webnovel

Chapter 31

Pagdating ni Arabella sa kanilang mesa ay agad na siyang nagyaya kina Michael at Inah. Nagulat pa sina Mimi at Deborah ngunit sinabi niyang masakit ang kanyang ulo sapagkat hindi siya nakainom ng gamot kanina. Maunawaan naman ng mga kaibigan ang kanyang kalagayan at nakipagbeso beso pa ang mga ito bago siya nagmamadaling umalis. Hindi na rin nagtanong ang kanyang pinsan sapagkat nag aalala din ito sa kanya.

" Now I know kung bakit napadpad ka sa Norte". Paglingon niya ay naroon si Matt na nakapamulsa. Sa di kalayuan ay naroon din ang mga body guards nitong nagbabantay sa kanyang seguridad. Tumingin pa siya ng isang beses sa papalayong sasakyang bago lumapit dito.

" Lets go!", saad niya dito. Tinapik naman ng gobernador ang kanyang balikat bago iginaya sa kanilang sasakyan.

" Its getting late, nagpaalam na ako kay mayor." si Matt at tumango tango siya. Naroon na rin sa sasakyan ang dalawang babaeng kasama nila, na tila parehong umusog nang bumakas ang sasakyan. Kung ano man ang iniisip ng mga ito ay wala siyang pakialam, his mind is totally occupied by Arabella at wala siyang naiisip ngayon kundi ang mapuntahan agad ang dalaga. Matt is his bestfriend kung kayat hindi na ito nagulat nang sabihin niyang asawa niya si Arabella. He knows her existence pero ngayon lang din niya ito nakita. He just respect him kung kayat wala itong katanungan. Pagdating nila sa mansion ng mga Marquez ay agad siyang pinayagan ni Matt para pumunta sa kanyang kuarto. Nagpasalamat naman siya sa kaibigan at parehong nagbigay ng tapik sa balikat ang mga ito bago unang lumayo ang binata ngunit paglabas niya sa banyo ay kumatok din ito sa kanyang kuarto. May hawak hawak itong dalawang glass na may lamang brandy at iniabot sa kanya ang isa.

"Okey ka lang ba dito bro?", tanong nito.

" Of course, I am comfortable. Pasok ka bro", saad niya dito saka iginaya sa may sofa.

" What's your plan?", si Matt nang kapwa makaupo sa sofa. Inopen pa nito ang tv, saka nilagay sa chanel ng NBA. Sakto namang nakasalang ang paborito nitong Lakers at Gold State.

" Lend me your car key, then we will leave early tomorrow", pahayag niya at napangisi ng wala sa oras ang kaibigan.

" She's really something ", pahayag ni Matt na nakatawa at napangiti lang din siya ng bahagya. Hindi na niya kailangang mag explain dito after all alam naman niyang suportado ang kaibigan sa lahat ng kanyang mga desisyon.

Mag aalas siete na ng umaga nang magising si Arabella kinabukasan. Madaling araw na siyang dinalaw ng antok kagabi sa kaiisip kay Tyron Alegre maging ang naging reaction niya dito. Sa huli ay narealized niya sa sarili na nag over react siya sa lalaki. Hindi siya dapat nagalit dito dahil wala naman silang pakialamanan. Sa papel lang sila kasal, hanggang tatlong taon lamang sila, anot parang naging nagging and possesive wife ang kanyang inasta. Isa pa walang rules sa marriage nila. Tyron can do whatever he wants, kahit sino sino pa ang kanyang kinakasama. It breaks her heart pero ganun talaga, eh kung hindi sana kay Tyron lang tumitibok ang kanyang puso di sana free din siyang nakikipaglandian sa iba.

Naghilamos at nagtooth brush lang si Arabella ng pumasok sa banyo, sinuklay ang buhok at suot suot ang silk pajama ay lumabas siya sa kanyang kuarto upang magtimpla muna ng kape. Papasok pa lang siya sa kitchen ay dinig na dinig niya ang nagagalit na boses ni Inah.

" Good morning!", sa halip ay bati niya dito. Medyo natigil ang pagbubunganga ni Inah nang makita siyang pumapasok sa kusina.

" Ano na naman ang ginawa ni Mikiong at nahihigh blood ka ng keaga aga?", kantiyaw niya dito.

" Haist! yang pinsan mo, bumili lang ng pandesal kanina pang alasais umalis hanggang ngayon wala pa? yung baka at kambing di pa niya nailalabas sa kulungan, yung mga baboy di pa napapaliguan. Kung saan saan nagpupunta ang lalaking yun! Makakatikim talaga saakin pag uwi niyan!", halos umuusok ang ilong ni Inah sa pinsan at di niya napigilang matawa.

" Hayaan muna, baka natraffic lang. Hindi naman siguro magchichix yun ng umagang umaga", biro niya dito.

"Hay naku, di mo sure hindi mo kilala ang pinsan mo", inis pa ring turan nito.

" Ai magkape kana muna, eto ang tasa.", sabay abot sa hawak na tasa sa dalaga.

" Thank you, hindi pa ba napaparito yung mga kapitbahay?", manghang tanong niya. Sa ilang araw niyang narito, paggising niya ay nandoon na din ang ilan sa kanyang mga tiyahin na nagkakape hinihintay ang kanyang pagbangon. Pagkatapos ay tatanungin kung anong uulamin saka magluluto, maya maya ay isa isa ding magsisidatingan ang kanyang ilang mga pinsan at doon na makikikain. She doesn't mind naman, natutuwa pa nga dahil paminsan minsan lang din niyang makakaharap ang kanyang malalapit na kamag anak.

" Nandito kanina si Anti Lucia, kaso umuwi muna magpapakain lang daw ng baboy saglit.", turan ni Inah at tumango tango siya habang nagtitimpla ng kape. Kasabay nito ay siyang paghinto nang sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Bumusina pa iyon, kung kayat mas matapang pa kay Gabriela Silang si Inah na lumabas para salubungin ng sibat ang kanyang asawa. Umiling iling na lamang niyang pinagmasdan ang palabas sa kusina na hipag tsaka pasimsim siyang humigop ng mainit na kape. Sa labas ay dinig na dinig niya ang boses ni Inah habang sinesermona. ang asawang bagong dating. Napapatawa na lamang siya habang hinihihipan ang kanyang mainit na kape.

" Umuwi ka pa! Saan ka bumili ng pandesal sa laoag?", panenermon ni Inah sa bagong dating na si Michael.

" Haist! magtigil ka nga diyan, nakakahiya sa mga bisitang kasama ko", pahayag ni Michael na inginuso ang dalawang lalaki habang palabas sa isang magarang itim na sasakyan. Yung isa ay simple lang na Tshirt at maong ang suot, yung isa naman ay pormal na pormal kahit nakapolo lang din ito ng itim at ganon din ang suot na pantalon. Halatang mayaman base sa tindig at porma, idagdag pa ang kapansin pansing labis na kagwapohan.

" Sino ba ang mga iyan? Bakit sila nandito?", curious niyang tanong sa asawa na noon ay kalmado na ang pananalita.

" Haist! huwag ka nang maraming tanong, tawagin mo si Arabella. Sabihin mo andito kamo yung kanyang asawa", saad ni Michael habang kumaway sa mga ito na papasok sa kanilang bakuran.

" Anong sinabi mo? asawa ni Arabella kamo?", para namang nabingi si Inah sa sinambit ng asawa lalo at palapit na ang mga ito sa azotea na kinatatayuan nila.

" Halikayo dito bayaw, pasok kayo. Eto pala ang aking may bahay si Inah", pagpapakilala niya sa asawang halos namatanda, hindi alam kung sa sinabi niyang may asawa ang kanyang pinsan o dahil sa magandang lalaki na nasa kanilang harapan.

" Hello po misis, magandang umaga", bati nang isa, ngiting bahagya ang pagbati ng isa. Binati din niya ang mga ito saka tumingin sa asawa, ngunit sumenyas itong papasok sa loob para tawagin si Arabella.

Halos nalilito pa si Inah nang pumasok sa kabahayan at dumerecho sa kusina kung saan naroon ang dalagang nakaupo sa mesa at nagkakape.

" Tapos na bang napalo si Mikiong?", biro niya kay Inah na hindi pinansin ang parang nalikitong expression ng mukha nito.

" Tinatawag ka, labas ka dun", turan nito at napataas siya ng kilay. Ano na naman ang pakulo ng pinsan niya at bigla siyang pinatawag? Baka may pakain na namang binigay si Mayor, halos araw araw kasing nagbibigay ng kung ano anong makakain si Mayor. Hindi naman niya alam ang motibo nito ngunit may girlfriend naman ito kung kayat inisip niyang pagkaing pangkaibigan ang mga binibigay nito para sa kanila lalong lalo na sa kanya.

" Cge na labas kana doon para makita mo", pahayag nito. Medyo nacurious naman si Arabella kung kayat patawa tawa siyang binuhat ang tasa ng kanyang kape at may pahigop higop pa siya lumabas sa kusina patungo sa kanilang azotea. Pagdating niya sa main door ay halos maibuga niya ang hinihigop na kape nang mabunguran sina Tyron at Ronnie habang kausap ang kanyang pinsan. Agad napatingin sa kanya ang tatlo kung kayat useless na ang kanyang planong biglang pagbalik sa loob.

" Uy insan, mabuti at gising kana. Nakita ko sina bayaw sa centro, tamang tama saakin sila nagtanong", excited na pagkukwento ng kanyang pinsan.

" Magandang umaga ma'am Ara, hindi naman pala mahirap hanapin itong sainyo ma'am", bati agad ni Ronnie sa kanya. Medyo nautal ang kanyang dila sa pagkabigla habang si Tyron ay nakatingin lang din sa kanya. Hindi nga niya mabasa kung anong ekspresyon ng mukha nito.

" Ah...eh, oo kuya madali lang.", saad niya dito. Nilipat niya ang tingin kay Ronnie dahil nagsisimula na siyang kinakabahan sa presensiya ni Tyron.

" Ai alla sige insan, ikaw muna ang bahala sa kanila, kuha lang ako ng kape para ating mga bisita", pag eexcuse ni Michael na hindi man lang nahalata nag tensiyong namamagitan sa kanilang dalawa ni Tyron.

" Ai naiwan ko yung susi sa sasakyan, kunin ko lang saglit ma'am baka makabalik ng mag isa sa bahay ni gov", birong pahayag ni Ronnie at natatawa pang lumayo sa kanila. Pagkatalikod ni Ronnie ay saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Tyron. Napahawak pa siya sa noo bago tinignan ang lalaki na nooy nakatunghay lang din sa kanya.

" Look, you don't have to come here.", pahayag niya dito. Tumaaas lang din ang kilay ni Tyron habang hindi humiwalay sa mukha ng dalaga.

" Ok, I'm sorry for what I've acted last night. It's too immature, and I regretted all night. I'm really sorry", saad niya dito. Ngunit tahimik lang si Tyron kung kayat mas lalo siyang kinabahan dito. Sa katahimikan ng lalaki mukhang may binabalak na hindi maganda.

" Hindi ka na dapat nag-aksayang pumunta dito...",

" At bakit hindi?", biglang pahayag ng binata habang napakaseryoso.

" Dahil hindi na kailangan, masisira ang schedule mo, baka may importante kayong lakad ng mga kasama mo", saad niya at napatawa ito ng bahagya.

" So you were just acted recklessly last night? not a jealous wife na parang lion na gustong lumapa ng isang buong Tyron Alegre?", may pang uyam na pahayag ng lalaki at di niya napigilan ang pamumula ng kanyang mukha.

" Hindi naman sa ganon", mahinang turan niya.

" At ano nga kung ganon? Why not scold me now, nandito tayo sa territory mo ngayon", paghahamon ng binata. Napahiya siya sa sarili lalo at kaharap pa man din si Gov noong nagfeelingera siya.

" I am really really sorry, nabigla lang kasi ako na makita kita dito sa Norte, diba nga pumunta ka sa US?", halos mag iistamer niyang paliwanag.

"Yah! hindi ba ako makakabalik agad?", ang lalaki pa rin.

" Eh kasi ang iniisip ko magtatagal ka doon, bakit parang magic naman na bigla ka nalang nandito sa Norte?",

" Is that impossible to happen?",

" Sabi mo aattend ka ng anniversary...",

" So what? ilang oras ba ang pagcelebrate ng anniversary?", turan nito. Tiningnan niya ang binata dahil wala naman siyang idea kung ilang oras o araw ang pagcecelebrate ng ganon. Ni hindi nga niya naexperience anong malay niya.

" Ilang girlfriends ba ang mayroon ka?", di niya inaasahang lumabas sa bibig niya habang umentra sa isip niya ang babaeng nakaangkla sa braso ng binata kagabi. Ngunit pinangunutan siya nito.

" Are you accusing me again?",

" May karapatan ba ako?", pahayag niyang nakipaglaban ng titigan.

" I just want to know, para alam ko kung saan ako liliko at kung sino sino ang mga taong dapat iwasan. I don't want to ruin any of your relationships", mahabang linya niya, kasabay ng paghugot ng malalim na paghinga. Kung pwede ayaw niyang makasalamuha ang mga babae ng lalaki, ilang taon na lang naman mas maganda kung wala siyang encounter sa mga ito para mas peaceful ang kanyang buhay.

Inilayo niya ang kanyang paningin ngunit di niya inaasahan ang ginawa ni Tyron. Bigla siya nitong kinabig palapit sa kanyang katawan at niyakap ng mahigpit. Bigla siyang naalarma sa ginawa nito, may dumaraan nang mangilan ngilan baka makita sila ng mga tao roon.

"Tyron ano ka ba, bitiwan mo ako. May makakita saatin dito", paghuhulagpos niya. May pagkatraditional pa naman nag mga tao roon baka anong sabihin sa kaniya.

" So what, you're my wife how can I not hug you if wish to?", saad nito.

" Hindi nga nila alam!",

" Oh di maganda para magkaalaman na, nang hindi kung ano ano ang pumapasok sa isip mo", saad nito na wala yata g balak na bitiwan siya.

" Tyron!",

"uhmmm", turan lang nito.

" Bitawan mo ako!"

" Why? I missed you!",

" Nasa azotea tayo, madaming dumaraan!",

" Noong nasa Parish tayo, hinuhug naman kita kahit nasa street tayo",

" Iba doon, iba dito!",

" But still, you and me!",

" Shit! bat ang tigas ng ulo mo", di niya napigilan ang sariling manggigil sa inis. Kung sana nasa ibang lugar sila baka kinikilig siya ng sobra ngunit sa ngayon para siyang priniprito sa sobrang kaba.

" Nakakatatlo kana saakin Arabella, don't talk bad words when I am holding you", inis na pahayag nito.

" Can't you let go of me first kasi, nasa province po tayo, iba ang mga tao dito", pahayag niya in a soft voice kung kayat unti unti binitiwan siya ng lalaki but still holding her hand na tila ba siya ay biglang lalayo.

Maya maya ay biglang nagsidatingan ang kanyang mga kamag anak lalo na ang kanyang mga tita na kapatid ng kanyang nanay.

" Naku anak, nag- asawa kana pala wala man lang kaming kaalam alam", saad ni Tita Lucia na umiiyak. Sa akto ng kanyang mga kamag anak ay bigla siyang natorete. Good for 3 years lang naman kung kayat ayaw na nitong ipalaam.

" Wait lang po tita, magpapaliwanag po ako", saad niya na hindi malaman ang gagawin. Sa pagkakataong iyon bigla siyang pinagpawisan ng malapot.

" Dahil ba wala na ang mga magulang mo anak kaya hindi ka nagsabi?", hirit naman ng nanay ni Michael.

" Hindi naman po sa ganon tita, it just happens so quick kung kayat dina namin naipaalam sainyo. Kaya nga po nandito ako para pormal na hihilingin ko po sainyo ang kamay ng aking asawa", hindi niya inaasahang pahayag ni Tyron. Pinisil nito ang hawak hawak na palad nito kung kayat bigla siyang tumango tango tanda ng pag sang ayon sa sinabi nito.

" Kung ganon wala kaming magagawa mga anak, ang importante pumunta kayo ngayon dito para makilala ka namin. Alam mo si Arabella ay ulilang lubos pero hindi ibig sabihin na wala nang nagpapahalaga sa kanya dito. Ang laging dasal namin ay makahanap siya ng taong magmamahal sa kanya at mag aalaga sa kanya ng tunay.", ang kanyang tuta Lucing na sinang ayunan naman ng lahat.

" Huwag po kayong mag-alala tita, mahal na mahal ko po si Arabellq sampu nang aking pamilya.", si Tyron na siyang ikinagulat niya. Tinignan niya ito ngunit kinindatan siya ng binata. Alam niyang sinabi lang yun ni Tyron just to comfort her relative pero bakit sobra siyang nadissappoint sa isiping iyon? Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng nararamdaman sa loob.

" Sorry tita.", may lungkot na pahayag niya sa mga ito.

" Haist! okey lang, ang importante masaya ka sa napili mong mahalin at pinakasalan, sa nakikita ko naman ay talagang mahal na mahal ka ng asawa mo anak", ang matanda at halos maiyak siya sa sinabi nito. Hindi dahil sa kasiyahan ngunit sa labis na kalungkutan.

" Totoo po yan tita, mahal na mahal ko po ang pamangkin ninyo ar gagawin ko po ang lahat para siya ay lumigaya", si Tyron na hinawakan ang kanyang baywang kasabay ng paghalik nito sa kanyang ulo.

Sa ginawa ni Tyron ay halatang nakilig ang kanyang mga kamag anak, ngunit kay Arabella ay pawang pagpapanggap lamang ito harap ng kanyang mga tita. Ngumiti na lamang din siya sa mga ito, kasabay ng pagtaas niya ng tingin sa lalaki upang tiignan niya ito sa mukha. Sa pagkakangiti nito ay parang ngayon lang niya nakita sa halos isang taon na nilang magkasama. He seems happy. Nagsasayaw ang mga mata at nakalabas ang mapuputi at pantay pantay na mga ngipin sa paraan ng pagkakangiti. He is so handsome, and she can't take her eyes on him. She adores him at kung pwede lamang ay gusto niya itong halikan at yakapin.

"Sweetheart you're too obvious, huwag mo namang ipahalata sa kanila na patay na patay ka saakin", maya maya ay narinig niyang bulong ni Tyron sa kanya. Inilapit pa man din nito ang bibig malapit sa kanyang tainga kung kayat biglang uminit ang kanyang mukha. Pagtingin niya ulit sa mukha nito ay nagsasayaw na sa tuwa ang mga mata dahil sa kanyang pamumula ng mukha. Agad naman niyang kinurot ito sa tagaliran kung kayat biglang napalayo ito ng bahagya. Kanilang mga kasama ay tumawa at nakilig sa kanilang kasweetan.

" Arabella anak, tignan mo nga doon sa kusina kung malapit nang maluto ang ating agahan at kami naman ay makipagkwentuhan sa iyong mister kung okey lang." si tita Lucing pangkatapos.

Kinabahan siya sa turan ng kanyang tiya ngunit ng tumingin siya kay Tyron ay walang alinlagang tumango iyon sa kanya.

" I'll be fine", turan nito sa kanyang pag-aalinlangan. Baka kasi kung ano anong masabi ng kanyang mga tiya sa binata, hindi pa naman ito sanay sa kung ano anong mga pinag-uusapan maliban sa business.

" Sige na anak, hindi namin siya kakainin.", birong pahayag ni Tita Lucing kung kayat mabilis na siyang lumakad papasok sa loob ng bahay.

Pagpasok niya sa kabahayan ay naroon din ang ilang mga pinsan niya na nagkanya kanya ng direksiyon nang bigla siyang pumasok sa loob. Tinignan niya ang mga ito ngunit napailing na lamang siya sa mga ito. Tinungo niya ang kusina at tinignan kung ano ang mga inihahanda ng mga ito. May longganisa, hotdog, itlog, tinapa at mga talbos ng kamote para ieensalada. Palagay niya ay okey naman kay Tyron ang mga ilan sa mga iyon kung kayat nagpaalam siya sa mga ito para pumunta sa kuarto at magbihis. Nakapantulog pa lamang siya. Sa mga pangayayari kani kanina lang ay parang napakalagkit na ng kanyang katawan. Pinagpapawisan siya na parang ewan, lalo ang isipin na kinakausap si Tyron ng kanyang mga tita sa ngayon. Panalangin niya sanay hindi maging makulit ang mga iyon baka mainis binata sa mga ito.

Pagpasok niya sa kuwarto ay tumunog ang kanyang cellphone. It's Alex kung kayat nagmamadali niyang pinindot ang answer key.

" Good morning!", bati nang nasa kabilang linya, bagamat hapon na sa kinaroroonan nito ay binati siya base sa kanyang ayos na nakapantulog pa. Nginitian niya ito ngunit nang maalala na narito ang kapatid nito ay pinanlakihan niya ito ng mata.

" Bakit nandito ang kuya mo?", turan niya dito.

" Talaga?", sagot nang nasa kabilang linya na halatang hindi nabigla sa narinig.

" Oo at nagkakalat siya dito.huhuhu!", ekseheradong pahayag niya at tumawa iyon.

" What do you mean?',

" Ewanko kung anong pakulo ng kuya mo, sinabi niyang asawa niya ako sa mga kamag anak ko. My God! Anong gagawin ko?", tulirong pahayag niya dito.

" Really? sinabi niya yun?", hindi naman makapaniwalang turan ni Alex, hindi niya ubos maisip na sa unang pagkakataon ay nagsabi ng ganoon ang kanyang kapatid eh pinakaingat ingatan ng kanyang pamilya na hindi maleleak ang tungkol sa kasal nila ni Arabella.

" Galit talaga saakin ang kuya mo, pinapahamak niya ako sa family ko.huhuhu", turan niya ulit dito.

" Malay mo naman baka accept na niya yung fact na mag-asawa nga kayo", si Alex sa kabila.

" Hahahaha! Jusko imbes na killigin ako sa sinabi mo, kinilabutan ako. Sabihin mo may pinaplanong hindi maganda yang kuya mo", saad njya dito.

" Imposible ba yun? ilang oras nga lang siya sa Amerika, umuwi agad. I don't know kung totoo yung nasagap kong balita, biglang may shooting si Samantha while kuya is there kaya umuwi siya ng wala sa oras.", si Alex na medyo napahugot ng malalim ewan kung disappointed siya sa ginawa ni Samantha or naawa siya sa kuya nito. Pati siya ay nakaramdam ng awa kay Tyron. Yung tipong nagtravel ng malayo ngunit hindi man lang siya inatupag ng mabuti ni Samantha. Excited pa naman yata ang lalaki na makasama ito sa kanilang anniversary.

" Aw! So sorry for him", sambjt niya at napasimangot naman yung nasa kabila.

" Samantha is trying to contact kuya but he is not answering his phone", pagbibigay alam ni Alex. Sa isip niya ay gusto niya g sabihin ang "buti nga sa kanya" dahil sa ginawa nito sa binata. Naroon siya na halos minuminuto gusto niyang makasama ang lalaki, ngunit siya na pinipili at minamahal nito ganon lang gagawin sa kanya? Sobrang mali nga naman. Kung siya lang talaga ang bigyan ng pagkakataon ni Tyron walang sandali na malulungkot o di kaya ay iiwanan niya ito kahit na ano pang importanteng bagay ang sasabay dito. Pipiliin at pipiliin niya ang makasama at makapiling ito sa bawat sandali ng kanyang buhay. Naks naman, nananaginip na naman siya ng gising.

"Did your brother have other girls except for Samantha?", tanong niya nang maalala ang babaing nakakapit sa bisig ni Tyron kagabi. Sa pakiwari naman niya ay hindi naman affected ang kuya nito dahil mayroon naman itong reserba.

" I have no idea about that, may alam ka ba?", balik na tanong ni Alex sa kanya.

" I saw him last night", pahayag niya na nag stammer. Parang nakakalungkot isipin na kahit mawala si Samantha sa picture ay sa iba pa rin nakatingin ang binata.

" So sorry for you", malungkot na pahayag ni Alex. Sa sinabing iyon ng matalik na kaibigan ay napangalumbaba siya at ngumiti ng mapait.

" Kung yun ang ikakasaya niya.huhuhu",nakuha niyang magbiro kung kayat tumawa iyon.

"Martyr si ateng!", birong pahayag nang nasa kabilang linya at nagkatawanan sila. Saglit pang nagkakwentuhan ang dalawa bago nagpaalam si Alex dahil pauwi na rin ito mula sa kanyang opisina. Ibinilin pa nito ang kanyang kuya at masaya naman siyang sumaludo dito.

Next chapter