webnovel

KABANATA 5

Napatuptop siya sa kaniyang sariling labi at nanlaki ang mga mata na napatingin sa lalaki na may seryosong mukha na nakatingin sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang pintig ng kaniyang puso kasabay nang pangangatog ng kaniyang mga binti. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki nang hindi makayanan ang intensidad ng mga mata nito.

Ang berde nitong mga mata na sa tuwing tinitigan mo ay para bang hinihila ka nito pailalim. Maputla ang berde nitong mga mata na para bang nawalan ito ng kulay at buhay. Pero kahit ganoon ay pakiramdam ni Hera ay may kakaiba sa mga mata nito. Iba ang mata ng lalaki kumpara sa mga mata ng ibang tao na nakita niya noon. Para bang may madilim ito na nakaraan na pilit nitong tinatago.

"Where are you looking at? Look at me." Napahigit si Hera ng malalim na hininga nang hawakan ng lalaki ang kaniyang mukha at pinaharap. Ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kaniyang noo dahil sa kakaunting takot at kaba na kaniyang nararamdaman. Sumalubong sa kaniyang paningin ang nakakunot noong mukha ng lalaki.

"You're trembling," puna nito at pinasadahan ng tingin ang kaniyang katawan. Mas lalong nanginig ang kaniyang katawan at mabilis na nag-iwas ng tingin ulit. Mariin na pinikit niya ang kaniyang mga mata at winaksi ang imahe ng ano ng lalaki sa kaniyang isip.

Sobrang lapit ng lalaki sa kay Hera kaya kitang-kita niya ang bukol sa harap ng shorts nito. Kahit may suot na itong shorts ay bakat na bakat pa rin ito. Gusto nang magpalamon ng babae sa lupa at lumayo sa lalaki bago pa man siya makaisip ng kung ano. Ba't ba naman kasi ang laki sa punto na nakakaagaw na ito ng pansin?

Pilit na nilalabanan ng babae ang umuudyok sa kaniya na tingnan ang bakat nito. Nang mapansin ng lalaki ang ekspresyon ni Hera na tila nabasa nito ang iniisip ng babae ay napailing-iling na lang siya. Bumaba ang kaniyang tingin sa pang-ibabang parte ng kaniyang katawan kung saan ay bakat na bakat ang kaniyang pagkalalaki. Napabuntong hininga na lang siya at kaagad na lumayo sa nanginginig na si Hera.

Napaka inosente ng maganda nitong mukha at ngayon lang siya nakakita ng babae na parang hindi pa ito nakakita ng katawan ng lalaki sa buong buhay niya. Nasanay na kasi siya na sa tuwing may mga babaeng lumalapit sa kaniya ay kaagad na pinagnanasaan siya ng mga ito. It makes him sick and disgusted. But just remembering her curious brown eyes earlier while staring at his dick makes him wonder if all the girls are the same.

"Open your eyes, you can't just close your eyes forever," he muttered coldly and turned around. Dahan-dahan na minulat ni Hera ang kaniyang mga mata at napatingin sa likod ng lalaki. May kinuha itong ano sa pants nito na nasa ibabaw ng couch at humarap sa kaniya. Nagulat si Hera nang may bigla na lang itong ihagis sa kaniya.

Mabilis na sinalo iyon ng babae at tiningnan kong ano ang hinagis sa kaniya ng lalaki.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung ano 'yon. Isang makapal at kumpol na tig i-isang libo ang hinagis sa kaniya. Gulat na napatingin siya sa lalaki na tumalikod sa kaniya at naglakad paalis. Pero bago pa man ito tuluyang nawala sa kaniyang paningin ay huminto ito at nagsalita.

"That's your payment for this month. Bryle will call you later so don't be stiff." 'Yon lang ang sinabi ng lalaki at kaagad na itong umalis sa kaniyang harap. Nakatulala pa rin si Hera at hindi makapaniwala na matatanggap niya na agad ang kaniyang unang sahod sa pinakaunang araw niya.

Paki ramdam niya ay nananaginip lang siya. Pero nang sampalin niya ang sarili para malaman kung nanaginip lang ba siya ay hindi niya mapigilang mapangiwi dahil sa sakit. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at napatakip na lang ng kaniyang buong mukha.

Everything felt so unreal. Ito ang pinakaunang beses na nakahawak siya ng ganito ka laking pera. Hindi niya alam kong deserve ba niya but she'll do her best to be deserving. Nanginginig ang kaniyang kamay habang mahigpit na nakahawak sa pera. Kaya gagawin niya ang kaniyang best para mapanatili ang ka linisan ng mansion na ito.

Nang ma settle na niya ang kaniyang nararamdaman ay nagsimula na siyang maglinis sa buong living room na puno ng mga bubog at basag na bote. Sobrang bilis lumipas ng oras at hindi namalayan ni Hera na hapon na pala. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at napabaling sa malaking hagdanan kung saan umakyat kanina ang lalaking kaniyang amo.

Hindi pa rin ito bumaba at sa tingin niya ay natutulog pa rin. Hindi pa rin alam ni Hera kung ano ang pangalan ng lalaki pero sabi naman nito na tatawag daw si Sir Bryle mamaya kaya magtatanong na lang siya. Mabilis na tinali niya ang plastic bag kung saan nandoon ang hindi basag na mga bote at nilabas sa malaking bahay.

Malapit na mag alas sais at madilim na rin sa labas. May mga ilaw naman sa labas kaya hindi problema. Magkalayo ang mga bahay sa subdivision na ito kaya madilim talaga ang paligid kung ang isang bahay ay walang ilaw. Hindi na rin siya nagkaproblema sa pag bukas ng mga ilaw ay dahil na rin sa automatic na nag-oon ang mga ilaw at nag o-off. Nagulat talaga siya nang bigla na lang umilaw kanina. First time niyang makaranas ng ganoon at feel niya tuloy ay naging mayaman siya saglit.

Napailing-iling na lang si Hera sa naisip at napagpasyahan na umupo muna sa bench na nakita sa labas ng mansyon.

Magpapahinga muna siya dahil ilang oras ba siyang walang tigil na naglinis kanina? Kahit na mga basag na bote at mga nagkalat na gamit lang ang kaniyang dapat na linisin ay hindi siya naging kampante at nagsimulang mag mop ng sahig. At dahil nga napakalaki ng bahay na ito ay natagalan siya bago natapos.

Nagsimula siyang mag stretching at sa kalagitnaan ng kaniyang ginagawa ay bigla na lang tumunog ang kaniyang di pindot na cellphone. Mabilis na kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumawag. Kumabog ang kaniyang puso nang makita ang pangalan ni Sir Bryle.

"H-hello?"

"Miss Hera, how was your first day?" kaagad na bungad sa kaniya ng lalaki. Mahigpit na napakapit siya sa kaniyang damit at napalunok ng sariling laway.

"O-okay lang naman po. Medyo nagka problema lang kanina..." Tukoy niya doon sa nangyari kung saan ay napagkamalan siyang kung ano ng kaniyang magiging amo. Narinig ni Hera na tumawa ito sa kabilang linya. Ang mababa nitong tinig habang tumatawa ay napakasarap sa tainga.

"Oh that? I'm sorry. I didn't informed Lucas about it. I hope you don't mind," panghinging paumanhin nito at tumikhim. Bumilis ang pintig ng kaniyang puso nang marinig ang pangalan na binanggit ng lalaking nag-alok sa kaniya ng trabaho. Lucas? 'Yan ba ang pangalan ng lalaki?

Napalunok ulit siya nang paulit-ulit kasabay nang pagdaan ng kung anong emosyon sa kaniyang puso.

"O-okay lang naman po sa akin. B-basta po ay may trabaho na ako." Totoo naman talaga. Kaya niyang kalimutan ang nangyari kanina basta ang mahalaga ay ngayon ay may trabaho na siya sa wakas at may pa advance payment pa. Utang na loob niya ang lahat ng ito kay Sir Bryle kaya wala siyang karapatang magalit sa lalaki.

"It's good to hear that then." Napangiti siya at kahit na hindi naman nakikita ng lalaki.

"By the way po, puwede po bang

magtanong?" untag ni Hera at napakagat pa ng pang-ibabang labi dahil sa nahihiya ito.

"Yes, sure. What is it?"

"May mga kasama pa po ba akong dadating?" Natahimik ang kabilang linya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Kumabog ang kaniyang puso dahil sa kaba na baka ay na o-offend niya ang lalaki dahil sa kaniyang tanong.

"No, you're the only maid on that house," seryosong sagot sa kaniya ng lalaki. Natigilan si Hera matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Para ata siyang na semento sa kaniyang kinauupuan dahil hindi siya makagalaw. Tumikhim ulit si Sir Bryle bago nagpatuloy.

"That's why the payment was given to you on your first day. The payment is not that big, but you can request a raise from Lucas. He'll give it to you. His full name is Lucas Whitfield by the way. If you're having a hard time cleaning by yourself, you can tell me right away so we can talk things out." Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Akala niya ay may kasama siya, pero wala pala.

Napalunok na lang siya ng bumabara sa kaniyang lalamunan at hindi makapagsalita. Sa totoo lang ay okay lang sa kaniya kung siya lang mag-isa maglilinis. Dahil sanay naman siya na ganoon at isa pa ay makakaya naman niya. Napalaki ng sahod at kung hindi siya tutuloy ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin. Ang sahod sa pagiging maid sa mansyong ito ay buong sahod siguro niya sa limang taong nagtratrabaho siya bilang waitress.

Pero kasi ay natatakot siya sa kaniyang magiging amo. His name is Lucas Whitfield right? Pamilyar ang apelyido nito at parang narinig niya na ito kung saan. Pero magrereklamo pa ba siya? Binigay na sa kaniya ang advance payment. Ayaw na niyang mag back out pa.

"So you'll accept the job right? I expect yes, Miss Hera." Napalunok siya nang paulit-ulit bago binuka ang mga labi para sumagot.

"Yes, tinatanggap ko po..."

Nang wala nang makitang gagawin si Hera ay kaagad na naglakad na siya papunta sa kaniyang magiging silid. Kahit na sanay na siya sa gawaing bahay ay hindi pa rin niya mapigilan na makaramdam ng pagod at sakit lalo na sa kaniyang likod at balakang dahil palagi siyang yumuyuko.

Nang makarating siya sa tapat ng pinto ng kaniyang silid ay kaagad na binuksan niya iyon. Sumalubong sa kaniya ang isang malaking silid. Walang kahit ni isang mga gamit doon maliban na lang si may kalakihang kama, isang kabinet at isang study table. Ang kaniyang silid ay nasa pangalawang palapag din kagaya ng sa silid ng kaniyang amo na si Lucas.

Kaagad na pumasok si Hera at lumapit sa kabinet. Umupo siya sa malamig na sahig at binuksan iyon. Nagsimula siyang ilagay ang kaniyang mga damit doon at ibang kagamitan. Sa gitna ng kaniyang ginagawa ay napatigil siya nang makita sa kaniyang bag ang litrato ng kaniyang pamilya.

Nakangiti ang kaniyang dalawang nakakabatang kapatid kagaya ng kaniyang Step father at Ina. Habang siya ay malungkot ang ekspresyon sa likod ng mga ito. Nakaupo ang apat habang siya ay nasa likod at nakatayo. Kung sino man ang makakakita sa litratong ito ay siguro ay iisipin nila na isa siyang kasambahay o outcast sa pamilya.

Pero kahit na ganoon ay masaya na siya dahil napasali siya sa picture taking. Sa totoo lang ay ang kaniyang dalawang kapatid lang dapat pero dahil pinilit niya ang kaniyang Ina at naawa siguro ay napilitan ito na isama siya. Kaya lang ay nasa likod siya ng mga ito na para bang anak siya sa labas.

Ito lang ang nag-iisang litrato na meron siya sa kaniyang sarili at kasama ang mga ito. Masaya na siya kahit na ganito lang.

At dahil may pa advance payment na siya sa kaniyang trabaho ay plano niyang ibigay lahat ng 'yon sa kaniyang Ina. Para naman ay sumaya ito at maging proud sa kaniya kahit na isang segundo lang.

Napabuntong hininga na lang siya at mabilis na tinapos ang ginagawa. Mabilis na naglinis siya ng kaniyang katawan sa CR at kaagad na humiga sa malambot na kama. Kinuha niya ang dipindot niyang cellphone na pinaglumaan na ng panahon. Kaagad na hinanap niya ang phone number ng kaniyang Ina at dinial ito.

Makalipas ang ilang ring ay wala pa ring sumasagot. Sumakit na naman ang kaniyang puso kaya napabuntong hininga na lang siya sa sakit. Nilagay niya ang dipindot na cellphone sa kaniyang tabi at pinikit ang mga mata.

Sana naman ay maganda ang gising ko bukas at sa boss ko na si Lucas.

That's her last thought before darkness pulled her inside the endless void of darkness.

Next chapter