Izumi Pov
Matapos ang ilang oras ay nakabalik na ulit kami sa emperyo. Nang nasa banda na kami ng tarangkahan ay biglang bumaba ang kawal na aking kasama mula sa kabayo at pag katapos ay hinila nito ang tali upang makapag lakad din ang kabayo katulad ng ginagawa nya.
Nang nasa loob na kami ay tumigil na kami, inalalayan ako ng kawal hanggang sa ako ay nakababa na. Pinagpagan ko ang kasuotan kong nagusot at inayos ko din ang buhok kong nagulo. Matapos nun lumingon ako para maglakad, ngunit hindi agad yun natuloy ng bumungad sa akin ang heneral na si hirushima na nakasandal lang sa may puno. Tumingin sya sa akin.
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong nya.
"Napahaba kasi yung pag iyak ko kanina. Hanggang ngayon kasi masakit pa din sa akin ang nangyari kaya hindi ko na napagilan pa at ganun ang nangyari" sagot ko habang nakatingin diretso sa kanyang mga mata.
Hindi sya nakapag salita at tumingin lang sa akin, pero maya-maya lang ay nag buntong hininga sya at saka sya lumapit sa akin.
"Kaya ba namamaga yang mga mata mo?" Tanong ulit nya. Tumango ako ngunit napalaki ng bahagya ang mga mata ko ng bigla nyang haplusin ang kabilang mata ko na halata pang namamaga dahil sa pag iyak ko.
"Pasaway, sa tingin mo ba hindi rin sila nalulungkot sa ginagawa mo?" Bigla sya tumalikod sa akin at saka sya muling nag salita " Hindi mo naman kailangan pang pag dusahan ang nangyari dahil matagal ng nangyari. Kahit wala na sila ay dapat mag patuloy ka pa din sa buhay mo, sigurado akong matutuwa sila kung yun ang gagawin mo" dagdag nya.
"Alam ko yun, ngunit hindi ko talaga mapigilan. Ginagawa ko naman ang kalimutan ang lahat ngunit ramdam ko pa rin ang sakit sa tuwing pumapasok sila sa aking isipan" anas ko.
"Kung hindi mo mapigilan bahala ka sa buhay mo. Masyado mo lang pinapahirapan ang sarili mo" saad nya.
Hindi na ako muling nag salita pa ngunit napataas ang kilay ko dahil sa mga sinabi nya.
Ang isang tulad pala nya ay kayang mag salita ng ganun. Sa pag kakaalam ko kasi hindi naman sya ganun.
"Kung wala ka ng iba pang gagawin, bumalik ka na sa iyong silid" sabi nya. Matapos nyang sabihin iyon ay agad na syang umalis at kasunod naman nya ang kawal na aking kasama kanina habang hila hila nito ang kabayo.
Napabuntong hininga na lang ako at saka humakbang patungo sa aking silid. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa mismong silid ko ay nakita ko si shin na nag aabang malapit sa may pinto ng aking silid.
Nang makita nya ako ay agad syang yumuko sa akin, habang ako naman ay tinanguan lang siya. Pag kalapit ko sa kanya ay lumapit din sya sa akin.
"Kamusta po ang inyong lakad lady izumi?" Tanong nya kaagad.
"Maayos lang naman..." sagot ko.
"Ganun po ba, pero bakit po namamaga yang mga mata mo? At tsaka halata sayo na malungkot ka. Anong pong nangyari?" sunod-sunod nyang tanong.
"Kasi naalala ko ang mga magulang ko. Hanggang ngayon nandito pa din ang sakit at pangungulila sa kanila..."sagot ko.
" Ganun po ba. Pero alam nyo po malulungkot din sila sa dahil sa ginagawa mo. Hindi naman nila kagustuhan na iwan ka, alam ko pong masakit ngunit kailangan nyo na po yang ibaon sa limot at huwag ng balikan pa. Pero wag nyo pong kalimutan ang inyong magulang. Mas mapapanatag sila kung iyon ang inyong gagawin" sabi nya.
Hindi ako muling nakapag salita pa at napabuntong hininga na lang.
"Babalik na ako sa aking silid..." sabi ko na lang.
"Hindi po ba kayo kakain?" Tanong nya.
"Hindi na, wala akong ganang kumain ngayon" sagot ko.
"Ngunit magagalit po si heneral kapag nalaman nya na hindi ka pa kumakain" nag aalalang anas nya. Napapikit ako sa inis at saka ulit nag buntong hininga.
"Ganito na lang, ang sabihin mo na bago pa kami makabalik dito ay kumain na kami. Yun na lang ang idahilan mo sa kanya"
"Ngunit lady izumi..."
"Pakiusap, yun na lang sabihin mo. Masyado na akong pagod at gusto ko ng mag pahinga" sabi ko.
"Kung yan po ang gusto nyo, masusunod po" wala na syang nagawa pa kaya naman hindi ko na sya pinansin pa at agad na akong nag tungo sa aking silid.
Nang makarating ay binuksan ko na ang pinto ng aking silid at saka pumasok. Pag kapasok ay agd kong isinara ang pinto.
Hindi na ako nag abala pang mag ayos o mag palit, ay agad na akong humiga sa aking higaan at pumikit sandali.Maya-maya ay inimulat ko din ito at saka tumingin sa itaas.
"Madali nyo lang sabihin sa akin, ngunit mahirap gawin" mahinang bulong ko. Pumikit na lang ulit ako at kasabay nun ay hinila na ako ng antok. Tuluyan na akong nakatulog.
To be continued.