hintuturo na panandaliang nagliwanag.

Agad niyang binuhat ang katawan ng bata at inilubog ito sa lilang tubig upang lahat ng bahagi nito ay lubusang mabalot ng gamot. Basang-basa ang katawan ng bata ng muli niya itong ibalik sa pagkakahiga. She prepared herself because this will hurt as hell.

Huminga siya nang malalim and she slowly spoke the spell. "AHHHH!" malakas niyang sigaw at tili dahil sa pagliwanag ng buong katawan ng bata ay ang unti-unting pagsakit ng kaniyang katawan. Agad siyang napatayo at marahas niyang hinubad ang kaniyang mahabang kasuotan at tapal sa mukha. Agad na nanlaki ang mga ni Mino habang nasasaksihan niya kung paano tila namamatay sa kakasigaw ang prinsesa.

She harshly threw the cloak and ripped her thick dress underneath to reveal a thin white dress. Halos kilabutan siya sa kaniyang nakikita kung paano unti-unting nagkukulay pula ang damit ng prinsesa dahil sa mga tumatagas na dugo. "AAAAAACK!" tila naghihingalo nitong sigaw habang hindi na niya alam kung anong parte ng kaniyang katawan ang kaniyang hahawakan.

Mas lalong kinilabutan si Mino dahil sa nakita niya ang malalim na sugat sa ilalim ng mata ni Vreihya na bigla na lamang sumulpot. Katulad nito ang sugat sa ilalim ng mata ng bata. Mas higit na napahiyaw ang prinsesa habang pinipilit niyang tumalikod kay Mino. Hindi na niya napigilan ang pagluha dahil sa naramdaman niya ang pagguhit ng mga latay sa kaniyang likuran. Mino saw it with his two eyes kung paano tila may sumulpot na malalim at mahabang latay sa likuran ng prinsesa.

Kasabay nito ay ang pagsulpot pa ng maliliit ngunit malalalim na latay na kasalukuyang nagdurugo. Tila gusto na lamang mamatay ng prinsesa dahil sa matinding sakit. She can feel all of the child's past and present scar. Patuloy na nagliliwanag ang katawan ng bata at patuloy na tila hinahampas ng libo-libong latigo ang katawan ng prinsesa.

Hindi na mapigilan ni Mino ang kagustuhan na aluin ang prinsesang tila nababaliw na sa impit na sigaw. Mabilis na nagpumiglas si Mino sa mga ugat ngunit hindi siya makaglaw. With all his might he prayed for the Goddess. "Lend me my powers again I can't bare seeing her suffer like that," desperado niyang usal at agad niyang naramdaman ang pag-init ng kaniyang mata at ang pagdaloy ng kuryente sa kaniyang katawan.

He felt the power and he used it to release electricity on his body na siyang tumusta sa mga baging na nasa kaniyang katawan. Vreihya vomited a lot of blood dahil sa naramdaman niya ang latay sa kaniyang leeg. She felt like she is drowning with her own blood. Maging ang kaniyang mga binti ay nakaramdam ng malalalim na mga sugat. She is looking like a bloody marry habang tila hindi na niya kakayanin pa ang tumayo nang matagal.

Patuloy niyang nararamdaman ang mga latay at sugat habang tila bumibigat na ang kaniyang manipis na kasuotan dahil sa mga dugo na kanina pa dumadaloy palabas sa kaniya. "FREAKING STOOOOP!" mangiyak-ngiyak na niyang sigaw habang nanlalabo na ang kaniyang paningin. She felt another set of fresh wounds in her left and right cheeks. Hindi na niya kinaya ang sakit and with that she lost balance.

Agad siyang sinalo ni Mino ngunit ininda niya din ito dahil sa kaniyang mga sugat. "You're bleeding as hell!" nag-aalalang saad ni Mino habang tila naliligo na sa dugo ang prinsesa. "A-Ayoko na! Please make this stop! Pakiusap Mino! Ayoko na!" umiiyak na pahayag ng prinsesa na siyang humahalo na sa kaniyang dugo.

"It will not heal fast just like earlier! Isang bampira ang may gawa ng mga sugat na ito kaya hindi ito gagaling kaagad!" humahagulgol niyang pahayag habang halos tila kinakalampag na ng kaba at takot si Mino. If only he knew that this would happen ay dapat hindi siya pumayag na hindi nanlaban kanina upang pigilin ang balak ng prinsesa.

"Dapat sinabi mo sa akin na ganito ang mangyayari! You're making me fucking worried!" agad na nitong singhal habang patuloy na nagdurugo ang prinsesa sa kaniyang mga bisig. Mas lalong natakot si Mino when another set of fresh blood escape from her mouth. Gusto niyang murahin ang kaniyang sarili dahil wala siyang magawa.

Tumigil na ang pagliwanag ng katawan ng bata na tanda na wala na lahat ng kaniyang sugat. Walang makikita na anumang bakas ng sugat at latay sa kaniyang katawan. His body looked liked a blank canvas kabaligtaran sa katawan ng prinsesa na halos lahat ng parte ay may latay at nagdurugong sugat.

Tumigil na ang paglitaw ng mga sugat sa kaniyang katawan yet she is still bleeding. "Tell me what to do! Freaking tell me!" desperadong sigaw ni Mino dahil tila nanghihingalo na ang prinsesa and he didn't mind the blood that are smearing on his cloak. "I need... I need... Blood!" tila bulong nitong pahayag habang nanlalabo na ang kaniyang paningin.

Her breathing became much slower while her heart begun to beat as ghostly as possible. Agad na marahan na inihiga ni Mino ang kaawa-awang katawan ng prinsesa sa sahig and he removed all the hindrance on his body upang makakagat siya nang maayos. He quickly knelt and laid her head on one of his knees at siya na mimo ang lumapit sa bibig ng naghihingalo ng prinsesa.

Agad siyang napapikit nang marahas when she felt her fangs and how she weakly drunk his blood. "Come on! Drink more!" utos niya sa prinsesa kahit pa tila nanginginig na ang tuhod niya sa sakit. "I won't let you die! Not on my watch!" agad nitong saad habang siya na mismo ang nagdidiin ng kaniyang leeg sa pangil ng prinsesa upang mas makainom ito nang maayos.

Ngunit halos gusto niyang magmura dahil tila nawalan na ng malay ang prinsesa and her bite loosen up. He closed his fist with desperation. Nakita niya kung paano mas lalong namutla ang prinsesa. "No! You will not leave me!" desperado niyang saad.

"I will never be left alone again!"

ตอนถัดไป