webnovel

Chapter 17

Gabriel's Pov

Anak ng putakte naman oh, hindi pa kami kinakasal mukhang hihiwalayan na ako ni Ella. Bwisit na babae to, hindi ba makaintindi ng ayoko sa kanya. Ilang beses nya na ako niloko tapos ngayon parang wala lang? Kung sino sino na din ang lalaking nakarelasyon nya tapos ganun na lang? Nagulat ako ng sampalin ng malakas ni Ella si Stacey. Akala ko ako ang sasampalin.

"Sweetie..." malumanay kong sabi.

"Ganyan ka na ba kadesperada para ipagsiksikan mo ang sarili mo sa lalaking ayaw naman sayo? Wala ka na bang respeto sa sarili mo?" galit na tanong ni Ella. Hala ganito pala magalit ang Sweetie ko.

"Wala kang pakialam." sabi pa ni Stacey.

"Wala? Eh mapapangasawa ko yang nilalandi mo!" sigaw ni Ella. Dumating naman sina mama at Seb.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni mama.

"Kasi ma, nakita ko tong Stacey na to na hinahalikan si Gabriel. Tapos sasabihin nya sakin wala akong pakialam? Tama ba yun?" sumbong ni Ella. Napangiti naman ako. Palagay na ang loob ni Ella kay mama.

"Aba ganyan ka na ba talagang babae ka? Hindi rin ako makakapayag na ikaw ang makarelasyon ng anak ko!" galit na sabi ni mama.

"As if i care. Kami lang naman ni Gabriel ang magsasama at wala kayong pakialam." nakangisi pang sabi ni Stacey.

"At sa tingin mo babalikan kita? Lalo pa na ganyan ang pinapakita mo sa pamilya ko? Hindi ganyan ang ugali na magugustuhan ko." sabi ko. Mabuti na lang pala at hiniwalayan ko ang babae na ito. Ang sama ng ugali.

"Sa ayaw at sa gusto mo makakasal tayo! May kasunduan ang lolo mo at ang daddy ko!" sigaw ni Stacey.

"What!" sabay sabay na sigaw namin.

"Yes, may kasunduan kami ng ama nya na ipapakasal ko siya sa apo ko." sabi ni lolo na kakalabas lang ng library.

"Wala akong pakialam kung may kasunduan kayo. Hindi ako magpapakasal sa babaeng yan. Mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa makasama ang babae na yan. Kaya pwede ba lolo tigilan nyo na at magkakaanak na ako." sabi ko.

"Don Alfonso, hindi ako makakapayag na makasal ang anak ko sa taong hindi nya gusto. Kahit anong mangyari pipigilan ko ang kasal na sinasabi nyo." sabi ni mama.

"Alam nyo naman na simula na mamatay ang si Dahlia ay napabayaan ko na ang lahat. Naisangla ko ang ari arian ko sa ama nya. Ang masakit ay kasama ang pinakamamahal ni Dahlia na bahay at ang kanyang hardin. Hindi ko ito kayang mawala." sabi ni lolo. Alam ko naman na sobrang magdalamhati ito nung mamatay ang lola Dahlia namin.

"Magkano ba ang kailangan para matubos ito?" tanong ni mama.

"Si Gabriel, ang pagpapakasal ni Stacey kay Gabriel. Yan ang kailangan." sabi ni lolo.

"Sinabi ko na sa inyo Don Alfonso, hindi ko hahayaang masira ang buhay ng anak ko pati na ang magiging apo ko. Wala na akong pakialam sa bahay nyo o sa hardin ni mama. Ang importante sa akin ang anak ni Gabriel." sabi ni papa.

"Darating na ang ama ni Stacey mamaya. Pwede bang saka na natin pag usapan ito. Kung aatras sila o ipagbebenta na lang bahay." sabi ni lolo.

Inalalayan kong makaupo si Ella sa couch at tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya. Alam kong nag aalala na siya. Gustuhin ko man na paakyatin na lang siya sa kwarto ay ayaw nya. Hinintay namin ang ama ni Stacey. Gusto ko din naman tulungan ang lolo ko na makuha ulit ang bahay na iyon pero hindi sa paraan na pagpapakasal kay Stacey.

Tumawag ang kaibigan ni Ella na si Jordan. Tumayo ito at sinagot ang tawag. Umakyat ito sa kwarto namin para gumamit ng laptop. Hindi naman nagtagal ay dumating ang ama ni Stacey. Umupo ito at nagsimula ang aming pag uusap.

"Mr. Gomez hindi ba pwede na bilihin na lang namin ang bahay ni Don Alfonso?" tanong ni papa.

"Gusto ko kasing makasal na ang anak ko. At si Gabriel ang napili nya." sabi ni Mr. Gomez.

"Mr. Gomez, hindi po ako makakapayag sa kasunduan nyo na makasal sa anak nyo. Ikakasal na ako at magkakaanak." paliwanag ko.

"Ano? Hindi naman ata nasabi ni Stacey at Don Alfonso sakin yan." pagtataka ni Mr. Gomez.

"Ngayon lang namin nalaman." sabi ni lolo.

"Stacey anak, magkakaanak na pala si Gabriel. Hindi maganda na pilitin mo pa ang gusto mo." sabi ni Mr. Gomez sa anak nya.

"Pero si Gabriel ang gusto ko!" sigaw ni Stacey. Umiling iling ako. Bakit ba ganito ang babaeng ito.

"Gabriel....." malumanay na tawag sakin ni Ella.

"Bakit sweetie?" tanong ko. Habang inaalalayan si Ella makaupo sa tabi ko.

"Pwede bang pumunta sina Alex at Jordan dito? May pag uusapan lang kaming importante." bulong sakin ni Ella.

"Oo naman sweetie." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Siya ba Gabriel?" tanong ni Mr. Gomez. Nakalimutan ko na nag uusap pala kami.

"Mr. Gomez pasensya na pero hindi ko mapapakasalan ang anak nyo kasi mahal ko ang babaeng katabi ko. At isa pa dinadala nya ang anak namin. Kaya pwede po ba na tigilan nyo na ako kasi hindi ko iiwan ang babaeng mahal ko." sabi ko kay Mr. Gomez. Napansin ko na titig na titig siya kay Ella.

"Iha, ilang taon ka na?" tanong ni Mr. Gomez kay Ella. Tumingin sakin si Ella na sobrang nagtataka. Tumango lang ako, hudyat na pwede nyang sagutin si Mr. Gomez.

"26 po. Bakit po?" sagot ni Ella.

"26 ka na? Anong buong pangalan mo iha?" tanong ulit ni Mr. Gomez.

"Isabella Garcia po." sagot naman ni Sweetie. Nakakapagtaka lang kasi nanlaki ang mga mata nya.

"May kilala ka bang Bella Garcia?" tanong ni Mr. Gomez.

"Ah ang pagkakaalam ko po eh may  tita akong Bella Garcia. Kaso namatay po siya nuong baby pa lang ako." sagot ni Ella. Pinagkatitigan ni Mr. Gomez si Ella.

"Kamukhang kamukha mo siya." sabi ni Mr. Gomez.

"Po? Kilala nyo ang tita ko? Mabuti pa po kayo nakita nyo si tita. Itinago po kasi ng papa ang lahat ng litrato ni tita Bella." sabi ni Ella.

"Dad! Makikipagkwentuhan ka na lang ba diyan? Ano na? Gusto kong makasal kami ni Gabriel!" sigaw ni Stacey.

"Tumahimik ka! Lahat sinunod at ibinigay ko sayo. Pero sa pagkakataong ito hindi kita mapapayagan na may masirang buhay ng dahil sa kagustuhan mo. Magkakaanak na sila kaya tumigil na!" sigaw ni Mr. Gomez kay Stacey.

Nagulat kami sa pagsigaw ni Mr. Gomez na iyon. Nagdadadabog na umalis si Stacey. Hindi agad sinundan ni Mr. Gomez si Stacey.

"Sige magpapaalam na ako. Pag usapan natin sa susunod ang tungkol sa lupa nyo Don Alfonso. Asahan mo din Gabriel na hindi ka na namin guguluhin sa pagpapakasal kay Stacey." sabi ni Mr. Gomez.

"Maraming salamat Mr. Gomez. Hayaan mo makakabawi din kami sayo balang araw." sabi ni papa.

"Actually meron na akong naisip kaso pagbalik ko na lang. Gusto ko lang malaman kung pwede pa ba akong dumalaw dito? Pwede ko bang mahingi ang number mo Gabriel." sabi ni Mr. Gomez.

"Welcome ka ho dito. Eto po ang calling card ko. Salamat po sa pang uunawa." sabi ko kay Mr. Gomez sabay abot ng calling card ko. Mabuti na lang at mabait pala si Mr. Gomez.

Umalis si Mr. Gomez kasabay si lolo. Salamat naman at naging maganda ang kinalabasan. Sana lang ay huwag nang manggulo si Stacey.

Makalipas ang dalawang oras, dumating ang mga kaibigan ni Ella. Nandun sila sa pool at nag uusap tungkol sa pag uwi ng Baler para sa birthday ng kuya nya. Pumayag naman ako kaso may gusto muna akong gawin bago siya pumunta dun.

"Kuya eto na ang pinabibigay ni Tony. Pirmahan nyo na lang at siya na daw bahala." sabi ni Joseph na kakarating lang kasabay si Migs.

"Bakit ka ba nagmamadali kuya?" tanong ni Migs.

"Sa dami ng nangyayari, gusto ko na magkaroon ng karapatan kay Ella. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi kami nakakasal." sabi ko.

Tama, nagpadala ako ng papeles para maiparehistro na ang kasal namin. Kahit sa papel muna tapos saka na ang sa simbahan o saang mang gusto ni Ella. Natakot kasi ako kanina na baka iwan ako ni Ella. Ang daming nangyayari. Handa na naman ang lahat pati na ang mga iba pa tulad ng singsing at iba pa.

"Gabriel, aalis na daw sila Alex." sabi ni Ella sakin.

"Ganun ba? O sige papahatid ko na kayo sa driver namin." sabi ko sa kanila.

Lumabas kami at inihatid sa sasakyan sina Alex. Inabutan muna ni mama sila ng mga cupcakes. Ganyan kasi talaga si mama.

"Sige mag iingat kayo." sabi ko.

"Sige boss Gabriel, huwag ka ng mag alala, handa na ang lahat." sabi ni Jordan.

"Nakuha na namin ang kailangan. Malamang magiging masaya siya. Swerte nya sayo." sabi ni Alex. Ngumiti ako sa kanila at pagkatapos ay umalis na ang sasakyan para ihatid sila.

"Ano yung sinasabi nila Gabriel?" tanong ni Ella. Makikita mo dito ang buong pagtataka. Hinalikan ko ito ng mabilis sa labi.

"Tara na pasok na tayo. Magpahinga na kayo ni baby." nakangiting sabi ko.

"Ewan ko sayo. Bahala nga kayo dyan." nagtatampong sabi ni Ella. Maghintay ka lang sweetie. Sana ay matuwa ka sa supresa ko sayo.

Next chapter