webnovel

Chapter 7

Sam's POV

I'm so nervous. Any moment ay darating na ang mga kuya ko. I was so occupied this past two weeks na hindi ko na namalayan ang oras. For the last two weeks I never contacted anyone, not my friends, not my family, no one. I didn't even check my social media accounts.

Masyado kasi ako nag-enjoy sa pag-aayos ng titirhan namin kaya pagod ako araw-araw at wala ng oras para mag-cellphone. Ako kasi ang namahala sa pag-aayos ng mga gamit, kung saan iyon ilalagay sa bawat parte ng buong bahay.

At sa loob rin ng dalawang linggong iyon ay naging at ease na kami ni Albert sa isa't isa. We were not super close pero hindi na rin kami nagkakailangan. Sa iisang kwarto kami natutulog, at tinupad naman ni Albert ang pangako niya. Every night he just hugs me tight and did nothing else.

"Ma'am nandito na po mga kapatid mo." wika ni Melody, isa sa kasambahay namin. Nasa likod niya ang limang lalaki, ang mga kuya ko.

"Sige, Melody. Salamat." sabi ko at pumunta na siyang kusina.

"Who's house is this? Is this Sherwin's?" seryosong tanong ng panganay naming kapatid, si Kuya Kurt.

"Nag-li-live-in na ba kayo ni Sherwin?" tanong naman ng ikalawa sa amin na si Kuya Steve.

"You know very well na hindi namin siya gusto para sa 'yo, tapos nakipag-live-in ka na." wika naman ng ikatlo na si Kuya Alex.

"Sigurado ka bang hindi ka niloloko ng Sherwin na 'yan? We told you there is something on how Sherwin and Rina look at each other. And the fact that they were super close, you should doubt them." sabi pa ni Kuya Ralph, ang ikaapat sa aming magkakapatid.

"Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman namin? Nila Mama at Papa? Nila Lolo at Lola sa ginawa mong ito?" pangongonsensya naman ng kakambal kong si Kuya Brent. He is five minutes older than me kaya tinatawag kong Kuya.

"Bakit hindi ka sumagot?" nagagalit na saad ni Kuya Steve.

"Paano ako sasagot eh sunod-sunod kayong nagsalita?" saad ko na nakapagpatahimik sa kanila. "Pwede ko na sagutin mga tanong n'yo?" tumango naman sila. "This is not Sherwin's house at lalong hindi kami nagli-live-in. At oo, alam ko nang may namamagitan kina Sherwin at Rina, they are having an affair."

"Sinasabi ko na nga ba na hindi mapagkakatiwalaan ang dalawang iyon. Saan ba ang bahay ng dalawang iyon? At nang maturuan ng leksiyon." galit na saad ni Kuya Brent.

"Hinay-hinay. Pag-usapan muna natin. Mamaya na tayo sumugod. Alamin muna natin lahat." saway naman ni Kuya Steve. "Paano mo nalanan na may relasyon sila?"

"Kung hindi kay Sherwin ang bahay na ito, kanino?" takang tanong naman ni Kuya Ralph.

"Doon ba sa lalaking nagsalita kanina nung kausap ka namin? Sino siya? Nasaan siya? Kaano-ano mo siya." sunod-sunod na tanong naman ni Kuya Kurt.

Napabuntong-hininga ako sa magkakasunod nilang pagsasalita.

"Hindi ba pwedeng kapag nagtanong ang isa eh sagutin ko muna bago magtanong uli ang kasunod?" saad ko at nagkatinginan naman silang lima. "Bago ko sagutin ang mga tanong ninyo, pwede bang magsiupo muna kayo? Kanina pa ako nangangalay dito kakatingala sa inyo." dagdag ko pa at napakamot naman sila sa ulo bago umupo.

"I went to Sherwin's place, and I saw the two of them having sex while talking how much they love each other." nakita kong magsasalita sana sila kaya itinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan sila sa pagsasalita. "If you're going to ask kung break na ba kami, the answer is no. Hindi pa kami nag-be-break officially pero para sa akin eh break na kami.

"Hindi nila alam na alam ko na ang pagtataksil nila, kaya kung kokomprontahin ko sila ng walang ebidensiya sigurado akong itatanggi nila. But don't worry kasi nakahanap na si Czarina ng mga ebidensiya. I'm just waiting for the right time to talk to them.

"And please, promise me that you will do nothing to those two. Sa akin sila may kasalanan kaya dapat lang na sa akin din sila magbayad." tinitigan ko silang maigi, para ipakitang seryoso ako. Hindi naman ako nabigo kasi tumango sila.

"At tungkol naman dito sa bahay, well, I'm married. And thi-"

"What?!" gulat na bulalas nilang lima.

"You get married without telling us? Does our parents know this?" tanong ni Kuya Kurt.

Sasagot na sana ako ng magsalita ang iba ko pang kuya.

"Are you out of your mind? Niloko ka na nga pinakasalan mo pa." hindi makapaniwalang saad naman ni Kuya Alex.

"Hindi ka na ba naawa sa sarili mo?" galit ding turan ni Kuya Brent.

"Pack your things. We're going home." mariing utos naman ni Kuya Steve.

"Or we can just leave. May mga gamit pa naman siya sa bahay. Kung kulang iyon bumili na lang. Ang mahalaga eh makaalis na tayo ngayon." sabi naman ni Kuya Ralph na tinanguan ng iba.

Tumayo silang lima at lalapit na sana sa akin ng sumigaw ako.

"Pwede bang magsitigil kayo? Makinig nga muna kayo." sigaw ko na nagpatigil sa kanila.

Tumingin sila sa akin at pagkatapos ay tiningnan ang isa't isa.

"Can you please go back to your seat?" mariing sabi ko at wala naman silang nagawa kundi umupo.

"Pwede bang wala munang magsasalita at pakinggan ninyo muna ang sasabihin ko? At pwede rin bang kapag tapos na akong magsalita eh huwag namang sunod-sunod ang pagsasalita ninyo. Isa-isa lang, mahina ang kalaban." naiinis ko pa ring saad.

Lagi na lang kasing sunod-sunod kung magsalita, kulang na lang eh magsabay-sabay. Naririndi ako sa kanila, hindi ko alam kung sino ang uunahin.

Ako man ang pinakabata sa aming magkakapatid, kapag naman nainis o nagalit na ako hindi na sila makakibo.

"I am married, but not with Sherwin. Hindi ba kayo nakikinig sa akin kanina? Sinabi ko na ngang para sa akin eh break na kami, so bakit ninyo naisip na si Sherwin ang asawa ko?" tanong ko at wala namang nakasagot sa kanila.

"Are you guys alright?" tanong ni Albert na lumabas galing kusina. Tapos ay lumapit siya sa akin at umupo sa katabi ko. "I heard you shouting, is everything alright?"

"Albert Fralanciana?"

"Kurt Fortaleza?"

"Magkakilala kayo?" takang tanong ko.

"Everyone in the business world knows Albert. But I know him since college, he is one of my classmates. Paano kayo nagkakilalang dalawa?"

"He is my husband."

"She is my wife."

Sabay na sabi namin ni Albert.

"What? How?" naguguluhang tanong ni Kuya Kurt.

"It's a long story." sagot ni Albert na ipinagpapasalamat ko. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanaga ang sitwasyon namin.

"But to make the short, I met him the day I found out about Sherwin and Rina's relationship. Then after two days we got married. As for the other details, can we talk about it some other time. Hindi pa kasi ako handa ikwento lahat." paliwanag ko. "And can you keep our marriage a secret? Hindi ako makakapaghiganti kung malalaman agad ng dalawang 'yon na asawa ko si Albert."

"If that's what you like. But how about sila Mama, our parents? Our grandparents? Our cousins? Our entire family? Hindi din ba nila pwedeng malaman? You know that they don't like those two, so I'm pretty sure that they won't tell it to anybody." si Kuya Kurt ulit.

"Alam n'yo na naman eh, so there's no reason not to tell them. I just don't know when and how to tell them."

"Well, next week birthday ni Mama, and she wants a simple celebration. Just a family dinner. Why don't you take Albert with you." suggestion ni Kuya Kurt.

"That's a good idea. Pero paano ko sasabihin?"

"Don't worry. I'll be the one to talk to them." sabi naman ni Albert.

"Okay." pagsang-ayon ko. Napatingin ako sa iba pa naming kaharap. "Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit bigla kayo natahimik?"

"Don't mind them. Hindi lang sila makapaniwala na brother-in-law nila ang isa sa hinahangaan nila. I can't blame them, your husband is a very successful young businessman kaya hindi na kataka-taka na marami ang humahanga sa kanya. Kahit ako humahanga rin sa galing n'ya sa business, ang kaibahan ko lang sa apat na ito eh matagal ko nang nakakasama at nakakausap itong si Albert." mahabang paliwanag ni Kuya Kurt.

"Anyway, welcome to our family." masayang wika ni Kuya Kurt at nakipagkamay kay Albert.

Ginaya naman ng iba pa naming kapatid, na noon lang yata natauhan, ang ginawa ni Kuya Kurt. They welcome and shake hands with Albert.

~sweetbabyrsmwx~

Next chapter