webnovel

CHAPTER 10

Ilang araw nang balisa si Arabella, simula nung ihatid siya ni Tyron sa drop-off nito sa kanya papuntang upisina ay wala na siyang balita tungkol dito. Halos madaling araw na rin siyang natutulog hoping na mapapatawag kahit disoras na ng gabi or kahit umaga na. Nagtry na rin siyang tawagan ang number na nakaregister sa phone niya pero out of coverage iyon. She's bothered, and sometimes out of focus sa kakaisip kung ano ang nangyari dito at hindi na nagparamdam. May sakit ba ito? Nadisgrasya ba? humihinga pa ba? or galit na naman ba ito sa kanya kaya ayaw na naman siyang makita? Parang mas gusto niyang isipin ang huli, di bale nang ayaw na itong magpakita sa kanya dahil galit ito kesa naman may masamang nangyari sa binata. Parang ngayon lang siya nahirapan ng ganoon, dahil siguro nasanay siya sa presensiya nito, sa amoy nito, sa yakap nito, sa halik nito and all. Haaaaah! Parang masisiraan ng bait si Arabella, kahit sa anong pilit niyang huwag isipin ito ay pilit pa ring umuukilkil sa kanynag isip.

" Tawag kana plss...kahit pagsalitaan mo ako ng masama basta okey ka lang", halos paulit ulit na pagsusumamo ng isip niya.

" Natutulog ka pa ba?", pansin ni Joy sa dalaga. Kanina pa nito inoobserbahan ang kaibigan, mukhang tuliro na ewan tapos ang lalaki pa ng mga eyebags.

" Oo naman, bakit?", turan niya dito, kung ano ano ang pinagagawa niya sa presentations niya to keep herself busy..

" Mukha kang zombie girl, huwag mo ngang seryosohin yang mga pinagagawa mo diyan", saad nito at lihim siyang napangiti ng mapakla.

" Kaya naman pala ang hirap ligawan yang si Tyron Alegre, tignan mo supermodel pala ang girlfriend. Tignan mo nasa Socmed", mayamaya ay halos mawindang si Joy sa napapanood sa binuksang Socmed.

Parang bombang sumabog para kay Arabella pagkarinig sa pangalan ni Tyron. Agad din niyang kinuha ang cellphone at nagbukas ng Socmed. Laking tuwa niya ng makita ito, buhay na buhay ang binata sa video at gaya ng dati sobra paring gwapo. Then it makes her day, ibig sabihin walang nangyari sa binata, nasa America ito kapiling ng kanyang supermodel na fiancee. Napapikit siya ng mariin, she felt something she doesn't like inside. Huminga siya ng malalim at unti unting nireleased iyon kasabay ng pain na nararamdaman. She shouldn't feel that way because right from the start she had known their real score. Napangiti siya ng mapait, but she have to accept it. Kaya tama! Okey na siya dahil alam niyang buhay ito, okey ito at masaya ito sa kung saan man siya naroroon at sa kung sinong kasama nito.

"Miss Arabella connect call, for you", ang desk officer. Mag aalas kuatro at hinihintay na lamang ang oras para umalis. Mejo napakunot pa siya ng noo kung sino ang kanyang caller. Halos alam naman lahat ng kanyang friends o dika ni Tyron ang kanyang cellphone number. Alanganin man ay kinuha pa rin niya ito.

" Hello, Arabella speaking", bati niya sa kung sino man na nasa kabilang linya.

" Ms. Arabella Simon? I'm Arthur of PGH, gusto raw po kayong kausapin ni Anna", ang nasa kabilang linya. Bigla siyang nagising sa kanyang narinig, si Anna? nasa Philippine Goverment Hospital?

" Ate Ara, tulungan mo kami", tinig ni Anna sa kabilang linya. Umiiyak iyo at nagsusumamo.

" Anna! anong nangyari?", nag aalalang tanong niya sa bata, naririnig pa niya ang matinding pag iyak nito.

" Ate, si tatay andito sa ospital tulungan mo kami please",

" Ha anong nangyari sa kanya? Teka, ok cge...papunta na ako diyan, wag ka nang iiyak ha", halos tarantang pahayag niya sa bata bago ibinaba ang telepono at nagmamadaling nagpaalam sa kanilang boss.

Halos lumipad si Arabella makarating lang sa ospital na sinabi ni Anna. Nag aalala siya sa bata, mukhang takot na takot at halatang di malaman kung ano ang gagawin. She was once in this kind of situation, yung di mo alam kung kanino ka tatakbo at sino ang lalapitan mo dahil nahahati ang isip mo sa kalagayan ng mahal mo sa buhay at sa kung sinong tao ang paghuhugutan mo ng lakas ng loob. She was once there. She knows the feeling at ayaw niyang maranasan ng bata ang ganon.

" Hi ma'am, I'm looking for Anna, yung batang nakitawag po sainyo kanina?", ang dalagang humahangos ng makadating sa hospital. Sa info desk agad ang tungo dahil doon nakiusap ang bata para tawagan siya.

" Ah yung bata po kanina? kayo po si Ms. Arabella?, turan lalaking kasama ng pinagtanungan niya at tumango tango siya.

" Ma'am sa emergency room po, hinihintay po kayo",

" Sige sir, maraming salamat", turan niya dito at agad agad na niyang tinungo ang direksiyon kung naroroon nag emergency room.

" Anna!" tawag niya agad sa batang nakatulala habang tahimik na dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.

" Ate Araaaa!", ang bata na agad tumayo at tumakbong yumakap sa kanya.

" Shhhh its ok, nandito na ako. Asan ang tatay mo?", pag aalo niya sa humuhikbing paslit. Naawa siya dito, mukhang takot na takot na mawala ang kanyang ama.

Mula sa pagkakayakap sa kanya ay bumitaw ang bata at hinila siya sa kinalalagyan ng ama.

Pagkakita dito ay biglang nasapo ni Arabella ang kanyang bibig, parang kritikal na ang buhay ng tatay nito at kailangan na ng agarang pag estima. Agad siyang lumingon sa paligid, hanggang natanaw njya ang nurse station na malapit doon.

" Nurse, pakitignan naman po yung pasyente namin baka kailangan na po niya ng agarang operation or what?", halos nanginginig niyang saad sa nurse na naroon. Gusto rin niyang mulagatan iyon dahil mukhang kritikal ang pasyente pero bakit parang wala silang ginagawa para dito?

"Kaano ano niyo po ang pasyente ma'am?", turan nito sa kanya at nagkandautal na ang knayang isip.

" Ah...kamag anak, bakit wala pong doctor na nakaattend sa kanya?",

" Ma'am, kailangan po ng pasyente ng ultrasounds and other test, kaso kailangan po ninyong magdeposit.", paliwanag ng nito at sumiklab ang apoy sa kanyang ulo sa narinig.

"Miss, nag aagaw buhay po ang pasyente, hindi ba pwdeng to follow na yung deposit?", halos umuusok ang ilong ng dalaga sa galit. Of all places na kung saan ang mantra is gamutin ang mga maysakit, bakit kailangan pa ng mga depo deposit?

' yun po kasi ang protocol ma'am, pasensiya na.",

" Pls call the doctor, I want to talk to him",

" Busy po siya ngayon ma'am, kung may pang deposit na po kayo saka nalang po natin siya tatawagin for your patient", turan nito at napapikit ng mariin si Arabella. Ayaw niyang magalit sa kausap kaya huminga siya ng malalim bago hinarap uli ito.

" Magkano ang deposit?", saad niya dito. Its now or never, kung hindi pa ito haharapin ng doctor baka bukas ay paglamayan na ang tatay ni Anna.

" Ma'am kailangan po natin ng 120 thousand pesos deposit po para sa pasyente",

" Ok, i'll deposit that money as soon as possible..and please call the doctor asap.", without hesitation ay biglang desisyon ng dalaga. She had enough in her bank account kaya kayang kaya niyang iprovide ang 120 thousand para lang maestima na ng mabuti ang kawawang matanda.

" Ok ma'am, right away po.", anang nurse. Pagtalikod nito ay linapitan niya ulit ang mag ama. Yumakap ulit si Anna sa kanya at hinaplos haplos niya ang buhok nito.

" Sssh! its alright, gagamutin na ang tatay mo",

" Ate, ayoko pong mawala si tatay",

"Hindi yan, love kayo ng tatay niyo kaya hindi niya kayo iiwan", pigil ang luhang pagpapakalma niya sa bata. She have to say it, kailangan ng bata ng magpapalakas sa knaya kahit sa sarili niya ay di niya alam kung makakasurvive pa ang matandang halos naghihingalo sa nararamdamang sakit.

" Ma'am, pwede ko po kayo kausapin", isang staff ang lumapit sa kanila.

" Yes sir, saglit lang ha? mamaya gagamutin na si tatay', paalam niya sa bata. Nag alinlangan pa iyong bumitaw sa kanya pero tumango rin pagkatapos.

"Ma'am pasok po tayo dito, kailangan lang namin kayo makausap ni Doc." ang staff habang iginagaya siya sa isang office na malapit lang doon.

Pagpasok niya sa office ay may iilang doctors ang naroon, ang babata din.

" Good afternoon po", bati niya sa mga ito dahil halos nagtayuan ng makita siyang pumasok.

" Ma'am dito po tayo kay Dr. Chan, siya po yung tumingin sa pasyente ninyo kanina", ang nurse na kasama niya.

Agad din siyang tumalima lumapit kay Dr. Chan. Naka long sleeve ng black at na nakatuck sa black slacks. Wala itong white na gown kaya hindi mo siya mapagkakamalang doctor bagkus ay isang high profile chinese businessman. Naka suot ng salamin pero hindi pa rin nito naitago ang kanyang chinito looks.

" Good afternoon doc", bati niya dito pagkatapos na iintroduce siya ng kasamang nurse. Kasalukuyang may binabasang xray result kaya hindi agad ito tumingin sa kanya.

" Yes ma'am?", maya maya ay nag angat iyon ng mukha at halos mapawoow si Arabella sa labis nitong kacutetan.

" Ah...pasyente ko po yung nasa emergency room, i want to know his condition?", mejo nagstammer pa niyang turan sa doctor.

Tinanggal ng kaharap ang suot na glasses saka napapikit na hinawakan ang sentido.

" kaano ano niyo ang pansiyente?", maya maya ay tumitig ito sa kanya. Bigla siyang nawindang at halos di siya makapagsalita

" Ah..wala po pero, they are like a family to me",

" Oh, sure! Are you a philanthropist?",

" No of course not doctor, naaawa ako sa bata. Ayaw niyang mawalan ng tatay, pls do everything you can para masave po ang tatay niya", halos di na niya narinig ang sarili na nagmakaawa dito nang maalala ang kalagayan ni Ana.

" Miss, he is actually in critical condition...kung gagalawin natin siya walang kasigiraduhan na mabubuhay siya",

" Pero hindi niyo pwedeng tignan na ganun lang siya diba doc? pls wag ninyong tanggalin yung natitirang hope nung bata",

" I understand, but you must not forget na kailangan nang malaking halaga para sa anomang procedure na gagawin",

" Of course doc, pls do your best to save him", saad niya dito at tumango tango iyon.

" We will do our best ma'am, but we cannot promise", saad niti at tumango tango siya. Kahit naman sino talaga, walang kasiguraduhan ang buhay pero kailangan pa rin niyang manalig para sa mga bata.

Agad inayos ni Arabella ang hinihinging deposito. Sa online banking na niya trinansfer ang kailangang halaga kaya agad agad ay inistima ang tatay ni Anna.

Hindi na rin niya iniwanan ang bata, mula sa pagkuha ng mga laboratory test nito till ecg, ultrasounds hanggang pumasok sa operating ok

room ay nandoon din ang dalaga. Ayaw niyang iwanan ang bata na nasa ganong sitwasyon.

Mayamaya ay tumunog ang kanyang phone, new number iyon pero sinagot pa rin niya. Medyo mahina rin ang signal sa loob kaya choppy choppy ang nasa kabilang linya. Dahil sa labis na pag aalala at pagod ay nakalimutan na rin niyang tinanong kung sino ang nasa kabilang linya. Basta ang narinig niyang tanong nito ay nasaan siya at nasagot pa niya iyon bago naglaho ng tuluyan ang signal at naputol nang tuluyan ang linya.

" PGH?",

" Oo daw po sir, diba po ospital yan?", naguguluhang saad ni Ronnie sa amo. Kanina pa nito tinatawagan si Arabella at palaging out of coverage ang tugon nito sa kanya. Lukot na lukot ang mukha nito kaya nagprisinta na siya ang magdidial para dito. At ayun nga, sa sobrang swerte niya ay sumagot iyon ngunit hindi niya maintindihan ng maayos, basta ang malinaw sa pandinig niya ay nasa PGH ito.

" Sir saan po kayo pupunta? sasama ako" , napakamot pa siya sa ulo ng biglang lumulan iyon sa sasakyan at pinaandar ang makina. Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay nakalayo na ito sa kinatatayuan niya. Napakamot nalang uli ito sa ulo dahil sa pag iwan sa kanya ng amo.

" PGH? anong ginagawa niya doon?", si Tyron sa kanyang isip habang di namamalayang sobrang tulin ang ginagawang pagmamaneho.

" Shit! may sakit ba siya?", napapamura na rin sa sarili, kung pwede paliparin na niya ang kanyang sasakyan para makarating na siya sa hospital na kinaroroonan nito. Past 10 na nang gabi and at hindi pa dumadating iyon, dati rati naman ay before 10 ay nasa bahay na ito

He was out of the country for more than half month without any communication with her. Akala niya he is ok not hearing any news about her pero para siyang mababaliw. She's always in his head at parang linta na nakakapit doon habang sinisipsip ang kanyang utak. One more day or two baka tuluyan na siyang mabaliw.

Pagpasok niya sa hospital ay halos pinagpapawisan siyang nagtanong sa information desk. Pagkatapos ay halos takbuhin niya ang pasilyo makarating lang sa sinabing kinaroroonan nito.

Pagbukas niya sa door papunta sa OR ay agad niyang natanaw ang dalawang babaeng nakaupo malapit sa Operating room. Yung batang babae ay halos nakatulog na habang nakaunan sa kandungan ng mas matandang babae.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso pagkakita sa dalaga. Shes sitting next to a young girl habang hinahaplos haplos nito ang buhok ng babaeng nakaunan sa kanyang kandungan. Pinagmasdan niya ito, she looks good as always. Nakadamit pang office pa din, kahit wala ang blazer ay nakaturtle neck ng olive green na katuck sa kanyang slacks. Lutang pa rin nag magandang hubog ng katawan. Gusto niyang lapitan iyon at yakapin ng mahigpit at halikan ngunit bumukas ang Operating Room at lumabas ang chinitong doctor. Agad tumayo ang dalaga at sinalubong ang paglabas nito. Maya maya ay bigla nalang napayakap ang dalaga ito na halos magtatalon sa tuwa.

" Damn!" mura niya sa isip, gusto niyang lumapit agad at ilayo ang katawan ng dalaga sa chinitong doctor.

Napalakas yata ang pagmura niya kaya napatingin ang mga ito sa direksiyong kinalalagyan niya kaya wala na siyang nagawa kundi salubungin ang mga mata nito.

Hindi mawari ni Arabella kung ano ang nararamdaman sa pagkakataong iyon. Gusto niyang kurutin ang sarili kung totoong ang binata ang nakikita niya mula sa di kalayuan at nakatingin sa kanila. Gusto niyang ngumiti o di kaya ay tumawa pero parang naghahang ang mga iyon dahil hindi siya sigurado kung totoo ngang narito ang binata. Basta ang alam niya nagliliwanag ang paligid at sobrang nagtatalon ang kanyang puso.

" He's waiting", mula sa side niya ay narinig niyang turan ni Doc Chan sa kanya. Tinignan niya ito habang hindi matanggal tangal ang pagkakangiti sa mukha. Nag thumbs up iyon hudyat nang pagpapalayas sa kanya para lapitan ito.

Pagbaling ni Arabella sa kinaroroonan ni Tyron ay likod na lamang nito ang nakita habang humabakbang paalis. Para namang may sariling pag iisip ang kanyang mga paa kaya mabilis siyang lumakad para habulin iyon. Sa parking lot na niya naabutan iyon patungo sa kanyang sasakyan.

" Wait! ", pagtawag ng pansin nito dinadagan pa ng "please" ng kanyang utak pero di na niya vinoice out iyon. Huminto naman iyon malapit sa kanyang sasakyan at nakapamulsang humarap sa kanya. Halos di alam ni Arabella ang gagawin, ano nga ba ang sasabihin niya? He missed him so much, pero napakaseryoso nito wala man lang bakas ng pangungulila sa kanya. Bigla siyang naawa sa sarili kaya di niya napigilan ang maluha.

" What?", seryosong saad nito at napaigtad pa siya sa pagkabigla.

Nginitian niya ito kahit di sigurado sa kung ano ang iniisip ng binata sa kanya.

" Hi!", wala sa sariling turan niya. Ngumiti ulit habang pinagkikiskis nag dalawang palad niya. Tyron is so cold and Arabella did not know kung paano siya macaconnect sa thoughts nito.

" Ah....welcome back, i'm so glad to see you again", saad niyang halos hindi mabigkasbigkas ang sasabihin. Tinignan lang siya nito ng mariin, at halos tutulo na naman ang luha niya sa coldness nito.

Tinignan lang siya ng binata mula ulo hanggang paa and without any word ay tatalikod na naman ito para ipagpatuloy ang pag alis.

Sa pagkakataong iyon ay sobrang bigat ng kanyang dibdib, he had returned pero parang walang wala na naman siya dito.

" I just want you to know that i'm so happy that you are safe", saad niya dito. May pakiwari siyang di siya narinig nito dahil tuloy tuloy na sa paglakad.

" that its ok if you are ignoring me like before basta alam ko na safe ka at walang nangyari saiyong masama", patuloy niya.

" That i' m missing you everyday but its ok if you are not", halos sarili na lang niya ang nakakarinig at napapikit na lamang siya para icontrol ang pag iyak and not to see him walking away.

" What did you say?", halos mapatalon si Arabella ng biglang magsalita si Tyron sa harapan niya. Nakapikit pala siya nang mariin at di niya namalayan ang paglapit nito sa harap niya.

" Ah...wala, wala! ", halos magkandautal niyang pahayag.

" Ulitin mo yung sinabi mo", utos nito ngunit biglang nagclose ang isip niya dahil sa prisensiya nito.

" I did not say anything",

" Ok!", saad nito at naglakad na naman palayo. Bigla siyang nawindang.

" Ano ba? that im happy you are safe? that its ok if you ignoring me like before? that i am missing you everyday even you are not?", ang dalagang binigkas lahat ng maalala niyang sinabi niya kanina.

" That's it!", saad nitong biglang lumapit ulit sa kanya.

" Say it again!"

" That i am missing you everyday but its ok if you are not?",.

" Yeah, with feelings", turan ng binata habang nang -aarok ang mga mata.

Mula sa nerbiyos na nararamdaman ay biglang napatawa ang dalaga saka walang sabisabing yumakap siya dito. Wala na siyang pakialam kung magagalit o itutulak siya ni Tyron but to her surprised, he hug her tighter.

" Thanks God, you're here!", mahinang sambit niya dito, dinig na dinig niya ulit ang mabilis na tibok ng puso nito.

" Did i left in your thoughts?", turan nito habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanya. Nakalimutan na rin yatang nasa parking lot sila buti nalang gabi kaya pakonti konti ang tao sa lugar na yun.

" Not even a single second", turan niya habang nakahilig sa dibdib nito.

" Liar!",

"Huh?!", ang dalagang agad tiningala ito.

"Yumakap ka nga sa doctor na yun", saad nito in a blank expression.

Tumawa ang dalaga sa tinuran nito saka pinisil ang magakabilang pisngi nito.

" Sobrang tuwa ko lang kasi successful ang ginawang operation sa tatay ni Anna",

" Never do that again", saad nito at natatawang itinaas niya ang kanyang kanang kamay para dito. Kinuha ng binata ang kanyang kamay hinila siya palapit sa kanyang katawan, hinawakan ang kanyang baba at saka siya hinalikan. Malugod din niya g tinugon ang mga halik nito and they kiss like there's no more tomorrow. Ilaw ng paparating na sasakyan ang nakapagpahiwalay sa mga labi nila. Tumawa pa silang pareho nang parang na caught in the act sila ng kung sino mang driver ng paparating na sasakyan.

" Balikan ko lang si Anna sa loob at iayos ang room nila", pahayag niya dito.

" Samahan na kita", saad nito sabay kuha sa kamay saka tinahak ang loob ng ospital na kinalalagyan ni Anna. Nagprotesta pa ito nang tanggalin niya ang pagkakaholding hands nila sapagkat marami ding tao ang pakalat kalat sa lobby ng ospital.

Pagdating nila sa room ay saktong ililipat na doon ang tatay ni Anna. Mismong si doctor Chan ang personal na nag estima sa paglipat nito mula sa operating room.

Nakatinging napailing siya ng pasimpleng minulagatan siya ng binata.

" Hi doc", bati niya sa doctor habang inaayos ang swero ng matanda.

" Hi! he is in stable condition right now, pero constant monitoring pa rin tayo hanggang sa kanyang paggaling" saad nito na medyo halatang hindi masyadong komportable dahil sa presensiya ni Tyron. Paano parang militar kung makatingin habang nakikinig din sa explanation niya.

" Oh ok doc, thank you very much sainyo. By the way, this is Tyron Alegre my...",

" Husband...i'm her husband. How are you Dr. Chan", si Tyron na animo isang heneral.

" Oh fine, nice to meet you Mr. Alegre", ang doctor na halos hindi na makita ang mata sa pagkakangiti. Naramdaman niya ang pagkapossesive nito sa kasama nilang babae and natutuwa siya sa action nito. He understand him naman, kahit sino talagang magiging posessive kung ganito kaganda at kasexy ang girlfriend mo.

" Thank you for your care to the patient",

" The pleasure is mine sir, it is my duty. Anyway, can i leave you now may patiente pa kasing naghihintay saakin", pag eexcuse ng doctor.

" Of course, thank you once again", si Tyron na ang sumagot habang nakangiting tumango ang dalaga dito.

" Drop that smile," pasimpleng turan ni Tyron ng makitang nakangiti pa rin ang dalaga habang sinusundan ng tingin ang papalayong doctor.

" He is nice", wala sa sariling at huli na ng marealized ang lumabas sa kanyang bibig.

" You like him, don't you?"

" No of course not! " mabilis niyang tangngi subalit di na umimik iyon. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at pahila niyang itinabi sa kanyang sarili. Nginitian niya ito at binanggit ang walang sounds na "iloveyou" saka nagpeace sign dito.

Tyron got puzzled, di niya nakuha ng direcho ang sinabi ng dalaga before siya binigyan ng peace sign. Did she say "iloveyou"? walang tunog but it looks like that. She utter the word without hesitation, parang kusang lumabas bigla sa bibig nito pero walang sound. He look at her, and she looks happy and full of energy kahit magmamadaling araw na parang hindi inaantok. Kasalukuyan niyang binibigyan ng instruction ang bata habang nakaupo sa gilid ng patient's bed.

" Let's go?", maya maya ay saad nito sa kanya habang nakangiti She smiles a lot parang hindi napapagod ang mga panga nito.

" Thanks God!", turan niyang napahinga pa ng maluwang at lalong tumawa ang dalaga.

" Sorry", malambing nitong tugon, kaya napatawa nalang siya dito.

Lumabas na sila sa hospital and as usual they walk together like strangers kahit gusto niyang akbayan ito or di kaya ay magkaholding hands while walking.

" Where to?", si Tyron ng makalulan sila sa sasakyan nito.

" Sa house?", alanganing sagot niya, baka kasi meron itong pupuntahang iba. Bigla siya nalungkot sa isiping iyon, pero di niya pinahalata bagkus pinagalitan niya ang sarili sa isiping iyon

" What' are you thinking?", napansin pala ng binata ang kanyang biglang pananahimik.

" Ah nothing, umaga na pala inaantok lang siguro ako" ,nakangiti niyang sagot. Bat parang namimiss pa rin niya ito kahit nasa harapan na niya ang binata?

Hinila siya ni Tyron palapit sa kanya at siya na rin ang naglagay ng ulo ng dalaga para humilig sa kanyang balikat.

" You can sleep while we're on the road", saad nito at di niya napigilang yakapin ito saka ipinikit ang mga mata.

" Thank you", halos pabulong niyang pahayag. Naramdaman na lamang niya ang paghalik ng binata sa kanyang ulo. Napangiti siya sa ginawa ng binata at malambing na iniangat ang ulo para tignan ito. Tumingin din ito sa kanya at kusang bumuka ang labi para sabihin ang "iloveyou" n walang sound bago tuluyang bumigay ang kanyang mga mata sa pagtulog.

********††***********************

Next chapter