webnovel

Chapter 3: The Plan (Part 2)

Selene Caz

Nagdadalawang isip pako kung bubuksan ko, kasi masyadong delekado kaso...

"Len! Lenlen!" sigaw nang nasa labas.

Mabilis pa sa alaskwatro kong binuksan yung pinto.

At pagbukas na pagbukas ko mismo ay syang pagpasok ng mabilis ng apat na bulto.

Agad nanlaki ang mata ko nang makilala ko sila.

Napansin ko naman ang pagsara ni Chester sa pinto pero hindi ko inaalis ang atensyon ko sa apat.

"G-guys..." sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko tsaka ko naramdaman ang pagyakap sakin ni Loreine.

Naramdaman ko rin ang pagbasa nang balikat ko dahil sa mga luha nya.

"Selene..." bulong nya habang umiiyak at yakap ako. Diko namalayan na niyayakap ko na rin pala sya.

Habang yakap ako ni Reine, yumakap na rin sakin sila Jade at Aldrin.

Lalo tuloy akong naiyak.

Piling ko pwede na kong matakot ngayon at pwede na kong huminto sa pagpapanggap na matapang kasi nandyan naman na sila.

Hindi ko maitatangging isa sila sa pinagkukuhanan ko ng lakas.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap naman ang mga kaklase ko nang biglang may humatak sakin at kinulong ako sa mga bisig nya.

That smell, the very familiar smell.

My favorite smell.

My first.

First boy bestfriend.

My first love.

My first boyfriend.

My first ex-boyfriend.

"Len..." bulong nya sakin at lalo pang hinigpitan ang pagyakap sakin.

Hindi ko namalayan na niyayakap ko na rin pala sya nang sobrang higpit.

Isinubsob ko yung mukha ko sa leeg nya.

Ang higpit ng yakap namin sa isat-isa na para bang takot kaming mawala ang isat-isa samin.

Habang yakap nya ko, piling ko ligtas na ko.

"Shhh..." pagpapatahan nya, pero nung narinig ko yung boses nya ay agad akong nahiya.

Lumayo agad ako sa kanya staka ko pinunasan yung mga luha ko.

Putspa! Nakakahiya ka Selene!

Gusto ko mang pagsabihan pa ang sarili ko sa katangahang pag yakap ko kay Jazer ay mas pinagtuunan ko nalang ng pansin sila Loreine. Lack of time na rin kasi kami.

Nilapitan ko naman agad si Loreine.

"B-bat kayo nandito? P-pano kayo nakapunta dito, samantalang andaming zombies sa labas" tanong ko sa kanya nang hindi lumilingon kahit saan.

Basta nahihiya pa din ako!

"Yan kasing si Reine at Jazer! Hindi mapakali hanggat di ka nakikitang ligtas, kaya pinili naming pumunta muna dito tutal malapit lang naman tong school nyo sa school namin" sabi naman ni Jade.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinaghahampas ko sila Jade at Aldrin.

"A-aray! Ano ba Len?! Galing na nga kami sa zombies tas mananakit ka pa?!" -Aldrin

"Putspa! Ano ba Len?! Masakit!" -Jade

"Masasaktan talaga kayo!" sigaw ko sa kanila tsaka ako lumayo "Siraulo ba kayo?! Alam nyo ba kung gano ka delikado sa labas?! Ha?!"

"Kaya nga nakasuot kami neto oh, tsaka nagdala na rin kami nang mga pang self defense like this! Baseball bat na ninakaw pa namin don sa field" paliwanag ni Loreine.

Ngayon ko lang napansin ang kabuuan nila. May mga pinaikot na tela sa mga braso at binti nila. Medyo madungis na rin sila dahil sa mga dugo.

"Para san yan?" Turo ko sa mga pinaikot na telang nakabalot sa kanila.

"Iwas rabies, kita mo yung mga panget na zombies na yon? Once na makagat ka nila dito sa tyan mo pataas o kaya naman sa kamay mo o braso, in just 30-40 seconds zombie ka na. But once na makagat ka sa kahit anong parte nang katawan mo na nasa ibaba ng tyan mo kasama ang mga binti at paa mo ay may 6-7 days ka pang natitira to live as a human" paliwanag ni Jade.

Agad kumunot ang noo ko.

"Pano mo nalaman ang mga yan?" tanong ko.

"Dahil jan sa ex mo, talino ih" sagot nya kaya naman napatingin ako kay Jazer at tinaasan ko sya nang kilay.

"Ow, nagta-trabaho kasi yung uncle ko sa korea." maikling paliwanag nya kaya napa irap ako.

Napaka pabitin ng lahi neto.

"Anong konek?" inip na sabi ko sa kanya.

Ibinaba naman nya yung bag na dala nya tsaka sila nagsipag upuan din sa sahig. Kinalkal nya yung bag nya tsaka nya iniabot sakin yung tubig na dala nya.

"Saglit lang, atat mo talaga" sabi naman nya kaya inirapan ko muna sya tsaka ko kinuha yung tubig na iniaabot nya sakin.

Umayos kaming lahat ng upo tsaka nakinig sa sasabihin nya.

Katabi ko sa kaliwa si Chester at sa kanan ko naman ay si Loreine, sa tabi ni Loreine ay si Aldrin tas si Jazer at sa tabi ni Jazer ay si Jade at sa tabi ni Jade ay yung mga kaklase ko na.

"Nauna nang nagkaroon ng zombies sa korea, pero hindi pa ito inilalabas ng gobyerno nila dahil takot silang magkagulo. At dahil doctor ang uncle ko don, isa sya sa mga unang nakaalam. Pinag aralan nilang maigi ang isang zombie ng lumala na yung nangyayare. And lahat ng paliwanag ni Jade ay totoo. Hindi tayo pwedeng makagat ng zombies dahil mahahawa tayo. But if ever na no choice, okay lang na makagat wag lang sa upper part ng body mo" paliwanag nya.

"Anong silbi kung sa lower part ka nga nang body mo makagat at mabuhay ka nang 6 days pero wala naman tayong magagawa dahil magiging zombie parin ang ending natin" seryosong sabi ni Chester kaya agad ko syang siniko.

Tinaasan nya lang ako nang kilay.

Bigla namag sumeryoso ang mukha ni Jazer.

"Actually may chance pa na mawalan ng bisa yung kagat ng zombie sayo" sabi nya na nag palaki nang mata ko..

Lahat kami ay gulat ang ekspresyon sa sinabi nya. The heck! Totoo?!

"How?!" agad na tanong ko sa kanya.

"Kung matitiis mo nang 6 days hanggang sa magawa nating makapunta o makipag communicate sa Red Island" seryosong sabi nya.

Napalunok naman ako, gaya nang inaasahan. Pero pano makakatulong ang Red Island sa mga taong nakagat sa lower part ng body?

"One month ago, nagpadala ang team ng uncle ko dito sa pilipinas ng mga gamot para sa mga nakagat ng zombies. Inilagay yung gamot sa Red Island dahil mas safe yun don at talagang mapagkakatiwalaan ang mga tao don. Hind lang yon, once na makapunta tayo don ay pwede tayong uminom ng gamot na magbibigay satin ng proteksyon para hindi na tayo matablan kaylan man ng kagat ng zombies" mahabang paliwanag nya

Natahimik naman kaming lahat.

"Wow..." binasag naman yon ng isa kong kaklase.

"This year lang nagawan ng gamot to nang mga doctor sa korea at ngayon, bumabalik na sila sa dating buhay nila. Although may mga nagbago at nawala, pero wala na namang dumagdag na namatay" sabi nya.

"Ang cool ng uncle mo" yun nalang ang lumabas sa bibig ko.

"Tsk" rinig kong singhal ni Chester.

Inirapan ko lang sya sabay balik ko nang atensyon kay Jazer.

"Ngapala, may alam ka pa ba about don sa zombies na pwedeng makatulong satin?" tanong ko sa kanya.

"Hmm... ow, naalala ko yung sabi ni uncle kay papa nung araw na tumawag sya samin. Hindi sila nakakakita sa dilim. Kapag gabi tanging pakiramdam lang nila yung pinapagana nila. At takot sila sa tubig, hindi nila kayang maglakad sa tubig dahil takot sila. Mabilis silang kumilos pero hindi sila tumatakbo, yun lang ang alam kong makakatulong satin" sagot nya.

"Ah..." tinitigan ko isa-isa yung mga kaklase ko. "Pahinga na muna kayo, bukas ng umaga ang alis natin" bumakas naman ang takot sa mga mukha nila.

Pero di nagtagal ay nagsipag pwesto na rin sila para makahiga.

6:00 pm na, antagal na rin pala naming nagpupulong?

Tumayo ako tsaka ako nagpunta sa isang sulok habang dala ko ang mapang ginagawa ko.

Uhmm... paglabas namin ng room, may 3 rooms pa kaming madadaanan. Tas hagdan na pababa.

Tas sa first floor, unang bubungad samin ay yung canteen. Hmm... stop muna kami don bukas para mangolekta nang pagkain tas tsaka kami babalik sa paglalakad.

Pagtas ng canteen, may library tas gym namin, tas locker, tas sports room kung san nakalagay yung mga baseball bat at iba pang mga pang laro nang school. Then after sports room ay yung computer room tas auditorium tas faculty tas principal office tas makakalabas na kami nang building.

Paglabas ng building, sure naman na may mga zombies na nakapalibot, so dapat maingat at dahan-dahan ang kilos namin.

Hindi kami pwedeng maglakad o tumakbo palabas ng gate.

So pano kami makakalabas ng gate nang hindi mahahabol ng mga zombies?

Hmmm...

At biglang nag-pop up sa utak ko ang isang imahe.

That bus!

Kaso...

Wala naman atang marunong magmaneho samin.

Pero yun ang best option!

Kaysa... maglakad o tumakbo---

"Anong iniisip mo?" muntik na kong mapasigaw sa gulat dahil sa nagsalita.

Agad ko syang hinarap pero agad ko ring binawi ang tingin ko sa kanya dahil sa ilang.

What the hell Jazer?

"W-wala..." ilang na sagot ko.

"Hindi ka pa ba magpapahinga? Tignan mo silang lahat oh. Mga bagsak na dahil sa pagod" napatingin ako sa paligid.

Nakahiga na nga sila, pati sila Chara at Nicole. Pati na rin sila Loreine at Aldrin at Jade, pati yung 15 kong iba pang kaklase. Napatingin ako sa isang sulok, don nakaupo si Chester habang nakasandal sa dingding at nakapikit. Pano kaya sya makakatulog nyan?

"Mamaya na siguro, tatapusin ko lang to" sagot ko naman.

Nanlaki ang mata ko nang bigla syang humiga at ginawang unan ang legs ko.

What the heck?

"Okay, edi ako muna ang magpapahinga. Just stay and don't you dare leave me again" seryosong sabi nya habang nakapikit.

Pero hindi ko alam kung bakit iba ang dating nang sinabi nyang yon sakin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"What?" tanong nya habang nakapikit

"Bakit mo to ginagawa sakin? Bakit kaylangan mo pang mag-alala sakin? Bakit ganito ka sakin? Iniwan na kita pero---"

Napadilat naman sya at seryoso akong tinignan

"Gaya nang sabi mo, iniwan mo ko. Ikaw ang may gusto non. But me? Hindi kita iniwan, at hindi kita iiwan. Por que ba hindi na tayo, wala na kong karapatang gawin tong mga bagay na to sayo? Wala na kong karapatang mag-alala sayo?" may halong inis na sabi nya.

"Hindi naman pero..."

Agad naman syang pumikit.

"Kung naiilang ka, isipin mo nalang na ganito ako sayo dahil magkaibigan tayo."

"H-huh?"

Idinilat nya naman ulit ang mga mata nya.

"Isipin mo munang ginagawa ko to dahil magkaibigan tayo, but don't expect na pareho tayo nang iisipin" seryosong sabi nya.

"P-pero---"

"Ikaw ang nang iwan. Ikaw ang na out of love. Hindi ako. Hindi ko naman mauutusan tong feelings ko na sa iba nalang ibigay diba? Tsk! Kasalan mo kung bat ako na-fall sayo, tas ngayon di mo paninindigan? May pa spell-spell ka pang nalalaman." huling sinabi nya tsaka sya pumikit.

Nagulat ako nang umikot sya nang higa tas pumaharap sa tyan ko tsaka nya yinakap ang bewang ko habang nakasubsob yung mukha nya sa bewang ko.

Loko to!

Next chapter