webnovel

Chapter 4 "sana all, may kadate"

Nandito na ako sa downtown at tinext ko siya.

ako: bhozz, nandito na ako.

gf: wait lang palabas pa ako nang campus.

ako: dala ko kotse ni sir oara sosyal.

gf: hala, ulupong nahihiya na ako.

ako: chillax ako lang to.

gf: mag commute na lang tayo.

ako: wag na sayang, pinag gas ko na to. (wala naman. fulltank to palage ehh)

gf: ok. coming.

ilang sandali lang ang hinintay ko, at dumating na siya. Ang aking magandang dilag.

"hello magandang binibini." ngi-ngiti ngiti akong bumati sa kanya at akmang babatiin siya nang halik.

" No, baka may makakita satin " awat niya, sabay harang nang kamay niya sa nguso ko. Sayang malapit na yun. Sabi ko sa isip ko.

"sakay na." pimagbuksan ko siya nang pinto.

Alangan naman siyang pumasok.

Sa loob nang sasakyan hinalikan ko siya. Di pedeng hindi. haha.

" anong oras ba first sub mo this afternoon?" tanong ko.

"3pm pa, walang first subject"

" ako unlimited oras ko."

" weee?? loko loko."

"oo nga, seaside tayo?"

"ikaw bahala." may ngiti niyang sagot.

Nagbabyahe na kami papuntang seaside. Isang restaurant na bago dito samin. Nag byahe kami nang mga 20 mins papunta, at malapit na lang sa bahay namin sa downtown.

Nagkekwentuhan kami habang hinihintay yung order. Ako naka pang office uniform habang siya ay naka school uniform. Palda at blouse. Habang kumakain kami tumunog yung cellphone ko.

"sino yan bhozz?" tanung niya.

May tumawag and di ko pdeng hindi sagutin, si Jullie Ann Nicole Chua kasi.

"tumawag si boss, sagutin ko lang saglit." dalidali akong nag lakad, iniwan ko muna yung gf ko sa restaurant, naglakad ako papuntang kotse, pumasok sa loob at sinagot ang cellphone.

"o bat napatawag ka?" tanong ko sa kanya.

"wala, busy ka ba?" sagot niya naman.

"oo, busy ako. kadate ko yung gf ko." diritso kong sagot sa kanya. Ewan ko ba, di magawang magsinungaling sa kanya, pero sa mismong gf ko di ko maamin amin yung totoo.

"SANA ALL MAY KA DATE." yun lang at pinatay niya na yung tawag. Takte, bat parang guilty ako na parang takot akong magalit siya? ano ba?? Kinakain niya na talaga ang buo kong sistema.

ตอนถัดไป