Lumipas ang ilang linggo, buwan at hanggang sa umabot sa taon hinding hindi ko na nakita muli si Azaria, sobrang sakit ang nararamdaman ko araw araw, ilang beses ko tinangka pumunta dun sa kabilang islang tinitirahan nila pero hinding hindi ako mag tagumpay, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos ng gabing yun, wala ako nagawa kundi umiyak na lang sa dagat, wala na din matandaan si papa pag kagising nya nung araw na yun, tanging ako na lang ang nakakaalala ng mga pangyayaring sobrang sakit.
"Azariaaaaa!!!!!!!!!" muli kong sigaw, nag babakasali na mag pakita sya sakin, simula ng natapos ako mag aral, araw araw ko na sya tinatawag pero kahit ano gawin ko hinding hindi na sya nag pakita sakin.
"Azariiaaaaaaaaaaaaa!!!!!" muli kong tawag, nangilabot na lang ulit ako ng nakita ko yung sirena na kumuha sa kanya nun, nakadapa sya sa batuhan at ibang iba ang itsura ng buntot nya sa buntot ni Azaria, mas lalo naman ako kinilabutan nung natapatan ng sinag ng buwan yung mata nyang nanlilisik ng tingin sakin.
"Naririnig ko ang pag tawag at pag hihinagpis mo, walang mas sasakit sa pag hihinagpis mo ang nararamdaman ko habang nakikita ko syang naghihirap bago bawian ng buhay"
Napaupo na lang ako sa tubig at grabeng kirot at sakit ang naramdaman ko nang marinig ko ang sinab i nya.
"Ilang saglit lang sya tumagal sa kalinga ko nung gabing yun at binawian na din sya ng buhay, tanging huling sambit nya ay ang pangalan mo"
Hindi ko na napigilan mapahagulhol, dahil parang paulit ulit sinasaksak ng kutsilyo puso ko dahil sa sobrang sakit, kinuha naman nung sirena yung kamay ko at may inilagay.
"Huling nyang luha, wag ka na tumawag, dahil pag naririnig ko ang tinig mo, para ko na ring naririnig ang tinig ng aking anak" huli nyang sabi hanggang sa nawala na sya, tinignan ko naman yung iniabot nya sakin, isang perlas kaya napaluhod na lang ako at inilagay kamay ko sa puso ko habang hawak hawak luha ni Azaria at umiyak ng umiyak habang paulit ulit binabanggit pangalan nya.