webnovel

2 Chapter 1

Chapter 1

- Inara's POV -

"Hi, guys!! Welcome to my channel again!" Masayang saad ko habang nasa harap ako ng camera. "Today, nandito naman tayo sa Greece!" Sigaw ko pa. "So, nandito tayo para puntahan ang mga tourist attractions ng Greece, and sasamahan nyo ako. So, seat back, relax, and..... Let's goo!!" Sigaw ko pa.

Ako si Inara Bautista. Isa akong journalist at isa din akong vlogger. Habang pumupunta ako sa mga bansang isusulat ko ay nagva-vlog na rin ako, at the same time. I'm twenty-three years old. And No boyfriend since birth.

Meron kasi akong standard na hindi ko alam kung saan nanggaling. Parang may hinahanap ako sa isang lalaki na hindi ko din naman alam kung ano. So, ayan. Nandito ako ngayon sa Greece at you know nag-aral ako ng greek para masaya.

Habang naglalakad ako ay pinapakita ko sa camera ang mga nakikita kong gusali. Ang mga gusali rito ay iba't iba ang mga desinyo. May makaluma, may makabago, may pinaghaling makaluma at makabago, at ang iba ay mga hindi pangkaraniwan.

"Geia sas, pou eínai to plisiéstero xenodocheío edó?" (Hello, Where is the nearest hotel here?) Tanong ko sa babaeng makakasalubong ko.

"Je suis désolé, je ne peux pas vous comprendre." (I'm sorry, I can't understand you.) Saad ng babae. French pala sya.

"Je suis désolé, je pensais que vous étiez un Grec." Paghingi ko ng despensa.

"C'est bon. Mais, l'hôtel le plus proche ici est à quelques pas de ce chemin, et vous allez à droite et marchez tout droit pendant un moment et allez à gauche." (It's ok. But, the nearest hotel here is just a few walk from this pathway, and you're going to right and walk straight for a while and go to the left.) Saad ng babae.

"Merci!" (Thank you!) Masayang saad ko at kumaway sa kanya bago ako tumuloy sa paglalakad.

Nagpatuloy lang ako at makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating ko narin ang hotel. Nag-check in ako for one night lang dahil hindi din naman ako magtatagal at aalis na din ako bukas.

"Edó eínai to kleidí sou, kyría. To domátió sas eínai domátio 102." Masayang saad ng receptionist. Tumango ako at kinuha na ang susi ng hotel room ko. Tinulungan naman ng mga staff nila iakyat ang mga gamit ko hanggang makapasok ako ng hotel room ko.

"Kalispéra, kyría. Apoláfsete ti diamoní sas." (Good evening, Ma'am. Enjoy you stay.) Saad ng staff.

"Sas efcharistó. Aftí eínai i symvoulí sas." (Thank you, here's your tip.) Masayang saad ko sa kanya.

Nang makahiga ako ay in-open ko ang laptop ko at naghanap ng pwede kong puntahan bukas. Habang naghahanap ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Kumusta ang Greece, Inara?"

"Ok naman po, boss. Siguro matagal-tagal pa ako dito. By the way, may naisulat na nga pala ako. Siguro tatapusin ko nalang at isa-suvmit sayo by the next month. Isang buwan lang naman ako dito, right?" Tanong ko.

"Yes, so. Just explore everything and don't hesitate to ask me anything. Just call me if you need mire allowance, I will send it all the way to your account."

"Thanks, boss." Saad ko at nagpaalam na magpapahinga na dahil may jetlag pa ako. Nahiga ako sa kama at pagkalipag ng ilang segondo ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Ano ba!! Tama na, Troy! Ayoko na!" Sigaw ko habang tumatawa at pinipigilan ang kamay ni Troy na kilitiin ako.

"Inaasar mo kasi ako! Ano ka ngayon?!" Sigaw nito habang kinikiliti parin ako. Hanggang sa pareho nalang kaming napagod at napahiga sa damuhan. Parehong naghahabol ng hininga, nakangiti, at magkahawak ang mga kamay.

"Masaya ako at nakasama kita ngayong araw, mahal kong prinsesa." Saad nito. At hinalikan ako sa labi.

Naalimpungatan ako dahil sa panaginip ko. Ayon nanaman ang halik ng lalaking iyon. Troy ang pangalan nya pero hindi ko alam ang hitsura nya dahil sa panaginip ko ay blurd ang muhka nya kaya hindi ko pa nakikita ang muhka nito.

"Hay.... Ito nanaman ako." Saad ko. Tumingin ako sa wall clock, alas-dose na ng gabi. Ganito ako palagi, gabi-gabi akong nananaginip at nagigising dahil sa pananginip kong iyon. Lagi akong nakasuot doon ng mahabang kasuotan at siguro ay ganon ang kasuotan noong unang panahon.

"Sino ka ba talaga, Troy?" Tanong ko sa sarili ko at hindi ko na mapigilang maiyak. "Sino ka ba sa buhay ko? Hindi naman kita kilala pero bakit miss na miss na kita?" Tanong ko pa sa sarili ko habang umiiyak. Ito nanaman ako. Gusto ko nanamang makita ang lalaking nagngangalang Troy pero hindi ko naman ito kilala at hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Ilang minuto pa akong nakatulala habang umiiyak. Wala sa sariling higa ako ng higaan ko at ng makahiga ako doon ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising na lang ako kinabukasan, umaga na.

Pagkatayo ko ay naligo ako at nagbreakfast saka ako nag-check out. Pagkatapos ng check out ko ay naglakad-lakad ako sa paligid. Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na ako sa destinasyon ko.

Nakangiti ako habang naglalakad at ini-enjoy ang buong paligid ko. Habang naglalakad ako ay panay ang kuha ko ng litrato sa mga magagandang bagay na nakikita ko. Simula ng makagraduate ako ay kinupkop na ako ng boss ko. Si tita Berry.

Sya ang tumayong mga magulang ko at sya din ang bahala sa lahat ng gastos at luho ko. Pero, nagtra-trabaho naman ako at ako ang top employee nya. Ako ang nagdadala ng pera sa company ni Tita Berry kaya bawi din sya sa mga ginagastos nya sa akin.

Marami na din akong napuntahang bansa. Singapore, Thailand, Guam, Iceland, China, South Korea, at iba pang bansa. Bali mga 24 na bansa na ang napuntahan ko. 256 na City pa. Nagtra-trabaho din akong Flight Attendant kaya marami akong alam sa mga tourist spots.

Pero ang nakakapagtaka lang ay ang kagistuhan kong pumunta ng Greece. Hindi ko alam pero parang gustong-gusto kong pumunta ng Greece pero hindi ko naman alam kung anong dahilan.

Bigla akong napaigtad at natumba ng may bigla akong mabangga. Dali-dali itong tumayo habang ako ay tulala parin sa gulat. Tumayo ito at nilapitan ako. Nang makalapit sya ay inilahad nya ang kamay nya sa akin.

"Are you ok, miss? Sorry, it's my fault. It's because I'm not looking where I'm going." Saad nito. Tumingin ako sa muhka nya at biglang tumigil ang mundo ko. Napakagwapo ng lalaking nasa harap ko ngayon at nagulat din ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako humanga ng ganito sa physical appearance ng isang lalaki.

"I'm fine. T-thanks..." Nauutal kong sabi. Tinanggap ko ang kamay nya at tinulungan nya naman akong tumayo. Kinuha nya ang camera ko at tiningnan ito.

"Tignan mo nga--- I mean, open it. Let's see if it's still working." Saad nito. Natawa naman ako ng mahina.

"Tagalog ka din pala." Natatawa kong sabi. Nagulat naman sya pero kalaunan ay ngumiti din.

"Ang liit ng mundo. Hello, I'm sorry again." Saad nito.

"Haha. Yeah, ahm... It's not just your fault, it's also mine because I'm not looking on my way." Saad ko.

"Well, ok ka na pala, ehh. Aalis na ako, I look like a mess now!!" Sigaw nito.

"Hoy, lalaki! Ikaw din naman ang may kasalanan, ehh!" Sigaw ko pa.

"Tsk! Shut up!" Sigaw nito at iniwan akomg nakaawang ang labi dahil sa frustration at pagkagulat. "The hell?! He's very annoying!!" Sigaw ko pa habang nakatingin parin sa dinaanan nya. Ito nanaman ako at hindi ko nanaman maintindihan ang sarili ko.

May parte sa aking kinikilig dahil nakita ko sya pero mas malaki ang galit ko sa kanya na sa sobrang galit ko ay parang ayoko na syang makita ulit. Makalipas ang ilang oras ay narating ko na ang gusto kong puntahan.

Tapos nang maggabi na ay naghanap na ako ng pwede kong tuluyan overnight. Dahil wala akong alam sa lugar na ito at hindi ko alam ang sakayan ng taxi, napag-desisyonan kong magtanong sa isang lalaking nakaupo sa harap ng café na kinatatayuan ko ngayon.

"Geia. Kaló apógevma. Boreíte na mou peíte to plisiéstero xenodocheío?" (Hello. Good evening. Can you tell me the nearest hotel?) Tanong ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Humarap ito at uminit nanaman ang ulo ko dahil ito nanaman ang lalaking mayabang kanina.

"I didn't know na marunong kang mag-greek?" Nakangising saad nito.

"No todo lo que necesitas saber. Y no obtendrás nada y tampoco me preocupo por ti." (Not everything you need to know. And, you won't get anything and I don't care about you either.) Mayabang kong saad.

"And you know to speak French too?" Tanong pa nito.

"Tsk." Singhal ko. At akmang aalis na ng bigla nyang kunin sa akin ang mga gamit ko. "What are you doing?" Kunot-noong tanong ko.

"Sasamahan na kita papuntang hotel. Malapit na ang hotel dito kaya tutulungan na kita." Saad nito habang dala-dala ang gamit ko.

"Akin na yan." Saad ko.

"No, mabigat ang dala mo, so, dahil hindi kita na approach ng maayos kanina, let's say na ito ang kapit ng kasungitan ko earlier." Saad nito.

"Whatever, you say. Basta pagkadating natin ng hotel, ibalik mo na yang gamit ko." Saad ko at mas hinigpitan ang kapit sa shoulder bag ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami ng hotel.

"We are here now." Saad nito.

"I know, I can see it." Masungit kong sabi.

"Ok. Don't be so rude, miss." Natatawang sabi nito.

"Tsk." Singhal ko at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil natutunaw ako sa ngiti nyang sobrang ganda.

"Let's go." Masayang sabi nito at hinila ako papuntang counter. "Geia. Poio eínai to diathésimo domátio?" (Hello. What is the available room?) Tanomg nito sa counter.

"Domátio gia dýo?" (Room for two?) Tanong nito.

"Ochi! Aplós chóros gia ---" (No! Just room for---) Angal ko pero hindi ko natapis ng biglang magsalita ang lalaking kasama ko.

"Naí." (Yes.) Sagot nito. Napaawang ang labi ko at sinamaan ng tingin ang lalaki.

"Dýo krevátia? í móno éna?" (Two beds? Or only one?) Tanong ng receptionist. Akmang sasagot ako ng magsalita na ang lalaki.

"Móno éna." (Only one.) Sagot ng lalaki at nginisihan ako.

"To domátió sas tha eínai to domátio 21. Vrísketai ston tríto órofo kai aftó eínai to kleidí. Kalí diamoní." (Your room will be Room 21. It's on the Third floor, and this is the key. Have a good stay.) Saad ng receptionist at nang-aasar na hinila ako ng lalaki papuntang elevator.

"Bakit nakasimangot ka?" Tanong ng lalaki habang nakasakay kami sa elevator.

"Bakit kasi iisang room lang ang kinuha mo? At iisang kama pa talaga?" Tanong ko.

"May gusto lang akong makita." Nakangising saad nito. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at sinamaan sya ng tingin.

"Bastos!" Sigaw ko.

"Hindi ako bastos. Ang gusto kong makita ay ang camera mo. And, gusto din kitang makilala. By the way, my name is Troy. Troy Santiago." Saad nito at inilahad ang kamay sa akin.

Troy...

"Miss?" Nakangusong saad nito kaya napakurap-kurap ako.

"Inara... Inara Bautista...." Maninang saad ko at tinanggap ang kamay nya.

"You're sounds familiar, but I don't know where did I heard it." Saad nito. Biglang tumunog ang elevator, sinyales na nandito na kami sa destinasyon namin. Lumabas kami at saka ako nagsalita ulit.

"You're name sounds familiar to me too. But just like you, I don't know too why is it familiar to me." Saad ko pa. Binuksan ko ang pinto at hinayaan syang ipasok ang bagahi ko.

"Malaki naman ang bed. And, kung hindi ka talaga comfortable, I can sleep in the couch." Saad nito at inilapag ang bagahi ko.

- To Be Continued -

(Fri, April 23, 2021)

Next chapter