webnovel

Chapter 7

"Walang sino man ang maaaring lumapit sa aking ina kahit isang pulgada pa man."

... ... ...

{[ROUGE's POV]}

5:30 na pala, may 30 minutes pa. Pag 'di pa to tumigil, wala kaming maggawa. Talagang mag-stay kami rito. Okay lang naman sa kanila, siguro mas masaya pa sila kasi may kasama silang mga pulis.

"Luto na ang hapunan! Labas ka na diyan apo at kakain na tayo."

Baka 'di narinig. Puntahan ko na lang doon.

"Baka 'di niya po narinig, tawagin ko na lang."

Tumungo ako sa kwarto niya. Maganda rin ang pintuan niya parang sa harapan din ang style.

Kumatok ako at tinawag ang pangalan niya. Hindi ito sumasagot pero rinig ko mula sa pinto ang pagkadabog ng mga gamit sa loob nito.

"Alizsha ka-" napatigil talaga noong nakita ko ang mga gamit sa loob ng kwarto niya.

May nakita akong isang uniporme ng isang pulis at maraming mga papel sa kanyang lamesa, meron ding chart ng mga possible suspects na nakadikit sa wall niya. Napatingin kami sa isa't isa habang nanlalaki ang mga mata.

"Astig!" iyon lamang ang nasabi ko noong nakita ko ang mga iyon.

Dali-dali namang tumayo si Alizsha at nagbalak na tanggalin ang mga picture at itago ang mga papel na nakalagay sa lamesa niya.

"Huwag na!" pigil ko at hinawakan ko ang kanang kamay niya tsaka hinatak ko papalapit sa'kin, pero 'di naman gano'n kalapit gaya ng iniisip mo.

Lumayo naman siya agad at umupo sa sahig, sa gilid ng kama niya at nagsalita, "Pasensiya na kung hindi ko sinabi agad. Nahihiya kasi ako dahil isa akong detective pero naghintay pa ako ng lalapit para ma-solve ang problema ko,"

"Hindi lang naman ikaw ang naging biktima. Marami rin sa lahat ng parte ng Voulude. 'Wag ka masayadong mag-alala tungkol do'n."

"Diba kakain na tayo?" tanong niya.

"Ay oo, tara na?" inabot ko ang aking kamay para tulungan siyang bumangon sa sahig.

"Kakain na! Rou-- nandyan na po kami lola!" bigla na lang talaga sumusulpot si Liane.

Tumulong kami sa pag-aayos ng lamesa at paglalagay ng mga niluto ni lola sa hapag.

Umupo na kaming lahat at nanalangin nang pabulong si lola. Nanahimik kaming lahat hanggang sa matapos siya.

"Haha, pasensiya. Napatagal yata kami."

"Ano pa bang ginawa niyo doon?" tanong ni lola at tumingin sa akin si Liane.

"Nag-ayos lang po ng konti si Alizsha ng mga gamit niya." sagot ko naman at nginitian si Liane.

"Ah, ganon ba?"

"Opo la." sagot ni Alezsha.

Pagkatapos naming kumain, naghugas na ng pinagkainan si Alezsha at pumunta kami sa labas ni Liane para mag-usap.

No'ng nasa labas na kami ay agad akong nagkuwento.

"Ang astig pala ni Alizsha!"

"Paano mo naman nasabi?"

"Detective rin pala siya! Tapos kompleto pa siya sa gamit. May laptop, may chart din siya sa room niya, ang sipag niya gumagawa pa ng sarili niyang chart."

"Pati ako kaya!" I sighed. "Makikita talaga ang mga walang pake,"

"Ako lang ba? Haha. Ako kasi, matalino na masyado kaya 'di ko na kailangan iyang mga yan." mahangin niyang aniya.

"Ang sabihin mo, tinatamad ka lang-- ay mali tamad ka lang talaga."

"Sige, 'di na ako magkukuwento." pananakot niya.

"'Di joke lang sabi ko, 'di ka naman mabiro."

"Ha? Parang hindi pintado yang mukha mo 'pag nagjo-joke ka. Mag-smile ka naman nang konti, tinatakot mo lang jino-joke mo 'e."

"Oo na, oo na, tuloy mo na lang."

"Liane? Rouge? Pasok na kayo, ayos na ang mga higaan ninyo."

Pumasok kami agad dahil malamig din sa labas eh.

"Tsaka yung kumot at unan ninyo nandoon na rin." ngumiti si lola sa amin.

"Hala! kami na lang po sana ang nag-ayos ng higaan namin. Pero maraming salamat na lang po. Sige po, maraming salamat po sa pag-aayos." sambit ko bago pumasok sa kwarto niya.

"Ano? tuloy mo na." sabi ni Liane sa akin. Napag-isipan kong bukas na lang dahil antok na ako.

"Eh kung bukas na lang kaya?"

Inilipat ni Liane ang tingin niya sa aking likuran at nagsalita.

"Good night, Alizsha." bigla na lang bumati si Liane kaya napatingin din ako. Si Alizsha nga, baka siya iyong hinihintay niya hindi yung kuwento ko. Parang na-love at first sight talaga si Liane.

Tumingin naman si Alizsha at nginitian si Liane.

"Good night, Rouge, Liane." bakas sa mga ngiti sa mukha niya na kinilig siya sa ngiti ni Alizsha.

17/01/2089

Umaga paggising nila Rouge..

Paggising ko, tiningnan ko ang aking cellphone at 6:00 am na kaya kinalabit ko si Liane para sabihing bumangon na siya at para makaalis na kami.

Inayos namin ang aming pinaghigaan at pumunta ako sa kwarto ni Alizsha. Kasama ko si Liane.

Kumatok ako at binuksan naman niya ito agad.

"Aalis na pala kami, maaari ko bang makuha ang number mo? Para mabigyang alam kita tungkol sa lagay ng kotse mo."

"Sige." maikli niyang sagot. Umupo siya sa upuan niya at isinulat sa isang maliit na papel tsaka ko naman nilagay sa notebook ni Liane.

"Maraming salamat nga pala sa pagkain at pinatulog niyo pa kami nang libre."

"Wag na kayong mag-alala tungkol doon. Maraming salamat din sa pagtingin sa kotse ko."

"Sige. Paki-sabi na lang din kay lola salamat, may pasok pa kasi kami."

Tumango ito at ngumiti. Sinarado na niya ang pinto no'ng paalis na kami.

Binuksan ni Liane ang gate at umalis na kami. Hinatid ko muna si Liane gaya ng dati bago ako umuwi.

•••

Kami talaga ang inatasang humawak sa kaso ng mga sasakyan dahil nagpresenta kami ni Liane para gawin ang task at pumayag naman si chief.

Back to business, nakapagpalit na ako at nasa opisina na kami pareho ni Liane. Nagreport kami ni Liane tungkol sa mga nalalaman namin at nagpaliwanag kung bakit hindi kami nakapagsubmit ng report.

"Naintindihan ko. Talagang naging malakas ang pag-ulan ng niyebe kahapon, narinig ko rin sa isang report kagabi." ani ni Chief.

Hindi muna nagbigay ng komento si chief tungkol sa natapos naming record at maghihintay raw muna ito kahit isang buwan. Kaya itinuloy na lang namin ang hindi namin natapos kahapon dahil sa pag-ulan ng niyebe.

Bumalik kami sa Western Voulude para hanapin ang iba pa. May dalawa na lang na natitira galing sa Western Voulude.

Dumating na kami sa isa pang bahay at nakita ang yupi-yuping taas ng sasakyan. Hindi alam ng may-ari kung saan ba talaga, at kung saan siya nagpunta kung bakit naging ganyan.

Dating gawi, magtatanong si Liane at ako sa sasakyan. Tila naninibago ako sa aking ginagawa dahil hindi pa naman gano'n ka-grabe ang mga dating sasakyan na natingnan ko. Pati ang may-ari halos tikom-bibig lang siya.

"Saan at kailan po iyong huling biyahe niyo gamit iyong sasakyan niyo? Maaari pong iyong mga kumpleto o iyong naalala niyo na lang."

"Tatlong araw na ang nakararaan mula nang napansin ko iyan. Siguro.. 9:00 a.m. pa lang no'n, do'n sa may bandang appliances store." sagot naman niya.

"Mga ilang kilometro po ang layo mula sa mall iyon? Malapit lang po ba o straight lang iyong daan papunta doon?" tanong pa ni Liane

"Kung from mall hanggang sa pinuntahan ko, at least 1 km lang.. hindi na siya ganoon ka layo. Bakit mo natanong?"

"Yung una po kasi sabi niya 'e nanggaling siya sa mall."

"Bakit may koneksiyon ba iyong pagitan namin?"

"Kami na po ang bahala. Maraming salamat po sa kooperasyon niyo." patapos na linya ni Liane at tinawag na ako.

"Oo, konti na lang!" patapos na ako wait ka lang diyan.

"Mauna na ako sa sasakyan."

"Sige lang."

Pagkaraan ng isa pang minuto ay tapos na rin ako. Dumiretso ako kaagad sa loob ng kotse ko. Pinaandar ko ito at umalis na kami.

Habang nasa biyahe kami ni Liane ay tinanong niya ako.

"Natagalan ka kanina ah. Bakit?"

"Tanong ka nang tanong mamaya na lang. Ang hirap mag-explain."

"Oo na."

Pinaharurot ko na papunta sa huling biktima, sa Western Voulude.

Pagdating namin, dating gawi lang.

"Tao po?! Ay magandang umaga po." nagsalita si Liane.

"Ano pong sadya niyo?" tanong naman ng nagbukas sa gate.

"Maaari ko po bang matingnan ang iyong sasakyan?"

"Ay sige po, pasok kayo."

Pagpasok namin ganoon din ang bumungad sa amin, parang magkaparehas silang nagpunta sa appliance store. Humingi ako ng permiso sa may-ari at pumayag naman ito. Lumapit ako at kitang-kita ko na ang itsura ng sasakyan. Mas yupi at may butas pa ito.

"Kailan at saan po kayo nagpunta sa araw na iyon?" tanong ni Liane

"Papaalis na ako ng Western papunta sa Southern para magtrabaho. No'ng nasa boundary na ako, napansin ko talagang umalog iyong sasakyan ko. Binagalan ko nang kaunti at tumingin sa aking itaas. Wala pa naman akong napansing kakaiba kaya dumiretso lang ako."

"So, umaga pa po yun?" tanong naman ni Liane.

"Oo, mga 8:49 yata nung napansin ko iyon."

"Sige maraming salamat po, kami na pong bahala. Tatawagan na lang po namin kayo kung mayroon na pong update tungkol dito."

+-+-+-+-+(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)

See you on next chapter.😉

Next chapter