webnovel

Chapter 16

Dahil natapos na nila Luke at Andre ang mga laboratory tests, X-rays, at CT scans at nalaman naman nila na walang naging problema ay napapayag din nila si Lucy na huwag na nilang tapusin ang 24 hours na pananatili sa ospital. Nang maiayos na ang lahat ay napagpasiyahan na nilang umuwi at sa bahay na lang magpahinga. Napatili si Valerie ng bigla siyang buhatin ni Luke palabas ng Suite 27.

"Luke, ibaba mo ko, kaya ko namang maglakad!" Sabi ni Valerie pero hindi naman siya pinakinggan ng binata. Nakangiti lang sila Andre, Abi, at ang mag-asawang Damian at Lucy sa nakikita sa dalawa. Nang tuluyan ng makalabas ng kwarto ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Kulang na lang ay magtago sa loob ng damit ni Luke si Valerie lalo at nakikita niya ang mga nanunuksong tingin at ngiti ng mga kasamahan niya sa ospital. Hanggang sa makalabas sila ng ospital ay nakasiksik si Valerie sa dibdib ng binata. Nagulat pa siya ng dahan-dahan na siyang ibaba ni Luke.

"Pa, Ma, I'll drive her home." Paalam ni Luke sa mga magulang. "Hindi na, mag-taxi na lang ako." Sabi naman ng ni Valerie. "Iha, pahatid ka na kay Luke." Sabi naman ni Lucy. "Pero, Tita, kailangan din po niyang magpahinga." Sabi naman ni Valerie. "I'm fine. Sakay na o baka gusto mong buhatin pa kita ulit." Sabi ni Luke na ikinaikot ng mata ng dalaga. Matapos magpaalam sa isa't-isa ay sumakay na sila sa kanya-kanyang sasakyan.

Nasa daan na sila ng biglang tumunog ang phone ni Luke. Kumunot ang noo ng binata ng makitang unknown number ang nakalagay sa screen nito pero kahit ganoon ay pinindot niya pa din ang answer key. Dahil nasa kotse siya ay automatic na nag-connect sa car audio ang kanyang phone.

"Hello?" Sagot ng binata. "Iho, kasama mo ba si Valerie. Tumawag kasi ako kay Abi at iyon ang sabi niya." Nabosesan agad ni Valerie ang ina. "Mom?" Tawag ng dalaga. "Valerie, nakalimutan mo ang phone at wallet mo." Nasampal ni Valerie ang sariling noo. Si Luke naman ay nangiti sa nadinig. "Mom, pwede po bang ipadala n'yo na lang?" Nag-aalinlangan tanong ni Valerie. Wala na siyang balak bumalik ulit ng Baguio dahil mamamatay siya sa inip doon. Alam niyang magtatampo na naman ang kanyang ina pero wala din naman silang magagawa dahil ayaw naman siyang palabasin nito dahil sa sprained ankle niya.

"Hindi ka na babalik dito?" Inihanda na ni Valerie ang sarili sa magiging litanya ng ina. Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy sa pagsasalita si Emma pero hindi siya ang kinausap. "Luke, iho?" Napatingin si Valerie sa screen ng phone ni Luke at biglang kinabahan.

"Yes po, Tita." Sagot naman ni Luke. "Iho, pwede bang ikaw na muna ang mag-alaga sa baby namin?" May lambing na sabi ni Emma. "Mommy!" Tili ni Valerie pero parang walang nadinig si Emma. "Tiyak na kapag siya lang diyan sa Manila ay puro instant na naman ang kakainin niya lalo ngayon na baldado siya." Umikot ang mata ni Valerie sa sinabi ng ina. "Mom, I can take care of myself." Singit ni Valerie pero hindi na naman siya pinansin ng ina. "Alam ko na busy ka sa trabaho pero makikisuyo na ako sa'yo iho." Patuloy sa pagsasalita si Emma. "Yes, Tita, no problem po. Ako na po ang bahala kay Valerie." Sagot ni Luke na nagpatawa kay Emma sa kabilang linya.

"Maraming salamat iho. Nga pala, kamusta na kayo ni Andre?" Pag-iiba ng topic ni Emma. "Okay naman po kami, Tita." Sagot ni Luke. "Mabuti naman. O siya, mag-iingat ka palagi at ikaw na ang bahala kay Valerie. Bye." Yun lang at naputol na ang kabilang linya.

"She's really...aaarrrggghhh." Natawa si Luke sa nakikita sa dalaga. "Hayaan mo na, nag-aalala lang sila sa'yo." Sabi ni Luke. "Don't mind her. I can take care of myself naman. I can cook too so huwag mo na lang pansinin yun mga sinabi ni Mommy." Sabi ni Valerie. "Really? At ano naman ang kaya mo'ng lutuin?" Nakangting tanong ni Luke. "Ahm...egg, hotdog, ham, tocino..." Hindi natapos ni Valerie ang pagsasalita dahil nadinig niya ang pagtawa ng binata.

"Ano'ng nakakatawa ha?" Pagtataray ni Valerie. "You're mom was right. Doktora ka pa naman pero ang mga kinakain mo eh puro masama sa katawan." Sagot ni Luke. Isang irap lang ang sagot ni Valerie.

Nang makarating sila sa harap ng building kung nasaan ang condo ni Valerie ay nagmamadali bumaba si Luke. "Oh,no,no. Don't you dare!" Mabilis na pinindot ni Valerie ang lock ng pinto dahil tiyak niya sa sarili na bubuhatin na naman siya ng binata. Naningkit ang mata ni Luke dahil sa ginawa ng dalaga pero napangiti siya bago pindutin ang kanyang susi. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse bago pa muling i-lock ito ng dalaga.

"Please, kaya ko naman maglakad." Nakiki-usap na salita ni Valerie. Alam niyang siya ang magiging topic ng mga usapan ng mga staffs at tenants ng building lalo at kilala niya halos ang lahat ng mga nakatira dito. Tama na 'yung nangyari sa ospital kanina.

"You sure?" Sunud-sunod ang tango niya sa tanong ng binata dahilan para mangiti ito. Nang tumayo siya ay nakaalalay agad ang binata sa kanya na hinayaan na lang niya dahil sa totoo lang ay masakit pa ang kanyang paa. Pinilit lang niya ang sarili para hindi na siya buhating muli pa ni Luke.

Nakahinga siya ng maluwag ng makarating na sa kanyang unit. May mga nagtatanong na tingin sa mga mata ng kanilang mga nakasalubong pero hindi na siya tinanong ng mga ito pero alam niya na kapag nagkita-kita silang muli ay tiyak na kukulitin siya ng mga ito kung ano ang nangyari at kung sino ang binata.

Nang makapasok sa kanyang unit ay ginaya siya ni Luke sa sofa. Nang maka-upo siya ay nakita niya ang pag-ikot ng mata ng binata sa loob ng kanyang condo.

"Akala ko kapag mga doctors wala nang time mag-ayos sa bahay pero nagkamali ako." Nakangiting baling ni Luke kay Valerie. "Hindi naman lahat. Ako kasi I see to it na maayos ang lahat. Hindi kasi ako makakapagtrabaho kapag magulo ang paligid ko." Tatango-tango lang si Luke. "Anyways, thanks for everything. Hindi naman sa pinagtatabuyan kita pero kailangang mo ding magpahinga." Kumunot ang noo ni Valerie ng hindi siya pinansin ng binata. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kanyang kusina. Binuksan nito ang ref at saka tumingin sa kanya. Ngiti lang ang binalik niya sa binata samantalang iiling-iling na lumapit ito sa kanya.

"Lalabas lang ako. Wait for me." Sabi ni Luke. "Wait!" Pero hindi na ito nadinig ng binata dahil nakalabas na ito sa condo niya.

Napagpasiyahan ni Valerie na habang iniintay ang binata ay maliligo na muna siya para makapagpalit ng damit. Saka na lang siya gagawa ng instant noodles pagbalik ng binata.

Nagpunta si Luke sa grocery para ipamili ang dalaga. May laman naman ang ref nito, yun nga lang puro processed food at in can drinks. Papasakay na siya sa elevator ng may makitang sign. Napangiti siya at bumalik sa lobby para kausapin ang nasa information desk.

Nang makabalik sa condo si Luke ay hindi na hinanap pa ang dalaga dahil nadinig niya ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa CR nito. Nagsimula na siyang maging busy sa kusina. Habang nagluluto ay tinawagan niya si Andre. Hindi ito nakasingit sa pagsasalita niya. Basta ibinilin lang ang mga dapat gawin nito. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang ina. Tuwang-tuwa naman si Lucy sa ibinalita ng anak.

Next chapter