15/01/2089
(Gabi noong araw na iyon)
{[MY MOTHER's POV]}
*cling *cling* tunog ng mga bell sa pintuan.
Dumating na nga ang aking anak. Kailangan ko munang ayusin ang aking buhok. Tinali ko ito sa style na kinasanayan ng anak ko.
"Tadaima!"(ta-day-ma, meaning: 'I'm home')
Mga katagang ginagamit niya sa tuwing papasok na siya sa bahay.
"Welcome home, anak!" bati ko naman sa kaniya.
"Kamusta lakad mo ngayon?" tanong ko at ngumisi.
"Ayos na ayos po! Ang dami na namang namatay. Sa may bandang... sa.. ewan ko na." aniya tsaka malademonyong tumawa.
Kinabahan ako bigla nang nabanggit niya ang tungkol sa mga sinabi niya. Talagang nakakagulat ang babaeng ito. Hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya.
Kung umuwi siya ay basa palagi ang mga damit pati ang buong katawan niyo. Hindi siya sa tulay dumaraan dahil mas masaya raw ang naliligo habang papauwi na.
"Oops! Palit muna bago hug. HAHA!" pagpapalala ko sa kanya.
"Anak? Silistine? Kain na nak."
Lumabas na ito sa kanyang kwaro pagkatapos magpalit. Umupo na siya sa upuan at binaggit ang mga katagang palagi niyang sinasabi bago kumain,
"Ittadakimasu,"
(It-ta-dak-ki-mas)
(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)+-+-+-
15/01/2089
(Umaaga noong araw na iyon)
{[LIANE's POV]}
Parang sa mga horror movies ang narinig naming bumubukas na pinto. Marahan lamang ang pagakabukas sa pinto. Lumabas ang isang ginang at sinabing, "Bakit kayo nandito? At sino kayo?"
Mas takang-taka ako sa ginang sapagkat nakatira siya sa isang lugar kung saan ilang metro lamang sa malawak na ilog.
Gawa lamang sa kahoy ang bahay niya. Hindi ko rin alam kung paano siya nabubuhay sa lugar na gaya nito lalo na't nagyeyelo na ang ibang mga parte ng ilog na malapit sa tahanan niya.
"Bakit po kayo dito naninirihan? Ayaw niyo po ba sa-"
"Pumasok muna kayo, dali. Malamig pa naman diyan sa labas." pagmamabuti ng ginang sa amin.
*cling* *cling*
Tunog ng mga bell sa pintuan niya.
Pagpasok namin ay inayos niya ang mga upuan at pinagtimpla pa kami ng kape.
Inilibot ko ang aking mga mata. Hindi ko lubos akalaing ganito kaayos ang loob ng bahay niya. Malayo sa naimagine kong bahay.
"Ba't kayo naparito? ano ang sadya ninyo?" tanong ng ginang habang inilalapag ang mga kape na tinimpla niya.
"Kumuha muna kayo," aya niya at inabot sa amin ang mga kape.
"Mga pulis po kami," kalmadong sagot ni Rouge.
Wala na akong masabi kaya nginitian ko na lang ang ginang.
"Bakit kayo naparito? Anong ginagawa ninyong mga pulis dito?" tanong pa ng ginang.
"Nandito kami para mag-imbestiga, iyan lamang po ang aming rason." agad na sagot ni Rouge.
Tumingin sa akin ang ginang habang nakataas ang mga kilay.
"Ay, opo. Nag-iimbestiga nga po kami." binaba niya ang isang kilay.
"Ha? Ba't dito?" tanong niya na alam kong may halong duda.
"Huwag po kayong mag-alala hindi po kayo madadamay," pagpapakalam ko tsaka nginitian kong muli ang ginang.
Nang naubos na namin ang kape ay kinuha na niya ang aming mga baso at ibinalik sa kusina.
Habang nandoon pa siya ay nakita ko ang isang larawan na nakita ko sa isang lamesang maliit. Patago kong kinunan ang litrato para 'di malaman ng ginang.
Dumating na siya.
Bago ko pa matanong ang ginang ay binalak niyang hablutin ang larawan sa akin ngunit 'di na niya ito itinuloy.
"A-Anak niyo po i-iyon?" utal kong tanong sa kaniya.
"Ahh... ahh.. hindi. Isa rin siya sa mga bumibista rito." kinakabahan siya sa kanyang mga sinasabi, parang ayaw niyang aminin ang relasyon nila.
"Ay, sige po." sagot ko na lang at ngumiti ako para matakpan ang pagtataka sa aking mukha.
"Mauna na po kami, thank you po," paalam ko habang papalabas na kami sa pinto.
Hindi na kami sinundan ng ginang mula sa labas. Tahimik niyang sinara ang pintuan at hindi na tumunog ang bell na nakakabit dito.
Humanging bigla kaya hinarangan ko ang aking mukha gamit ang aking braso. Nakatingin ako sa aking kanan, sa direksyon ng nagyeyelong ilog. May napansin akong kakaiba dito. Noong una'y binaliwala ko lamang ito. Mas lalo pang lumakas ang hangin at sumabay na ang pagbuhos ng mga niyebe sa mga oras na iyon kaya nagmadali na kaming sumakay sa sasakyan at bumalik sa intersection. Nakalimutan kasi ni Rouge na iwan yung bote ng softdrinks kanina eh.
Magkahalong takot at pagtataka ang naramdaman ko habang kami'y nasa daan pabalik sa opisina. Hindi talaga ako mapalagay. Parang nakita ko na ang hugis na iyon, ang kislap nito.
"Wala ka bang napansin kanina sa ilog?" tanong ko kay Rouge.
"Diretso lamang ang tingin ko no'ng naglalakad tayo, hanggang kanina nang nando'n pa tayo sa tulay." sagot niya.
"Pero talagang ang pinagtatakahan ko ay iyong ginang. Parang nagsisinungaling siya eh... ba't ka napapalakpak?" takang tanong ko nang pumalakpak siya.
"Sa tingin ko alam ko na. Itigil mo muna ang kotse." para akong nabunutan ng tinik.
"Mamaya na baka hindi na tayo makadaan, medyo kumakapal na ang niyebe sa daan."
Tumingin siya sa salamin at nag-thumbs-up na lang ako.
Pagdating namin sa parking lot ng opisina ay pinakita ko na ang litrato at ipinaliwanag ko ang aking tiyorya.
"Ito tingnan mo. Iba na ang nakita ko rito, hindi na siya parang kalmot lang. Parang nakatayo na ang babaeng iyon. Kung susumahin ang bigat nito, hindi siya ganoong kabigat ngunit hindi na siya naging maingat sa galaw niya at naglakad na lamang sa kahabaan ng ilog na nagyeyelo. Sa tingin niya siguro ay walang susunod sa kaniya kaya hindi na niya kinontrol at in-enjoy na lang niya ang lamig ng niyebe roon. Buti na lamang at hindi pa humahangin nang ganoong kalakas kanina, kundi natakpan na ang mga ebidensya." pagsasalaysay ko sa aking nalalaman.
"So, sinasabi mong maaaring patungo siya sa kabilang dulo ng ilog?" tanong niya.
"Maaari."
"Patingin ng kuha mo kanina, sa picture na nasa lamesa."
Pinakita ko sa kanya ito.
"Iyong babae, iyan iyong mas bata. Ang ganda niya ha!" nagbibiro pa si Rouge.
"Seryosohin mo naman!" agad ko namang suway.
"Kalma, kalma HAHA! Maaaring ang mga ito ay magkakilala ngunit hindi naman sila magkamukha o ano. Tingnan mo siya, iyong mga kuko niya parang kakaiba, pati iyong buhok niya ay kakaiba. Masyadong malayo kung magkamaganak sila o ano." pagpapaliwanag niya.
"Eh saan papunta iyong babaeng iyon?"
tanong ko dala nang aking pagtataka.
"Aba'y malay ko," agad ko siyang sinapak, "Bakit mo naman ako sinapak?! Oo na, aayos na. Wala pa naman tayong alam tungkol sa ilog o sa kakahuyan do'n."
"Teka lang tingnan mo 'to... iyong mga tao nagpopost tungkol sa mga gasgas ng mga windshield at sa mga tuktok ng kanilang mga sasakyan. Maaaring makakuha pa tayo ng mga sagot pag tinanong natin ang mga taong nagpost." pagngungumbinsi ko sa kaniya at agad naman siyang pumayag.
(-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)+-+-+-
(Gabi rin noong araw na iyon)
{[SILISITINE's POV]}
Ang sarap talagang maligo sa nagyeyelong tubig na ganito.. hehe. Sana may ganito rin malapit sa bahay. Wala naman sigurong nakakaalam na mga mortal tungkol sa akin.. hehe. Pero nagustuhan ko iyong mukha ng kuya kagabi. Para siyang natakot, nakakatakot ba ako? Baka nagulat lang kasi nasa gitna ako, pero masaya pa rin naman ako.. hehe.
Lumulubog na pala ang araw?! Uuwi na lamang ako para makita ang aking nanay.
"Tadaima!"
"Welcome home, anak! Kamusta lakad mo ngayon?"
Ihuhug ko sana si mama kaso 'di pa pala ako nakapagpalit.. huhu.
"Oops! Palit muna bago hug."
nginitian ko si mama, ngunit nakangiti lang din siya. Mama ko nga siya.. huhu.
"Anak? Silistine? Kain na anak." aya niya sa akin.
"Patapos na po."
Lumapit ako kaagad sa lamesa pagkatapos magpalit.
"Ittadakimasu!"
Isinubo ko na ang unang kutsara pati na ang pangalawa at tinanong ko si mama.
"Ma, may pumunta ba dito ngayong umaga?"
"Bakit mo naman natanong 'nak?"
"Wala lang po.. hehe." at ngumiti ako ng nakakatakot ngunit wala lang kay nanay.
"Meron po? Sino po sila?"
"Oo 'nak, meron. Dalawa lang sila eh. Iyong isa nakabrown suit tapos iyong isa nakajacket na black eh. Bakit nak?"
"Ahh, wala lang po."
Ngumiti ako, "At may nagtangka na palang lumapit sa nanay ko. Sana bumalik pa kayo bukas, hehe. May regalo sana akong gustong ibigay.. hehe."
+-+-+-(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+)
Kung meron man pong mga grammatical errors at kung may mga typos na di niyo maintindihan, ok lang po magtanong hehe. And tnx for reading.