webnovel

TEAM CAPTAIN

Naikuyom ni Zachary ang kaniyang palad habang nakatingin kay Samarra na naglalakad palayo sa parking. Kita niya mula sa kaniyang puwesto kung papaano salubungin ni Jameson si Samarra. Naniningkit ang kaniyang mata ng kunin pa ni Jameson ang bag na hawak ni Samarra. Damn! He's getting on my nerves. I'm fucking jealous. Dapat ako 'yong kasama niya.

Napahilamos si Zachary ng kaniyang mukha bago napagpasyahan niyang lumabas ng sasakyan. Mabibilis ang ginawang paghakbang ni Zachary para makahabol kanila Samarra.

"Ara." Sabay pang huminto at napalingon sa kaniya sina Jameson at Samarra. Damn! What a Monday morning?

"Mr. Buenavista, may kailangan ka?"

Lalong nakaramdam ng inis si Zachary dahil mukhang paninindigan ata ni Samarra ang usapan nila. At ayaw na niya ng ganoon. Dahil pakiramdam niya nagkakaroon ng pagkakataon si Jameson na mapalapit nang husto sa kaniyang asawa. Kita niya kung papaano ngumisi at namulsa si Jameson. Mas lalo siyang nakakaramdam ng yamot at pagkainis.

"You didn't know, Mrs. Buenavista?" ganting tanong ni Zachary na may diin. Kaya kita niya kung papaano nataranta si Samarra na lumingon-lingon sa paligid habang si Jameson naman ay mataman lang na nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi mawari ni Zachary kung ano ang iniisip ni Jameson.

Inisang hakbang lang ni Zachary ang pagitan nila ni Samarra at hinaklit ito sa braso. Kita niya sa magandang mukha nito na nagulat sa ginawa niya.

"Did you wear a cycling?" Nagsalubong ang kilay ni Zachary nang umiling si Samarra. Agad niyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang talampakan si Samarra. Ngayon lang napagtanto ni Zachary na masyadong hapit ang suot nitong pencil-cut na skirt. Hukab at kurba sa balakang nito. Dati naman ay hindi siya ganito kay Claudel, mas gusto nga niya na sexy ito dahil pakiramdam niya ay napakasuwerte niya. Dahil sa dinami-dami na nanligaw kay Claudel ay siya lang ang sinagot nito. Pero ewan niya kung bakit pagdating kay Samarra gustong-gusto niyang ipagdamot ito sa lahat. Kung maaari nga lang na ikulong niya ito sa bahay ay ginawa na niya.

"Zach, can you please stop doing that." Pigil ni Samarra ng akma niyang hubarin ang jacket na sout para itali sa baywang nito.

"What? Gusto mo bang ipag-" hindi na natapos ni Zachary ang sasabihin ng kinuha ni Samarra ang jacket niya at ito na mismo ang nagtali sa baywang.

"Okay na? Happy? Let's go, Jameson." Naiwan si Zachary na tulala sa pagkakatayo. Napakamot na lang siya ng batok habang nakatingin sa likuran ni Samarra. At pagkuwan ay sumunod na rin siya sa dalawa dahil same sila ng subject ngayon.

Habang nasa klase ay panaka-nakang sinusulyapan ni Zachary si Samarra. Hindi ito lumilingon man lang sa gawi niya. Iniisip niya kung may mali ba sa ginawa niya?

Walang mali sa ginawa mo Zach, pinoprotektahan mo lang kung ano ang pag-aari mo, ani ng isang bahagi sa isip niya.

Yes, I know, walang mali sa ginawa ko, pagsang-ayon niya pa sa isip niya.

"Hey, Zach." Agad na napakunot-noo si Zachary nang makita niya kung papaano ngumisi si Enzo sa kaniya. 'Yong tingin na may gagawin na naman na kalokohan.

"What?" Tumawa lang si Enzo at tinapik siya sa balikat.

"Bakit 'yong jacket mo na kay Super B?"

"Tsk, not now Enzo." Kahit kailan wala talagang alam gawin si Enzo kundi ang mang-inis. Naiiling si Zachary at itinuon ang tingin sa harapan.

"Class dismissed." Agad na dinampot ni Samarra ang bag pagkuwan ay tumayo para hayunin ang pintuan palabas.

As usual lumabas si Samarra ng hindi lumilingon sa loob ng classroom dahil alam niya na may susunod sa kaniya.

"Summer!" Huminto si Samarra sa paglalakad at gumilid para antayin ang babaing nagtatakbo para mahabol siya.

"Beshy, hindi ka talaga marunong mag-aya." Nangingiti at naiiling na hinimas niya ang likod ni Jazz. All of people ito lang nakakagawa sa kaniya na magreklamo samantalang wala naman siyang sinabi na tumakbo ito at humabol. Dahil kung tutuusin ay maaari naman itong maglakad nang mabilis.

"Ang ganda mo?" Agad na napahinto si Samarra sa paghimas sa likod ni Jazz kita niya kung papaano ito natigilan habang nakatingin sa kaniya.

"What?" Umiling si Jazz at pagkuwan ay tumawa nang malakas.

"Beshy, maganda ka talaga at s'yempre pareho tayo. Ano ka ba?" Maang na napatingin na lang si Samarra sa kaharap na nagpapaypay gamit ang dalawang kamay nito.

"Let's go," pag-aaya ni Jameson nang makalapit sa kanila. Ngumiti na lang si Samarra nang humawak sa kamay niya si Jazz. Ganito si Jazz sa kaniya marahil nakasanayan nito na maging sweet sa lahat ng tao. Kaya kahit naiilang siya ay hindi na lang niya pinansin 'yon.

Habang naglalakad ay may humarang sa dinadaanan nila kaya napaangat ng tingin si Samarra. Napakunot-noo pa siya nang makita niyang tila walang balak na umalis sa harapan niya.

"Excuse me?" ani ni Samarra habang nakatingin sa lalaki mali hindi pala basta lalaki kundi mga lalaki. Matatangkad at may mga itsura naman pero kung ikukumpara niya ang mga ito sa asawa niya ay walang-wala ang mga ito. Zachary is as bright as the moon. You can see it from afar, but you can't touch it.

"I'm Wesley Hughes, the team captain. Remember sa MK?" Nakangiting pagpapakilala ng kaharap niyang lalaki na ikinasingkit pa ng mata ni Samarra dahil naglahad pa ito ng kamay para iabot sa kaniya.

"So?"

"Don't you remember me?"

"Why? Do I need to know you?" Imbes na mainis ang kaharap niya sa ginawa niyang pagtataray ay tumawa lang ito at kinuha ang isang kamay niya para ito mismo ang makipagkamay sa ini-o-offer nitong palad.

"Hindi naman p-" Hindi na natapos ng kaharap niya ang sasabihin nang sumingit si Jameson sa kanilang usapan.

"Excuse me. Kung wala kayong mga klase baka maaari niyo na lang kami paraanin kasi may second class pa kami."

"Siya ba 'yong asawa mo na tinutukoy mo?" Napaayos nang tayo si Samarra sa tanong ng kaharap. Iniisip niya kung saan at kailan niya ba ito nakita.

"Beshy, may asawa ka na? Mag-asawa kayo ni Jameson?" tanong ni Jazz sa kaniya na tila nagulat pa sa nalaman.

"Yes, I'm married and no. Dahil hindi si Jameson ang asawa ko." Iniangat ni Samarra ang kamay kung saan nakasuot ang kaniyang wedding ring para makita ni Jazz at pagkuwan ay tumingin sa kaharap.

"Now, will you please excuse us? We're in hurry?" binigyan ng diin ni Samarra ang 'hurry' baka sakaling matinag ang kausap niya at bigyan sila ng daan. Dahil pansin na niya na nakaka-agaw na sila ng atensyon ng iba. Halos lahat ata nakatingin na sila 'yong iba kinikilig at 'yong iba ay masama ang tingin.

Nakipagtitigan si Samarra sa kaharap at pagkuwan ay binigyan naman siya ng daan nito, kaya naman nagsimula na siyang maglakad palampas dito.

"Not so fast."

Mula sa mukha ng kaharap ay bumaba ang tingin niya sa kamay nito na nakahawak sa braso niya. Huminga muna siya nang malalim at pagkuwan ay tumingin sa kaharap.

"Mr. Whatever your name is. Please don't bother me and stop pestering me." Hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya at pilit na inaalis ngunit sadyang hindi nito binibitawan ang braso niya.

"I have a name remember? Wes-" hindi na nito natapos ang sasabihin nang piniga ni Jameson ang kamay nito na nakahawak sa kaniya. Tila lahat nang pagtitimpi ni Jameson ay naubos na.

"Fuck!" Kita ni Samarra na namula ang kaharap niya na tila ininda nito ang pagpiga ni Jameson sa kamay nito.

"Respect. Kung ayaw kang kausap ng babae," ani ni Jameson at mabilis na kumuha ng alcohol sa bulsa nito para i-spray sa kaniyang braso kung saan siya nahawakan.

"At sino ka para-"

"I'm nobody pero hindi mo gugustuhin maka-away."

'Yon lang at mabilis na hinila ni Jameson si Jazz na tulala pa rin sa nangyayari. Habang naglalakad papalayo si Samarra ay hindi na niya nakita si Zachary na nakatingin sa kaniya.

ตอนถัดไป