webnovel

LOLA'S GIRL

I was just 4 years old when my parents left me for their work.

But gladly, I have my lola.

Pinunan ni lola ang mga pagkukulang ng mga magulang ko. Siya 'yung laging nandiyan para sa akin, sinusuportahan at inaalalayan ako sa bawat paghakbang ko.

Unlike my parents who spoiled me with material gifts, my lola spoiled me with her love and affection.

I was 6 years old when I started dreaming.

"Apo, ano ang pangarap mo paglaki mo?" tanong ni lola habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Gusto ko pong maging teacher. Pangarap niyo rin po 'yun dati, 'di ba?"

"Pero 'yun ba talaga ang gusto mo? O ginusto mo lang 'yun dahil iyon ang pangarap ko?"

Kumunot ang aking noo dahil sa tanong niya. "Po? Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Apo, hindi dahil 'yun ang pangarap ko iyon na rin ang magiging pangarap mo," aniya. "Pero hindi bale, bata ka pa naman. Habang nasa proseso ka ng paglaki mo, doon mo malalaman kung ano ba talaga ang gusto mo."

"Pero isang bagay lang po ang sigurado ako, lola. Paglaki ko po gusto ko pa rin kayong makasama. Aalagaan ko po kayo kagaya ng kung paano niyo ako inaalagaan ngayon."

Natutuwang niyakap niya ako ng mahigpit.

"Talaga? Aalagaan mo ako?" nakangiting tanong niya 'tsaka ko naramdaman ang paglulumikot ng kamay niya sa bewang ko.

"Lola!" Napahagikhik ako nang maramdamang nakikiliti ako. Malakas talaga ang kiliti ko sa bewang e. "Ako po ang mag-aalaga sa inyo, promise."

I was 12 years old when my parents came back.

Bumalik sila para kunin ako.

"Apo, sumama ka na sa kanila. Hindi ba gusto mong matupad ang mga pangarap mo? Matutupad mo 'yun kung sasama ka sa kanila. Mapapabuti ang buhay mo sa kanila," pangungumbinsi ni lola. "At isa pa, 'di ba sabi mo sobrang namimiss mo na sila at gustong-gusto mo na silang makasama?"

Naiiyak na tinitigan ko siya. "Pero lola, paano ka? Ayaw kitang iwan."

"Magkikita pa naman tayo e. Dadalawin mo naman ako lagi, 'di ba?" Marahang hinaplos niya ang pisngi ko at pinatakan ng munting halik ang noo ko. "Mag-iingat ka lagi, apo. Mahal na mahal ka ni lola, tandaan mo 'yan ha?"

I was 12 years old when I left my lola.

But I was 16 years old when my lola left me.

A few days before she died, she called me and asked me to visit her.

"Lola, sorry po. Marami pa po kasi akong project na kailangang tapusin 'tsaka malapit na rin po ang final exam namin e."

"Miss na miss na kita, apo. Gusto kitang makita, mayakap. Kahit isang araw lang, please." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Hihintayin kita, ha?"

Nagdadalawang-isip ako. Gustong-gusto ko siyang puntahan kaya lang baka bumagsak ako kapag hindi ko natapos ang mga project ko 'tsaka kailangan ko pang magreview para sa nalalapit na exam namin.

Sa huli, napagdesisyunan kong hindi siya puntahan. Babawi nalang ako pagkatapos ng schoolyear na 'to. Bibisitahin ko siya.

Kaya lang hindi ko alam na 'yun na pala ang huling pag-uusap namin.

"Alam mo, pangalan mo lang 'yung laging binabanggit ng lola mo bago siya bawian ng buhay."

Parang talon na walang tigil sa pagbagsak ang luha ko habang nagkukuwento ang tita ko.

"Pinipilit niyang lumaban para sa'yo kasi gusto ka pa raw niyang makita at mayakap bago siya mawala."

Napuno ng pagsisisi ang puso ko.

Sana pala pinuntahan ko siya no'ng tumawag siya sa'kin.

Sana nando'n ako sa tabi niya no'ng mga panahong kailangan niya ako.

"I'm sorry, lola."

Hindi ko natupad ang pangako ko na aalagaan ko siya.

'Coz I was too busy chasing my dreams that I forgot to check on her— the person who loved me when no one else did.

@sayrr

Sandejas Les Cavaliers ; Sandejas' Act 8

Dedicated to: Charie Faith Sanchez

Next chapter