webnovel

150 YEARS OLD SIREN

"Kanina ko pa gusto itanong to sayo eh, ilang taon ka na?" taka ko ulit tanong.

"Uhmm" sabi nya habang nagbibilang sa mga kamay nya.

"150 years old" sagot nya kaya nanlaki mata ko, nainlove ako sa sirenang 150 years old? Wow, just wow.

"Pero bakit ang bata mo pa tignan?" taka ko ulit tanong, nag kibit balikat naman sya sakin, well siguro hindi lang talaga sila tumatanda.

"Sa tingin mo pag nag kaanak tayo mabubuhay din sya ng kasing tagal kagaya nyo?" tanong ko ulit, napaisip naman ulit sya sabay kibit balikat ulit.

"Hindi ko din alam" sagot nya sakin, gaya din pala naming mga tao, madami din silang katanungan na hindi rin kaya sagutin.

"Kung halimbawa na mabubuntis ka, ilang months kayo nag dadalang sirena or tao or whatever?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Sabi ni Ezra sakin, umaabot ng tatlumpung buwan ang pag dadalang tao namin" sagot nya

"30 months so equivalent of 2.5 years? wow!!!!! so 2 years and 5 months, bakit ang tagal???" mangha at pagtataka kong tanong sa kanya, muli nagkibit balikat ulit sya sakin.

"Alam mo kung isasama ka sa ranking ng mga pinakamatagal mag buntis, ma bebeat mo pa ang African Elephant sila 1.8 years lang, and Whale 1.6 years at sea lion na tumatagal lang ng 11 months mahigit, Wow, just wow, hindi talaga ako makapaniwala, alam mo kung mailalabas ka sa public sisikat talaga ang nakadiscover sayo" tuwa kong sabi sa kanya, medyo nag iba naman ang reaksyon ng mukha nya at napatungo.

"Natutukso ka na din bang ilabas ako sa publiko dahil sa mga kakayanan naming mga sirena? Dapat bang hindi kita pag katiwalaan gaya ng nabanggit sakin ni Ezra?" malungkot nyang tanong, medyo natauhan naman ako bigla sa tanong nya

"Gaya ng ipinangako ko sayo, walang ibang makakaalam tungkol sa inyo" seryoso kong sagot sa kanya, tumango lang sya sakin pero bakas pa din sa mukha nya ang pag kalungkot.

"Azaria" sambit ko sa ngalan nya.

"Hmm?" sagot nya naman.

"Pwede mo ba ako kantahan" pakiusap ko sa kanya, humarap naman sya sakin at ngumiti, saka nya ibinuka ang bibig nya at umawit.

Kinuha ko naman yung cellphone ko at nirecord pag kanta nya, hindi maalis sa bibig ko ang mga ngiti habang pinapanood ko sya. Isa lang ang bagay na hindi ko pinaniniwalaan sa ngayon, hindi lahat ng sirena pag patay at pang bibiktima ang hanap.

Gaya naming mga tao, pagmamahal lang din ang hanap nila, at nag papasalamat ako dahil parehas namin natagpuan ang isa't isa. Bawat buka ng bibig nya tagos na tagos sa puso ko lahat ng gusto nya iparating, ramdam ko naman na may tumulo pababa mula sa mata ko, pagkahawak ko sa pisngi ko, basa na pala ng luha, hindi ko namamalayan naiyak na pala ako. Pagkatapos nya kumanta, muli sya ngumiti sakin, agad naman ako lumapit sa kanya at hinawakan mukha sabay halik sa labi nya.

*AZARIA POV*

Kalaliman ng gabi, habang pinapanood ko ang alon sa mga dagat mula dito sa bintana ng tahanan ni Kendrick, Nakinig ko ang awit na tinig ni Ezra, kaya agad ako napatayo, napalingon naman ako kay Kendrick na kasalukuyan pa natutulog , agad din ako lumabas ng tahanan nya, nang makarating ako dito sa labas,

"Ang tagal kitang inaantay umuwi, hanggang ngayon andito ka pa din" wika nya sakin.

"Ramdam ko ang nararamdaman mo, binalaan na kita Siren, lahat ng mortal mang gagamit, kapag nalaman ng ibang mortal na hindi ka tao, huhulihin ka nila at pag aaralan" dagdag nyang wika kaya ngumiti ako sa kanya

"Wag ka mag alala Ezra, pinalitan ko ang ngalan ko, hindi masamang tao si Kendrick, sa kanya ko lang naramdaman ito. Alam kong hindi nya ako pababayaan Ezra" sagot ko sa kanya

"Huwag ka pakasiguro Siren, hindi mo sya lubusang kilala, pag dumating ang araw na tatalikod sya sayo,

malalaman mo kung gano kasakit umibig sa mortal, mauubos lang ang luha mo at baka ikamatay mo pa ito"

"Kaya ba bawal umibig ang kagaya natin sa mortal?" pagtataka ko na tanong sa kanya.

"Tandaan mo Siren, lahat ng kasiyahang nararamdaman mo ngayon, may kalungkutan na kapalit" huli nyang sambit hanggang sa tuluyan na syang pumailalim sa mga naglalakihang alon.

Kagaya ng dati kong ginagawi, umupo na lang ako dito sa bato at nag-isip hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko maintindihan, bakit kelangan pang makaramdam ng kalungkutan, hindi ba pwedeng puro kasiyahan na lang?

Kelangan ba talaga ang kalungkutan sa tuwing umiibig? Mga tanong sa aking isipan na hindi ko alam kung ano ang kasagutan.

Bigla ko naman naramdaman na may yumakap sakin mula sa likuran ko.

"Bakit hindi mo ako ginising para nasamahan kita manood ng sunrise?" tanong sakin ni Kendrick, minsan may mga bagay syang inimik na hindi ko lubos maintindihan.

ตอนถัดไป