webnovel

KABANATA 17

"P-po?" Hindi alam ni Hera kung bakit bigla na lang siyang tinawag ni Bryle papunta sa kinaruruunan nito. Busy siya sa paglilinis at hindi man lang napansin ang presensiya nito kanina. Napalunok siya nang hindi nagsalita ang lalaki. Sa totoo lang ay nahihiya na siyang harapin ngayon si Bryle. Ito pa naman ang taong nag alok sa kaniya ng trabahong ito at nakakahiya ang nangyari kanina.

Kahit na hindi man sabihin ng lalaki ay alam ni Hera na may ideya ito kung ano ang nangyari kanina sa dining area. Ang mahabang lamesa kung saan siya nakapatong noon ay may mga kalat na pagkain at mga pinggan. Kung hindi ka naman siguro tanga ay magkakaideya ka talaga kung ano ang nangyari base lang doon. Dagdagan pa ang pulang-pula niyang mukha kanina at ang mukha ni Lucas na bitin na bitin.

Mukhang wala lang din naman ito sa lalaki at mukhang sanay na nga rin sa ugali ni Lucas na ganoon. Dapat ay hayaan na lang din niya iyon pero nahihiya pa rin talaga siya. Baka kung ano ang sabihin ni Bryle at mapalayas pa siya dito, total ito naman ang naghire sa kaniya. Napahinto na lang si Hera sa pag-iisip nang may mapagtanto.

Kaya ba ako pinapatawag nito ay dahil mapapalayas na ako dito dahil sa nangyari kanina?

Kinakabahang napalunok na lang si Hera. Hindi puwede. Hindi puwede na mawalan siya ng trabaho. Kung mangyari iyon ay saan na lang siya pupulutin. Wala pa siyang ipon, dahil ang pinakaunang sahod niya na natanggap niya ay binigay niya sa kaniyang Ina. Pero syempre ay hindi na niya uulitin ang katangahang iyon. Hindi pa nga siya nag tatagal dito at mapapatalsik na agad.

Palihim na pinagilitan niya ang kaniyang sarili. Kung hindi lang sana siya bumibigay sa mga halik at haplos kanina ni Lucas ay baka hindi ito mangyayari. Pero wala rin naman siyang magagawa dahil nangyari na iyon lahat at wala na siyang magagawa pa kung hindi tanggapin na lang ang katotohanan. Siguro ay dapat mag isip na siya ngayon kung saan muna siya pansamantala na titira dahil tiyak na hindi na siya welcome sa kanilang bahay dahil sa nangyari noong nakaraan.

Sobrang hirap pa naman makahanap ng trabaho sa panahon ngayon, lalo na sa katulad niya na hindi nakatapos ng pag-aaral. Kung hindi lang siguro sinakripisyo ng kaniyang Ina ang kaniyang pag-aaral para sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid ay siguro nakapagtapos na siya sa pag-aaral at may disenteng trabaho. Minsan tuloy ay hindi niya mapigilan mapaisip kung bakit palagi na lang ang mga panganay ang siyang nag s-sacrifice. Napaka unfair, syempre pero anong magagawa niya? Kailangan niyang magparaya para sa kaniyang mga kapatid.

"I have to tell something to you," seryosong wika ni Bryle. He crossed his legs and stared at her intensely. Nanuyo ang lalamunan ni Hera at mas lalong nagwala ang kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib. Parang sasabog na iyon sa sobrang lakas nang pagkabog. Gusto niyang hawakan ang kaniyang bandang dibdib at haplosin iyon dahil nahihirapan na siya sa paghinga pero hindi niya magalaw ang kaniyang katawan.

Ito na ba? Sasabihin na ba nito na matatanggal na siya?

"Y-yes po." Parang maiiyak na siya dahil sa kaniyang sitwasyon. Kaunti na lang at madudurog na talaga ang kaniyang puso. Napayuko na lang si Hera at pinigilan ang sarili na lumuha sa harap ng lalaki. Tumaas ang kilay ni Bryle nang mapansin siguro ang kaniyang inaasta.

"I know what you're thinking, but it's not that," he whispered with his face frowning. Natigilan si Hera dahil sa mga katagang binitawan ng lalaki. Napaangat ang kaniyang ulo at tiningnan ito sa mga mata kung nagsasabi na ito ng totoo. Umurong bigla ang kaniyang luha.

"P-po? Talaga?" Ang kaniyang boses ay puno ng pag-asa habang nag-aantay ng sagot mula kay Bryle. Nahahapong napahawak na lang ito sa sariling ulo at tumango.

"Yes, so seat here beside me and listen carefully to what I'll say–" Hindi pa man tapos ang lalaki sa pagsasalita ay mabilis na umupo si Hera sa tabi nito. Baka kapag pabagal- bagal siya ay magbago bigla ang isip nito. Tumaas ang gilid ng labi ni Bryle at aliw na napatitig sa kaniya. Nahihiyang mag-iwas lang siya ng tingin sa lalaki.

Sobrang guwapo nito ngumisi pero iwan niya ba, sa kaniyang mga mata kasi ay si Lucas lang ang pinakaguwapo–

Mabilis pa sa alas kuwatro na pinukpok niya ang kaniyang ulo nang dahil sa naisip. Gosh Hera! Bawal iyan! Bawal kang umibig sa boss mo!

Napailing-iling na lang si Bryle nang makita ang babae na pinupokpok ang sarili nito. Hindi na lang niya iyon pinansin at iniwan saglit ang babae para kunin ang kaniyang dala-dala kanina na iniwan niya sa living room. The reason why he was here is because he's delivering something for his friend, Lucas.

Dapat ay sa kaibigan niya ito ibibigay pero wala siyang tiwala sa lalaki pagdating sa bagay na ito. It's better if he'll leave all of this to Hera since she seems useful. Hindi lang halata sa mukha nito.

Sa lahat ng mga maids na hinire niya para sa kaibigan, ang babae lang ang nagtagal. It only shows that he can trust her with his friend's condition. Kaagad na kinuha niya ang medical briefcase at bumalik ulit sa kung saan niya iniwan ang babae.

Kaagad na tumayo si Hera nang makita ulit si Bryle. Kumunot ang kaniyang noo nang bumaba ang kaniyang tingin sa briefcase na dala-dala nito. Mas lalo siyang nalito nang may makitang red cross sa gitna ng briefcase.

Nang magkalapit na silang dalawa ay binigay ni Bryle sa kaniyang briefcase. Kahit na naguguluhan ay tinanggap na lang iyon ni Hera.

"That case contains medicine. As you know, Lucas has some rare disease due to his trauma. I can't tell all about it but when Lucas started losing himself, inject that medicine to him. He'll be fine." The man's words left her mouth hanging. Parang tumigil sa pag function ang kaniyang utak matapos marinig ang sinabi nito.

Kahit na naguguluhan ay may naiintindihan pa rin siya. Gusto niyang tanungin si Bryle kung bakit siya ang binibigyan nito ng ganito ka importanting trabaho pero walang kahit ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Umalis na lang si Bryle sa mansyon ay wala pa rin siya sa kaniyang sarili.

She's having a trouble understanding everything. Bukod sa naguguluhan siya ay hindi pa rin siya maka get over sa gulat. Kaya pala noong nakaraan ay nagwala ang kaniyang Amo at kinabukasan ay wala itong maalala. Just what kind of disease does he have? Didn't Bryle say it was his trauma who caused that disease? Is that even possible?

Nagpakawala ng malalim na hininga si Hera nang kahit anong isip niya ay wala pa ring pumapasok sa kaniyang isipan, kaya imbes na bugbugin ang sariling utak ay nagpasiya na lang siya na ituloy ang kaniyang paglilinis. Nang matapos na siya ay kaagad na lumapit siya sa upuan kung saan niya pansamantala na nilagay ang briefcase. Dahan-dahan na itinaas niya iyon.

Bago pa man tuluyan umalis kanina si Bryle ay sinabihan siya nito na kahit anong mangyari ay hindi niya raw hayaan na makita ni Lucas ang briefcase. Kaya para mangyari iyon ay kailangan na mag dahan-dahan siya. Ano na lang siguro ang mangyayari kapag nakita ng lalaki ang briefcase. Ayaw niyang isipin, baka aatakihin lang siya sa puso.

Sa totoo lang ay naguguluhan pa rin talaga siya at kaunti lang ang naiintindihan. Pero wala naman siyang magagawa kung ayaw sabihin ni Bryle sa kaniya ang totoo. Amo niya rin ito at dapat ay sundin niya ang utos nito na walang kahit ni isang sinasabi. Kaya imbes na palalimin pa ang kuryusidad sa kaniyang loob ay mas mabuti na ibaon na iyon kaysa sa lumaki pa iyon.

Matapos ang pag-uusap ni Bryle at ni Lucas ay hindi na niya nakita ang lalaki. Siguro ay nandoon ito sa silid nito o baka nasa ibang lugar. Hindi niya alam at wala siyang ideya. Buong araw ay hindi niya ito nakita kaya kampante siya. At dahil wala naman si Lucas sa mansyon at siya lang siguro mag-isa ay nagkulong si Hera sa kaniyang silid. Nilibang niya ang kaniyang sarili sa panunuod ng pelikula sa hindi gaano kalakihan na flatscreen na nasa kaniyang silid.

Bandang alas otso ng gabi nang makaramdam siya ng gutom. Hindi man lang niya napansin na gabi na pala at hindi man lang siya nakapag hapunan. Mabilis na pinatay niya ang tv at bumaba para kumuha ng pagkain. Kaunti lang ang ilaw na nakabukas kaya hindi gaano ka maliwanag ang paligid. It's only dim that makes her see her way towards the kitchen.

Para siyang magnanakaw na dahan-dahan ang kilos habang kumukuha siya ng pagkain. Iwan niya ba pero nasanay na ata siya na ganito sa tuwing kukuha siya ng pagkain sa gabi. Noong nasa bahay pa kasi siya ng kaniyang Ina ay ganito ang kaniyang ginagawa. Natatakot kasi siya na baka magising ang mga ito kapag hindi siya nag-iingat sa pagkuha ng pagkain.

May isang beses nga noong hindi niya sadyang napalakas ang pagkuha sa plato at naglikha ito ng ingay. Nagising ang kaniyang Ina noon at kaagad na pumunta sa kusina. Nang makita siya nito ay galit na galit ito. Sinubukan niyang ipaliwanag sa Ina na wala pa siyang kain pero sinabihan lang siya nito na selfish at malaki ang kain. Hindi na lang siya kumain sa gabing iyon sa takot na baka magising ang buong baryo dahil sa lakas ng boses ng kaniyang Ina.

Kinabukasan no'n ay kukuha na sana siya ng malamig na tubig nang mapansin na hindi niya mabuksan ang ref. Nagulantang na lang siya nang mapansin na may bagay pala na pumipigil para tuluyan niyang mabuksan iyon. Mas lalo siyang nanlumo nang makita na may lock din iyon. Simula noon ay hindi na siya nakakakain sa gabi kapag na l-late siya ng uwi.

Winaksi na lang niya ang kaniyang mga naaalala at naglakad na uli papunta sa kaniyang silid. Sakto naman na pagkatapak niya sa pangalawang palapag ay may narinig siyang mga daing at sigaw. Hirap na nilunok ni Hera ang bagay na bumabara sa kaniyang lalamunan nang mapansin na parang nangyari na ito noon.

"O-oh my gosh..." Muntik na niyang malaglag ang hawak-hawak na plato sa gulat. Those groans and screams as if they were being punished, it's the same as those groans from that night. Where her boss Lucas loses himself and almost do something to her.

Napatulala na lang siya at matatakot na sana nang bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan ang sinabi ni Bryle sa kaniya kanina. Nanlaki ang mga mata ni Hera at hindi na nagsayang pa ng oras at tumakbo papunta sa kaniyang silid. Kaagad na nilapag niya ang dalang pagkain sa lamesa at hinanap ang briefcase na binigay sa kaniya ni Bryle. Nang makita na niya ang briefcase ay dinala ni Hera iyon sa kaniyang dibdib at niyakap nang mahigpit.

Nagsimula ulit siyang maglakad papunta sa silid ng kaniyang Amo. Dahan-dahan ang kaniyang pagtapak at sinisigurado talaga na wala siyang kahit na anong ingay ang nililikha. Huminto na ang pagdaing at sigaw pero nagpatuloy pa rin siya. Nang makarating na siya roon ay dahan-dahan na sumilip siya sa nakaawang na pinto. Kumunot ang kaniyang noo nang hindi ito makita.

Dahan-dahan na binaba niya ang briefcase at napagpasiyahan na buksan ang pinto. Pumasok siya roon at napahinto ng makita na niya si Lucas. Nakahiga ito sa pinakadulo ng kama nito at walang damit sa katawan. Nakasuot lang ito ng boxers at iyon lang. Nakatakip ang braso sa mga mata at malalim ang bawat paghinga.

Hera let out a sigh and couldn't help but feel in relief. Akala niya ay magwawala na naman ang kaniyang Amo. Pero mukhang hindi naman pala.

Tumalikod na si Hera para umalis. Nagsayang lang siya ng oras para magpunta dito. Hinawakan niya ang seradura at pinihit iyon. Bago pa man tuluyan bumukas ang pinto ay marahas na napasarado iyon nang may kamay ang tumulak no'n.

Hera's whole body froze as Lucas' familiar intoxicating scent went to her nostrils. Nagsitayuan ang mga balahibo sa kaniyang katawan nang bumaba ang kamay ni Lucas at hinawakan ang kaniyang magkabilang balikat. He felt the man leaned closer to where her ear is ans whispered.

"Don't go." Hera swallows and doesn't know what to react.

"P-pero sir–"

"No buts, samahan mo muna ako dito." Hindi na siya nito hinayaang makapagsalita ulit at basta na lang siyang hinila papunta sa malaki nitong kama. Mas lalong nanuyo ang kaniyang lalamunan nang umupo ang lalaki sa pinaka dulo ng kama habang nakatayo siya sa harap nito.

Hera doesn't know why but she felt something weird.

"Don't be scared, we'll just talk." Hindi alam ni Hera kung bakit sobrang hirap paniwalaan na mag-uusap lang silang dalawa. Pakiramdam niya ay may mangyayari.

Next chapter