webnovel

ASKING DATE

Mula sa kinauupuan ni Zachary malaya niyang pinagmasdan si Samarra. Simula kanina pa hindi na ito umiimik at busy sa pagbabasa at pag-take down notes. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya. Dahil kung gaano ka-busy si Samarra. Siya ito nakaupo at walang ginagawa. Ngayon lang siya nakaramdam ng panliliit sa sarili. Hindi naman niya aakalain na nagtra-trabaho na ito sa kompanya ng kaniyang ama. At isa pa, hindi rin niya maiwasan magtaka bakit binigyan si Samarra ng higher position gayun, nag-aaral pa ito. Ganoon ba kagaling si Samarra para ipagkatiwala ang mataas na position. Napabuntong-hininga siya at kumuha ng isang magazine para libangin ang sarili. Nang nasa sports section na ang kaniyang binabasa. Ganoon na lang ang pagsinghap niya sa nakita. Hindi siya maaaring magkamali. Mula sa buhok, tindig at porma ng katawan ay parang si Samarra. Bagama't natatakpan ng malaki shades at bull cap na black. Pero malakas ang kutob niyang si Samarra ang babae sa litrato. Ilang beses niya pinalipat-lipat ang tingin sa magazine at sa babaing nakaupo sa kaniyang harap. Damn! He has a strong suspicion that Samarra and the car racing queen are the same person.

Kanina pa pinagmamasdan ni Samarra si Zachary na panay ang tingin nito sa kaniyang gawi at sa magazine na hawak nito. Tsk, problema na naman ng isang 'to? Napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Nang makaramdam si Samarra na nangalay ang kaniyang balikat. Hinawakan at pinisil niya 'yon. Pumikit siya at marahan na may kasamang diin ang ginawa niyang paghilot doon.

"What?" hindi maiwasan na tanong ni Samarra nang mapansin niya si Zachary na hindi mapakali sa kinauupuan. Panaka-naka siyang sinusulyapan nito na tila may gustong sabihin.

"Hmm, buti naman naalala mong magsalita.' Napangisi si Samarra sa litanya ni Zachary kaya tumayo siya at naglakad palapit sa kinauupuan nito. Sabi na nga niya, maiinip ito sa pagsama sa kaniya. Hindi naman niya kasi alam bakit gusto pa nitong sumama sa kaniya.

"After my meeting. Let's go out," aniya nang tumabi siya kay Zachary, agad nagkasalubong ang kanilang tingin. Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Tila bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Oh, my wife asking for a date. Hmm." Napapikit siya nang hagkan ni Zachary ang kaniyang noo. Napangiti siya. Date? Hindi niya aakalain iisipin nito na date ang ibig niyang sabihin. Ang kaniyang ngiti ay unti-unting nawala. Ano bang ginagawa sa date? OMG! First time niyang makipag-date.

"If you believe it is a date, then it is a date." Pagsang-ayon niya at awtomatikong niyakap niya ang katawan ni Zachary. Ramdam niya na napakislot ito sa ginawa niya. Biglang nakaramdam ng kaunting hiya si Samarra kaya nang akma niyang tatanggalin mas lalo siyang hinapit ni Zachary at hinalikan siya sa ulo.

"Let's stay for a while." Napangiti siya at humilig sa dibdib ni Zachary. Sa nagdaan na mga araw at buwan naging komportable siya kay Zachary. Aminin man niya o hindi may bahagi sa puso niya na natutuwa kapag nagiging ganito sila kalapit ni Zachary.

"Miel, have you-" Sabay silang napalingon ni Zachary sa pinto kung saan nakatayo si Ezekiel. Tila hindi ito makapaniwala dahil ilang beses muna ito kumurap bago lumunok. Mabilis na lalayo sana si Samarra ngunit hinapit siya ni Zachary sa baywang palapit. Sabay silang tumayo at hinarap si Ezekiel.

"Oh, Bro! What's up?" ani ni Ezekiel kay Zachary nang makalapit sa kanila. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila at sa kamay ni Zachary kung saan nasa baywang niya.

"I'm good. Kuya." Tumango-tango si Ezekiel at naglakad palapit nang husto sa kanila. Ang tingin nito ay hindi inaalis sa mukha ni Samarra

"Buti naman at naisipan mong pumasyal,"

"Nah, sinamahan ko talaga si Ara at aalis rin kami after nang meeting niya. We have a date." Tumango-tango si Ezekiel at ibinaling niya ng tingin kay Samarra na kasalukuyan nakayuko.

"Miel, have you read the yellow folder?" Agad na tumango si Samarra sa tinatanong ni Ezekiel. Regarding 'yon sa sales ng kompanya.

"Yeah, I finish already."

"Okay, let's go then." Nagpatiuna nang naglakad sa kanila si Ezekiel. Palabas ng kaniyang opisina. Nang makalabas si Ezekiel saka lang nakakilos si Samarra. Agad siyang kumawala sa pagkakahawak ni Zachary sa kaniyang baywang. Umupo siya sa table at pinindot ang intercom.

"Jameson, come here." Wala pang isang minuto ay agad na pumasok na may mga bitbit na folder. Yumuko ito at lumapit sa kinauupuan niya.

"Lady Summer, na-ready ko na po lahat at pinapasunod na rin tayo ni Sir Ezekiel." Tumango si Samarra at binalingan ng tingin si Zachary.

"Come with us." Napalunok si Zachary sa sinabi ni Samarra. Nakaramdam siya ng kaba dahil first time niyang a-attend ng board meeting. Hindi naman siya sanay sa ganoong uri ng pagtitipon. Dahil simula't sapol never naman siyang nakisali or nangialam sa pagpapatakbo ng kompanya.

"Cadden." Ipinilig ni Zachary ang kaniyang ulo nang tapikin siya ni Samarra sa balikat. Alanganin siyang ngumiti.

"It's okay. I will wait here. Kung nag-aalala ka-"

"Hindi ako nag-aalala sa'yo. Gusto ko nandoon ka sa meeting. Makinig ka at para naman alam mo kung ano ang nangyayari sa kompanya ng pamilya mo."

Tanging buntong-hininga na lang nagawa ni Zachary nang hilain na siya ni Samarra palabas ng opisina nito. Alam niyang alam ni Samarra na nanginginig ang kamay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan isama pa siya ni Samarra. He can wait here. At isa pa baka mabagot pa siya.

"Are you nervous?" Napansin siguro ni Samarra ang panlalamig ng kaniyang kamay. Ramdam niya rin na mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniya. Tumingin siya at bahagyang ngumiti.

"I'm no-" Naputol ang sasabihin niya nang huminto si Samarra sa paglalakad at pumunta sa harapan niya. Nanigas ang kaniyang katawan nang bigla siyang yakapin ni Samarra sa baywang.

"What are you doing,"

"I'm not sure if it helps to make you feel better." Ngumiti siya at niyakap niya pabalik si Samarra. Nasa ganoong ayos sila nang may nagsalita sa likuran.

"Ms. O' Harra?" bulaslas nito at tila bang hindi makapaniwala.

"Oh, Mr. Ventura." Napatingin si Zachary nang biglang sumeryoso ang mukha ni Samarra at hinawakan ang kaniyang kamay. Palipat-lipat ang tingin niya kay Xander Ventura at kay Samarra. What the hell! What's going on? Hindi siya tanga. Alam niya na may gusto si Xander sa asawa niya, based sa klase ng tingin nito. Kilala niya si Xander dahil kaibigan ito ng kaniyang Kuya Zeke. At ang ama nito na si Alex Ventura ay kanilang supplier ng alak.

"You're with Zachary?" tanong ni Xander.

"Yeah, I'm with my husband." At yumakap si Samarra kay Zachary na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"You with what?" Bakas sa mukha ni Xander ang pagkagulat at tila bang hindi makapaniwala sa sinabi ni Samarra.

Tumingala si Samarra at kinuha ang kamay ni Zachary at itinaas kung saan makikita ang singsing nila na palatandaan na kasal na sila.

"Were married. Mauna na kami sa loob Mr. Ventura." Ngumiti si Samarra at bago tinalikuran ang natutulalang si Xander. Hindi na pinansin ni Zachary ito kahit na gusto na niyang bigwasan ito. At hindi niya alam pero umaapaw ang kaniyang puso sa saya dahil hindi siya ikinaila ni Samarra. Masarap pala sa pakiramdam ang ganoon. 'Yong proud ito at ipinakilala siya sa lahat ng tao.

Pagkapasok pa lang nila natigil ang ibang naroon maski ang kaniyang ama na si Daddy Calvin tila hindi makapaniwala na naroon siya sa conference room, kasama ni Samarra.

"Son." Bagamat nagulat ay agad naman nakabawi si Daddy Calvin nang lumapit sila ni Samarra. agad siyang nagmano at yumakap naman si Samarra sa kaniyang ama, bago sila umupo sa gilid kung saan naroon ang ibang board of director ng kompanya.

"He's with me Dad. And after this aalis din po kami ni Cadden may date po kami." Agad na ngumiti si Daddy Calvin at tumango sa kanila, tanda ng pagpayag nito.

Naghintay pa sila ng ilang minuto bago mag-umpisa ang meeting ang buong akala ni Samarra ay sila na lang ang hinihintay. 'Yon pala ang mahuhuli ay si Ezekiel pa. Pagkapasok pa lang nito sa loob ay dire-diretso lang ito umupo na katapat ng kaniyang upuan. Ramdam niyang na hindi maganda ang mood nito. Kung ano ang dahilan ay hindi niya alam.

Next chapter