Pagpasok pa lang si Zachary sa dining area, kita niyang abalang-abala ang kanilang kawaksi sa pag-aayos. Nagkibit-balikat na lang siya habang patungo sa kitchen, malayo palang siya amoy na ang mabangong pagkain. Inamoy-amoy niya habang naglalakad papasok sa loob ng kitchen para tingnan kung ano ang niluluto.
Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang makita ang kanilang mayordoma na si Nana Cora na abala sa pagbibigay instruction sa iba pa nilang kawaksi sa kitchen.
"Nana, anong okasyon? At ano po ang ginagawa niyo? 'Di ba? Pinagsabihan ka ni Dad na hindi ka na p'wedeng magkikilos," takang tanong ni Zachary.
Para na niya ito Lola dahil ito ang nag-alaga sa kaniya simula bata. Kahit ang ama niya ay tinuturing itong pangalawang ina.
"Nakoww! Ikaw na bata ka, 'wag mo na nga akong pagsabihan. Malakas pa ini. Teka lang. Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo," pagtatanong ni Nana Cora.
"Nana, sinamahan ko pa kasi si Claudel sa kaniyang photoshoot. Alam mo naman Nana, 'pag 'di ko sinamahan aawayin ako." Inakbayan niya si Nana Cora at iginiya niya sa isang upuan.
"Koww! Ikaw na bata ka! Hala sige! Magpunta ka na sa magulang mo. Nasa study room sila at kanina ka pa nila hinihintay pero mag-iingat ka, huh?! Medyo mainit ang ulo ng Daddy mo," pagbibigay babala ni Nana Cora.
What's new? Lagi naman galit ang Daddy niya. Lagi rin naman mainit ang ulo nito sa kaniya. Tsk. Kibit-balikat siyang naglakad patungo sa study room.
Napabuntong-hininga na lang siya habang nasa tapat ng pinto. Hindi niya alam kung kakatok ba siya o hindi. Dahil sa tuwing ipapatawag siya sa study room ng kaniyang ama. Alam niya may nagawa siyang kasalanan. Fuck! Iniisip niya kung ano ba ang nagawa niyang mali ngayon? Pero, wala naman siyang maisip.
Mahina siyang kumatok sa pintuan at nang makarinig siya ng sagot mula sa loob. Ay, agad niyang pinihit ang seradura papasok. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Habang naglalakad papasok sa loob. Kitang-kita niya, sa mukha ng kaniyang ama na napakaseryoso ng aura nito, habang nakaupo. Ang kilay nito ay magkasalubong. Walang kangiti-ngiti habang nakatingin sa kaniya. Napalunok siya. Hindi niya alam kung tutuloy ba siyang maglakad o mananatiling nakatayo.
"Son, I miss you," ani ng Mommy Lorraine at yumakap sa kaniya ng mahigpit. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito.
Napangiti siya. "I miss you more, Mom." Hinalikan niya ang noo ng kaniyang ina.
"Your Dad, just wants to talk to you, regarding your financial statement," bulong ng kaniyang Mommy Lorraine. Napalunok siya nang wala sa oras at bigla siyang pinagpawisan.
Ohh, man!! I'm dead! I knew it.
"Sit down."
Tumayo ito sa swivel chair at naglakad palapit sa kaniya. Sa edad na fifty-five ni Calvin Buenavista ay hindi maipagkakaila na taglay pa rin ang kagandahang lalake at matikas na pangangatawan. Galit ang na itinuro nito ang mga envelop na nakapatong sa table.
"Do you see those envelopes?? Open it."
So he opened it right away; these were credit card bills and bank statements of his savings, which had no longer reached one hundred thousand.
"Dad, I'm-?"
"Damn it! Zach. Are you wasting your money? Everything you spend, we struggle to earn that. Even a cent, I hope you think about it before you spend it." Napahilot pa ito ng sentido.
Shoot, my father was angry very good Zach, good job. Katapusan mo na ngayon.
"From now on. Papasok ka na sa hotel. Lahat ng gagastusin mo, paghihirapan mo. Naiintidihan mo ba ako? Hindi ka tumulad sa Kuya mo, bata pa lang may sarili ng negosyo."
"Son, we heard that Claudel is your girlfriend, is that true?" mahinahon na tanong ni Mommy Lorraine.
"Yes, Mom."
Napabuntong-hininga si Mommy Lorraine. The disappointment was written all over her face.
"Is it also true? That you spend money on her travel and hotels?"
Napayuko siya. "Is it wrong to spend money on the person you love??" mahinang niyang tanong sa kaniyang ina. Hindi niya maintindihan kung ano ang mali sa kaniyang ginagawa. Eh, pera naman niya 'yon.
"Look, there's nothing wrong with spending money on the person you love; our point is, what if you don't have money? Will she still love you?" mahinahon na paliwanag ni Mom.
Bahagya siyang napaisip, paano nga 'pag wala na siyang pera o hindi siya isang Buenavista. Mananatili kaya si Claudel para sa kaniya. Claudel Margaret Reyes is a famous student at our university, the woman he wants to marry and the woman he wants to be in life.
"Break up with her because you're about to marry the daughter of your mother's best friend," sabat ni Daddy Calvin.
"What? Dad. Bakit pati ako sinasali niyo sa arranged marriage na 'yan? Wala na ba akong karapatang mamili ng taong gusto kong makasama sa buhay?" apila niya.
"Yes, our decision is final. We have already talked to them at aantayin lang makapag-debut si Samarra." Naglakad na ito palabas ng study room, na tila hindi narinig ang kaniyang iprinotesta.
Napasapo si Zachary sa kaniyang ulo at pabagsak na naupo sa sofa. Damn! This life is shit! Nagngangalit ang kaniyang panga, sa sobrang inis na nararamdaman niya. Napabuntong-hininga siya mga ilang minuto rin siyang natulala sa nangyari. Nang mahimasmasan ay, tumayo na siya para makapagpahinga sa sariling silid. Habang naglalakad nadaanan niya, na bahagyang nakabukas ang kuwarto ng kaniyang Kuya Zeke. Dahil sa dala ng kuryosidad pumasok siya sa loob. Maganda at double ang laki nito kumpara sa kuwarto niya. Well, organized. Combination ng black and gold. Obsess kasi ang Kuya Zeke niya sa ganoong kulay.
Naagaw ang pansin niya ng isang picture na nasa gilid ng kama. Kinuha niya at tiningnan nang mabuti. Kuha ito ng isang babae na nakatalikod, nakasuot ng bestida na kulay blue hapit sa katawan na hanggang tuhod ang haba. Ang buhok nito. Ay, nililipad ng hangin. Nakaharap sa dagat. He was certain that girl was stunning. Even if he can't see her face.
"Come on, Zach. Kailan ka pa nagkainteres sa ibang babae?" pambubuska niya sa sarili. Napailing at ibinalik niya ang hawak na picture frame. Knowing his Kuya Zeke, hindi ito pumipili ng hindi maganda. Kibit-balikat siyang lumabas at marahan na isinara ang pintuan. Bago siya tumuloy sa kaniyang silid.
Napakislot si Samarra nang makarinig ng mga yabag palapit sa kaniyang kinatatayuan. Kasalukuyan siyang nakatayo. Na, nakaharap sa swimming pool. Madilim ang bahagi ng parte na 'yon. Kahit hindi idilat ang kaniyang mata. Sa amoy pa lang, alam niya si Ezekiel ang taong nasa likuran niya.
"What are you doing here?"
Hindi niya iminulat ang mata. Pero, alam niya na based sa tono ng pananalita ni Ezekiel. Bakas ang pagkadisgusto nito. Dalawa lang sila sa kanilang mansyon ngayon, dahil pinakiusapan ito ng kaniyang ama. Na, samahan muna siya habang nasa Spain ang mga ito. Sina Tito Calvin at Tita Lorraine ay, bumalik na ng Pinas last week pa.
"I can't sleep."
Mabilis siyang napadilat nang maramdaman niyang sumayad ang labi nito sa kaniyang noo. Napalunok siya ng bumungad sa kaniya ang guwapong mukha ni Ezekiel halos gahibla lang ang layo ng mukha nito. Kaunting pagkakamali lang niya. Magkakahalikan sila. Pasimple siyang huminga nang malalim at humakbang paatras. Ngunit, sa bawat paghakbang niya. Ay, siya naman pag-abante si Ezekiel. Hanggang sa masukol siya sa glass wall.
Itinukod ni Ezekiel ang dalawang kamay sa pagitan ng kaniyang katawan. Tanging sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila ng mga sandaling 'yon. Napayuko siya sa sobrang kaba na nararamdaman niya.
"Miel, Are you okay?"
Napaangat siya ng tingin. Kita niya ang guwapong mukha ni Ezekiel na nakatingin sa kaniya.
"Y-yeah." Napangisi si Ezekiel at iniling-iling ang ulo.
"I assume you're trying to fool me. Young Lady."
Pigil ang kaniyang paghinga. Nang ilapit lalo ni Ezekiel ang mukha nito sa kaniya. Amoy niya ang mabangong hininga nito. Napatingin siya sa labi nito na bahagyang nakabukas. Ano kaya ang feeling na mahalikan? OMG! Samarra, what are you thinking? You're still young enough for such things.
"Aww, Kiel." Sapo niya ang kanang pisngi ng pisilin 'yon ni Ezekiel.
"What kind of look is that?"
"Hmm." Iniwas niya ang kaniyang tingin at pasimpleng napalunok, hindi ba alam ni Ezekiel na sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa.
Naalarma ang buo niyang katawan nang hawakan ni Ezekiel ang kaniyang baba at bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang labi. Napapikit siya nang mariin ng dahan-dahan itong yumuko. Gosh! Is he going to kiss me? Sobrang lakas ng tibok ng kaniyang puso.
Napadilat siya ng makarinig nang mahinang tawa. Kitang-kita niya ang pilyong ngiti na sumilay sa labi ni Ezekiel. Tila basang-basa ang nito ang kaniyang kilos at galaw pakiramdam niya tuloy pinagkakatuwaan siya ni Ezekiel.
Mabilis niyang itinulak ang dibdib ni Ezekiel at tumalikod. Bago pa niya naihakbang ang kaniyang paa. Hinigit na siya ni Ezekiel at ipinulupot nito ang braso sa kaniyang baywang. Ramdam niya ang hininga nito na tumatama sa kaniyang leeg.
"I will definitely miss you, Babaysot."
Napakagat sa labi si Samarra ramdam niya ang pamamasa ng kaniyang mata. Alam niya, bukas pag-uwi ni Ezekiel ng Pilipinas. Haharapin na nito ang buhay mag-asawa. Kaya niyang pangalanan kung ano ang nararamdaman niya para sa binata. Pero, hindi niya kayang sumuway sa magulang.