webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER FIVE

Halos ang lahat ay gising na, nakagayak na rin si Darcy at Dax at hinihintay na lang ang iba. Maya-maya ay lumapit kay Darcy si Madam Heart na aligaga.

MADAM HEART

Darcy, medyo busy kasi ako pwede bang paki-gising si Juancho.

*sabay turo gamit ang nguso sa nakahiga pa rin na si Juancho,tumango si Darcy bilang tugon at nagtungo kay Juancho.

Mukhang mas bagay sila.

*sambit nito matapos makalapit ni Darcy kay Juancho.

DAX

Sa'n banda? Parang 'di naman.

*salungat nito sa bulong na nadinig niya kay Madam Heart.

MADAM HEART

Amoy jelly ace dito...

*sabay singhot nito at alis,samantala sa kabilang dako ay naroon si Darcy at tinatapik nito ng marahan ang ginigising at ilang tapik pa ay minulat na nito ang kanyang mata.

JUANCHO

Mo...mommy.

*sambit nito ng maaninag kay Darcy ang mukha ng kanyang Ina.

DARCY

Mag-ready ka na, aalis na daw tayo.

*sabi nito at sabay alis na sinundan ng pagbangon ni Juancho.

AFTER A MINUTE

Katulad ng dating ayos ganoon din ang naging pwesto nila, katabi ni Darcy si Dax na 'di nagkikibuan samantalang katabi ni Madam Heart si Juancho na tila walang namang gana.

MADAM HEART

Madadaig yata ng lamig sa loob ng Bus na'to ang init ng mga nagbabagang bato sa loob ng Bulkang Mayon.

*nang mapansin ang malalamig na mukha nila Darcy, Juancho at Dax.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. DARCY's HOUSE-DAY

Magdamag na nag hintay sa pagbabalik ni Darcy sina Mapa, Kinchay at Horhe. Nakahiga sila sa sofa na ini-harap sa pintuan para pagbukas pa lang ng pinto ni Darcy ay mapansin kaagad nila.

MAPA

7:30 na pala, ba't wala pa rin yung batang yun.

*nang unang masilayan ni Mapa ang orasan ng magising siya.

Gising, bumangon na kayo diyan.

*yugyog nito kina Kinchay at Horhe na bumangon rin naman kaagad.

KINCHAY

Dumating na po ba si Darcy?

*tanong nito habang nag-uunat.

MAPA

Hindi pa nga eh.

HORHE

'Di kaya,nasa morge na siya?

*isang kutos na ininda nito ang ibinigay ng kanyang Mapa kay Horhe.

MAPA

Pag ikaw namatay sinasabi ko sa'yo 'di kita ipapamorge at burol, libing ka kaagad at lahat ng makikilibing walang kape't pandesal.

*sermon nito rito habang inda pa rin ni Horhe ang ulo nito kinutusan.

HORHE

Eh kasi 'di siya sumasagot sa mga tawag at text natin kaya po...

*isang kutos muli mula sa kanyang Mapa ang naramdaman na nagputol sa sanang sasabihin.

MEAN WHILE

EXT. FAME.TOWERS-DAY

Nakabalik na rin sa kanilang opisina mula sa biyahe ang lahat. Unti-unti nang nagsi-babaan ang lahat. Unang bumaba si Juancho na tila ba nag-mamadali. Maya-maya rin ay bumama na rin sina Dax at Darcy.

DAX

Gusto mo ihatid na kita sa'nyo?

*pero bago pa man marinig ang sagot ni Darcy sa yaya niya ay sumulpot sa kung saan si Madam Heart.

MADAM HEART

Wrong timing ba ako?

*tanong nito at saka tingin sa kanyang orasan.

7:45 a.m. na pala, so right timing pala ako.

*pagkatapos nito ay binuksan ang laptop na tila may pinakita.

Ito na yung mga scenes na napili ng ilan sa production team Sir...

*explain nito.

DAX

Ganun ba...

*sagot nito habang nakatingin sa nakangiting si Darcy na kumakaway sa kanya habang naglalakad paatras, at maya-maya ay tumakbo patungo kay Darcy.

DARCY

Bakit?

*tanong nito kay Dax na nakangiti.

DAX

Nung nakita kitang hindi na humihinga wala nang mas mahalaga sa'kin kundi ang mailigtas ka.

*sambit nito na nagpatikom sandali sa labi ni Darcy.

Yung kiss?

*ang pagtikom ng labi ni Darcy ng sandali ang naging senyales nito upang maitanong ito.

Yung halik, that's me---just being selfish and being in-love with you.

*nanlaki ang mga mata nito sa narinig.

MADAM HEART

Kailangan po ma-finalize na ang lahat ng scenes...

*sigaw nito mula sa malayo na pumatid sa sitwasyon.

DARCY

Hinahanap ka na.

*ngumiti si Dax.

DAX

Sige, text mo ako pag naka-uwi ka na.

*tumango si Darcy bilang tugon.

MEAN WHILE

INT. FAME TOWERS-DAY

Naroroon na sa kanyang opisina si Juancho at nasa harapan niya si Manager Park at busy na busy sa mga iniuutos ni Juancho sa kanya.

MANAGER PARK

Sa tingin mo makukuha mo siya sa gan'tong paraan.

JUANCHO

Wala akong paki- alam ang importante sa'kin ay mabakuran ko siya bago siya mabakuran ng iba.

MANAGER PARK

Pinag dadamot mo ba si Darcy?eh di naman kayo.Peke lang naman yung relationship niyo ah...

JUANCHO

Kilala mo ako kapag umarte ako parang totoo.

MANAGER PARK

Hay naku naman,sige mamaya ibabalita na nila.

JUANCHO

May isa pa, this is very important. Palinis mo ang bahay ko at siguraduhin mong walang butiki na makakaligtas sa paglilinis nila.

MANAGER PARK

Pati ba naman butiki pag-iinitan mo.

JUANCHO

Naka puro na sila sa'kin.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE -DAY

Pag pasok pa lang niya ng bahay nila ay pinagtipunan na siya nila Kinchay,Horhe at ng kanyang Mapa na katulad ng dating gawi ay pinuntirya ang kanyang dibdib at nang maramdaman na wala pa rin itong tibok ay nagtikwasan palayo sa kanya ng dismayado.

MAPA

Virgin ka pa rin.

DARCY

Mapa naman eh, muntik na nga akong mamatay kagabi.

HORHE

Sinong bumuhay sa'yo?

KINCHAY

Oo nga, sinong nagbigay sa'yo ng one true love kiss?

*nakanguso pa ang tatlo na naghihintay sa isasagot ni Darcy...

KRIINNNGGG! KRIIINNGGG!

*ang pag ring ng cellphone ni Darcy ang nagparamdam ng ikalawang pagkadismaya sa tatlo.

DARCY

Oh, mabuti na lang gumana ulit 'tong cellphone ko.

*mangha nitong sabi at sabay sagot nito.

Hello po Madam Heart, bakit po napatawag kayo?

MADAM HEART

Napansin ko kasi na wala ka pang napapasa kahit isang draft ng sex scene, i-reremind lang kita na malapit na ang deadline.

DARCY

Opo, nakagawa na po ako,inaayos ko na lang po ng kaunti.

*pagsisinungaling nito.

MADAM HEART

O,sige. Good luck kaya mo yan.

*at baba ng tawag.

DARCY

Anak ng butiki naman oh, muntik ko ng makalimutan yung gagawin ko.

*pagmamaktol nito.

Hindi po ako kakain ngayon may kailangan po akong isulat para sa pagtatapos ng training ko sa Fame Towers. Huwag niyo po muna akong istorbohin.

*at pumanhik na ito sa kwarto.

MEAN WHILE

Pinagmasdan ng tatlo ang pagakyat ni Darcy.

MAPA

Ayos pa rin siya maglakad so meaning totoo nga virgin pa rin siya,maliban na lang kung...

HORHE

Mapa nama eh, wala pa ring tibok ang puso niya kaya malamang 'di pa rin natatanggal ang sumpa sa kanya.

KINCHAY

Pero sure na tayo na yung humalik sa kanya kagabi ay ang totoong itinakda para magtanggal ng sumpa sa kanya.

*masayang tumango ang mag-inang sina Mapa at Horhe sa tinuran ni Kinchay.

MAPA

Ang talino mo, talaga.

HORHE

Pero sino kaya?

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. DARCY's ROOM-DAY

Pinipilit ni Darcy na makagawa ng kahit ilang sex scene sa mga oras na ito. Nakatitig ito sa malayo habang hawak ang kanyang lapis na kanyang nilalaro-laro.

DARCY

Kiss.

*sambit at hawak nito sa labi niya.

Bakit ka tumitigas?

*tanong nito sa ibabang parte ng kanyang katawan na tila tao ito.

Ano? Gusto mo humingi tayo ng tulong.

*dagdag nito at napamaktol.

Masisiraan ako ng bait dito.

*matapos ng ilang segundong pagmamaktol ay nahagip bigla ng kanyang paningin ang kanyang computer at napatingin sunod sa pintuan at unang nagtungo rito upang i-lock ito at nagtungo muli sa harap ng computer na sinundan kaagad niya ng mahabang hinga pang pa-kalma at dahan-dahang iti-nype ang salitang PORN at bago pa man mapindot ang enter ay isang babala ang narinig.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

Ay anak ng butiki!!!

*gulat na sambit nito at kaagad binura ang iti-nype na salita habang nakatitig sa butiking nasa pader at napainom ng tubig makatapos.

Paano ako makakatapos ng kailangan kong gawin kung pagbabawalan niyo ako. Silip lang,'di ko naman panonoorin ng buo.

*kausap nito sa butiki na 'di pa rin umaalis sa pader.

KRIIINNGGGG!!! KRIIINNGGG!!!

*isang tawag ang umagaw ng kanyang pansin.

Hello.

*bati nito sa tumawag.

DAX

Sinisigurado ko lang kung naka-uwi ka na.

DARCY

Pasensya na 'di ako nakapag text kasi nawala sa loob ko,busy lang kasi hinahanapan na kasi ako ng sample manuscript para sa training sa Fame Towers.

DAX

Kailangan mo ba ng tulong?

DARCY

Ha??!!

*gulat nito sa pagkakarinig ng sinabi ni Dax at pagkatapos ay napatingin sa mababang parte ng kanyang katawan.

DAX

Kailangan mo ba ng tulong?

DARCY

Oo.

*sagot kaagad nito.

DAX

Okay, pupuntahan kita diyan.

*at binaba ang tawag,maya-maya lang ay isang katok mula sa kanyang bintana ang narinig na nagpalingon sa kanya.

KINCHAY

Papasukin mo na ako.

*at yun nga ang ginawa nito,pagkapanhik nito ay tinitigan nito ng mabuti si Darcy lalo na ang labi nito--- ilang segundo lang ay sandaling napatikom ito ng labi.

Sino?

*tanong nito

DARCY

Ang ano?

KINCHAY

Huwag ka ng mag-maang maangan,ang tanong ko sino at tinanong mo kung ano kaya alam kong alam mo ang tinutukoy ko.

*at matapos mag-salita ay tumitig ulit kay Darcy at nagsalita matapos ang ilang segundo.

Sino?

DARCY

Alam kong may problema ka.

KINCHAY

Wala no!

DARCY

Nagiging akyat bahay ka kapag may problema, kaya sabihin mo na...

KINCHAY

Huwag mo ngang iniiba ang usapan.

DARCY

Okay, kung yan ang gusto mo pero huwag mo akong kukulitin tungkol sa problema mo kapag sinagot ko yang tanong mo.

KINCHAY

Sige na nga...

DARCY

Anong problema?

KINCHAY

Ampao.

DARCY

Sa'n mo naman gagamitin?

KINCHAY

Sa babae.

DARCY

Ha?

KINCHAY

Pag may umuutang ang tanong dapat mag kano at kailan mo bababayaran 'di yung saan mo gagamitin...

*nakatitig lang si Darcy sa kaibigan at ilang sandali lang ay dinukot ang pitaka at ito ay binuksan.

DARCY

Magkanong ampao? Ewan ko ba sa'yo ang yaman mo pero umuutang ka.

KINCHAY

Limang libo...

*sagot nito.

huhulug-hulugan ko 'to kada buwan.

*sambit nito matapos kunin ang inutang na pera.

DARCY

Maiba ako,kamusta nga pala kayo ng Boyfriend mo?

KINCHAY

Ah, hiwalay na kami.

DARCY

Ah okay.

KINCHAY

Yun lang okay lang ang sasabihin mo.

DARCY

Parang pagpapalit mo ng panty ang pagpapalit mo ng Boyfriend sa tingin mo may nakakapagdamdamin akong mga salitang sasabihin sa'yo.

KINCHAY

Iba naman kasi siya.

DARCY

Paanong naiba?

KINCHAY

Biro lang ikaw naman...

*pagpapanggap nito.

Sige una na ako.

*akmang dadaan na naman ito sa bintana nang pigilan ito ni Darcy.

DARCY

Dito ka na sa may pinto dumaan.

*at yun nga ang ginawa ni Kinchay,pagsara ng pintuan ng kwarto ni Darcy ay nakahinga ito ng maluwag at dali-daling umalis.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. CAFÉ-DAY

Tila isang kriminal na nagtatago si Horhe,halos naka-lima na siyang tasa ng kape kakahintay sa isang tao.

HORHE

Sigurado akong isa sa mga umiinom ngayon rito yung Winter Girl na yun.

*sabi nito sa sarili habang minamanmanan ang mga taong umiinom ng kape sa Café na tinatambayan. Maya-maya ay dumating ang isa nitong order at kaagad itong ininom ni Horhe.

Teka lang, ba't tsaa 'to Miss.

*tawag nito sa waitress na kakaalis pa lang.

WAITRESS

Kanina pa po kasi kayo nagkakape, baka po kasi atakihin po kayo sa café namin at wala ng uminom dito.

HORHE

Wala kang paki-alam, customer ako dito. Nasaan ang Manager mo?

WAITRESS

Ako po ang Manager dito, Waitress, Cashier at Security Guard. Name it and I can be that perfectly.

HORHE

Teka lang.

*titig nito ng mabuti sa Waitress na sana ay irereklamo.

Oo nga, ikaw nga. Ikaw yung nag-abot sa'kin ng bayaran ng Winter Girl na yun.

*naglilikot ang mga mata ng Waitress na blondina na senyales na kabado ito.

Nasaan siya? Kilala mo ba siya? Ikaw ba siya?

*sunod-sunod na tanong nito.

WAITRESS

Ah Sir, kaya kong pong maging sino pero ang maging ako yung gusto mo ay 'di ko po kaya yun.

*at saka ito tumalikod,napapikit,nagbuntong hininga at mabilis na lumayo sa mesa ni Horhe ang waitress.

HORHE

Hay naku naman. Sino ba kasi siya?

*at muling lagok nito sa huling laman ng tasa na may tsaa at doon niya nakita sa ilalim ng babasaging inuman ang sagot sa kanyang tanong, naalala niya sa nakaguhit na smiley ang palatandaan niya sa babaeng tinatawag niyang Winter Girl.

SEVERAL YEARS AGO

Isang chat ang narecieve ni Horhe mula sa 'di kilalang sender. Binuksan niya ito at isang hubad na katawan na Babaeng takip ang mukha ang tumabad sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at dali nitong tinago ang kanyang cellphone bago pa makita ng kanyang mga kaklase at guro ang nakita.

HORHE

'di ka ba nilalamig?

-end of chat

*wala itong natanggap na sagot mula sa unknown sender. Habang nagkaklase ay palihim niyang ginuhitan ang hubong katawan ng nasa larawan. Maka ilang beses niya itong ginuhitan ng damit at kada matatapos ang ginuhit niyang damit sa hubong katawan na larawan ay sinesend ito sa unknown sender.

UNKNOWN SENDER

Magaling ka pa lang mag-drawing.

*napatayo sa gitna ng klase si Horhe sa gulat ng makatanggap ito ng mensahe mula sa unknown sender.

HORHE

Hoy unknown sender, alam mo bang pwedeng kumalat yang litratong sinend mo sa'kin.

UNKNOWN SENDER

Oh bakit 'di mo kinalat.

HORHE

Kasi iba ako sa kanila.

WAITRESS

Ito po pala ang bill niyo.

*nadala sa kasalukuyan ang nasa kaninang nakaraan na si Horhe.

HORHE

Paid?

WAITRESS

Opo, yung kaninang Babae yung nagbayad.

*sabay turo sa bakanteng upuan.

Naka-alis na po yata siya.

*dali-daling hinalungkat ni Horhe ang kanyang bag at inilabas ang sketch book.

HORHE

Sige, ides-cribe mo yung mukha.

WAITRESS

Mabilog yung mata, color brown. Mahaba yung pilikmata.

*mabilis na ginuhit ni Horhe ang bawat detalyeng naririnig.

Manipis yung kilay,itim ang buhok at naka facemask.

*dismayadong tinitigan ni Horhe ang drawing ng mukhang natapos.

HORHE

Hay naku naman, wala man lang na kakaiba sa mukha ng Winter Girl na'to.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. DARCY's HOUSE-DAY

Nakatigtig lamang sina Amore, Joyce, Mapa at Kriselda sa tatlo. Si Darcy na napapagitnaan nila Dax at Juancho.

MAPA

Sabi ko na sa'nyo mas magandang ang palabas sa bahay kesa sa sinehan ngayon.

*sabi nito kila Amore, Joyce at Kriselda na sabay-sabay tumango habang may mga hawak na popcorn at juice na tila nasa sinehan.

DAX

Magandang raw po.

*ngiting bati nito sa tatlo pati na rin sa Mapa ni Darcy.

May papatulong po sa'kin si Darcy kaya po ako nandito. Sana po 'di ako nakaka-abala.

JUANCHO

Pag-hinga mo pa nga lang abala na.

AMORE

Hay mali 'to.

*sabay kain ng popcorn na tila nanonood talaga ito ng palabas.

JOYCE

Tama ka, Rule Number 10--- one top plus one top cannot be borrow one equals disaster para kay bottom.

*sabay inom nito ng juice at kain ng popcorn.

KRISELDA

Pero mukhang isa lang naman sa mga top na nasa harap natin ang territorial.

*titig nito sa tatlo na para bang nanonood ito ng palabas sa sinehan.

MAPA

Kahit pa, ang tuta nagiging asong ulol kapag inagawan ng buto ng kapwa tuta niya.

*paliwanag nitong sabi kina Joyce, Kriselda at Amore habang inoobserbahan sina Dax at Juancho.

DARCY

Alam niyo pong naririnig namin kayo.

*maya-maya ay pumasok si Kinchay na hingal at duro ang labas at saka mabilis na ni-lock ang pintuan.

KINCHAY

Ang daming tao sa labas, mga galit sila at pagsinabi kong galit ibig sabihin may mga kamatis at itlog silang dala na handa nilang ibato.

*paliwanag nito sa nakitang galit sa labas.

At may media pa, recorded ang mangyayaring batuhan.

JUANCHO

Nabasa na siguro nila.

*sa pakakasabi nito ni Juancho ay sabay-sabay ang lahat napatanong ng "Ang Ano??!!".

Na si Darcy at ako ay ikakasal na.

*ang lahat ay nagtilian maliban kina Darcy at Dax na 'di talaga natuwa sa narinig.

DARCY

Anak ng butiki naman talaga, nasisiraan ka na talaga.

JUANCHO

Yes, I'm fucking crazy.

*pagka sabi nito ay tumayo ito kinuha ang kamay ni Darcy at nagtungo sa pintuan at binuksan ito. Nagsi tahimikan ang lahat ng nasa labas ng masilayan si Juancho kasama si Darcy pagbukas ng pinto.

Pag sinaktan niyo siya, parang sinaktan niyo na rin ako.

*tukoy nito kay Darcy na nagulat sa narinig.

DARCY

Baka mas magalit sila sa pinag-sasabi mo.

*mahinang sambit nito na puno ng pag-aalala.

JUANCHO

Wala pa sa kalingkingan ng galit nila ang galit ko ng halikan ka ng Dax na yun kaya huwag ang galit nila ang alalahanin mo.

*hindi ito nakatingin kay Darcy ng sabihin ito, wala ring emosyon sa mukha nito pero makikita sa emosyong takot ng mukha ni Darcy ang galit ni Juancho. Lumingon ito sa kanya at napaatras siya,ang mga titig sa kanya nito ay tila tumatagos sa kaloob-looban niya. Kaba,kiliti at sumasabay pa ang malakas at mabilis na kabog ng kanyang dibdib dahil sa epekto ng sumpa sa kanya. Marami mang nangyayari sa paligid at nararamdamang emosyon sa oras na iyon ay naramdaman pa rin niya ang marahan na hagod ni Juancho sa kanyang balakang at ang pag-angat nito sa kanya. Ang titig nito sa kanya ay tumatagos sa kaloob-looban niya. Mas dumoble pa ang sensasyon na ito nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya at kasabay nito ang paglunok din ni Juancho na kanyang nasilayan. Naglapat ang kanilang mga labi at nakaramdam siya ng kuryente na mainit ngunit 'di nakakapaso sa buo niyang kalamnan.

Ako ang first kiss mo, huwag mong kakalimutan yan.

*sambit ni Juancho matapos ihiwalay ang labi nito sa labi ni Darcy at 'di pa man nakakapagsalita ito ay inangat muli nito katawan ang katawan ni Darcy at saka ulit ito hinalikan sa labi.

Second kiss...

*at muling naghiwalay ang naglapat na labi ng ilang segundo at muli itong nagniig.

Third kiss...

*halik ulit

Fourth

*at halik muli. Matapos marahang maghiwalay ang labi ng isa't isa ay nagsalita muli.

Fifth...

*at nagdampi muli ang labi ng isa't isa at matapos ito ay humarap sa mga taong nasa labas at media na hindi naman magka-ugaga sa pagkuha ng litrato pati na rin sina Amore,Kriselda,Joyce na kinikilig pa,si Kinchay na iiling-iling at ang Mapa na kinikilig rin.

He is mine. I'm his Fiancé, kung may dapat kayong batuhin yun yung taong aangkin sa kanya at nagsasabing Asawa niya ang Fiancé ko. If you find that man don't hesitate to hurt that dumbass.

DAX

And that's me.

*sulpot nito matapos sabihin ni Juancho ang mga iyon at kasabay nito ang pagbato sa kanya ng mga tao at pagharang naman ni Darcy sa ilang binato kay Dax at harang naman ni Juancho upang matakpan si Darcy.

JUANCHO

Tumigil na kayo!!! Sino kayo para batuhin ang Fiancé ko!!??

*tila may bertud ang pagsigaw nito ni Juancho at nagsitigil sa pambabato ang mga ito,dali-dali namang sinara nila Kinchay, Amore, Mapa, Kriselda at Joyce ang pinto.

DARCY

Nakita mo na??!!

*galit nitong tanong kay Juancho na nakayuko.

JUANCHO

Sorry.

*maikling sagot nito at inangat ang nakayukong ulo.

DARCY

Lagi naman eh.

*galit nitong tugon ngunit nawala ito nang masilayan ang dugo sa noo ni Juancho at dali-dali nitong itinapal ang panyo na kinuha sa kanyang bulsa.

Masakit ba?

*Dali-daling namang kinuha ni Kinchay ang firstaid kit at bago makasagot ay dumating din at ginamot ang sugat ni Juancho.

KINCHAY

Ang hapdi no?

*sabay diin nito sa sugat ni Juancho.

JUANCHO

Aray.

*inda nito sa sugat na diniinan ni Kinchay.

Diniinan mo kasi.

KINCHAY

Ay sus, mapasariwang sugat o lumang sugat kapag diniinan mo masakit talaga katulad ng ginagawa mo sa beshiwap ko, dinudukdok mo ang sarili mo kaya sumasakit ulit yung lumang sugat niya.

*matapos sabihin ito ay diniinan ulit ang sugat na ininda naman ulit ni Juancho at pagkatapos ay nilagyan ng band-aid ni Kinchay.

Tapos na.

*palakpakan ang lahat ng matapos ang panggagamot niya.

AMORE

Nakakatakot naman, baka bumalik ang mga yun.

JUANCHO

This is my fault kaya mas mabuting dun muna si Darcy sa bahay ko. Mas safe po siya doon.

*sinangayunan ito ng lahat maliban kay Dax.

DAX

Ikaw nga ang dahilan ng mga ito,tapos sasabihin mong mas safe siya sa'yo.

*halos magkaabutan ng mga kamao ang dalawa.

MAPA

Hep hep, walang referee rito kaya kung mag-susuntukan kayo rito,huwag dito.

*nahimasmasan ang galit ng dalawa.

May kasabihan tayo, Mother's knows best pero ang sabi ko naman Destiny knows best at ang sabi naman ng Destiny---ikara krus mo yan.

*sabay labas ng piso mula sa kanyang bulsa.

DAX

Ulo ang akin.

JUANCHO

Ibon naman ang sa'kin.

MAPA

Ang mananalo dun matutulog sa bahay niya ang anak ko.

*sabay patalbog ng barya at nang bumagsak ito sa semento ay makailang ulit pa ito umikot bago ito tinakpan ni Mapa. Ngumisi ito bago binuksan ang kamay at tumambad ang Ibon---nanalo si Juancho.

JUANCHO

Yehey!

DARCY

Isip bata.

MAPA

Mag-ayos ka na ng mga gamit mo.

*at mabibigat nitong niyabag ang paa patungo sa kanyang kwarto.

DAX

Sige po una na po ako. Pakisabi na lang po kay Darcy na umalis na ako. May kailangan po kasi akong asikasuhin.

*tumango bilang tugon si Mapa at inihatid ito sa labas at bago makasakay sa kotse niya na nakaparada sa harapan ng gate ay nagsalita ito muli.

Sorry po kung nasaktan dahil sa'kin si Darcy.

MAPA

Wala kang kasalan dun ang iniisip ko ngayon ay ano bang relasyon mo sa anak ko?

DAX

Gusto ko po siya. Gustong-gusto.

*may ngiti nitong tugon at sumakay na ito sa kanyang kotse at bago lumarga ay napangiti ito. Naalala nito ang pagharang ni Darcy upang siya ay 'di matamaan ng pambabato at sumagi rin sa kanyang isipan ang pagsagip din nito sa muntikan niyang pagpapatihulog.

Number one.

*sambit nito nang magbalik ito sa kasalukayan at matapos ay kinaripas ang kanyang kotse.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's ROOM-NIGHT

May unan sa gitna ng kama at nakatitig lamang rito si Darcy, habang si Juancho ay busy sa pag-aayos ng gamit niya. Maayos at maingat nitong inilabas mula sa bag ni Darcy si Cholesterol the stuffed pig at sinunod na inilabas ang isa pa na si Batchoy the stuffed pig.

JUANCHO

Inaalagan ka ba ng tatay mo?

*tanong nito kay Cholesterol the stuffed pig.

Ikaw!!! Huwag mo nga akong tinititigan diyan. Bahay ko 'to kaya mag-ingat ka sa mga titig mo.

*galit na tanong nito sa isang stuffed pig.

DARCY

Huwag mo ngang inaaway si Batchoy.

*sabay kuha nito sa kamay ni Juancho at akap nito kay Batchoy the stuffed pig.

JUANCHO

Ba't yan lang ang niyayakap mo? Ang mga magulang wala dapat favoritism.

*sabay bigay ni Juancho kay Cholesterol the stuffed pig kay Darcy.

Yakapin mo rin 'to.

*at yun nga din ang ginawa ni Darcy.

DARCY

Okay na po? Masaya ka na?

*at tumango si Juancho bilang pag sang-ayon.

JUANCHO

Shower muna ako.

*at saka pasok nito sa C.R.

DARCY

Ahhh, pwede ba akong maka-gamit ng computer mo?

*sigaw nito sa pintuan ng C.R. upang marinig ni Juancho ang ipapakausap niya.

JUANCHO

Laptop,pwede ba yun?

*tanong nito na medyo napapaibabawan na ng lagislis ng tubig ang boses.

DARCY

O,sige.

JUANCHO

Yung red na may sticker yun ang gamitin mo.

DARCY

Ito ba yun?

*tanong nito sa sarili at kuha sa laptop na nasa harap at saka labas.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Dumating na rin si Horhe at takang-taka ito sa paglilinis na ginagawa nang kanyang Mapa, Amore, Kriselda,Joyce at ni Kinchay.

HORHE

Ano pong nangyari dito?

MAPA

Movie marathon.

HORHE

Po?

KINCHAY

Live action movie.

*napapakamot na lamang sa ulo si Horhe sapagkat mas lalong lumalabo ang sagot na nakukuha.

AMORE

Love story with kissing scene.

*tingin nito sa bandang kaliwa kung nasaan si Amore.

JOYCE

Technically, may nangyaring scenes dito na makikita mo lang sa movies and series.

HORHE

Hay salamat may matino ding sumagot rito.

*sambit nito at tinggala na tila nagdasal.

Bakit naman babatuhin ng mga tao ang bahay natin?

KRISELDA

Kinon-firm na kasi ni Juancho sa diyaryo yung engagement niya sa kapatid mo.

AMORE

Kaya yung mga palakang yun sumugod dito at pinagbabato sila---actually si Dax lang dapat kaso lang...

MAPA

Ang mamahal pa mandin ng kilo ng kamatis ngayon.

*pagputol sa sinasabi ni Amore.

HORHE

Mapa!!

MAPA

Ligtas naman ang kapatid mo at nasa bahay ngayon ni Juancho.

HORHE

Yung mokong na yun yung dahilan ng pambabato dito tapos hinayaan mo po dun si Darcy?!!

KINCHAY

Wala ka kasi dito at busy sa paghahanap nung Babaeng yun kaya wala kang alam.

HORHE

Ba't mo alam? 'di ko naman sinabi?

*napatingin nitong sabi kay Kinchay na may pagdududa at kinompara ang di-nrawing kanina sa mukha ni Kinchay.

Sobrang layo.

*sambit nito.

KINCHAY

Malamang. At saka kaya ko nalaman kasi bitbit mo yang drawing mo so nag-assume akong siya yan.

HORHE

May assingment ako. Patulong naman.

*at pagkasabi nito ay inilahad ni Kinchay ang kanyang palad at sabay bigay ng bag nito kay Kinchay.

KINCHAY

Bayad ang hinihingi ko.

HORHE

Mamaya na.

*sabay akyat ng dalawa sa kwarto.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. DAX's HOUSE-NIGHT

Pag bukas nito ng pinto ay bumungad sa kanya ang 'di inaasahang bisita.

DAX

Kailan ka pa bumalik...

VICTORIA

The original number two is back...

*sabay inom nito sa alak na hawak.

DAX

Ba't po kayo nandito?

VICTORIA

Balita ko mamatay na ang Lola mo kaya bumalik ako para tumulong sa nalalapit na burol niya...malay mo may special award for best burial sa pupuntahan niya sa kabilang buhay...

DAX

Mama naman...

VICTORIA

Hindi nakakahaba ng buhay ang botox. 1 or 2 years o baka bukas mawala na siya...

*lagok ulit nito sa nahuhuling patak ng alak sa baso nito... at salin muli nito ng iinumin.

Alam mong kailangan mong maunang makapag pakasal to get the number one spot? And I just found out earlier na mukhang nakakita kana.

DAX

Ako ang nakita niya. We are destined.

VICTORIA

Cheers.

*taas nito sa wine glass na may laman.

DAX

Tama na nga 'tong kalokohan na'to.

VICTORIA

Sinakyan mo naman ang trip ko kanina ah.

DAX

Para 'di ka magmukhang ewan. At saka hubarin mo na nga yang damit ni Mama baka mamaya multuhin ka niya.

*at dali-dali nitong hinubad ang damit ng yumaong damit ng Mama ni Dax.

VICTORIA

Kapani-paniwala ba ang arte ko? Pwede na ba akong maging kontrabida?

DAX

Oo na pero masyadong bata yang mukha mo para sa Mother role.

VICTORIA

Di ba may bagong project si Juancho at ikaw ang hahawak nun? Baka naman.

DAX

Si Juancho ang tanungin mo tungkol diyan.

VICTORIA

Kailan pa ba niya ako hinindian.

*sabay ngisi nito at inom ng alak.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Habang sinasagutan ni Kinchay ang assignment ni Horhe ay napatingin ito rito dahil panay ang tigtig nito sa drawing.

KINCHAY

Desidido ka ba talagang mahanap yang Babaeng yan.

HORHE

Kung tagu-taguan ang gusto niyang laro makikipag laro ako sa kanya.

KINCHAY

Hayaan mo na lang kasi siya. Marami namang iba.

HORHE

Kaya nga iba ibig sabihin 'di na siya.

KINCHAY

Iba means better.

HORHE

Ayoko.

KINCHAY

Bakit mo ba siya nagustuhan?

HORHE

Nudes.

KINCHAY

Hay naku, ewan ko sayo.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. JUANCHO's SALA-NIGHT

Nakapikit na huminga ng malalim si Darcy na nakaupo sa papag ng sala bago nito binuksan ang laptop na hiniram.

DARCY

Ano naman ang isusulat ko dito?

*napadabog ito sa inis, dahan-dahan nitong ti-nype ang pinagbabawal na salita-POR... at 'di pa man niya natatapos ang bubuoing salita ay lumingon-lingon ito sa kisame at paligid at nakita nito ang isang butiki sa kanto ng kisame na nagpabuntong hininga sa kanya sa dismaya. Napadabog na naman ito ngunit sa pagkakataong ito ay nasagi ng paningin nito ang nakausling headset sa bag ng laptop na hiniram, kinuha ito at sinalpak at tinuloy ang balak.

Pag 'di mo naririnig 'di mo mapapansin.

*iti-nype ni Darcy ang kulang na letra upang mabuo ang babay ng pinagbabawal na salita-P O R N. Nakapikit pa nitong pinindot ang enter at marahan na minulat ang mga mata matapos at 'di niya inaasahan ang nakita.

Eeeehhh??!!

*gulat nito ng tumambad sa kanya ang mga artikulo tungkol sa sex ang kanyang nakita. Pinindot niya ang isa sa mga ito.

Masakit

Masakit na masakit

Mahapdi

Talagang napakasakit

Sobrang mahapdi

Masakit na mahapdi

'Di ko ma-explain ang sakit

*sa dami ng mga salita sa artikulo na nabasa tanging ang mga salitang iyon ang pumukaw ng kanyang pansin.

Anak ng butiki naman. Aray ko po. Binabasa ko pa lang nararamdaman ko na.

*inda nito habang hawak ang pwetan niya iniling -iling nito ang ulo upang mahimasmasan at maya-maya ay iginiya niya ang cursor sa videos at doon nanlaki ang mga mata ni Darcy at napalunok.

Eeehhh??!!

*gulat nito na nanlaki pa ang mga mata sa nasilayan...

Hoooyyyy...

*mas naging extreme ang nangyayaring eksena kaya mas nanlaki ang mata ni Darcy at napatanggal pa ito ng kanyang headset dahil mas tumindi ang ungol na kanyang narinig mula sa video na cli-nick. Nag-init ang katawan ni Darcy sa kabila ng malamig na panahon.

JUANCHO

Nanonood ka rin pala niyan.

*nang marinig ito ni Darcy mula kay Juancho na nasa harapan na pala niya ay nataranta ito at nahugot niya ang headset mula sa laptop at nadinig sa apat na sulok ng silid ang ungol ng video na pinapanood. Dali-dali nitong pinahinaan ang sound ngunit mas lalo itong lumakas.

Sira ang laptop na yan, yung palakasan yun ang pindutin mo para humina ang volume niyan.

*ngising sabi ni Juancho at nagmamadali naman na ginawa ni Darcy ang turo ni Juancho,pero dahil sa taranta ay tila 'di nakikisama ang laptop 'di gumagana ang pindutan nito...

DARCY

Anak ng butiki naman eh...

*at dahil sa 'di talaga ito humihinto at ang ulirat na niya ang naunang humito kaya binali niya ito na kinagulat ni Juancho pati rin ng sarili.

JUANCHO

Hala!! sinira mo ang laptop ko para mapagtakpan ang panonood mo ng Porn.

DARCY

Ang...ang...ang dami mong laptop si...si...sira naman.

*pautal-utal na pagbabago ng usapan ni Darcy.

JUANCHO

Nagkataon lang na yung sira yung kinuha mo at saka marami akong laptop for special purposes,so walang problema.

DARCY

Special purposes?

*pagtataka nitong inulit ang sagot ni Juancho na tinanguan naman nito.

JUANCHO

Like this.

*napalunok si Darcy sa narinig.

DARCY

Eeehhh??!! Huwag kang bastos!!! Para sa trabaho 'to.

*agresibo nitong sambit.

JUANCHO

Gumagawa ka ng sex scene?

*tumango na may hiya si Darcy.

Sana all ganyan ang trabaho.

DARCY

Paano na'to??!! Wala pa akong nagagawa kahit one sentence.

*namomroblema nitong sambit.

JUANCHO

Gusto mo tulungan kita?

*umiling ng mabilis sa alok na tulong ni Juancho si Darcy.

Sige na, tutulungan kita.

DARCY

Ayoko nga!!!

JUANCHO

Bahala ka! Sino ba ang may problema sa'tin ngayon? Ako ba? Sino ang kailangan makagawa ng sex scene? Ako ba? Sino?

DARCY

A...a...ako.

*utal-utal na sambit nito sa kaba.

JUANCHO

At saka kapag nararamdaman mo habang sinusulat mo mas masusulat mo ng makatotohanan.

DARCY

A...a...anong gagawin ko?

*pagkarinig kaagad ni Juancho nito mula kay Darcy ay kaagad nito hiniga sa sofa si Darcy.

JUANCHO

Surrender yourself to me.

DARCY

Hinay-hinay lang.

*nahihiya nitong sambit na 'di tumitingin sa mga titig ni Juancho sa kanya.

JUANCHO

I want you to lose control.

*at naramdaman ni Darcy ang paghagod ng kamay ni Juancho sa kanyang hita.

DARCY

Te...te...teka lang...

*napaupo ito mula sa pagkahiga.

JUANCHO

'Di ka ba komportable?

*tumango si Darcy bilang tugon.

Gusto mo bang itigil ko na?

*kagat labing umiling si Darcy at hiniga muli ni Juancho, napapagitaan ng nakabukaka niyang hita ang buong hita ni Juancho.

Walang butiki na pwedeng pumigil sa'kin para magawa ko ang sixth kiss natin...

*at pagkasabi nito ay...

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!

*at kaagad napa-abot ng tubig si Darcy at inom nito samantalang dismayadong nakatingin sa butiking nasa pader si Juancho.

Just imagine you and me doing it.

DARCY

Bakit ikaw?

*tanong nito.

JUANCHO

Because I'm your Fiancé.

DARCY

Paano kung iba ang gusto kong imaginin?

JUANCHO

Then it's not gonna work,at saka bakit ka pa mag-iimagine ng iba kung nandito naman ako physically.

*sabi nito habang nakatitig kay Darcy.

Nagkaroon ka na ba ng idea?

DARCY

Ka...kaunti.

JUANCHO

Ikaw naman, kung ikaw ako anong gagawin mo?

*pagkasabi nito ay biglang hinawakan ni Darcy ang isang dibdib ni Juancho at pinisil pisil...

Haaaaay... Is that it?

*tanong ng dismayadong si Juancho at kaagad naman na inihawak ni Darcy ang isa pang kamay sa kabilang dibdib ni Juancho at pisil din nito.

So you think this is sensual?

*tumango naman si Darcy bilang tugon dito.

This is not gonna work.

DARCY

Hay marunong ka ba talaga? Baka coconut oil ka rin?

JUANCHO

Coconut oil? Is that a gay lingo? Is that an insult?

DARCY

Bahala ka na nga diyan.

*papaupo na sana ito mula sa pagkakahiga nang bigla itong pinigilan ni Juancho.

JUANCHO

Susubukan kong hinay-hinayin pero 'di ko alam kung makakayanan ko,katulad ng sinabi ko I want it rough.

DARCY

Are...are...are we gonna have sex?

*pagkarinig nito sa tanong na ito ay sabay subo ni Juancho ng lollipop sa bunganga ni Darcy.

JUANCHO

Practice ka muna.

*at tayo ni Juancho matapos ito.

Isulat mo lahat ng gusto mong gawin ko sa'yo at gusto mong gawin sa'kin.

*at saka umalis.

DARCY

Makikita mo, iniinsulto niya ako. Yun yung nakita ko sa video kanina kaya yun yung ginawa ko. Kailangan ba mas madiin yung pisil...

*sambit nito na iritable kaagad nitong kinuha ang laptop at binuksan at doon lamang niya naalala na sira na nga pala ito.

Ay oo nga pala. Haay...

*at saka kuha ng lapis at notebook para mag sulat.

------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. FAME TOWERS-DAY

Maagang pumasok si Darcy,sabagay maaga talaga siya kasi wala pa siyang tulog dahil tinapos niya ang draft ng sex scene na ginawa niya kasama si Juancho.

MADAM HEART

Woooohhh, ang galing ng pagkakagawa mo rito.

*mangha nitong sambit habang binabasa ng tahimik ang draft na sinulat ni Darcy.

Palaban ang mga characters.

*dagdag nito.

Woooohhhh...

*kilig nitong nasambit.

Ooohhh hot and spicy.

*kagat labi nitong sambit habang tahimik pa rin na binabasa ang sinulat ni Darcy.

DARCY

Salamat po.

JUANCHO

Magaling ba talaga ang pagkakasulat baka pag hawak lang ng boobs ang sexy scene diyan sa ginawa niyan.

*pagsulpot nito.

MADAM HEART

Detalyadong-detalyado ang mga scene pati yung feelings parang totoong nangyari.

*sagot nito kay Juancho at pagkarinig rin nito sa sinabi ni Madam Heart ay nasamid si Darcy.

Okay ka lang ba?

*pagkamusta nito sa nasamid na si Darcy.

JUANCHO

Masyadong mababaw ang lalamunan ni Darcy kaya madali siyang masamid at mabilaukan.

MADAM HEART

I want you to continue this at wala pa man masasabi kong isa sa mga magagandang draft itong ginawa mo.

DARCY

Salamat po.

*masaya nitong sambit na parang bata napalundag ng kaunti.

DAX

Mukhang masaya ka yata.

*pagsulpot nito sa likuran ni Darcy.

DARCY

Sinabi mo pa.

*napangiti ito sa narinig na sagot.

DAX

Sumaglit lang ako to remind you...

DARCY

Oo, naalala ko pa yung date natin.

*putol nito sa sasabihin ni Dax.

DAX

Natin?

DARCY

Malamang.

DAX

Kinilig lang ako nung narinig ko yung natin--- date natin.

*napangiti si Darcy sa narinig mula kay Dax.

Sige,una na ako.

*nakangiti nitong paalam.

JUANCHO

So itutuloy mo pa rin?

DARCY

Oo,bakit?

JUANCHO

Sige ituloy mo.

*walang angal na sabi nito.

Manager Park!!!

*tawag nito sa kanyang Manager na naroon lang pala sa tabi ng Van.

Ibigay mo lahat sa kanya yung pinadala ng fans.

*utos nito.

MANAGER PARK

Ha? Lahat yun.

JUANCHO

Lahat.

AFTER A WHILE

Umuwi bitbit ni Darcy ang sang-damukal na basket na puno ng kamatis at itlog at apology letters mula sa fans ni Juancho. Maya-maya ay pumasok si Horhe sa kusina at una nitong napansin ang mga ito.

HORHE

Ba't ang dami nito? Binili niyo po ba lahat ng itlog at kamatis sa palengke?

*at maya-maya pagbaling niya sa paligid ay doon niya lang napansin ang kapatid na si Darcy.

Oh, akala ko dun ka na titira sa mokong na yun.

DARCY

Mapa si Horhe oh...

*sumbong nito na tila bata sa kanyang Mapa.

MAPA

Nag sorry na yung mga fans na sumugod dito last time.

HORHE

Haa??!! Huwag niyong sabihin sa kanila galing 'tong mga itlog at kamatis??!!

*gulat na pagsisiguro nito sa iniisip.

Baka mamaya may mga lason yan.

MAPA

Asikasuhin mo ang pag-aaral mo at huwag yang kapatid mo at saka mahal ang bilihin ngayon kaya huwag rin 'to ang asikasuhin mo.

*pagalit nito sa anak na si Horhe habang sinasalansan ang ibang itlog sa loob ng prid-dyider.

HORHE

Okay naman po ang grades ko at saka...

*hindi na nito natuloy ang sasabihin nang mapansin na naroon rin pala si Juancho sa kusina kanina...

Wala ka bang bahay? Ba't lagi ka na lang nandidito?

*pikon na sambit nito habang duro-duro nito si Juancho na 'di nasindak at biglang hiyaw na lamang ang narinig sa loob ng kusina nang isang pingot ang binigay ng Mapa kay Horhe.

MAPA

Mag-aral ka na lang o hanapin mo yung nang-busted sa'yo.

DARCY

Busted? Si Horhe? Sino naman ang nililigawan nito?

*duro nito kay Horhe na iniinda pa rin ang pingot ng kanyang Mapa at nagsalita.

HORHE

Wala ka nang pakialam dun... asikasuhin mo ang puso mo.

*pang-aasar nito at dali-daling tumakbo na hinabol naman ni Darcy,ngayon ay sina Juancho at Mapa na lamang ang naroroon.

MAPA

Hindi kita nakausap tungkol dun sa ginawa mong paghalik sa anak ko.

*nanlaki ang mga mata ni Juancho at namula ang mga pisngi nito sa narinig mula sa Mapa ni Darcy.

JUANCHO

So...so...so...sorry po. Ah...ah...kasi...sorry po.

*nauutal na nitong sambit dahil sa kaba.

MAPA

Kailan mo balak ikama ang anak ko?

JUANCHO

Ho??!!

*gulat nitong napalakas na sabi na ikinatawa ng Mapa ni Darcy.

MAPA

Mag Fiancé na kayo kaya normal na lang naman yun huwag mong sabihin na wala pa ring nangyayari sa inyo?

*naglakad ito palapit kay Juancho na malapit sa pintuan papuntang salas at tinapik ang balikat ni Juancho at nagsabi...

Any hole is a goal.

JUANCHO

Te...te...teka lang po...

*sabi nito na ikinatigil sa pag-alis ng Mapa ni Darcy.

MAPA

Bakit?

JUANCHO

Paano po kung...paano po kung mayroong nagkakagusto kay Darcy maliban sa'kin?

MAPA

Pag mahal mo paglaban mo,pag 'di ka mahal ng mahal mo pakawalan mo.

*sambit nito.

At saka Fiancè ka na niya maliban na lang kung peke ang lahat ng 'to.

*napatawa ito sa birong tinuran ngunit 'di si Juancho na alam na totoo ang birong sinambit ng Mapa ni Darcy.

Mas pinipili ang totoo kesa sa peke tandaan mo.

*pabiro na sambit nito at alis na sinundan naman ni Juancho.

JUANCHO

Siguro po ay mauuna na ako. Pakisabi na lang po kay Darcy na umalis na ako.

*pagpapaalam nito.

---------------------------------------------------------------------

MEANWHILE

INT. HORHE's ROOM-DAY

Naghahabulan pa rin ang magkapatid at naka-abot na sila sa mismong loob ng kwarto ni Horhe. Maya-maya ay isang tawag ang natanggap ni Darcy mula kay Madam Heart. Napahinto ito at sinagot ang tawag at pasimpleng nakikinig ang kapatid nito sa pag-uusap.

DARCY

Magandang umaga po,napatawag po kayo?

MADAM HEART

Based sa nabasa namin we will take some of your scenes sa manuscript na ginawa mo sa pelikulang gagawin ng Fame Towers. Kung papayag ka?

DARCY

Talaga po? Haaayy salamat po. Salamat po ng marami. Siyempre po payag po ako.

*halos patalon sa saya nitong sabi.

MADAM HEART

That's good to know,kaya maghanda ka na at magiging busy ang mga susunod na mga araw mo.

*at baba ng tawag, napatakbo pababa si Darcy at kasunod nito ang kapatid na si Horhe na nagtataka sa sayang nadadama ng kapatid.

DARCY

Mapaaaaa! Idadagdag ng Fame towers yung ilang mga scenes na ginawa ko sa pelikulang gagawin nila.

*napalundag ang kanyang Mapa ng marinig ito at napasabay na rin sa lundag nito si Darcy at ilang sandali pa ay sumingit na rin sa masayang lundag ng celebrasyon ang kapatid na si Horhe at dahil sa matinding emosyon ay na-out balance si Darcy at napasandal kay Juancho na paalis na sana kanina.

JUANCHO

Congratulations.

*malambing na pagkakasambit nito matapos masalo ang na-out of balance na si Darcy.

DARCY

Sa...salamat.

*sagot nito sabay tayo ng maayos mula sa pagkakahiga sa mga braso ni Juancho ng masalo siya nito.

JUANCHO

Alis na ako.

*tumango si Darcy at sabay labas ni Juancho,pagkalabas nito ay ang pag-pasok naman ni Kinchay.

DARCY

Mabuti nandito ka na, halika ka nga dito.

KINCHAY

Bakit ba?

*hindi sinagot ni Darcy ang tanong ng kaibigan bagkus ay dinala niya ito sa kanyang kwarto.

AFTER A WHILE

INT. DARCY's ROOM-DAY

Inupo nito si Kinchay na nagtataka sa kinikilos ng kaibigan na si Darcy na tinitigan siya ng tila iniinspekyon siya.

DARCY

Magsabi ka.

KINCHAY

Wala akong sasabihin,meron ba dapat?

DARCY

May bago kang Boyfriend?

KINCHAY

Hay wala. Akala ko naman kung ano!!!yun lang pala.

*isang katok ang narinig mula sa pinto at dahil malapit si Kinchay sa pintuan ay ito na ang nagbukas at bumungad ang kapatid nitong si Horhe na may dala-dalang mga sulat.

HORHE

Sabi ni Mapa mga apology letter daw yan ng mga Fans nung mokong na'yon para daw sa'yo na Fiancé ni mokong.

*sabay bigay nito at alis din naman kaagad.

KINCHAY

Pinaaalala ko lang peke ang lahat ng 'to

baka malunod ka at hindi na makaahon.

*sambit nito ng makita ang maliit na ngiti ng kaibigan ng maibot sa kanya ang mga sulat.

Last time,pinalampas ko yung gusto kong malaman mula sa'yo pero ngayon hinding-hindi.

*hinawakan nito ang kaibigan na si Darcy at upang maiharap niya ito ng mabuti sa kanya at tinitigan ng mabuti.

Anong nangyari sa Mayon?

DARCY

Na...na...namatay ako ng ilang saglit at nabuhay.

KINCHAY

Nabuhay ka dahil sa halik,sino yung humalik sa'yo?

DARCY

Si Dax.

KINCHAY

Yun na ang sign,sigurado ka nang siya yung magtatanggal ng sumpa, eh si Juancho sigurado ka bang siya rin ay itinakda?

DARCY

Wala na naman akong nararamdaman kay Juancho,ikaw lang naman nagsasabi niyan eh.

KINCHAY

May nakakahawa kang sakit, in-denial.

DARCY

Hindi nga.

KINCHAY

Sige na nga sabi mo eh.

DARCY

Ngayon ko mas nararamdaman yung epekto ng sumpa.

KINCHAY

Bakit ahm,mamamatay ka ba ulit. Ahmm ahh..haayyy...anong gagawin ko. Si Dax o kaya si Juancho...sino ang kailangan kong tawagin?

*natataranta na ito dahil sa takot na mamatay ang kaibigan at kailanganin nang halik ulit ng itinakda ng butiking sumumpa rito upang mabuhay muli.

DARCY

Relax, 'di yun ang ibig kong sabihin. Dahil sa tumitibok lang yung puso ko pag nakikita ko sila o ang isa sa kanila 'di ko alam kung tumitibok ba yung puso ko dahil sa mahal ko yung nakikita ko o dahil yun lang yung epekto ng sumpa sa'kin.

KINCHAY

Love is the emotion experienced when oxytocin is released in the brain - it induces warm and fuzzy feelings of trust , affection, romance and bonding.

DARCY

Feeling ko lalagnatin ako sa mga sinasabi mo.

KINCHAY

Simple lang, ang love nagsisimula sa utak 'di sa puso. Ang ibig sabihin you have the right to choose who you gonna love.

*paliwanag nito.

Yung nagpapasaya sa'yo o yung kinaiinisan mo? Yung mahal mo o yung mahal ka? Yung magpapahamak sa'yo o yung magliligtas sa'yo?

DARCY

Nililito mo ako lalo eh...

KINCHAY

Anong nakakalito dun? Parang barya lang yan,tao o agila.

*sambit nito.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. KITCHEN-DAY

Namoproblema ang Mapa dahil natunaw ang yelo sa prid-dyider dahil sa dami ng laman nito.

MAPA

Hay, mukha yatang nagloloko na naman 'tong prid-dyider.

Bumili ka ng yelo dun at gusto ko uminom ng malamig na tubig.

HORHE

Tayo lang yata ang may prid-dyider sa Pinas na bumibili pa ng yelo.

MAPA

Reklamador talaga 'to. Bumili ka na nga lang.

*bigay nito ng kwatro pambili ng yelo na binilang muna ni Horhe bago umalis at magtungo sa tindahan.

HORHE

Oh, peke yung isang piso.

MAPA

Ha?

HORHE

Dalawa po yung agila nung isang pisong binigay mo.

MAPA

Oy, mabuti napansin mo. Lucky coin ko'to.

*sabay bigay ng pamalit sa Lucky coin.

HORHE

Lucky coin?

MAPA

Destiny ang may gawa nito.

*ngisi nito habang hawak ang baryang dalawa ang agila.

ตอนถัดไป