D4. Judgment
SUMUNOD NAMAN SA'KIN ang dalawa. Ewan ko nga ba at bakit pa sila sumusunod eh di naman sila kasali sa anyaya ko.
Di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad para makapunta na sa destinasyon.
Nagtatangka rin silang kumausap sa'kin pero dahil wala ako sa mood, naramdaman nila iyon. I took a glimpse of them and sa di inaasahang pagkakataon, nakatingin parin sakin si Lourd at si Cris naman ay nakatingin sa highway na may nagdadaanang mga sasakyan. Dahil nahuli ako, umiwas ako agad at namula. Di nakayanan ang dark expression ni Lourd sa akin. Para siyang galit pero di ko nga alam kung ba't pa ko kinikilig. Ang gwapo kasi at nakaka-macho sa kanya ang ganung awra.
NAKARATING AKO sa wakas sa shop!
Nakita ko ang dalawang babae na masayang naguusap at may straw ng milktea pa sa bibig. Nanglalaiti akong lumapit sa pintuan pero bago yun, humarap ako sa dalawang lalaki at nagsalita. "Puntahan niyo na kung saan kayo dapat pumunta. Dito nalang ako, salamat sa paghatid." ngumiti ako at tumalikod.
"Teka!" Si Cris.
"Huh?"
"Sinong nagsabi na hinahatid kita? Dito rin naman ang pupuntahan ko nu! Wag kang assuming." Jusmiyo! Siya pa ang umunang naglakad at nilampasan ako.
Tumingin naman ako kay Lourd at tinaasan siya ng kilay. "Eh ikaw?"
"Dito rin." Nahihiya siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Sa view na iyon, bigla akong namula. Ang cute at gwapo niya kasing tignan. Mas na define pa ang jaw line niya.
"Ahh at bakit?" Ako.
"Kakasabi ko nga diba? Na doon ako kung saan ang bebe ko."
"Eww bebe ka dyan!" Umirap ako at pumasok nalang para makatakas sa mata niyang naghihintay na kiligin ako. At tama nga siya! Kinilig na si me. Kanina pa'ko namumula dito sa kaiisip sa gwapo niyang mukha yays! HAHAHA.
"Luh si mare nandito na!" Narinig kong sabi ni Justine.
"Dora! Dito!" Tawag pansin sakin ni Marie.
Lumapit namn ako at hinayaan si Lourd na nakasunod sa likod ko. Ay kahit gusto ko na siyang paalisin, alam ko namang di ko magagawa yun.
Hinanap naman ng mga mata ko kung saan nakapwesto si Cris, at nakita ko siya doon sa di kalayuan ng lamesa namin. Nakatingin sa'kin.
"Luh? Ba't nandito si Lourd?" Tumayo si Justine at ito ang binulong sa'kin.
"Ewan ko diyan. Sunod ng sunod sakin."
"Wow! Eh di sanaol." May narinig akong sarcasm sa boses ni Marie. Narinig niya ang sinabi ko nung tumayo siya at lumapit sa'kin.
I look at her with my judgment eyes. I smell something's off. And before I forgot, crush rin niya pala 'to! Kaya di mapagkakailang nagseselos siya. Ba't di ko naisip agad?
Hinayaan ko nalang at nagkunwaring di narinig ang sinabi niya. Umupo ako ganun rin si Lourd sa katabi kong silya, kasabay ang dalawa kong mga kaibigan bago nila ako kinukulit.