webnovel

8 Chapter 7

Chapter 7

Nang gabi din iyon, tinanong ni Fern kung pwede nyang ligawan si Ursula na pinayagan naman nya. Ilang buwan din itong nanligaw hanggang sa sagutin na sya ni Ursula. Isang araw, nagpaalam si Fern na isasama daw sya ni Zeus at may importante silang gagawin.

Dahil ito na ang kusa at buong pusong nagpaalam, pinayagan na sya ni Ursula dahil wala naman syang karapatang sabihan itong wag sumama dahil importante nga naman ang pupuntahan nito at ng pinsan nya.

"Pangako pagbalik ko, magpapakasal na tayo." Nakangiti ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ikaw ang bahala... Basta mag-iingat ka." Nakangiting sabi ni Ursula sa kanyang nobyo. Ginantihan din sya ng ngiti nito at sa pinakaunang pagkakataon, hinalikan sya nito sa labi.

"Mahal na mahal kita." Emosyonal na bulong ni Fern habang ang noo nila ay magkalapit parin.

"Mahal din kita." Nakangiting sabi ni Ursula habang nakapikit. Nagulat sya at napamulat ng mata ng biglang hawakan ni Fern ang kamay nya at itapat nito sa palad nito. "Fern, anong ginagawa mo?" Tanong ni Ursula habang pilit na inaagaw ang kamay.

"Ursula, hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Pero pangako, babalik ako dahil magpapakasal pa tayo." Naiiyak na sabi ni Fern habang ang mga palad nila ay tuluyan nang naghiwalay. Nagkaroon ng marka doon at ibig sabihin noon ay magiging ganap na silang magulang paglipas ng ilang buwan.

Lumipas ang ilan pang mga buwan. Nakabalik na sila Fern sa kaharian at hindi nya makita ang nobya sa loob noon. Paalis na sana sya ng biglang pumasok sila Ursula, Medusa, Maleficent at Isabella. Nakahinga sya ng maluwag.

Napangiti sya ng makita ang nobya nyang nakahawak sa tyan nitong medyo maumbok na at ang kabilang kamay nito ay may marka na nagsasabing nagdadalang-tao ito. Lumapit ito sa anak ni Zeus at binigyan nito ng basbas. Nang makalabas na sila ay doon na sya lumapit kay Ursula.

"Kumusta na ang pagbubuntis mo?" Panimula ni Fern habang nakatingin sya sa nobya nyang kumakain na parang aagawan nya ito ng pagkain.

"Ayos naman. Minsan, mahirap kasi naglilihi ako sayo." Nakasimangot nitong sabi habang nakatingin sa kanya na parang kasalanan nya pa na naglilihi ito sa kanya.

"Bakit parang kasalanan ko?" Natatawang tanong nya.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Pero parang ganon narin, kasi hinayaan mo akong magdalang-tao habang nasa malayo ka. Tapos naglilihi pa ako sayo, ang hirap kaya noon." Nakasimangot paring sabi nito.

"Nasaan nga pala sila Zeus?" Tanong ni Fern.

"Pumunta sila sa kaharian sa ibaba." Sagot ni Ursula.

"Anong gagawin nila doon?" Tanong ni Fern sa kawalan.

"Who knows?" Nakasimangot nitong sabi tapos nagkibit-balikat. "Kailan nga pala ang kasal?" Biglang tanong ni Ursula.

"Ha?" Lutang na tanong ni Fern. Iniisip nya kasi kung anong ginagawa ni Hera at Zeus sa ibabang kaharian.

"Ang tanong ko, kailan ang kasal?" Pag-ulit ni Ursula.

"Ahhh... Kakausapin ko na nga si Zeus dyan. Gusto ko kasing sya ang magkasal sa atin." Nakangiting sagot ni Fern. Tumango-tango namab si Ursula.

"Tapos pagkalipas ng ilang araw, kinasal na kami." Pagtatapos ni Ursula sa kwento nya. Pumalakpak naman ang pamangkin nya.

"Nakakakilig naman. Ang sweet ni Tito Fern kahit muhka syang paa." Natatawang sabi ni Inara.

"Ehh, bakit hindi mo tanungin ang ina mo kung anong kwento mayroon sila?" Biglang sabat ni Isabella.

"Oo nga po, Ina. Kwentuhan nyo nga po ako." Natutuwang sabi ni Inara at excited na humarap sa ina nya.

"Malungkot ang buhay ko noon. Laging nambababae ang ama mo, pero lahat iyon nagbago nang dumating ka." Nakangiting kwento nito.

"Si Ama? Babaero? Tsk. Are you kidding me? Ehh, parang si Tito Fern din yon, ehh. Pareho silang muhka paa." Natatawang sabi ni Inara at nagulat sya ng makitang nasa harap na nya bigla ang ama nya at Tito Fern nya. "Hala. Nagbibiro lang naman ako, ehh." Natatakot nitong sabi at kumapit ng mahigpit sa braso ng ina nya. "Ina, ohhh." Parang batang nanghihingi ng tulong na sabi ni Inara sa ina nya.

"Zeus, tama na." Makapangyarihang utos ni Hera. Tiklop naman agad si Zeus sa asawa nya.

"Kanina pa kayo narito. Bakit hindi pa kayo pumasok? Madilim na." Sabi ni Fern habang lumalapit sa asawa nyang nakaupo.

"Tayo na." Nakangiting sabi ni Zeus sa asawa at inilahad rito ang kamay nya. Tumayo na silang lahat at sabay-sabay silang pumasok sa loob.

"Inara!" Biglang tawag ni Troy kaya napalingon silang lahat rito.

"Ohh? Nandito ka parin?" Nakangiting sabi ni Inara at itinuro pa si Troy.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo." Nakangiting sabi ni Troy. Napaigtad si Inara sa kinakatayuan nya ng bigla syang halikan ni Troy. "Mahal kita." Nakangiting sabi nito pagkatapos sya ay nakatingin dito na hindi parin makapaniwala.

"H-h-hinal-likan mo ba a-ako?" Nauutal na sabi ni Inara habang hindi makatingin kay Troy. Nagtataka namang tumingin si Troy sa kanya. Makalipas ang ilang sigundo ay bigla itong natawa dahil sa naging reaksyon ni Inara.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" Natatawang tanong ni Troy kay Inara.

"H-hindi ko alam. N-nagulat lang ako." Nahihiya at namumulang sabi ni Inara sabay iwas ng tingin.

"Inara! Troy! Pumunta na kayo dito, kakain na tayo!" Sigaw ni Zeus sa anak at sa lalaking kayakap nito.

"Muhkang matutuloy na talaga, ahh?" Pang-aasar sa kanya ng asawa nya.

"Hera, hindi ako natatawa sa biro mo." Seryosong sabi ni Zeus sa asawa.

"Bakit? Sinabi ko bang tumawa ka?"

- To Be Continued -

(Wed, April 28, 2021)

Next chapter