webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER TWO

INT. AIRPORT-DAY

Halos mapuno na ng mga babaeng nagtitiliian na may kanyang-kanyang bitbit na posters ng pinaka hot at pinakasikat na artista at ng mga reporter ang Airport. At lalo pang naghiyawan ang lahat ng dumating siya.Maputi na mamula-mula ang kutis porselana niyang balat na parang gatas na pinatamisan ng pulang asukal,ang mga mata niya ay kulay tsokolate na may gatas at kasing init, tamis at lagkit din ng tsokolateng may gatas ang mga titig nito,ang tangkad niyang nakakapatingala sa 'sang katauhan ay hindi maikakaila,ang labi niya ay mapula katulad ng rosas at kasing lambot ng cotton candy at ang hininga nito na amoy strawberries na parang ang sarap amoyin,ang katawan nito na parang inukit ng Diyos sa kakisigan at ang ilong nito na kay tayog na parang Bulkang Mayon...siya nga ang sikat na Artista na si JOSE JUANCHO CORCEGA VILLAMOR...

Samantala sa likod nito naroroon ang hindi pa naka-ayos na si Darcy,suot nito ang pantulog na isang baboy...patingkayad-tingkayad nitong sinisipat ang sinasabing bagong may-ari ng Fame Tower.

MEDIA

Now that you're back in the Philippines,any plans? Like movies or new teleserye? or magpo-focus ka sa pagpapatakbo ng fame tower?

JUANCHO

I'm gonna be married.

*nagtaka at lalong naging interesado ang lahat sa announcement niya,lalo na ang mga Fans niya na halos maihi sa kilig.

I would like to introduce to you my future wife

*hinigit niya ang taong nasa kanyang likod at na-schock ang lahat sa nakita at lalo na ang taong kanyang ipinakilala.

JUANCHO

Why? What's with the silence? She is my future wife.

MANAGER PARK

Hindi yan Juancho yung babaeng kinontrata natin.

*pabulong at senyas nito sa Artistang naguguluhan.

MEDIA

But Juancho? he's a man??!!

*napatingin si Juancho sa taong kanyang ipinakilala bilang future wife...tinanggal nito ang nakatakip na tila baboy na sombrero na kumukumpleto sa kanyang pantulog na bihis...tumambad nga ang isang lalaki at hindi lang Lalaki dahil kilala niya ito,kilalang kilala...

JUANCHO

Bakla?

*tanong nito na may gulat sa nasaksihan...

DARCY

Lalaking buni?

*kasabay ng pagkabigkas ng kutya

"Buni, yan ang tawag ko sa Lalaking nasa harap ko ngayon. Sulpot ng sulpot kung saan-saan kahit di naman kailangan---kati lang ang dala at peklat.".

*katawan ni Juancho ang dumikit sa katawan ni Darcy.

A--A--anong nangyayari?

*malumanay na sambit ni Darcy sa gulat sapagkat niyakap siya ni Juancho at kasabay nito ay ang biglaang kabog ng puso niya na kanina ay walang kakabog kabog dahil sa sumpa kaya napatumba siya at nasabi sa gulat ang...

Hala!!!

*ang isang kamay ni Juancho ay nasa beywang niya at ang isa naman ay nasa likod niya--- salosalo siya nito habang ang kanyang mga kamay ay nakayapos sa leeg nito na sobrang kinis at kisig...tila may world war 4 sa kanyang dibdib at maya-maya pa ay naramdaman niya ang mainit na hininga ni Juancho sa kanyang tenga na nagpatindi ng tibok ng puso ni Darcy at kasabay nito ang mga katagang...

JUANCHO

Gusto mo ba ng pera? Babayaran kita just to be my mine.

*pabulong nitong sinabi kay Darcy...

DARCY

Magkano?

*pabulong na tanong nito...

Bob*!!! bakit magkano pa ang sinagot mo pwede ka naman humindi,totoo nga talaga ang tao ang gumagawa ng sarili niyang problema.Halaaa!!!

*kausap ni Darcy sa sarili at maya-maya ay nabaling ang tingin nito sa butiki na nasa kisame ng Paliparan...

Tsk tsk tsk tsk tsk... (huni ng butiki)

Bakit sa buni pa na'to? bakit ang buni pa na'to ang pinili mo? Hindi 'kaw ang magpapasaya ng magpapatibok ng puso ko.

MEDIA

Talaga bang ikakasal na kayo?

*ang tanong na ito ang siyang nakatulong upang mahimasmasan si Darcy ng kaunti... At maibalik ang gunita ng dalawa na kanina pa nasa ganoong ayos na kulang na lang ay mag palit ng mukha sa lapit sa isa't isa.

DARCY

Oo naman po, alam ng may gusto sayo ang mga gusto mo.

*tango naman at pagsang-ayon ng mga fans at media sa sinabi ni Darcy.

Malalaman ko ba kung anong boxer shorts ang suot niya kung hindi kami.

*gulat at kaba ang gumuhit sa mukha ni Juancho sa narinig samantalang nagtiliin at may bahid ng pagkagalak ang mukha ng media at tagahanga ni Juancho.

May saysay din pala ang pag alam ko sa buhay ni Juancho ng crush ko pa siya. Bakit ba, kasalanan ko ba na alamin ang mga gusto ng gusto kong tao. Happy crush, happy life.

JUANCHO

Kung ano man ang binabalak mo, tigilan mo 'to.

DARCY

Kung gusto mong maniwala sila na tayo talaga dapat sumakay ka sa sasabihin ko.

*bulungan ng dalawa... napalunok na lamang sa kaba si Juancho ng marinig ang mga sumunod na katagang lumabas sa bibig ni Darcy.

Hmm,siyempre dahil magjowa kami sigurado akong banana print ang nasa sa boxer shorts niya ngayon.

*isa sa mga tagahanga ni Juancho ang hindi nakumbinse sa inihayag ni Darcy.

FAN #1

Hindi kami naniniwala...

DARCY

Kung hindi kayo naniniwala ipapakita mismo ni Juancho ang patunay.

*napatingin muli ang artistang si Juancho kay Darcy, ibinalik lamang nito ang tingin ng artista at unti-unting tumalikod ang napabuntong hininga na si Juancho at dahan-dahang ibinaba ang pantalon at tumambad ang banana printed na boxer shorts na nagpatili sa madla...kanya-kanyang kuha ng litrato ang lahat at matapos ng sandali ay itinaas ni Juancho ang pantalon at paglingat niya ay wala na si Darcy sa tabi niya...

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

Tila naging ninja na baboy dahil sa suot si Darcy habang nagtatago upang makatakas kay Juancho.

KINCHAY

Sino ba kasing tinataguan mo?

DARCY

Sino pa eh di yung buni na si Juancho...

JUANCHO

Ang gwapo ko naman yata para maging buni,Bakla...

*pagsulpot ni Juancho sa likod nila Darcy at Kinchay.

DARCY

Haayyy nakuuu!! Bakit ba kasi?

*tanong nito kasabay ng paglingon niya sa kinaroroonan ni Juancho at nagulat ito ng biglang lumuhod si Juancho sa harapan niya at inilabas ang nakakuyom na kamay na tila may hawak itong mamahaling bagay...napahawak sa dibdib si Darcy dahil sa sitwasyon at dahil nasa harapan niya si Juancho at nakaluhod pa at maya-maya ay nagsalita ito ng may mapupungay na mga mata...

JUANCHO

Will you...

*at maya-maya mula sa nakasaradong palad ay itinaas nito ang gitnang daliri...at tumawa ng pagkalakas lakas...huminga ng malalim si Darcy at pagkatapos nito ay sumigaw ito ng pagkalakas-lakas kasabay ng sipa at mga suntok kay Juancho at biglang...

KINCHAY

Hoy!!!

*sa isang salitang ito ay nagising sa pananaginip si Darcy at nakita na lamang niya ang sarili na hinihigit ni Kinchay paalis at may mga papeles at ballpen na kakaway kaway sa harap niya...

JUANCHO

Pirmahan mo 'to para maging Fiancé na kita...

*kinuha ni Darcy ang ballpen na ikinadismaya ni Kinchay at lumagda...

DARCY

Okay na po...

*sarcastic ang pagkakasabi nito at balik nito sa mga papel kay Juancho.

JUANCHO

Ang dtails pag-uusapan natin sa susunod na mga araw...

*may hinugot itong cellphone at ibinigay kay Darcy.

Nandyan ang number ko,call me kung may kailangan ka or if you need an advanced payment at tatawagan kita kung magsisimula na ang fake relationship natin...

DARCY

Walang problema...

*matapos ay kinuha nito ang cellphone at naglakad ng mabilis si Darcy at kaladkad-kaladkad si Kinchay...

KINCHAY

Akala ko ba didistansya ka sa kanya tapos pumirma ka pa sa kontrata na magbibigkis sa inyong dalawa...

*iiling-iling na sabi nito ngunit abot tenga ang ngiti ni Darcy at mayamaya ay napatawa ito ng sobrang lakas...

DARCY

Yun ang akala niya...

*sabay ngisi nito

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE :Ibinigay ni Juancho ang mga dokumento sa Manager nito,mataba ito at may salamin na hugis bituin...

JUANCHO

Sabi ko naman sa'yo hindi siya makakatanggi sa'kin.

*napatayo ang manager ni Juancho sa kinauupuan nito ng makita ang naroroon sa dokumento...

MANAGER PARK

Ano 'to?

*sabay lapit ni Juancho upang tignan ang tinutukoy ng Lalaki... Isang drawing ng ari ng Lalaki ang nakalagay sa linyang nakatakda para sa lagda ni Darcy at may nakasulat ito na nagsasabing...

"pakasalan mo ari mo".

JUANCHO

Ikaw na Bakla ka!!!

*matapos ang pagsigaw nito ay huminga ito ng malalim...at tinawagan si Darcy...

*PHONE RINGING...

DARCY

Busy ako...

JUANCHO

Sampung segundo lang...

DARCY

Limang segundo, take it or leave it... 5, 4, 3, 2,...

JUANCHO

Be my boyfriend...

*sambit kaagad nito at mga ilang segundo hindi nakapag salita si Darcy sa narinig...

DARCY

Na--na-na-nababaliw ka na ba?

JUANCHO

Kunwari lang naman alam kong galit ka sa'kin pero kailangan kita... Kunwari gusto mo ulit ako...

DARCY

Bakit ako?

JUANCHO

I don't have a choice...sumingit ka kasi kaya ikaw yung napakilala ko...

DARCY

Pag-iisipan ko.

*sabay baba ng tawag...saka tumulo ang luha nito...

Wala siyang choice? So ibig sabihin hindi ako option?

KINCHAY

Nag-expect ka kaya ka nasasaktan. At saka kailan ka ba niya naging option?

*napayakap ito kay Kinchay at napahagulhol na lamang ito.

Promise me, yan na ang huling beses na iiyak ka dahil sa kanya. Walang kayo kaya yang iluluha mo dahil sa kanya walang halaga.

Tama si Kinchay, walang kami at hindi magiging kami kaya ang luha ko walang kwenta at saka pag nalaman niyang umiiyak ako dahil sa kanya baka pagtawanan niya lang ako. Buni siya, pasulpot-sulpot kati lang ang dala...pero kasi.

*kausap nito sa sarili at nagbuntong hininga at malakas na sinambit...

DARCY

Anong gagawin ko??

*ngawa nito

KINCHAY

Wait lang, nasasaktan ka?

*pagtataka nito kaya kinapa nito ang dibdib ni Juancho...

DARCY

Si Juancho, siya siguro ang may hawak ng puso ko.

KINCHAY

Ano??!! Patay kang bata ka!!! Kailangan mo nga siya.

DARCY

Hindi, desidido na ako lalabanan ko ang sumpa na'to...

KINCHAY

Sabi nga sa kanta kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito...

DARCY

Nasa taas ang utak nasa ibaba nito ang puso Kinchay kaya hindi imposible.

KINCHAY

Hindi rin.

*matapos sambitin ito ay iniwan nito si Darcy na huminga ng malalim at kasabay ng pagkawala ng hanging inipon ay pagbagsak ng mga balikat nito...

DARCY

Paano na yan? Gusto ko pa makaramdam ng mga emosyon Kinchay...at higit sa lahat ay gusto ko pang mabuhay.

*sambit nito ng maabutan ang kaibigan sa paglalakad.

KINCHAY

Kailangan mong sumugal, hindi nagsisimula sa happy ending ang lahat ng fairytale.

DARCY

Haaaallaaaaa paano na yaaaannn!!!

*pagdadabog nito.

TSK TSK TSK TSK TSK!!!

*huni ng butiki na kanyang nakita sa pader ng dinadaanan at sabay inom ng tubig ni Darcy.

Tama,lalabanan ko ang sumpa na'to.

--------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. FAME TOWERS-DAY

Nasa tutok ng Building ang Chairperson ng pinaka malaki at nangungunang T.V. station sa Pilipinas...Halos lahat ng tao sa baba ay hindi mapakali lalo na kapag binabanggit niya ang mga katagang...

DOÑA YSABEL

Tatalon na ako...

*tilian sa takot ng mga tao ng marinig ang sigaw nito.

Anong saysay ng pagiging Lola kung ang kaisa-isang apo ko ay ayaw naman magpakasal...

Diyos ko bakit niyo po ako pinarurusahan...

Tatalon na talaga ako...

MEAN WHILE

Tinawagan ng Sekretarya ni Doña Ysabel ang kaisa-isang apo nito.

Kriiiiiinnnngggggg...

JUANCHO

Betty? Bakit?

SECRETARY BETTY

Sir Juancho? si Doña Ysabel po kasi nasa Tower na naman eh...

JUANCHO

WHA-WHA-WHAT???!!!

*sigaw nito sa gulat

Ano na naman ba 'to?? sige paakyat na ako diyan...

*sabay baba sa tawag

MANAGER PARK

Why? What happened?

*tanong nito sa alagang Artista na si Juancho.

JUANCHO

Kalokohan na naman ni Lola...

---------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

SECRETARY BETTY

Doña Ysabel,bumaba na po kayo diyan...Nakikiusap po ako...

DOÑA YSABEL

Tumahimik ka nga diyan Betty...Gusto mo isabay kita sa pagtalon ko dito?Ano??!!

*natahimik bigla ang Sekretarya nang marinig ito.

SECRETARY BETTY

Enjoy the view Doña Ysabel... O baka gusto niyo dito sa may part na 'to tumalon mas maganda ang view dito...

*pagturo nito sa isang parte ng Building.

JUANCHO

LOLAAAAA!!!

*hingal na sigaw ng apong si Juancho ng makita ang Lola na nasa tuktok ng building...

DOÑA YSABEL

Ayan na tatalon na ako...

*pagbabanta nito

JUANCHO

Magpapakasal na ako... I already found someone.Bumaba na po kayo diyan...

*padabog na sabi nito sa kanyang Lola.

DOÑA YSABEL

OKAY CUT!!!

*sigaw ng matanda

Nakuha niyo po yun Direk?

*nagsilabasan kung saan ang production staff at Direktor ng pelikula.

DIREKTOR

Opo Doña Ysabel...Good take po yun...

JUANCHO

Di-di-direk??

A-a-a-ano 'to??

*pagtataka nito at palinga-linga sa kanyang paligid.

DOÑA YSABEL

Narinig mo yun nakunan ng Direktor yung sinabi mo kanina na magpapakasal ka na.

*sabay alis nito.

MANAGER PARK

Mukhang alam ko na kung kanino ka nagmana sa pagiging Aktor mo...

*sabay tapik nito sa balikat ni Juancho.

Infainerss pang Oscars ang arte.

JUANCHO

Haaaaaayyyy...

*pagdabog nito habang pumapadyak na parang bata.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT.CHAIRMAN's OFFICE

Nasa harapan si Juancho ng pintuan ng opisina ng kanyang Lola.

DOÑA YSABEL

Wala ka talagang kwentang Apo!!! Gusto mong magpakamatay muna ako bago ka magpakasal...

*sabi nito habang pinagbabato ng mga babasaging gamit ang papasok na si Juancho.

JUANCHO

Hindi naman po kasi yun madali eh...

*pag-ilag nito sa mga nagliliparang mga gamit.

Huwag po yan...milyon po ang halaga niyan eh...

*pagpigil nito ng makitang milyones ang halaga na gamit ang ibabato ng kanyang Lola.

SECRETARY BETTY

Sir Juancho?

*natapos ang pananaginip nitong ng gising ng tawagin ang pangalan niya ng Sekretarya ng kanyang Lola

JUANCHO

Oh?

SECRETARY BETTY

Pinapapili po kayo ni Doña Ysabel kung ano daw po ang gusto niyong ipalo niya sayo ito pong sanga ng Bayabas o sinturon?

*nagising na naman ito sa kanyang pananaginip ng gising...lumunok ito,nagbuntong hininga at binuksan ang pinto...nakangiti ang kanyang Lola sa kanya pero imbes na sumaya sa nakikita ay kinakabahan siya lalo na ng makita ang kumpol ng papel at isang Ballpen na hawak nito.

DOÑA YSABEL

Pang Oscar ang arte ko dun...

SECRETARY BETTY

Sobra po...

*may pa-thumbs up pa itong nalalaman...

JUANCHO

Lumabas ka muna...

*sambit nito ng tuluyang makapasok sa kwarto at sabay naman na nagmamadali na lumabas ang Sekretarya.

Lola, magsabi ka nga ng totoo? Bakit?

DOÑA YSABEL

Anong bakit?

*pagmamaang-maangan nito...

JUANCHO

Alam ko ng wala kang sakit...

*nang marinig ito mula sa apo ay biglang umubo ng pagkalakas-lakas at nangisay-ngisay pa sa upuan si Doña Ysabel...

DOÑA YSABEL

Anong ibig mong sabihin nagsisinungaling ako?

*humagulhol ito ng sobra...at kinuha nito ang cellphone at ni-record ang pagiyak nito...

Ipo-post ko 'to sa tiktok...

*nakatingin lamang ang apo sa kanya...

Oh sige na, At kung sino man yung hinihintay mong yun wala na akong pakialam.

JUANCHO

Sige po...

*walang palag na pagsang-ayon ni Juancho at ng marinig ni Doña Ysabel ang sagot mula sa apo ay agad ibinigay ng matanda ang mga papeles...

DOÑA YSABEL

Pumirma ka rito para maka-siguradong magpapakasal ka.

*pumirma ito at umalis...paglabas nito ay sinalubong kaagad siya ng Manager niya...

MANAGER PARK

We need to find that man now.

JUANCHO

Kusa siyang lalapit sa'tin at alam ko kung papano...

*ngisi nito...

------------------------------------------------------------------------

INT. CATACUTAN's RESIDENCE-NIGHT

Tuloy-tuloy pumasok si Darcy hindi na nito napansin ang kapatid,Ina at isang bisita...

MAPA

Magandang gabi...

*naka-ngiti nitong bati sa anak.

DARCY

Magandang gabi...

*matamlay ang pagka-kaway nito...tumayo ang babaeng bisita na nakasalamin at nagpakilala...

SECRETARY BETTY

Magandang gabi,I'm Betty from Fame towers...

*nanlaki ang mga mata ni Darcy ng marinig kung sino ang nasa harap niya ngayon.

Fame Towers would like to invite you personally for a training,we find your manuscripts very interesting...

*hindi makapaniwala si Darcy sa nangyayari...

------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. FAME TOWERS-DAY

Naka-puting long-sleeves at jumper,nakatali rin ang buhok paitaas at pagala-gala ang tingin ni Darcy dahil hinahanap nito ang kwarto kung saan niya huhubugin ang pangarap maging manunulat ng Fame towers...nang makita ang kwartong hinahanap ay kumatok ito at pumasok,tumambad sa kanya ang ilan sa mga katulad niyang bagong manunulat at ang isang matandang babae na kamukha ni Miss Minchin sa Princess Sarah na nagpakilala...

MADAM HEART

Ako si Madam Heart, ang head writer ng Fame Towers at ako ang magtuturo sainyo kung paano maging manunulat...

*palakpakan ang lahat at ganoon din ang ginawa ni Darcy habang naglalakad ito patungo sa kanyang upuan...

Maligayang pagdating sa inyong lahat sa Fame Towers...

*palakpakan muli ng lahat...at sa gitna ng pagsasaya ay may biglang pumasok,naka-shades ito at pagtanggal nito ay lalong nagdiwang ang lahat maliban kay Darcy na umiwas kaagad ng tingin ng masilayan kung sino ang pumasok upang maiwasan ang pagtibok ng puso, nakakunot ang noo sa inis at iniiwas ang tingin kay Juancho---lumapit ang makisig na binata sa kinauupuan niya at palihim siyang nginisian...halos atakihin siya sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib niya ng masilayan ito napahawak kaagad siya sa kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinukpok.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. FAME TOWERS-NIGHT

Isang welcome party ang idinaos bago magsimula ang training...

MADAM HEART

Bago ang lahat gusto kong ipakilala ang magiging bagong chairman ng Fame towers,walang iba kundi ang nag-iisang hearttrob star na si Juancho.

*nagdiwang muli ang lahat ngunit gulat ang reaksyon ni Darcy sa narinig at marahan itong napatampal sa sarili sa narinig.

Bago ulit ang lahat ay kailangan ay hanapin niyo ang iyong magiging kaparehas at dahil late ka Darcy ako...

*naputol ang sasabihin nito ng magsalita si Juancho...

JUANCHO

Ako ang magiging partner niya...

*tinginan ang lahat kay Darcy na may mga mukha at titig na tila siya ay nanalo sa lotto...

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

MADAM HEART

Pag nagsusulat ka dapat nararamdaman mo lahat ng emosyon ng sinusulat mo,ngayon ay babalikan natin lahat ang pakiramdam ng lahat ng emosyon...

*pagpapaliwanag nito...

Pwede kayong umarte o kung ano ang nais niyo ang importante ay maramdaman namin ang emosyon na nasa puso ninyo...

*sabay-sabay sumang-ayon ang lahat...iba't-iba ang ginawa ng mga magkakaparehas...may umiyak at sabay-sabay lahat nagsigawan ng...

ALL

Lungkot at pighati...

*may tumawa at ganoon din ang nangyari...

ALL

Kasayahan at kabaliwan

ang dalawa na sina Darcy at Juancho ang sumunod matapos ang ilang pares pa...nasa gitna ang dalawa tinititigan ang isa't-isa, ni hindi ito nagsasalita,tila nasa kanilang mundo ang magkaparehas

at wala pa sa alas-kwatro ay nagsigawan ang lahat...

ALL

Pag-ibig

*pagkarinig nito ay tila nagbalik ang dalawa sa pisikal na mundo...tila may nararamdamang kakaiba si Madam Heart sa dalawa...

MADAM HEART

Ayon, pakalakpakan...

*sambit nito upang pigilan ang nabubuong tensyon o kung ano man at sumunod ang lahat sa utos niya...

Ngayon naman ay titikman natin ang emosyon...

*napawow ang lahat sa narinig ngunit kaba ang nararamdaman ni Darcy, hindi na ito makatingin kay Juancho na nasa tabi niya...lalo pa nagpahirap sa sitwasyon niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya na dala ng sumpa...

Kailangan naka-piring ang isa sainyo at huhulaan niya ang mga pagkaing isusubo sa kanya...at sa pamamagitan ng lasa nito ay ipapaliwanag ng isa ang emosyon na sa tingin niya ay kumakatawan sa pagkaing naisubo...

*paliwanag sa panuto ni Madam Heart...natapos ang lahat at sumunod na sina Darcy at Juancho...lumapit ang isa't isa at sinimulang isuot ni Darcy ang blindfold...kinuha ni Juancho ang strawberry flavored na lollipop at bumulong kay Darcy...

JUANCHO

Open your mouth...

*matapos marinig ang bulong ni Juancho ay binuksan ni Darcy ang bibig tila siya puppet na sunodsunuran at ipinasok ni Juancho ang lollipop...nang mangyari ito ay may mga mahihinang tilian na nagpainit sa loob ng silid...

Open it more.

*dagdag na bulong ni Juancho...halos mabilaukan na si Darcy sa subong lollipop...nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin kay Juancho humarap sa mga kasama at nagsalita...

DARCY

Pagmamahal ang nasa bibig ko ngayon.

*palakpakan ang lahat at sunod na ipinatikim ni Juancho ang ampalaya...

Pagmamahal pa rin,hindi laging matamis ang pagmamahal minsan mapakla ito kaya nakakatakot sumugal---huwag kang susugal dahil baka sa bandang huli mapaklang pag-ibig ang matikman mo imbes ang matamis...

*sabay tanggal ng blindfold ni Darcy---unang nasilayan niya ang mukha ni Juancho at ilang saglit ay nakita niya sa Juancho na kinagat ang natitirang ampalaya at sinabi...

JUANCHO

Mapait man pagmamahal pa rin...

*magkalapit ang dalawa,magkadikit ang katawang lupa nila Darcy at Juancho natigilan ang lahat sa narinig,sa nakikita at nakatuon ang lahat ng atensyon sa dalawa,nabasag lamang ang katahimikan ng magsalita si Madam Heart...

MADAM HEART

Ayon,palakpakan ulit...

*utos nito na puno ng energy at sumunod naman muli ang lahat...

Okay,break, break, break... be back after 15 minutes...

*naiwan sina Juancho at Darcy sa kwarto,maya-maya ay nakarinig ng pagkasamid si Juancho at napalingon ito kay Darcy...

JUANCHO

Bakit? Masama ang pakiramdam mo?

*nagaalala nitong tanong kay Darcy na nanlilisik ang mata na nakatingin sa kanya...

DARCY

Papatayin mo ba ako?

JUANCHO

Ano na naman ba? Anong ginawa ko? Anong tingin mo sa aming mga gwapo mamamatay tao?

*napangisi ito at sinabi

Ah,yung pagsagad ko ba nito sa lalamunan mo kanina?

*sabay labas ng strawberry flavored lollipop

Maliit 'to kumpara sa pwedeng pang sumagad sa lalamunan mo.

*nakangisi nitong sabi na ikina-irita ni Darcy.

DARCY

Pinasok mo ng sagad sa lalamunan ko yung lollipop kanina...paano pag nabulunan ako?

*nakasimangot nitong tanong...at maya-maya ay pumatong ang palad ni Juancho sa ulohan ni Darcy at makailang hinimas nito ang buhok ni Darcy at sinabi...

JUANCHO

Sorry, I'll be gentle next time...

*sabay alis ni Juancho,hindi makapaniwala sa narinig si Darcy--- ang hambog at isang buni na si Juancho nag sorry sa kanya...sa mga oras na nasa paligid niya si Juancho ang puso niya ay tila triple ang bilang na pilit nagsusumiksik sa dibdib niya kaya kinapa niya ang dibdib at kinabahan ito ng sobra nang matanto na walang bakas na kahit katiting na tibok ang puso niya... Parang gustong sundan ni Darcy si Juancho upang makaranas muli ng tibok ang puso.

DARCY

Para akong patay na buhay pag wala siya sa tabi ko pero pag nandyan siya gusto ko na lang mamatay... Wala akong magagawa para siyang battery ng puso ko pag wala siya hindi 'to gagana...

*irita nitong sambit sa sarili...

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni na naman ng butiki)

Oo na po.

*sabi nito habang nakatingala sa butiki sa kisame at sabay inom ng tubig.

------------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. FAME TOWER's HALLWAY-DAY

Maaga si Darcy, walang katao-tao sa hallway kaya nagpasya itong tignan ang mga litrato ng mga artista sa wall of fame at isa sa mga artista na nakita niya ay si Juancho...kaagad itong napahawak sa dibdib niya ng masilayan ang napaka laking litrato ni Juancho...

DARCY

Pati ba naman sa litrato titibok 'tong puso ko...

*bakas sa mukha at tinig nito ang pagkasawa habang nakahawak ito sa dibdib ng sinambit ang pangungusap na iyon.

Teka lang...

*may napagtanto ito bigla...

Haaaaa!!

*isang expresyon ng pagkabigla at galit ang nagtapos ng natantong katotohanan.

Kung ikaw ang bagong chairperson ng Fame Towers ibig sabihin ikaw ang nanglalait hindi lang sa gawa ko kundi sa itsura ko. Ikaw na buni ka!

*ginala-gala nito ang patingin at napansing walang CCTV sa hallway,inilabas nito ang marker...

Tsk tsk tsk tsk tsk!!! (huni ng butiki)

*napatingin ito sa kisame at napataas ng dalawang kamay na magkadikit.

Sorry po, pero hindi naman 'to pisikal,gusto ko lang po makaganti...

*pagpapaliwanag nito sa butiki na nasa kisame,uminom ito ng tubig at ginuhitan niya nga ang mukha ni Juancho...maya-maya ay dalian itong tumakbo papasok sa training room at nagulat siyang naroroon si Juancho.

Ay butiki na may butas...!!!

*gulat na sambit nito habang nakakapit sa dibdib niya at umupo ito na malayo kay Juancho pero sinundan siya nito at umupo sa tabi nito,inilabas nito ang notebook at panulat,hindi mapakali si Darcy sapagkat alam niyang kanina pa siya tinitignan ni Juancho.

JUANCHO

Pangarap mo pa rin bang maging Pambansang Swerte ng Pilipinas?

*hindi ang tanong ni Juancho ang una niyang narinig kundi ang muling pagtibok ng puso niya at ang mainit na hininga ng gwapong artista malapit sa kanyang pisngi...

DARCY

Dahil kay Pama,naniwala ako na kapag nagkagusto sa'yo ang crush mo magiging Pambansang Swerte ka ng Pilipinas dahil bihira lang mangyari yun minsan pa nga hindi talaga nangyayari.

*sagot nito na hindi lumilingon kay Juancho na hanggang ngayon ay nasa kanyang tabi ---nakikinig si Juancho na tila naging interesado ito sa sagot ni Darcy.

Verb lang naman ang crush na may five letters na ibig sabihin dinurog, dinidurog o dudurigin dahil ang ginagawa nila ay durugin o mandurog ng nararamdaman ng ibang tao.

*hinawakan ni Juancho ang kamay ni Darcy tumingin ng may buong pagsusumamo.

JUANCHO

Pero kahit ganun, willing ka bang sumugal, willing ka bang ma-fall or katulad ng sinabi mo are you willing to fall at madurog dahil sa akin?

Nakikiusap ako, tulungan mo ako.

Magpanggap kang gusto mo ako ulit at kamuhian mo pagkatapos.

*nakakuha ng lakas si Darcy na lumingon kay Juancho, magkalapit ang mukha ng bawat isa, ang kanilang mga mata ay nagtama at ang isa't isa lamang ang nakikita nila sa mga oras na iyon ,punong puno ng emosyon ang mga titig ni Juancho ngunit walang emosyon ang mga titig ni Darcy---nakikisama ang tibok ng puso niya ngayon hindi ito tumitibok dahil nasa harap niya si Juancho bagkus dahil sa sakit ng nararamdaman.

DARCY

Kaya ba ako nandito dahil sa'yo di dahil nagagandahan sila sa mga sinulat ko?

JUANCHO

I'm selfish, sorry.

*may lungkot sa mga mata nito na tila nabuhusan itong napaka lamig na tubig.

DARCY

Bakit?

*namumula ang mga mata nito dahil naiiyak ito...

Bakit mo ako lagi pinaiiyak? Bakit lagi mo sinasaktan ang puso ko?

JUANCHO

Nag...nag...nag...nagkakamali ka ng iniisip, matagal na dapat na-aaprove yung mga ginagawa mo kaso lang rini-reject ko... You're a good writer, ako lang talaga ang may saltik.

*kitang-kitang kumukulo sa galit si Darcy sa narinig...

Sorry, ngayong alam mo na at saka ang mahalaga nandito ka na di ba?

*nakangiti nitong sambit habang tapik tapik nito ang balikat na tila ba ayos lang ang lahat at maya-maya ay isang kutos ang ibinigay ni Darcy at bago pa man makasigaw sa sakit si Juancho ay nagsipasukan ang ilang mga trainees kaya naputol ang usapan ng dalawa at ang sigaw niya dahil sa sakit--- maririnig ang tilian ng mga pumasok ng makita ang artistang si Juancho...tumayo ito at napahipo sa ulong masakit pa rin dahil sa kutos ni Darcy at bago umalis ay may dinukot sa bulsa at nilapag nito ang strawberry flavored lollipop sa mesa ni Darcy at nag-sabi...

Practice makes perfect.

*sabay ngisi nito at umalis...

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. DARCY's HOUSE- NIGHT

Kasama ni Darcy sa kama si Kinchay, nakahiga ang dalawa.

KINCHAY

Ano??!! Ginawa niya yun? Matagal ka na sanang sikat na writer katulad ng Pama mo.

DARCY

Hindi niya ako tinitigilan,akala niya ba madali magpakasal at ang masama pa nito magpapanggap kami.

Writer ako hindi ako artista...

*sabay hagis ng dart sa poster ni Juancho.

Haayyyy Anak ng Butiki naman!!!Anong gagawin ko?

*pagdadabog nito.

KINCHAY

Blessing in disguise siguro 'to, gawin mo...

*bago tinuloy ni Kinchay ang sasabihin ginala nito ang paningin sa kisame at naghanap ng butiki.

Gawin mo ang ginawa niya sa'yo ng crush mo pa siya dati...

DARCY

Hindi ako katulad niya at saka masama yun.

KINCHAY

May naririnig ka bang butiki ngayon? Ibig sabihin hindi mali ang gagawin natin... mapuputol na ang sumpa nakaganti ka pa.

*pilyo nitong ngiti kay Darcy...maya-maya ay marahang tinampal ni Darcy ang sarili.

DARCY

Hindi ko gagawin yun.

Tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk!!! (huni ng butiki)

Tignan mo na, sabi ko na sayo eh mali yung gagawin natin na delay lang yung response ng Butiki.

*bumangon si Kinchay at kasabay nito ang pagbangon din ni Darcy na sabay kuha sa basong may tubig na inabot ni Kinchay at matapos makainom nito ay sabay na humiga muli ang dalawa---napabuntong hininga si Darcy at may nakapa ito bigla sa bulsa ng jumper niya ng mapahawak ito sa dibdib niya at dinukot ito...napatingin ito sa hawak habang piniikot na tila pinaglalaruan ito at nagtanong...

May iba pa bang gamit ang lollipop?

*napatayo sa pagkakahiga si Kinchay sa narinig na tanong mula kay Darcy.

KINCHAY

Para sa gag reflex siguro...

*prankang sagot nito...

DARCY

Gag reflex?

KINCHAY

Ano ba yang mga sinusulat mo? Fairy tales at hindi mo alam ang gag reflex.

DARCY

Ise-search ko na lang.

*aalis na sana ito sa kama ngunit pinigilan ito ng kaibigan.

KINCHAY

It's science thing,writer ka di ba hindi scientist?

*tumango bilang pagsang-ayon si Darcy.

Kaya huwag mo ng alamin at isa pa...

*itinayo nito mula sa pag kakahiga ang kaibigan na si Darcy at sinabi...

Distansya yan yung word na dapat mong unang inaalala kapag malapit ka sa kanya...

*sabay turo sa dibdib ni Darcy...

Masakit ang masaktan,malalim ang sugat kapag nadali ang puso at ang dating peklat 'di natin alam kung kailan ulit yan maghihilom o baka 'di na maghilom.

DARCY

Alam ko pero kailangan ko nga siya para mabuhay ako kaya nga parang nababaliw na ako.

*pagmamaktol nito sa kama.

KINCHAY

Ano ba kasing kailangan mo diyan kay Juancho? Kiss ba parang sa mga fairytales?

DARCY

Sex.

KINCHAY

Sex lang pala eh akala ko naman kung ano...

*maya-maya ay...

SEX!!! Se--seryoso ka ba diyan???!!! Ano yung ano ni Juancho vaccine? kaloka.

*delayed reaction nito ng mag rehistrong buo ang sinagot ni Darcy kanina.

Rest In Peace Beshiwap.

*sabay tila basbas nito ng sign of the cross sa matalik na kaibigan.

Kaloka yang sumpa na yan sayo ah.

DARCY

Aaaaahhh... Ayaw ko pang mamatay...

*pagmamaktol at palulupasay nito sa kama.

KINCHAY

Don't worry gagawin natin lahat para maging happy ending ang fairytale mo.

*sabay yakap nito sa kaibigan.

----------------------------------------------------------------------

NEXT DAY

INT. FAME TOWERS' ELEVATOR-DAY

Dahil sa sobrang aga ni Darcy ay wala itong naging kasabay sa elevator,nang dumating ito sa second floor ay bumukas ang pinto nito at pumasok si Juancho...biglaang tinakpan ni Darcy ang mata niya upang di makita si Juancho...nawirdohan ito sa nasisilayan kay Darcy.

DARCY

Huwag kang titibok,huwag kang titibok...

*paulit-ulit na sambit nito sa sarili habang takip-takip niya ang kanyang mata...ilang minuto tahimik ang dalawa at bumukas muli ang pinto ng elevator ng marating nila ang isang palapag at nagsipasukan ang mga nagmamadaling empleyado sanhi ng pagsiksikan,ngayon ay magkadikit ang katawan ng dalawa...dahil sa init sa loob ng elevator ay tinanggal ni Darcy ang kamay na nakatakip sa sariling mata, una niyang nasilayan ang mukha ni Juancho,biglaang tumibok ang puso ni Darcy, ramdam na ramdam niya ito at dinig rin...maya ay napansin ni Juancho na tumatama kay Darcy ang mga kahon na bitbit ng isa sa mga kasama nila sa elevator...hindi ito nararamdaman ni Darcy sa kadahilanang mas nag-aalala ito sa kabog ng puso niya na tila pinipigilan niya sa pamamagitan ng paghawak niya sa kanyang dibdib...maka ilang sandali gumalaw si Juancho dahan-dahan itong nakipag palit ng pwesto kay Darcy...at matapos magtagumpay ay hinimas nito ang ulo ni Darcy na kanina ay natamaan ng magka ilang ulit ng kahon.

JUANCHO

Oh? Nagkakagusto ka na ba ulit sa'kin?

*sambit nito ng mapansin ang pagtitig sa kanya ni Darcy...at matapos sabihin ito ay bumukas ang elevator at nagsilabasan lahat ng tao maliban sa dalawa...akap-akap pa rin ni Juancho si Darcy at mga ilang sandali ay nagsalita muli ito.

Lalandiin kita hanggang maging akin ka.

*naririnig ni Darcy ang tibok ng puso niya na lalong pabilis ng pabilis at bago pa man ito mapansin ni Juancho ay tinulak niya ito at itinaas ni Darcy ang dalawang kamao na tila manununtok...

DARCY

Sige lumapit ka susuntukin kita...

*hindi natinag si Juancho daglian siyang lumapit-ang mga kamay nito ay nasa bakal na pader ng elevator at unti-unti nitong nilalapit ang mukha sa handang si Darcy at bago nga nito nagawang ilapit lalo ang mukha ay dumampi ang kamao ni Darcy sa pisngi ni Juancho.

JUANCHO

Yun na yun?

*napakagat sa labi niya dahil sa hiya si Darcy kasabay ang mabagal na pagyuko nito at tumango bilang sang-ayon sa sinabi ni Juancho na walang kalakas-lakas ang suntok niya---ikinangisi ito ni Juancho maya maya lang ay bumukas ang elevator at sa pagkakataong ito ay ito na ang palapag kung saan paroroon si Darcy kaya kumaripas ito ng takbo palabas patungo sa sulok.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

DARCY

Kalmaaaa...

*pagpapakalma nito sa puso at sabay inom ng tubig at nakahinga ng maayos.

-----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. MANAGER PARK's OFFICE-DAY

Halos mabali na ang leeg nito kakasunod sa pabalik-balik lakad ni Juancho...

MANAGER PARK

Nahihilo na ako sayo!!! Ba't hindi ka mapirmi sa isang lugar?

*pagkawala ng pasensya nito.

JUANCHO

Nagmamatigas pa rin yung baklang pandak na yun...eh dati naman siya yung lapit ng lapit sa'kin...

MANAGER PARK

Ganyan kayo, akala niyo kapag nagka-crush sa inyo ang isang tao eh kayo na ang centro ng mundo...eh mas mabaho naman ang utot ninyo kesa sa tae niyo.

JUANCHO

Ano bang gusto mong gawin ko?

*umiling-iling si Manager Park sa narinig na tanong ni Juancho.

MANAGER PARK

Pakiligin,bilhan mo ng makakain,alagaan mo at higit sa lahat ipadama mong kailangan mo siya dahil mahal mo siya...

*hindi na pinansin pa ni Juancho ang Manager,nag-dial ito sa kanyang cellphone at may kinausap.

JUANCHO

Mahal??!! Sinabi mo bang mahal??!! Kailangan ko lang siya.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE/ AFTER A WHILE

INT. TRAINING ROOM-DAY

Naputol ang training ng bumukas ang pinto ng kwarto at nagsipasukan ang mga kusinero ng Fame Towers na may gabundok na hotdog,halos lumuwa ang mata ni Darcy sa saya.

DARCY

Free hotdog...

*dali-daling subo nito sa hotdog na ibinigay sa kanya at maya-maya ay may Lalaking nakatayo sa kanyang harapan na nagpatigil sa kanya sa pagkain...tumingala ito na may subo pang hotdog sa bibig...halos mabilaukan ito at napaubo ng sumabay ang pagtibok ng puso nito at paglunok ng hotdog...pinukpok nitong ng marahan ang dibdib...

JUANCHO

Masarap ba?

*tanong ni Juancho sabay ngisi napalingon sa likod si Darcy at inilabas ang kahihiyan sa pamamagitan ng isang mahinang buntong hininga...at ibinaling pagkatapos ang ulo sa kausap.

DARCY

Pakialam mo ba eh paborito ko 'to...

*nilapit ni Juancho ang tenga kay Darcy at ibinulong...

JUANCHO

Sana hindi lang bibig mo ang napasaya ko sana pati ang puso mo...

*saka umalis si Juancho na iniwan si Darcy sa pagtataka...

MADAM HEART

Habang kumakain kayo I just wanna inform you na magkakaroon ng small storyline evaluation by partners ulit I want you to practice in skits para makita ninyo if realistic ang scenes na ginawa niyo, may mga magagandang basahin pero in-action nagiging boring kaya importante 'to.

*nang marinig ito ni Darcy mula kay Madam Heart ay napatingin ito kay Juancho na nasa pintuan ng training room katabi ang kanyang Manager at napabuntong hininga sa inis.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

MANAGER PARK

Ang O.A. mo naman masyado? Kayanin niya kayang maubos yung mga hotdog na yun at saka bago mo pa siya mapa oo eh baka patay na siya dahil na-empatso.

JUANCHO

Anong gusto mong gawin ko? Eh ganoon ako magpakilig?

MANAGER PARK

Lagi kang nasasabak sa romantic series pero hindi ka marunong magpakilig sa totoong buhay.

JUANCHO

Kasalanan ko bang mas madali siyang paiyakin at asarin...

*isang O.A. na gesture na nagpapakita ng may naisip itong ideya ang ginawa ng Manager ni Juancho.

MANAGER PARK

Tama!!! Baka kaya hindi na siya kinikilig katulad ng dati eh kasi hindi ka lang niya nakalimutan kundi may iba na siya.

*napatingin si Juancho sa kumakain pa rin na si Darcy...dali-dali itong nagtungo sa kinaroroonan ni Darcy at kinuha ang plato...

DARCY

Anak ng Butiki naman oh...

*malungkot na inda nito.

JUANCHO

Bakit??? ako nagbigay nito kaya pwede ko 'tong bawiin?

*sabi nito ng bawiin na tila bata ang platong may hotdog,napabuntong hininga si Darcy upang mapakalma ang sarili at nagsalita...

DARCY

May gagawin ka ba pagkatapos nito?

*nagaalangang sambit ng tanong nito na malayo sa kaninang pinagaawayan nila.

JUANCHO

*napangisi ito...

Bakit? Yayayain mo ako makipag-date?

DARCY

Kapalmuks, tatanungin lang kita kung pwede ba kitang maging partner para sa scene reading ng ginawa kong storyline?

*seryosong nakatitig si Juancho kay Darcy,hindi ito nagsalita ng ilang sandali at maya-maya ay nagtanong ito...

JUANCHO

May iba ka na bang nagugustuhan?

DARCY

Nagugustuhan?

JUANCHO

Bagong crush.. Nilalandi, bagong gusto, bagong kinukulit.

*nang marinig ay marahan at nahihiyang umiling si Darcy bilang tugon at nang maintindihan ni Juancho ang nais pahiwatig ng kausap ay saka ito muli nagsalita...

Sa bahay ko,dun tayo mag scene reading... It's a date...

DARCY

Date??? Sa bahay mo???

*gulat na tanong nito...ipinatong ni Juancho ang kamay sa ulo ni Darcy at marahan itong hinimas.

JUANCHO

I'll pick you up after your training...

*pagkasabi nito ay umalis,nang matapos lumisan ni Juancho ay napa-upo sa panghihina si Darcy.

----------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-NIGHT

Malaki ang bahay nito,malinis at nasa ayos ang lahat,agaw atensyon ang malaki, gwapo at matipunong litrato ni Juancho na nakakabit sa dingding ng uluhan ng kama nito...napatigtig dito si Darcy na kaagad naman napansin ni Juancho.

JUANCHO

Pag tinanggap mo ang offer ko na maging fake Fianće ko maging iyong-iyo ang nasa picture na yan.

*sambit nito.

DARCY

Tungkol na naman sa fake relationship? Ang mas maganda pang magsimula na tayo,pwede ba yun?

*maya-maya ay biglaang naghubad ng damit si Juancho na ikinagulat ni Darcy sanhi ng pagtalikod nito bigla...

Ba---ba---bakit ka naghuhubad?

*tarantang tanong nito habang nakatalikod.

JUANCHO

Pwedeng magpalit muna ng damit?

*tumango si Darcy bilang tugon habang nakatalikod at maya-maya ay bumulong mula sa likuran ni Darcy si Juancho...

Magsimula na tayo...

*ang bulong nito ay nagpakabog lalo ng sobra sa dibdib ni Darcy,napapikit at hawak ito sa dibdib bago lumingon.

DARCY

Okay...

*matipid na sagot nito matapos itong humarap kay Juancho.

So, ang storyline na ginawa ko ay tungkol sa isang taong sinwerte kasi yung crush niya nagka-crush sa kanya...

*pagpapaliwanag nito sa konsepto ng sinulat habang inaabot kay Juancho ang kopya ng sinulat.

JUANCHO

Ano 'to??!! Nasaan??!!

*halos balik-baliktarin na ni Juancho ang script na ginawa ni Darcy.

This is not gonna work.

DARCY

Lahat pwedeng mangyari dahil sa pag-ibig.

*pagtatanggol nito sa ginawang script.

Ano ba kasing hinahanap mo? Ano ba ang kulang?

JUANCHO

Kissing scene.

*biglang lapit ng mukha nito kay Darcy na sanhi upang magkadikit ang mga ilong nila.

DARCY

Eehhhh??!! Hin...hin...hindi ako gumagawa ng ki-kissing scene...

*pautal-utal na sabi nito kasabay ang biglaang atras niya sa kaba at hawak sa dibdib dahil sa ginawa at sinambit ni Juancho.

JUANCHO

Ay oo nga pala,kahit yung mga dati mong pinasa wala ni isang kissing scene.

*kinuha nito ang lapis na nasa mesa at sinimulang magsulat at ibinalik ang script.

Dapat ganito...

DARCY

Anak ng Butiking binutasan...

*gulat nitong sambit sabay napalunok matapos tignan ang pagbabagong ginawa ni Juancho.

JUANCHO

At saka sa tingin mo ang isang Prinsipe ay magkakagusto sa isang stalker.

DARCY

Hindi siya stalker, He is in-love. Bakit kayo ganyan pag pangit ang nagkakagusto sa inyo stalker ang tawag niyo pero pag maganda o gwapo admirer? Lahat maganda pag may pagmamahal.

*pagtanggol nito.

Ikaw? na-inlove ka na ba?

JUANCHO

Kaya kita papakasalan dahil hinihintay ko ang pagbabalik niya...

*sabi nito na puno ng pagmamahal...natahimik si Darcy sa narinig...at nagsalita pagkatapos ng ilang saglit...

DARCY

Aaahh ganun ba? Malas niya...pwede na ba tayong mag-simula? Ay...Teka lang i-rerecord ko muna...

*sabi nito habang kakapa-kapa sa bulsa na tila may hinahanap...

Ahmm... Eh kasi...

*nakangiti at awkward na simula nito...

Nakalimutan ko yung cellphone ko pwedeng...

*hindi pa man nito natapos ang pagsasalita ay nilabas na ni Juancho ang cellphone at sinimulan nga ni Darcy na pag-record...at binasa ang nasa script.

Scene one, hinawakan ng bidang Lalaki ang kamay niya...

*walang ano-ano ay hinawakan ni Juancho ang kamay ni Darcy...tila naging estatwang bato si Darcy ng mga oras na iyon...lumunok ito saglit at pautal-utal na nagsalita...

A...a...a...anong ginagawa mo?

JUANCHO

Let's act it para mas makita natin yung outcome ng written scenes, di ba yun yung sabi...

*idinikit ni Juancho ang noo sa noo ni Darcy...inangat ni Juancho ang baba ni Darcy...napapikit ito...at maya-maya ay isang malakas na pitik sa noo ang naramdaman ng nakapikit na si Darcy na kaagad napamulat.

JUANCHO

Iniisip mo bang hahalikan kita?

DARCY

Nasa-script yun na binago mo...

*sabay turo sa script at pagkatapos ay inda sa noong napitik.

Tapusin na kasi na'tin 'to please.

*bigla siyang hiniga ni Juancho sa kama,tinitigan siya sa mata na puno ng pagsuyo, napalunok na lamang si Darcy at ang kabog ng dibdib niya ang mas nangingibabaw kaysa sa boses ni Juancho na ngayon ay nagsasalita.

JUANCHO

Scene 5, pumatong ang Lalaki sa kanya handa nitong halikan ang taong nasa harap niya.

*tukoy nito sa scene na nasa script na kakabago lang...nagdikit ang ilong ng bawat isa...

Tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk!!! (Lizard hissing)

*pagkarinig kaagad ni Darcy sa ingay ng butiki ay kaagad nitong itinulak si Juancho na napangisi sa reaksyon ni Darcy.

You're thinking again that I'm gonna kiss you?

*sabay bigay ng tubig ni Juancho kay Darcy na ininom naman nito pagkatapos ay nagsalita.

DARCY

Hindi no!!! Yung Butiki kasi...

*sabay turo sa butiking nasa kisame.

JUANCHO

What???!!!

you just don't look weird,you're weird...

DARCY

Sabi kasi bantay na ipinadala ng Diyos sa lupa ang mga butiki kaya kapag mali ang ginagawa mo o may gagawin kang mali magiingay ang butiki...

JUANCHO

Okay...

*maikling tugon sa sinabi ni Darcy.

DARCY

Hindi nga no!!!

JUANCHO

Just say please and I will kiss you...

*ilang segundo 'di nagsalita si Darcy at biglaang nagsalita ito.

DARCY

Please...

JUANCHO

Saan mo gustong halikan kita?

*tanong nito matapos nito kabigin si Darcy palapit sa kanya.

Dito ba?

*turo nito braso ni Darcy...

Dito?

*hawak na malamyos naman nito sa leeg ni Darcy...

O dito?

*sambit at sabay hawak nito sa baba ni Darcy upang maiangat ito ng kaunti upang sumakto sa taas ng kanyang labi ang labi nito at unti-unting nilapit ang mukha kay Darcy.

Saan mo gustong dumampi ang labi ko?

DARCY

Cu...cu...cut... Eehhh?! Magki

..ki...kiss na tayo ah...

*pagputol nito sa nangyayari na halatang nataranta at napahawak sa dibdib niya na todo ang pintig.

Sinunod ko yung line sa script pero yung kiss parang below the belt.

JUANCHO

Eh ano naman, ikaw na nagsabi yan yung nasa script kaya yun ang dapat gawin, sinunod mo yung line dapat pati din dapat yung scene.

DARCY

Writer ako 'di naman ako actor.

JUANCHO

I'm your ex-crush who's asking a kiss from an ex-admirer.

DARCY

Okay.

*at saka ito pumikit.

JUANCHO

From now on,hindi ko susundin ang nakalagay sa script I will follow what my lips want to do with your lips.

*sabay tapon ni Juancho sa script na ginawa ni Darcy na kumalat na tila confetti kasabay nito ay hinaplos ni Juancho ang pisngi ng nakapikit na si Darcy at maya-maya ay isang kutos ang naramdaman ni Juancho na kaagad nitong ininda.

DARCY

Familiar ba ang scene na'to sayo?

*napangisi si Juancho at himas sa ulong nakutusan.

JUANCHO

So gumaganti ka?

*tumango si Darcy bilang tugon.

Fine, I need you kaya pagtiya-tiyagaan ko ang ganti mo at gagawing ganti mo in the future but make sure you will only say yes when I ask you that special question.

DARCY

Ano ba yung itatanong mo?

JUANCHO

Bakla ka ba?

*inis nito kay Darcy tapos tawa nitong sobra.

DARCY

Nakakatawa.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. JUANCHO's ROOM-NIGHT

Binabasa ni Juancho ang gawang script ni Darcy habang nakahiga si Darcy na lagpas ang mga paa sa kama...

DARCY

Nauuhaw ako...

*pagkarinig nito ni Juancho ay nagsalita ito...

JUANCHO

Kakainom mo pa lang ng tubig uhaw ka kaagad?

Itaas mo ang paa mo...

*at ginawa nga nito Darcy at inilabas ni Juancho ang strawberry bottled juice at inabot kay Darcy...

Paborito mo...

*napaupo si Darcy sa narinig...

DARCY

Paano mo nalaman na paborito ko 'to?

JUANCHO

Dapat alam mo lahat ang gusto ng gusto mo,ikaw nag sabi niyan di ba? Gusto kitang maging asawa kaya inalam ko lahat ng gusto mo...

*nasamid sa narinig si Darcy...

Kinikilig ka?

DARCY

Nasamid lang... Halaaaa kapal mukzz.

*napansin nito ang oras at biglang nasabi...

Alas-dose na?? Kailangan ko ng umuwi...

JUANCHO

Ihahatid kita...

DARCY

Huwag na...

JUANCHO

Dapat masanay ka na my Prince...

DARCY

Ha?

JUANCHO

Bakla ka at bobo? Malas...

DARCY

Nakakahiya naman sa'yo buhay na buni...

--------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

EXT. DARCY's HOUSE-MIDNIGHT

Lumabas sa kotse ni Juancho si Darcy at bago pumasok ay nagsalita si Juancho...

JUANCHO

Matulog ka na...

*pahabol nito...

DARCY

Hindi pa ako matutulog...

JUANCHO

Bakit?

DARCY

Hindi pa ako pagod...

JUANCHO

Gusto mo papagod tayo...

*saka mabilis nitong binuksan ang pinto ng kotse at lumapit kay Darcy...

Papagod tayo...

*pagulit nito,nanlaki ang mga mata ni Darcy sa narinig...

DARCY

Su---su--subukan mo??!!

*habang nakataas ang dalawang kamao nito na akmang handang manuntok...biglang tumawa ng napakalakas si Juancho at biglang may marahang pinalo sa ulo ni Darcy...

JUANCHO

Nakalimutan mo, ibibigay ko lang 'tong script na ginawa mo...

*kinuha kaagad ni Darcy ang script at dagliang pumasok...

AFTER A WHILE

INT. FAME TOWERS'-NIGHT

Dumiretso si Juancho sa fame towers pagpasok niya sa opisina niya naroroon si Manager Park iritable itong nakatingin sa pumasok na si Juancho.

MANAGER PARK

Madaling araw na 'di mo ba alam?! Ano na naman ba ang problema?

JUANCHO

Kinutusan niya ako! dati yung nguso niya yung lumalapit sakin.

*sabi nito habang duro nito ang nguso.

Hindi na ba mapula ang labi ko?

*sabay check nito sa salamin ng kanyang labi.

Malambot pa rin naman.

*sabi nitong matapos hawakan ang sariling labi.

MANAGER PARK

Hayaan mo na kasi siya,maghanap ka na lang ng ibang magpapanggap na Fiancé mo. Baka expired ka na para sa kanya parang gatas.

JUANCHO

Hindi ako naeexpired.

*sabay labas nito ng cellphone at sabay pindot ng isa sa mga pindutan nito.

ตอนถัดไป