webnovel

Chapter 26

" Siya yun! Siya yun!", mula sa paligid ay naririnig ni Arabella ngunit hindi siya interesado sa kung ano mang komosyon na nangyayari sa paligid. Direcho lang din siya sa paglakad dahil gusto na rin niyang makauwi agad at makapagshower. Nauna na si Ronnie sa parking lot dahil akay akay nito ang mga maleta nila ni Tyron. May bitbit din kasing ibang maleta ang driver kanina para sa panibagong biyahe ng binata.

" Miss! Miss! sandali!", isang teenager ang biglang bumalandra sa kanyang daanan. Nabigla pa siya dahil muntik na niya itong mabunggo.

" Sorry, saglit lang po ito papicture lang po ako", excited na saad ng dalagita. Napatingin si Arabella sa paligid, baka kasi nagkamali ang ang nasa harap sa kanyang linapitan.

" Sorry? ako po ba ang kausap niyo?", saad niya dito

" Yes po, kayo po yung nasa tiktok? yung viral ngayon? ang ganda ganda niyo po", saad ng ulit ng dalagita na excited na excited kung kayat medyo nakakakuha na rin sila ng atensiyon ng ibang dumaraan.

" Ha? anong tiktok? baka hindi ako yun ", nalilitong saad niya dito. Naririnig niya ang tungkol sa tiktok pero never pa niyang binuksan ang app na iyon.

" Kayo po yun, eto po oh tignan niyo", mariing saad nito sabay pakita sa kanya ang cellphone nito. Pagkakita pa lang ng video ay natutop niya ang kanyang bibig, totoo nga. Eto yung video na kinuhanan ng isang foreigner sa Parish nung isang araw, pero hindi niya akalaing nakaupload ito sa tiktok.

" Papicture po!", saad ulit ng dalagita kung kayat nagpatianod na lamang siya na nakipagselfie dito. Halos magtatalon sa tuwa ang dalagita pagkatapos kumuha ng kanilang selfie at kahit paano ay natuwa siya dito. Maya maya ay may mga lumapit ding mga passersby at kumuha din ng litrato kasama siya. Halos inabot din siya ng ilang minuto bago nakawala sa mga gustong makiselfie sa kanya. Mabuti na lamang at bumalik si Ronnie at inalalayan siyang makaalis sa lumalaking crowd. Magalang na lamang siyang nagpaalam sa mga ito at kumaway lalo na sa mga nanlumong hindi nakakuha ng litrato kasama siya.

" Instant celebrity po kayo ma'am, akalain niyo dinumog kayo ng tao sa airport?", si Ronnie habang nasa loob na sila ng sasakyan.

" Nabigla nga ako kuya, viral daw ako sa tiktok?", saad niyang di makapaniwala.

" Opo mam, napanood ko nga rin ang video mo. Andaming views and shares", may pagmamalaking turan ni Ronnie.

" Talaga kuya? akala ko simpleng videographer lang yung kumuha saamin ng video sa Parish, napagkatuwaan ko lang noong naglalakad ako sa street", natatawang pahayag niya.

' Talaga naman pong maganda kayo mam, Filipino pride ika nga nila. Baka bukas makalawa maraming tatawag saiyo at kunin kang artista", si Ronnie at napahagalpak siya ng tawa. Hindi niya maimagine ang sarili bilang isang artista.

" Hay naku kuya malayong mangyari yan no? tsaka ayoko ng mga ganyan parang hindi ako makahinga na napapalibutan ng maraming tao.",pahayag niya dito.

" Hindi naman po kayo pahuhuli sa mga sikat na celebrity ngayon mam, pero mas okey pa rin na maging pribado tsaka siguradong hindi papayag si sir Tyron niyan.", saad nito. Medyo natahimik siya pagkaalala sa binata. Bigla niya itong namiss kasabay ng konting kurot sa parte ng kanyang puso. Napabuntunghininga na lamang siya saka nginitian na lamang ang kasama.

Pagdating nila sa bahay ay nagpatiuna na siya sa loob. Bigla niyang namiss ang bahay kung kayat hinayaan na lamang niya si Ronnie na magbaba at magpasok ng kanilang mga maleta. Nadatnan niya sa loob si ate Tessie, ang stay out na tagalaba at tagalinis ng kanilang bahay. Nagluluto na ito ng pananghalian, alam yata nito na darating siya at may paespesyal pa ang linuto nitong ulam.

" Sarap naman ng salubong mo saakin manang", biro niya dito habang inaamoy amoy ang niluluto nito.

" Siyempre ma'am, your favorite sinigang na hipon sigurado akong namiss niyo ang ganitong pagkain", nakangiting sagot ng matanda.

" Oo nga po, hmmm ang bango naman at amoy masarap!", nakapikit pa niyang turan dito at napatawa iyon.

" Magbihis ka muna ma'am, tamang tama lang mamaya, maluluto na ito",

" Oh siya sige manang, ligo lang ako saglit nanlalagkit na nga ako", saad niya bago tinungo ang kanyang kuarto.

Basa pa ang buhok ni Arabella ng lumabas siya sa kuarto, ramdam na nga niya ang gutom kung kayat dumerecho siya agad sa kusina. Nadatnan na rin niya doon si Ronnie kung kayat sabay sabay silang tatlo ni manang Tessie na nananghalian. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin si Ronnie para bumalik sa villa. Maging si manang Tessie ay nagpaalam na din pagkatapos makaligpit ng kanilang pinagkainan. Nauna na lamang siyang pumasok sa kuarto at binilinan na lamang ang matanda na maglock na lamang ng pinto kapag umalis.

Agad siyang nahiga sa kanyang kama pagkadating sa kuarto, ramdam niya ang pagod at gusto niyang magpahinga at matulog. Dahil sa pagod ay agad niyang nakuha ang kanyang tulog, paggising niya ay mag-aalasais na ng hapon. Sobrang tahimik na ang buong kabahayan. Lumabas siya sa kuarto at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig na maiinom, gaya ng dati nababalot ang buong bahay ng sobrang katahimikan. Nagpaikot ikot pa siya sa lahat ng sulok ng bahay habang hawak hawak ang baso, napatigil siya sa may sulok ng makita ang larawan nila ni Tyron na nakapatong sa isang side table. Kinuha niya iyon at wala sa sariling hinaplos ang mukha ng binata sa larawan. She miss him a lot, parang isang taon na itong wala sa kanyang tabi kung makahugot ang kanyang puso. Dahil sa bigat nang nadarama ay binalik niya iyon sa table at tumungo na siya sa kanyang kuarto reminding herself na hindi siya dapat makaramdam ng ganoon dahil temporary lamang ang lahat ng ganap sa kanila ng binata.

Pagkapasok sa kwarto ay agad hinagilap ang cellphone tsaka umupo sa may sofa malapit sa bintana. Papadilim na rin kung kayat may mga ilaw na sa paligid. Pagkaconnect palang niya sa wifi ay napakaraming notifications ang nagsidatingin. Halos isang linggo din siyang hindi nagconnect sa internet kung kung kayat hindi na mapuknat ang tunog ng mga notifications niya. Si alex agad ang pinadalhan ng mensahe informing na nasa bahay na siya. Sumagot naman agad iyon at pagkatapos ng masayang sagutan sa messenger ay nagpaalam si Alex dahil may dadaluhang meeting. After Alex ay namataan niya ang pangalan ni joy, meron din siyang unread message na galinh dito mga ilang araw na ang nakaraan.

" Mars?", maikling mensahe nito, ngunit wala siyang sagot kaya hindi na rin siguro nagbigay pa ng kasunod na mensahe.

" Hello mars, sorry for late reply ngayon lang ako nag-open ng cp, kumusta?", saad niya dito. Ngunit wala siyang natanggap na reply mula dito. Marahil ay busy ito kung kayat hinayaan niya muna ito. Nagbrowse siya sa kanyang social media account at di siya makapaniwalang napakaraming tags sa kanya patungkol sa video. Nasa social media na rin ang nangyaring pagdumog sa kanya sa airport at napakaming comments, likes and shares ito. Agad agad siyang umalis sa socmed at binalikan si Joy sa messenger.

" Mars help!", mula sa nabasang sagot ni Joy ay bigla siyang nag alala para dito. Agad niya itong tinawagan sa messenger ngunit choppy choppy ang linya.

" I can't understand you, what happen? where are you?", chat niya dito.

" Chinese hospital", sagot nito kung kayat mas lalo siyang kinabahan para sa kaibigan.

" Ok. Hold on, I'm coming", sagot niya saka tumawag sa grab at nagmamadling nagbihis.

Tumuloy siya sa reception desk, tinatawagan niya si Joy ngunit walang signal sa loob.

" Good evening ma'am, yung kaibigan ko po andito sa hospital pero hindi ko alam ang room niya hindi ko po siya matawagan.", magalang na turan niya sa nurse na nakabantay sa reception area.

" Good evening din ma'am, ano pong pangalan ma'am?", ang nakangiting nurse na binitiwan muna ang ginagawa saka humarap sa kanya.

" Marie Joy Santiago ma'am", turan niya dito. Tumango tango iyon, saka bumaling sa computer.

' Wala pong Marie Joy Santiago na nakaregister saamin mam", ang nurse.

"Sabi niya kasi nandito siya ngayon...baka meron pong Santiago na nakaadmit dito?" pahayag niya. Sa isip niya kung hindi siya ang pasyente baka miyembro ng pamilya ni Joy ang nandito.

" Meron pong Santiago, certain Ferdinand Santiago pero hindi naman po siya kapapasok lang. Nasa ICU ngayon, and base sa records dadaan sana ngayon sa major opertion", ang nurse habang nakatingin sa computer.

" Oh, ok thank you ma'am, may i know kung bakit hindi natuloy ang operation?", curious niyang pahayag dito. May kuton kasi siya na ang Ferdinand Santiago ay ama ng kanyang kaibigan.

" Financial matters ma'am, kailangan kasi yun lalo at nag-iisang specialista Pilipinas ang gagawa ng procedure",

" Magkano?", wala sa sariling pahayag niya. Hindi niya maimagine na hindi nagagawa kung ano ang dapat gawin sa mga pasyente na walang kakayahang magbayad.

" Base sa dito sa record ma'am around 1 million, pabalik balik kasi siya and base from previous record may mga back accounts pa siyang hindi nasesettle", pagbibigay impormasyon ng nurse na nasa harapan at di niya napigiling nasapo ang noo. Bigla siyang naawa sa kaibigan, ang saya saya nitong tignan pero may mabigat din pala itong problemang pinapasan.

" Can you pls call the doctor, pakisabi itutuloy niya ang procedure para kay Mr. Santiago", saad niya sa kaharap.

Tinignan siya ng mariin ng kaharap, sa pakiwari nito ay nagbibiro siya at di niya alam ang kanyang sinasabi.

" ASAP pls!", untag niya dito.

" Ma'am 1 million ang requirement para matuloy ang procedure", ang nurse na tila ba nang-uyam pa.

" I'll take care of it", madiing saad niya na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa kanyang sinabi. Wala ba sa hitsura niya ang makapagbayad ng ganoong halaga?

" Ma'am wala na po si Doctor Deus, lumipad na po siya papuntang america nang malamang hindi nakapqgbayad ang family ni Mr. Santiago ng ganong halaga.",

" What?! bakit ganon? wala nabang ibang doctor na gagawa?", halos maghisterikal si Arabella.

" Bale dadalawa lang po ang doctor na gumagawa nang ganoong procedure dito sa Pilipinas mam, si Dr. Deus at si Dr. Chan. Hectic po ang schedule ni Dr. Chan kaya malabo po na magawa ang procedure",

" Oh My God, No!", saad niya na halos manlambot ang kanyang mga buto. Is she that late? wala na ba siyang magagawa para sa kaibigan? Hawak hawak ang noo ay napapikit ang dalaga. Parang nakonsensiya siya na ilang araw na palang nagrereach out si Joy ngunit di man lang niya nakita ng mas maaga.

" Hello doc, good evening po!", narinig niyang masiglang bati ng nurse sa bagong dating.

" Hi! just want to leave a message to Dr. Lao, I can't wait him now. Kindly tell him, I'm just at the Heart Center if ever they need me", pahayag ng bagong dating. Nakangiti namang tumango tango ang nurse at sa pakiwari niya ay di nito maitago ang pagkakilig sa kaharap.

" Ok po doc, makakarating po", saad nito na may kasamang pagapapacute.

" Thank you.", matipid namang pahayag ng kausap nito.

Sa muling pagsasalita ng kausap nito ay paramg pamilyar sa kanya ang boses nito. Out of curiosity ay bigla niyang liningon ang lalaking nakatayo lang din sa kanyang tabi. Namilog pa ang kanyang mga mata ng mapagsino ito.

" Dr. Chan?!",walang alinlangang pahayag niya. Agad namang lumingon iyon sa kanya. Mula sa pagkakunot ng noo au biglang namutawi ang matamis na ngiti sa mga labi nito at tila ba nawala ang mga mata nito dahil sa kanyang pagkakangiti.

'" Arabella! hey, i thought you're out of the country, parang nasa Parish ka lang noong isang araw ah?" masiglang pahayag nito na ibinuka ang mga bisig para sa kanya.

Sa kasiyahan ay agad naman siyang lumapit dito at yumakap dito nang di niya namamalayan. Namiss niya ang mabait na doctor at tuwang tuwa siya na makita ito.

" I' m here now, how about you? diko ka rin nagduduty?", pahayag niya dito kahit halatang hindi naman nagduty ito kundi parang nag opisina lang ang ginawa nito base sa pananamit nito na nakasuit.

" hmm yah sometimes, what's up? don't tell me may pasyente ka naman dito?", nakangiting tudyo nito sa kanya. Nginitian niya ito ngunit ng maalala ang kalagayan ng tatay ni Joy ay biglang siyang nagseryoso.

" Can you pls look at my patient?", may himig pagmakaawa niya dito. Baka may magawa siya o kilala niya ang mga especialista sa procedure na gagawin sa tatay ni Joy.

" What happen? and who is your patient?", turan nito.

" He needs to undergo with a procedure pero wala na yata yung Dr. na gagawa nito...pls, shes my friend's father." sagot niya dito.

Tinapik siya nito sa balikat saka bumaling sa namamatandang nurse.

" Nurse, can i see the record of her patient pls?", turan ni Dr. Chan sa nurse.

Agad namang tumalima iyon, kinalikot ang computer then mayamaya lamang ay binigay sa kanya ang nakaprint na record.

" NAGB!",

" Can you do that?", saad niya dito kahit wala siyang idea kung tungkol saan ang sinabi nito.

"He has financial problem...",

" I'll take care of it!",

" Are you serious?",

" One hundred one percent, pls do something about it", seryosong pahayag niya at matiim muna siyang tinitigan ng doctor bago umiling iling na bumaling sa nurse.

" I need his complete record", turan niya sa nurse at agad agad naman iyong tumango.

" Right away doc, request ko lang yung chart niya sa ICU", ang nurse bago dinampot ang telepono at may kinausap. Maya maya lamang ay nasa kamay na ni Dr Chan ang chart na galing sa ICU. Saglit na pinag aralan at pagkatapos ay bumaling uli sa nurse.

" Kindly arrange the operating room for NAGB, I'll be back after one hour. Thank you!", saad nito sa nurse na wala nang ginawa kundi tumango tango sa lahat ng mga sinabi ni Dr Chan.

Pagkatapos ng instruction sa nurse ay hinila siya ng doctor palabas sa hospital.

" Where are we going?", kahit nalilito ay nagpaakay pa din siya dito.

" Let's eat first, siguradong gugutumin ako sa pinapatrabaho mo saakin", turan nito at napangiti ang dalaga dito. Kahit paano ay nagkaroon siya ng kapanatagan dahil matutuloy din ang operation ng tatay ni Joy.

" Thank you.", madamdaming pahayag niya, pinisil pa niya ang kamay nito na nakahawak sa manibela.

" You owe me lots of explanation", turan nito kung kayat di niya napigilan ang tumawa.

Sa isang fine dining na malapit lang sa hospital sila napadpad. Nag-order agad ang doctor ng kanilang makakain kung kayat wala pang ilang sampung minuto ay serve na ang kanilang pagkain.

" Tell me, how are you related to the Alegres?", walang kaabog abog na turan ng doctor. Tinignan niya ito sa mata ng mariin saka umiling iling na pinagpatuloy ang pagkain.

" If my ears serve me right, parang sinabi ni Tyron Alegre before na he is your husband?", patuloy nito at lalo siyang natawa.

" Did you believe it?", turan niya.

" Why not? not unless he's making a joke", saad nito.

" Yah, he is right!",

" How come? never heard that the Alegre's heir was married? Isn't he the fiance of that supermodel?", sunod sunod na tanong ng kaharap. Kung di niya lang siguro ito kilala ay mapagkakamalan niya itong showbiz reporter.

" Yeah! haven't your heard about secret marriage?", pahayag niya kung kayat natigil din iyon sa pagnguya.

" We are married...but for only 3 years. After that we're going to file for annulment then magkanya kanya na kami, so we don't need to publicize it!", walang paligoyligoy niyang paglalahad. Napapakunot ang noo nito ngunit tumango tango rin pagkatapos niyang ikuwento dito ang buong pangyayari.

" Woow!" saad nito sabay iling at sunod sunod na sumubo ng pagkain.

Sinabayan nalang din naman niya ito, malaki naman ang tiwala niyang hindi nito ipagkakalat ang kanyang sekreto. Magaan ang loob niya sa doctor at itinuturing niyang isa ito sa mga taong kanyang mapagkakatiwalaan.

Pagkatapos ng kanilang dinner ay agad silang bumalik sa hospital. Nasa operating room na ang pasyente kung kayat doon nalang sila naghiwalay ni Dr. Chan. Iniwan nito ang pangakong gagawin ang lahat para mailigtas ang tatay ni Joy. Sa sobrang saya ay niyakap niya ito baka tuluyang pumasok sa pintuan ng OR. Napaupo siya sa may bench na malapit sa pintuan habang nasa isip ang gagawing procedure. Mayamaya ay naalala niya ang kaibigan, inilibot niya ang paningin ngunit wala ni isang anino ni Joy malapit sa operating room. Tamang tama namang may dumaang nurse papasok sa OR kung kayat tinanong niya kung nasaan ang bantay ng pasyente. Nalaman niyang narito lang kanina ang bantay ngunit dito nito alam kung saan ito nagpunta. Sinabi pa nitong hindi iyon mapakali o di kaya ay ninenerbiyos. Pagkasabo ng impormasyon ay nagpasalamat ang dalaga sa nurse tsaka wala sa sariling nagpalakad lakad hanggang mahagip niya ang chapel ng hospital. Pumasok siya doon at umupo, hindi niya alam kung bakit dinala siya ng kanyang paa doon pero paglinga niya sa paligid ay may taimtim na nakaluhod sa may harapan. Sa bulto palang alam na niya kung sino iyon. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang kaibigan. Joy loves his dad so much and do everything just to save his life. Kahit sino namang anak, hindi maaatim na nakikitang nahihirapan ang kanilang mga magulang.

Pagtayo ni Joy mula sa pagkakaluhod ay agad nagtama ang kanilang mga mata. Nababanaag ang labis na kalungkutan ngunit biglang kumislap ang mga iyon ng makita siya. Hindi niya namalayan kung paano ito nakarating ng mabilis sa kanyang kinaroroonan at nakayakapnna ito ng mahigpit sa kanya.

" He will be fine", pag-aalo niya dito habang hinahagod ang likod nito.

" Hindi ko alam kung anong gagawin kung wala ka, thank you very much", madamdaming pahayag ni Joy at pinisil niya ang mga kamay nito.

" Don't mention it, ang importante ginagawa na yung procedure at magiging ok na ang daddy mo", saad niya kung kayat mas lalong yumakap si Joy sa kanya habang naluluha.

"Sabi ni Doc it takes 6 to 8 hours ang operation, magpahinga ka muna.", pahayag niya dito.

" Thank you, pero baka may kailangan sila habang wala ako",

" Shhh! everything is okey, tara at samahan kitang kumain", ang dalaga kung kayat nagpatiayon na din nag kaibaigan.

Sa isang cozy restaurant niya dinala si Joy para kumain, malapit lang din ito sa hospital na kinaroroonan ng tatay niya. Kahit tapos na siyang kumain kanina kasama si Dr. Chan ay kumain pa rin siya para ganahan ang kaibigan. Sa isang linggo na hindi niya nakita si Joy napakalaki na ang pangayayat nito. Nagmukha tuloy itong mas matanda kesa sa age niya.

Habang kumakain ay nagkwento si Joy tungkol sa buhay nila, mula sa pagkalugi ng negosyo ng pamilya nila na naging sanhi ng pagkakasakit ng kanyang ama hanggang sa mawala lahat ang mga ari ariang naipundar ng kanyang pamilya. Tatlo silang magkakapatid ngunit may kanya kanya na ring mga pamilya ang kanyang dalawang kapatid kung kayat siya ang lubos na nagsasakripisyo para sa kanilang mga magulang. Ang ina naman nito ay nagbago, mula sa mapagmahal at maalalahaning may bahay ay naging tao na rin sa labas. Mas ginugusto na nitong palaging kasama ang mga kaibigan na gumagala at nagmamajong kaysa tumao sa bahay. Palibhasa nasanay ito sa marangyang buhay at hindi nakakayanan ang kinahinatnan ng kanilang ikinabubuhay.

Pagkatapos nitong magkwento tungkol sa kanilang pamilya ay mas lalo niyang nakitaan ng pagkalungkot ang kaibigan kung kayat ginagap niya ang kamay nito at pinisil upang sabihing hindi ito nag-iisa.

" Everything will be alright, andito lang ako para saiyo." sinserong pahayag niya at lalong naluha iyon.

" Thank you. You're an angel", pahayag nito at mas lalong pinisil niya ang kamay nito bago sinabihang kumain ng madami.

After a while ay siya naman ang nagkwento tungkol sa kanyang sarili. Nakitaan niya ng pamimilog ng mata si Joy lalo na nang marinig ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila ni Tyron. Ngunit nakitaan din ng pagkalungkot ng sabihin niyang temporary lang ang status nilang dalawa. Pero magkaganon man naintindihan naman nito ang kanyang sitwasiyon at nangakong hindi niya ito ipagsasabi kahit kanino.

Pagkatapos nilang kunain ay pinaling bumalik ni Joy sa hospital, sobra itong nag-aalala sa kanyang ama at mas gusto daw nitong maghintay sa labas ng operating room. Sinamahan din niya ito hanggang matapos ang operasyon at ideclare ni Dr. Chan na successful ang ginawang procedure. Sa tuwa ay nayakap niya ang binatang doctor, habang natatawa naman itong tinanggap ang yakap niya.

" Although successful ang procedure, hindi pa rin maiaalis na nasa risk pa rin ang kanyang condition. Kailangan pang natin siyang bantayan and imonitor.", pahayag ni Dr. Chan pagkatapos.

Pareho naman silang tumango tango ni Joy na halos hindi alam ang gagawin dahil sa sobrang kasiyahan.

Ilang oras din silang naging abala para mailipat si Mr. Santiago sa recovery room. Si Dr. Chan ang personal na nag-asikaso kung kayat agad agad ding natapos ang lahat. '

" It' s almost dawn, hindi ka pa ba uuwi?", baling ni Dr. Chan nang nasa tamang ayos na ang lahat.

" Samahan ko muna si Joy dito, kawawa naman siyang kung maiwan siyang mag-isang magbabantay", sagot niya dito.

" It's alright mare, umuwi kana lang di para makapagpahinga. Kaya ko na to. Thank you so much, kung hindi dahil saiyo baka nasa bingit pa ng kamatayan ang daddy ko", mabilis namang pahayag ni Joy. Alam niyang kadarating lang kanina ng kaibigan at hindi pa ito masiyadong nakapahinga.

" Are you sure?", paninigurado niya kay Joy at tumango tango iyon.

" I'll send you home", pahayag ni Dr.Chan at halos iisa ang ulo nila ni Joy na tumingin dito.

" It's late night na, delikado na ang magbiyahe ng mag-isa. I'll be back in a minute punta lang ako saglit sa doctors' room", si Dr. Chan na hindi na hinintay ang kanyang sagot.l

" Sigurado ka bang kaibigan mo lang yun?", maya maya ay pahayag ni Joy nang mawala sa kanilang paningin ang doctor.

" Of course, nature lang talaga niya ang sobrang caring!", saad njya dito.

" Di mo sure", si Joy at pinangunutan niya ito.

" Sabagay, gwapo naman, maginoo pa. Pwede nang pamalit kay Tyron Alegre kapag nagkataon", si Joy at kulang na lang batukan niya ito saka pinandilatan ng mata. Kukurutin pa sana niya ito ngunit nakabalik na si Dr Chan sa kinaroroonan nila.

" Sigurado kang kaya mo na ha? Tawag ka lang kung may kailangan ka", paninigurado niya kay Joy.

' I' am very sure, ingat kayo. Doc pakiingatan ang kaibigan ko ah, maraming maraming salamat sa pagliligtas sa tatay ko", baling nito sa Doctor at isang matamis na ngiti lang din ang isinagot nito.

Nagyakapan pa sila ni Joy bago sila lumabas sa recovery room at tinungo ang parking lot.

Next chapter