webnovel

Chapter Thirty Seven

Dumating ka Achellion!" wika ni Cain na sinalubong si Achellion. Hawak ni Jezebeth si Aya.

"Achellion!" sigaw ni Aya nang makita ang binata.

"Dala mo ba ang oracle?" tanong ni Cain. Inilabas ni Achellion ang bolang crystal. Napangisi naman si Cain nang makita ang oracle.

"Sabihin mo. totoo bang hindi mo kayang mahawakan ang dalagang ito? Nabalitaan kung---"

"Hindi ko alam na isa sa mga pinagkakaabalahan mo ay ang alamin ang mga nangyayari sa kin." Agaw ni Achellion sa sasabihin ni Cain.

"Gusto kung makita kung totoo nga." Wika ni Cain. He snap his finger at sa isang iglap bigla na lamang nakatali si Aya habang nasa ibaba nito ang isang malaking butas at sa ibaba nito anng kumukulong apoy.

"AYA!" sigaw ni Achellion nang makita ang kinalalagyan nag dalaga.

"Hahayaan kitang lumapit sa kanya. Kung hindi totoo ang mga nabalitaan ko maililigtas mo siya bago pa siya tuluyang mahulog. Dapat ding malaman mo Achellion na kapag nahulog siya Diyan iyan na ang katapusan niya." wika ni Cain. "Anong gagawin mo ngayon Nemesis." Ani Cain. Napakuyom nang kamao si Achellion. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa dalaga.

"Aya." wika ni Achellion at inabot ang kamay nang dalaga. ngunit gaya nang dati may pwersang pumipigil upang mahawakan niya ang dalaga.

"Ah! Achellion." impit na tili ni Aya nang maramdaman ang unti-unting pagkaputol nang tali.

"Aya!" mahigpit na napakuyom nang kamao si Achellion. Malakas nga ang taglay niyang kapangyarihan niya ngunit bakit hindi niya kayang iligtas ang buhay nang taong pinahahalagahan niya. Ang sariling kapangyarihan pa niya mismo ang siyang naghihiwalay sa kanila.

"Achellion!" sigaw ni Aya nang biglang maputol ang tali.

Nang makita ni Achellion na nahuhulog ang dalaga. Kahit na may isang invisible na harang na naghihiwalay sa kanila nang dalaga agad siyang tumalon upang iligtas ito.

"Achellion." Mahinang wika ni Aya nang makita ang binatang papalapit sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Dahil alam niyang hindi na siya maililigtas ni Achellion nang mga sandaling iyon.

Biglang naramdaman ni Aya ang mga bisig na nakahawak sa bewang niya. Marahan siyang nagmulat nang mata. Nakita niya ang Nemesis na anyo ni Achellion. Napansin din niyang tila hinahabol ni Achellion ang paghinga nito.

"Achellion." Mahinang wika ni Aya. nagimbal ang dalaga nang makita ang maliit na sugat sa mukha at braso nang binata. dala ito nang pwersahang pag basag nang binata sa harang na naghihiwalay sa kanilang dalawa Ang harang na iyon at gawa sa isang malakas na life force energy at upang masira iyon kailangan gumamit nang maraming lakas si Achellion dahilan upang habulin nito ang paghinga.

"I told you that I'd take care of you And I really meant it. So Anytime you need me I'm there to protrect you." Wika ni Achellion at ngumiti sa kanya.

"I know, But I dont wan't you to risk your life in order to protect me." Wika ni Aya.

"Silly Girl! Are really this Clueless?" Pilit na ngumiting wika ni Achellion "Don't you realize the reason why I want to protect you so badly is that I am in love with you." Napaawang ang labi ni Aya dahil sa sinabi ni Achellion. Hindi niya alam kung paano magrereact sa sinabi nang binata.

"A-no?" gulantang na wika ni Aya. Tama ba ang narinig niya o pinaglalaruan lang siya nang tenga niya.

"Lets get out from here." Wika nang binata hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla sa sinabi nang binata. Simpleng tango lang ang tinugon ni Aya dahil sa labis na pagkagulat. Naramadaman niyang hinapit n Achellion ang bewang niya at lumipad pa balik.

"Anong nangyari?" gimbal na wika ni Cain nang makita si Aya na ligtas at ang isa pang bagay na ikinagulat nito ay ang katotohanang iniligtas ito ni Achellion.

"Paanong----"

"You can spend your entire lifetime figuring out what happen." Wika ni Achellion at binato nang bolang apoy ang dalawang lalaki.

Walang ibang nagawa ang dalawa kundi ang umiwas nang bumaling sila sa binata nawala na ito kasama si Aya. Isang malakas na sigaw ang pinawalan ni cain dahil sa pagkadismaya.

Hindi niya nakuha ang oracle at nailigtas din ni Achellion ang dalaga.

"ACHELLION!!" malakas na sigaw ni Cain nang mawala ang usok at mapansing wala na sa lugar na iyon ang dalawa. Nagpakawala nang malakas na sigaw si Cain dahil sa muling pagkagapi sa kanila at iyon ay dahil kay Achellion.

Anong ginagawa natin ditto?" tanong ni Aya kay Achellion nang bigla silang lumitaw sa isang lugar na puno nang mga bulaklak. Tahimik lang ang binata kaya naman napatingin siya ditto. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala. Hindi niya alam kung paano nagawa nang binata na putulin ang kapangyarihang naghihiwalay sa kanilang dalawa. Kung hindi dahil ditto tiyak na napahamak na siya. Paulit-ulit na inililigtas ni Achellion ang buhay niya.

Kanina may mga sinabi si Achellion na gusto niyang malaman kung totoo.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasakatan?" tanong ni Achellion. "Pasensya ka na at nahuli ako." Wika nito at hinawakan ang kamay ni Aya.

"Hindi. Okay lang ako" Mahinang sagot nang dalaga.

"That's a relief." Wika ni Achellion at niyakap ang dalaga. "Alam mo bang tinakot mo ako. Akala ko ----"

"Totoo ba ang sinabi mo kanina?" agaw ni Aya sasasabihin ni Achellion. Bigla namang natigilan si Achellion at humiwalay sa dalaga.

"Sinabi ko?" maang na wika ni Achellion.

"Sinabi mong gusto mo ako." Wika ni Aya. biglang naginit anng mukha niya dahil sa labis na hiya. Ayaw niyang siya mismo ang magtanong guston niyang marinig iyon mula kay Achellion ngunit kung hindi siya kikilos baka hindi na naman ito magsalita.

"Sinabi ko ba yun? Baka nagkamali ka lang nang dinig." Wika ni Achellion. Nanatiling nakatitig si Aya sa mukha nan binata tinatantiya niya kung nagsasabi nga ito nang totoo.

"Baka nga nagkamali lang ako nang dinig." Wika ni Aya at inalis ang kamay ni Achellion. Ano bang iniisip ko. Disappointed na wika ni Aya. ANo bang iniisip niya paano naman siya magugustuhan ni Achellion. Sinabi na sa kanila ni Arielle na hindi sila pwedeng magmahal nang mortal dahil mapapahamak lamang sila.

"Mabuti pa umuwi na tayo baka nag-aalala na ang kuya ko." Wika ni Aya.

Tatalikod sana siya ngunit bigla siyang kinabig ni Achellion. Ganoon na lamang ang gulat ni Aya nang silyuhan ni Achellion nang halik ang labi niya. napamulagat si Aya dahil sa labis na gulat.

Bago pa man siya nakapag react. Lumayo na si Achellion sa kanya. Nakatitig siya sa mukha nang binata. Hindi niya alam kung paano magrereact dahil sa ginawa nito. Ngunit kung siya ay hindi nakapagreact hindi ang langit. Kahit na napakaliwanag nang kalangitan at makikita ang asul na langit. Naging malakas ang dagundong nang kulog.

"That's for making me worry about you." Wika ni Achellion at itinuro ang labi ni Aya. hindi man lang nito alintana ang tila galit na langit.

"Huh?" gulat na wika ni Aya. Hindi niya alam kung paano mag rereact dahil sa ginawa ni Achellion. Ano bang ibig sabihin nang ginagawa nito. Agad niyang inilagay ang kamay sa bibig niya. It was the second time that he kissed her.

"Why did you do that?" wika ni Aya habang nasa labi ang mga kamay.

"Are you really that clueless?" natatawang wika ni Achellion at hinapit ang bewang nang dalaga saka kinabig palapit sa kanya. Dahil sa ginawa niya biglang napahawak si Aya sa dibdib niya.

"Ano bang ginagawa mo? Pinaglalaruan mo ba ako?" ani Aya at pilit na lumayo sa binata ngunit mahigpit ang pakakahawak ni Achellion sa kanya.

"I tried to stay away. May be I'm a coward. Thinking that giving you up now will hurt less when happens."

"Achellion." Tanging naiwika ni Aya dahil sa labis na pagkabigla. Hindi niya alam. Nahihirapan din pala si Achellion dahil sa mga nangyari sa kanila.

"I swear no matter what they say, if there is even a thinnest chance to alter our supposed destiny. I will do everthing within my power to do it." Masuyong wika ni Achellion at hinawakan ang mukha ni Aya.

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa sakupin nito ang labi niya. Hindi na tumutol ang dalaga. What he feels about him is stronger than she think it is. Hindi niya kayang pigilan ang sarili niya.

Naramdaman niyang lalong naging mahigpit ang paghapit ni Achellion sa bewang niya. lalo ding naging mapusok ang halik nito. mahigpit naman siyang napahawak sa dibdib nang damit nito.

Ano na kayang nangyari kay Aya?" Tanong ni Jenny. Nasa loob nang sili ni Julianne sa isang hospital lahat nang miyembro nang Phoenix at naghihintay sa binata. nag-aalala sila baka kung may nangyari nang masama sa dalawa. Nag-aalala din sila baka ipinagpalit na ni Achellion ang oracle para kay Aya. Sinabi sa kanila ni Arielle na mapanganib ang Oracle. Lalo na at laman nito ang isang pangitain sa magiging hinaharap nang mundo.

"Nakaligtas kaya sila?" tanong ni Meggan.

"Sa ngayon wala tayong ibang magagawa kundi magtiwala kay Achellion. Siya lang ang pwedeng magligtas sa kapatid ko." wika ni Eugene na napahawak sa kamay nito. napansin ni Jenny nan a te-tense ang kasintahan niya. maraming mga nangyari sa kanila. Una, nasawi si Frances, Si Julianne naman ay malubha ang kalagayan. At ngayon naman ni Aya. Alam niyang labis itong nag-aalala. Wala naman siyang magawa upang matulungan ang kasintahan niya.

"AYA?!" gulat ni Julius nang biglang bumukas ang pinto nang silid at pumasok si Aya at Achellion.

"Aya!" biglang wika ni Eugene at tumayo mula sa kinauupuan niya saka lumapit sa kapatid at agad na niyakap.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" nag-aalalang wika ni Eugene sa kapatid niya.

"Okay lang ako kuya. Dumating si Achellion para iligtas ako. Si Julianne? Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nandito?" wika ni Aya at napatingin sa kaibigang nakahiga sa kama. Habang papunta sila sa hospital naikwento na ni Achellion sa kanya ang nangyari kay Julianne sinabi nito na nawala na ang kapangyarihan nito bilang isang anghel at isa nalang itong ordinaryong mortal gaya nang iba.

"Inatake siya nang isang fallen angel. Ang sabi ni Arielle at Achellion. Nawala na ang kapangyarihan niya bilang isang anghel." Wika ni Eugene. Napatingin si Aya sa kaibigan. Alam niyang kapag nagising ito tiyak na mahihirapan itong tanggapin ang mga nangyari sa kanya. Bukod doon, tiyak na magdadamlamhati din ito dahil sa pagpanaw ni Frances.

"Huwag ka nang masyadong mag-alala Aya. Okay lang naman si Julianne." Wika ni Jenny at nilapitan ang dalaga saka hinawakan ang kamay.

"Anong nangyari sa oracle? Nakuha ba nila ang oracle?" nabigla ang lahat nang biglang lumapit si Arielle kay Achellion at magtanong. Ngunit hindi sumagot si Achellion. Napalingon naman si Aya sa binata.

"Achellion? Anong nangyari?" ulit na tanong ni Arielle. "Alam mong mapanganib kung-" putol na wika nito.

"Sa labas tayo mag-usap." Wika ni Achellion at hinawakan ang braso ni Arielle. Hindi naman tumutol si Arielle. Tahimik lang ang lahat na inihatid nang tingin palabas ang dalawa.

"Sabihin niyo. Hindi panaginip to hindi ba?" ani Julius at napapailing.

"Ano bang nangyayari saiyo?" wika ni Meggan.

"Nasa 21st century tayo pero nakikipag-usap tayo sa isang anghel at isang nemesis." Wika nito.

"Gutom lang yan." Wika ni Rick at inihagis kay Julius ang isang mansanas. Agad namang sinalo nang binata ang mansanas. Lahat naman sila naguguluhan din gaya ni Julius ngunit alam nilang nasa isang sitwasyon sila na kailangang bukas ang pag-iisip mo sa mga posibilidad. Hindi nila alam ang mangyayari bukas kaya naman dapat silang maging handa.

Okay lang kaya si Julianne?" Tanong ni Jenny kay Eugene. Ilang araw nang hindi umuuwi sa safe house ang binata. Simula nang lumabas ito sa hospital bigla na lamang itong nawala. Hindi nila alam kung saan ito nangpunta. Inaasahan na nilang dadamdamin ni Julianne ang pagkamatay ni Frances naging malapit na magkaibigan ang dalawa. Bukod doon ang katotohanang nawala na ang kapangyarihan nito ay lalo pang napalala sa sitwasyon.

"Umasa tayo na makukumbinse siya ni Arielle na bumalik. Nag-aalala talaga ako sa kanya." Wika ni Julius. Dahil sa hindi paguwi ni Julianne. Naisipan ni Arielle na sundan ito. Nagbabakasakali sila na baga magawa itong pabalikin ni Arielle. Alam din naman nila na kung may tao mang makakaintindi sa pinagdadaanan ni Julianne iyon ay walang iba kundi si Arielle/Arielle.

"Nakakalungkot pang hindi niya nagawang makita ang bangkay ni Frances bago pa ito dalhin nang pamilya niya pabalik nang France. Talagang masakit iyon" wika ni Ben.

Natagpuan ni Arielle si Julianne sa isang abandonadong building gaya nang sabi ni Eugene. Ito ang lugar kung saan sila una nangkakilalang magkaibigan. Ito din ang lugar kung saan madalas mag punta ang binata tuwing may iniisip.

Nang dumating si Arielle, tahimik ang buong paligid. Walang tao. At kahit na sinong magawi sa lugar na iyon kikilabutan dahil animoy isang ghost town ang paligid. Sa isang bahagi nakita ni Arielle ang isang siga na umusok pa ngunit walang tao. May mga nakita din siyang bote nang alak sa paligid. Nguniit hindi niya makita si Julianne.

Sa paglilibot niya, may mahihinang tunog siyang naririnig ngunit hindi niya alam kung ano. Sinundan niya ang tunog hanggang sa dalhin sa nito sa isang bahagi nang building Nakita niya ang paligid nang bahaging iyon na punong puno nang mga punching bags. Sa di kalayuan nakita niya si Julianne na gigil na gigil sap ag suntok sa punching bag. Sa lakas nang binibitawan nitong suntok animoy mabubutas na ang punching bag. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Julianne bago napahawak sa punching bag at habol ang paghinga. Pawis din anng boung katawan nito.

"Anong ginagawa mo ditto?" nagulat si Arielle nang biglang magsalita si Julianne. Dahil wala na itong kakayahang ispiritual hindi nito napansin ang pagdating niya. Ngunit nakakapagtakang napansin siya nito.

"Don't be so surprise. I am a member of the armed forces after all. Wala man akong kakahayang ispiritual I am being trained to sense someones presence." Wika ni Julianne na tila nababasa kung ano ang iniisip niya. Kinuha nito ang isang towel saka naglakad palapit sa kanya.

"ANong ginagawa mo ditto?" tanong ni Julianne saka nilampasan si Arielle.

"Nag-aalala na ang lahat sa iyo. Bakit hindi ka pa bumalik." Wika ni Arielle at sinundan ang binata. "Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Alam kung nagdaramdam ka dahil sa pagkawala ni Frances at sa pagkawala nang kapang---" putol na wika ni Arielle nang biglang humarap si Julianne sa kanya at nanlilisik ang mga mata.

"Anong alam mo? Diba hindi naman marunong makaramdam ang mga tulad mo?" asik ni Julianne.

"Leo!" gimbal na wika ni Arielle.

"Huwag mo akong tawagin sa pangalang iyan. Alam mong hindi na ako si Leo at kahit kailan hindi na magiging ang dating ako." Wika ni Julianne at napakuyom nang kamao.

"Hindi mo namang kailangang maging si Leo na may kapangyarihan para maging ikaw. Ang Leo na kilala ko ay isang mabuting tao at kaibigan." Wika ni Arielle.

"Now you are taking like a human with feelings." Sakristong wika ni Leo.

"Dati akala ko ang damdamin nang isang mortal ang siyang nabibigay nang kahinaan sa kanila. At iniisip kung kaya tayo naiiba sa kanila dahil wala tayo noon. Mapalad tayo dahil hindi tulad nila, nagiging mahina tayo dahil sa mga damdaming iyon. Pero nanag kakilala ko ang grupo ni Eugene at kung paano ka nabuhay sa mundong ito kasama siya. I have come to realize hindi kahinaan ang damdaming nararamdaman nang mga mortal. It is their unique character ----"

"Tama na." wika ni Leo at tumalikod. "Bumalik kana." Wika pa nang binata.

"Nangako ako sa mga kaibigan mo na ibabalik kita. Kaya hindi ako babalik nang magisa." Wika ni Arielle.

"Bahala ka." Wika nang binata at tuluyang tinalikuran ang dalaga.

Nanatili si Arielle sa lugar na iyon kasama si Leon ngunit sa pananatili niya doon. Hindi manlang siya kinakauusap ni Leo. Tuwing gabi parati itong omiinom nang alak hanggang sa makatulog ito. Tuwing umaga naman ay tumatakbo sa palibot nang building o di naman kaya ay na eensayo sa lugar na puno nang punching bag. Sa bawat suntok na pinakakawalan nito alam ni Arielle n punong puno iyon nang emosyon, galit at panhihinayang.

"Hanggang kailan mo balak manatili ditto." Ani Leo kay Arielle nang bumalik ang binata mula sa pagiinsayo at inabutan si Arielle nakaupo pa rin sa isang upuan.

Ilang araw na itong naroon. Kahit na anong pagbalewala niya ditto hindi parin umalis ang dalaga.

"Oh" biglang wika ni Arielle at napatayo mula sa kinauupuan nang makita ang duguang kamay nang binata.

"Anong klaseng reaksyong yan." Wika ni Leo at kinuha ang isang tuwalya at ibinalot ang sa duguang kamay.

"Hanggang kailan mo ba gagwin to? Sinasaktan mo lang ang sarili mo." ani Arielle at naglakad palapit sa binata.

"Bumalik ka na." wika ni Leo at iniwas ang kamay sa dalaga.

"Hanggang kailan ka ba magmamatigas. Hindi mo ba iniisip ang mararamdaman nang mga taong nag-aalala para saiyo?" asik ni Arielle. Nabigla si Arielle nang bigla siyang hatakain ni Leo palait sa kanya. Kasunod nito ang pagbulusok nang isang sibat papasok sa bukas na bintana. Kung hindi pa hinatak ni Leo si Arielle tiyak na tinamaan ang dalaga. tumama ang sibat sa pader at bumaon.

Sabay silang napalingon sa may bintana kung saan naroon si Jezebeth at Cain na siyang tumira sa kanila nang sibat.

"Dito lang pala kita makikita Leo. At mukhang sinuswerte pa ako hindi ko na kailangan magpagod na hanapin ang natitirang anghel sa mundong ito." Nakangising wika ni Cain nakatingin sa kanilan dalawa.

Hinatak ni Leo si Arielle papunta sa likod niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Arielle sa binata.

"Sa palagay ko. kailangan mo nang umalis sa lugar na ito." Wika ni Leo sa dalaga.

"Hindi ako tatakas na parang isang takot----"

"Hindi ko sinasabing tumakas ka dahil natatakot ka." Agaw ni Leo. "Kapag natapos tayong dalawa ditto. Wala nang magiging pag-asa ang mundong ito and that is exactly what they are up to." Dagdag pa nang binata.

"You are telling me to leave you here and die? Ganoon ba?"

"Kung ano man ang pinag-uusapan niyong dalawa diyan. Tiyak na hindi na Iyon mahalaga dahi sabay ko kayong tatapusin." Wika ni Cain at sinugod si Leo. Hindi agad nakakilos si Leo.

Biglang hinawakan ni Cain ang leeg nang binata at dinala patungo sa may pader. Sa lakas nang pagtama nang katawan ni leo sa pader nagkaroon pa nang crack ang pader.

"Ganito ka na ba kahina ngayon Leo?"Wika ni Cain. Napaagik si Leo habang hawak ni Cain ang leeg.

"CAIN!" malakas na sigaw ni Arielle upang makuha ang atensyon nang lalaki. Marahang napalingon si Cain sa dalaga. binitiwan din nito si Leo na bumagsak sa sahig at napahandusay. Dahil mortal na ang katawan ni Leo hindi na nito kayang tanggapin ang mga atake ni Cain gaya nang ginagawa nito noong taglay pa nito ang kapangyarihan bilang isang anghel.

"Ano namang balak mong gawin?" ngumising wika ni Cain nang makita ang dalagang may hawak na pana at naktutuok sa kanya.

"Idiot. Ano pang ginagawa mo Bakit hindi ka pa umalis." Wika ni Leo kahit na nahihirapan.

"Sapalagay mo ba talaga kaya mo akong talunin?" wika ni Cain at naglakad palakad palapit sa dalaga ngunit bigla itong natigilan nang tamaan ang balikat nito nang palasong pinakawan ni Arielle. Napatingin ito sa braso niya kung saan bumaon ang palaso. Ilang saglit lang biglang naglaho ang palaso at naghilom ang sugat nito.

"Masyado kang pangahas." Wika ni Cain at mabilis na inatake si Arielle. Masyadong malayo ang agwat nang lakas ni Arielle at Cain. Wala man lang itong laban sa lalaki.

"Damn!" namasuntok na wika ni Leo. Ngayon lang siya nakaramdam nang helplessness habang nakikitang inaatake ni Jezebeth at Cain si Arielle at wala siyang magawa. Dahil isa na siyang mortal wala siyang lakas upang harapain ang mga ito.

Nagawa niyang makatayo ngunit hindi niya alam kung paano maililigtas ang dalaga.

"Huwag mo nang subukang manlaban Leo. Tanggapin mo na lang na ito na ang katapusan niyong dalawa." Wika ni Jezebeth at hinarap si Leo. Ngunit wala kay Jezebeth ang atensyon ni Leo kundi nakay Arielle na nakikipaglaban kay Cain sa kabila nang layo nang agwat nang lakas nila. Kung wala siyang gagawin matutulad si Arielle sa mga kasamahan nilang anghel na nasawi sa kamay nina Cain.

Napakuyom nang kamao si Leo. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa pangalawang pagkakataon wala siyang magawa habang isa sa mga mahahalagang tao sa buhay niya ang napapahamak.

"Paalam Arielle." Wika ni Cain at akmang sasaksakin si Arielle nang itim na punyal na siyang ginagamit nito sa pagpaslang sa mga anghel. Ang mga anghel, taliwas sa ma mortal kapag namatay ang mga ito. Tuluyang maglalaho ang katawan nila at walang maiiwang bakas. Hindi gaya nang mga mortal hindi pwedeng ma re incarnate ang mga anghel kapag namatay.

Napapikit nang mariin si Arielle. Ginawa niya ang lahat upang labanan si Cain ngunit hanggang doon nalang yata ang hangganan niya.

"Arielle!" Buong lakas na sigaw ni Leo nang makita ang gagawain ni Cain. Sa unang pagkakataon.

Pakiramdam ni Arielle tila musika sa pandinig niya nang marinig na binanggit ni Leo ang pangalan niya. And then She realize ang damdamin nang mga tao na ayaw niyang maramdaman ay naroon pala at nakatago sa loob niya. She realize na gaya nang mga mortal mahina din siya dahil sa damdaming iyon.

"Hah!" napasinghap si Arielle kasabay ang pagmulat nang mata nang hindi tumarak sa kanya ang punyal. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Achellion na nasa harap niya at sinalo ang kamay ni Cain.

"Arielle okay ka lang ba?" tanong ni Aya na nakalapit na sa kanya. Bakas pa rin ang gulat at pagtataka sa mukha ni Arielle. Nagtatanong ang isip niya. kung ano ang ginagawa nina Aya sa lugar na ito. "Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Aya kay Arielle at inalalayan itong tumayo.

"Achellion!" galit na wika ni Cain nang makilala ang binata.

"Talagang hindi ka pa rin nagbabago Cain." Wika ni Achellion sa lalaki.

"Kahit kailan panira ka sa mga plano ko." wika ni Cain. "Talagang pinanindigan mo ang pagkampi sa mga mahihinang mortal." Wika ni Cain at tumingin kay Aya.

"Dapat siguro ang babaeng iyan ang unahin ko. Siya ang dahilan kung bakit nasisira lahat nang plano ko." galit na asik ni Cain at bumaling kay Aya

"Ako ang harapin mo Cain. Ako ang kalaban mo." wika ni Achellion at humarang.

"Hindi mo ba nakikita? Nang dahil sa babaeng yan. Taliwas sa mga pinaglalaban moa ng ginagawa mo. Isa kang fallen angel ngunit wala kang ginagawa kundi ang labanan ang uri mo. Sa taglay mong kapangyarihan. Kaya mong sakupin ang mundong ito. Bakit hindi ka muling sumama sa amin at paghariaan natin ang mundong ito. Malapit na siyang bumalik. At makakaligtas ka----" naputol ang sasabihin nito.

"Wala akong pakiaalam kung magbabalik na siya. Magkaiba tayo nang pinaglalaban." Agaw ni Achellion.

"Leo!" malakas na tili ni Arielle nang makitang sinaksak ni Jezebeth si Leo nang itim na punyal ni Cain. Nang makita iyon ni Achellion mabilis siyang kumilos at inatake si Jezebeth. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Jezebeth habang tinutupok nang apoy ni Achellion ang buong katawan. Gimbal na napatingin si Cain sa kasamahan. Halos hindi niya nakita ang ginawa ni Achellion.

Talagang malayo ang agwat nang lakas nila. nakatitig lang siya hanggang sa tuluyang matupok nang apoy ang katawan ni Jezebeth at naglaho sa hangin.

Matalim na titig ang itinuon ni Achellion kay Cain. Hindi siya makapaniwalang kayang kaya nang ma control ni Achellion ang taglay nitong kapangyarihan.Tinalo nito anng grupo ni Jezebeth nang hindi man lamang nahihirapan at kung magtatagal pa siya a lugar na iyon tiyak na siya naman ang susunod.

"Hindi pa tayo tapos Achellion." Wika ni Cain at biglang naglaho.

"Leo!" wika ni Arielle at bumitaw kay Aya saka tumakbo palapit kay Leo na nakahandusay habang sargo ang dugo sa tiyan.

Napaubo si Julianne at naglabas nang dugo ang bibig. Napansin din nilang nangingitim na ang katawan nito. dahil sa lason mula sa punyal ni Cain. Unti-unti nang mapipigtas ang buhay nang binata kapag wala pa silang ginawa.

"Achellion. Please wala ba tayong magagawa para kay Julianne?" wika ni Aya at napahawak sa braso nang binata. Dahil hindi na isang anghel si Julianne mas mabilis na kumakalat ang lason sa katawan nito.

"Hindi ako sigurado kung gagana ang kapangyarihan ko sa kanya." Wika ni Achellion at lumapit kay Leo saka inilagay ang kamay sa sugat nang binata.

Unti-unting bumabalik ang dating kulay ni Julianne at naglalaho ang lason sa katawan nito hanggang sa tuluyan nan gang mawala ang lason sa katawan nang binata at mawala ang sugat nito.

"Achellion" nagaalalang wika ni Aya nang makitang mapaupo ang binata sa sahig halatang maraming enerhiya ang nawala mula ditto. Nagmulat din nang mata si Leo at nagbalik na ang dating lakas nito. Hindi siya isang manggagamot gaya ni Raphael kaya naman kapag ginamit niya ang kapangyarihan niyang magpagaling nababawasan din ang lakas niya.

"Achellion. Okay kalang ba?" tanong ni Aya na lumapit sa binata. Ngumiti lang si Achellion at hinawakan ang kamay nang dalaga.

"Mababawi ko din ang lakas ko maya-maya lang." assurance ni Achellion.

"Salamat." Simpleng wika ni Leo at napaupo.

"Maswerte ka pa rin at hindi malakas ang lason na taglay nang punyal ni Cain." Wika ni Achellion.

"Julianne bumalik na tayo." Wika ni Aya kay Julianne.

"Aya." singhap ni Julianne at napatitig sa inosenteng mukha ni Aya. saka niya naalala ang pangakong binitawan noon na kahit na anong mangayari poprotektahan niya ang dalaga dahil isa itong pamilya. Dahil sa nangyari kay Frances at sa pagkawala nang kapangyarihan niya panandalian niyang nakalimutan ang bagay na iyon.

"Hindi mo naman kailangan sarilinin lahat nang sakit na nararamdaman mo. Narito naman kami. Pamilya tayo hindi ba?" wika ni Aya at hinawakan ang kamay ni Julianne.

Matama lang na nakatitig si Arielle sa dalawa. Hindi niya alam kung bakit sa pakiramdam niya madaling na kumbinse ni Aya na pabalikin si Leo.

"Hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Achellion kay Arielle.

"Okay lang ako." Mahinang wika ni Arielle habang inaalalayan ni Achellion na tumayo. Nang makatayo si Arielle napalingon naman si Achellion kay Aya. Saktong napatingin din si Aya sa kanya ngumiti ito sa kanya. Si Aya ang unang nakaramdam na nasa panganib si Leo at Arielle. Ayaw nga sana niyang isama ang dalaga kaya lang hindi rin naman ito nagpapaiwan.

"Kung hindi kayo dumating baka-----"

"Magkakaibigan tayo kaya naman dapat nagtutulungan tayo."agaw ni Aya. "Ito rin ang iniisip mon ang puntahan mo ditto si Julianne hindi ba?" Ngumiting wika ni AYa. hindi nagsalita si Arielle. Ngayon na iintindihan na niya kung bakit si Aya ang pinili upang magdala nang oracle. Ang inosente nitong pagiisip at dalisay na puso ang dahilan kung bakit ito ang itinakdang magdala nang oracle.

"Sapalagay ko unti-unti ko nang naiintindihan ang plano Niya" wika ni Arielle taka namang mapatingin si Achellion kay Arielle. "Sa palagay na iintindihan ko na rin kung bakit mo piniling manatili sa tabi niya." Wika ni Arielle at tumingin kay Aya na kausap si Leo.

Next chapter