webnovel

Chapter 17: Tampo

VON ZYKE DEL MUNDO'S POV

Kalalabas ko lang sa kwarto ni Nizu. Narito ako sa bahay nila ngayon kasi dito siya naka-confine. Nabungaran ko ang mommy niya na nag-aalalang naghihintay sa 'kin.  Malungkot na malungkot siya at naiiyak na. "Kumusta ang anak ko, Von?" garalgal pa ang boses nito.

"Stable na ang lagay niya, Tita. Kanina lang m-muntik na siyang bawian ng buhay mabuti na lang umabot ako. Ipag-pray na lang po natin na magising na siya as soon as possible." Napatango-tango siya. Nagkaroon ng pag-asa.

"Maraming salamat, Von. 'Wag mo'ng pababayaan ang anak ko, huh?"

"Makakaasa ka, Tita. Lumalaban tayo'ng lahat para sa kaniya pero sana lumaban din si Nizu para sa buhay niya." Kinalma niya ang sarili.

"Mom," napatingin kami sa dumating. Bakas din ang pag-aalala sa mukha.

Agad din naman ito'ng nakalapit sa amin. "How's Nizu?" Nakatatandang kapatid ni Nizu.

" Julius," bulalas ni Tita sa nag-aalalang tinig. Nagkayakapan ang mag-ina.

"Von, ano'ng nangyari, bro? Kumusta ang kapatid ko?" We're closed.

"He's fine, bro. Just, please, keep an eye on him kapag wala ako dito. Kapag inatake ulit siya, hindi na natin alam ang pwedeng mangyari."

"Magdaragdag na lang ako ng mga nurse na titingin sa kaniya." si Julius. "Salamat, bro. Mabuti na lang nandiyan ka."

"Wala lang 'yon. Pa'no mauna na ako, Tita, Julius, may naiwan din kasi ako'ng pasyente sa hospital, eh. "

"Salamat, Von, huh. Dito ka minsan mag-dinner, okay?"

"Sure, Tita."

"Hatid na kita sa labas, bro."

"Tita!" Natigilan kami pare-pareho sa dumating na babae. I think ka-age lang siya ni Luna.

"Ija." Lumapit siya sa mommy ni Nizu at yumakap. She looks worried, too.

Sino kaya siya? Baka kamag-anak?

"Tita, how's Nizu?"

"He's fine now, ija."

Napatingin sa may gawi namin ang babae. Natuon kay Julius ang paningin niya. Lumapit ito at niyakap din si Julius.

"He'll be fine. Don't worry too much," bulong ni Julius. Napatango lang siya at lumapit na ulit kay Tita.

"Halika, ija, samahan na kita sa kaniya."

"Anak, ihatid mo si Von sa labas. Ijo, ingat ka pabalik sa hospital, huh?"

"Opo, Tita."  Nagtuloy na sila sa kwarto ni Nizu.

"Let's go, bro." Sinundan ko na lang siya pababa. Hindi na rin ako nagtanong pa ng kung anu-ano kay Julius.

Pagdating ko sa hospital naglibot lang ako sa mga ward at nagtuloy sa office ko. Kinuha ko ang cellphone sa gown na suot ko at tinawagan si Luna.

Baka nagtatampo na kasi itong kapatid ko na 'to sa akin. Sinagot niya sa pangalawang ring.

"Hi, little sis," bungad ko.

"Bakit kakatawag mo lang sa'kin?" nagtatampo pa niyang tugon.

"Sorry na po kamahalan, eh, kasi naman sobrang busy lang ni Kuya ngayon. How are you?" paliwanag ko.

Tampo pa rin 'to. Tampuhin eh.

"Okay lang walang bago. Ikaw?" napabuntong-hininga ako.

"Busy."

"As expected."

Nagtatampo pa nga.

"Sabi mo uuwi ka? Bakit hindi rin natuloy?" nagtatampo niyang tanong.

"May nangyari kasi little sis eh kaya bumalik ulit ako sa Manila. Sorry, bawi na lang ako sa Christmas." Napabuntong-hininga rin siya.

"Si papa hindi rin makakauwi."

"Nabanggit nga sa 'kin ni mama. ' Wag ka ng magtampo, Luna, bawi na lang kami ni papa sa Christmas."

"Dapat lang."

"Nasa dorm ka ba?" tanong ko. Minsan na lang kasi ito umuuwi sa bahay.

"Umuwi ako kanina."

"Ahhh. Si mama, nasa'n? Si Lola, kumusta?" pag-iiba ko sa usapan. Baka mas magtampo pa eh.

"Si mama nagluluto ng dinner tapos si lola nanonood yata ng news.  Nasa work ka pa ba, Kuya?"

"Yep."

"Kakausapin mo ba sila?"

"Bukas na lang siguro. Honestly, ikaw lang talaga ang gusto ko'ng makausap kasi nga alam ko'ng nagtatampo ka na naman."

"Okay lang naman alam ko'ng busy kayo pareho ni papa."

"Thank you, dear. Miss ka na ni Kuya." pagpapa-cute ko.

"Miss you, too. Teka, may nililigawan ka na ba Kuya Von?"

Lakas magtanong, ah.

"Wala, syempre. Huy, ikaw lakas mo magtanong sa 'kin baka kamo ikaw na ang may boyfriend, huh."

"Syempre wala din." agad niyang sagot.

Defensive.

"Aral muna, okay? Sige na matulog ka na ng maaga. Night, little sis. Ikumusta mo na lang ako kay na mama at Lola."

"Okay. Ingat din. Love you!"

"Love you, too." Naputol na 'yong tawag. Sweet talaga siya. Nakakawala ng pagod.

AZINE'S POV

"Okay, ingat din. Love you!" Nangunot ang noo ko sa narinig. 'Yan lang naabutan ko sa sinumang kausap ni Luna nang sumulpot ako dito sa kwarto niya.

May boyfriend pala siya? Sino naman kaya 'yon?

Pasalampak ako'ng naupo sa bangko'ng nasa harap ng study table niya at nangalumbaba paharap kay Luna.

Hindi niya ba naramdaman na nandito ako?

"Hindi mo ba ako papansinin?" Tiningnan niya ako saglit.

"Ang sama ng mukha mo," asik niya saka ibinaling ang atensyon sa cellphone. Pinagmasdan ko siya sandali.

"May nanliligaw na sa 'yo?" wala'ng gana ko'ng tanong.

"Wala 'no."

"Eh, sino 'yong sinabihan mo ng I love you?" tanong ko ulit. Ibinaba niya na ang cellphone sa side table saka humarap ng maayos sa 'kin.

"Lahat ba dapat sinasabi ko sa 'yo? Tsk! Umalis ka nga dito."

Grabe talaga siya makataboy sa 'kin. Curious lang naman ako eh.

Pinaningkitan ko siya. "Siguro may secret affair ka ano?" Hinagisan niya ako ng unan na lumampas lang naman sa katawan ko.

"Lawak ng imagination mo ah."

Malawak din kasi ang imagination ng writer. Lol!

Natigilan kami nang may kumatok sa pinto. Tumayo si Luna at lumapit sa may pintuan.

Si mama-este mama ni Luna. Napatingin na naman siya sa loob ng kwarto ni Luna na wari ba ay may hinahanap ito.

"Bakit po, 'ma?"

"Sigurado ka ba'ng wala ka talagang kausap dito, anak?" naguguluhang tanong niya.

" Ako po 'yon, Tita." sabat ko. Hindi ako nilingon ni Luna.

"Wala po mama. Hay naku, baka gutom lang po kayo, 'ma. Kakain na po ba tayo?" Saka naman ito natauhan sa sinabi ni Luna.

"Oo nga, ano? Halika na nga sa baba kung anu-ano na ang naiisip ko eh." Sinulyapan ako ng masama ni Luna. Inismiran ko lang siya.

"Maupo ka na, apo," aya nang Lola ni Luna na nakaupo na sa harap ng hapag-kainan.

Ang laki-laki ng bahay nila pero wala sila'ng maid? Ganito ba talaga sa province? Naupo si Luna sa tabi ng Lola niya at kumuha ng pagkain.

"Charan!" si Tita. May hawak siyang bandehado'ng hindi naman kalakihan at ipinapakita kay Luna.

"Ipinagluto kita ng paborito mo'ng kaldereta. Here, tikman mo na dali," tuwang-tuwang sabi nito at iniabot kay Luna.

Kaldereta? Filipino food?

"Thanks, 'ma. Na-miss ko nga ang luto mo." Nagsalin na siya no'n sa pinggan at saka ibinaba ang bandehado sa mesa.

"I know."

"Lola, kumain pa ho kayo."

"Sige, ikaw ang kumain diyan at mukhang namamayat ka na." Pinagmasdan din siya ng mama niya.

"Oo nga bakit para'ng ang payat mo na, anak? May kinakain ka pa ba sa dorm mo? Naubusan ka na ba ng supply do'n?"

"Pumayat po ba talaga ako?" Napatingin din si Luna sa katawan niya at sinuri iyon.

Sa paningin ko payat nga siya pero hindi ko alam kung namayat ba siya kasi hindi ko naman nakita ang dati niyang katawan.

"Oo kaya kumain ka na diyan. Mag-grocery na lang tayo tomorrow para may stock ka sa dorm." Sumang-ayon na lang si Luna at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya nagsalita na naman ang mama niya.

"Kumusta nga pala sina Jedda at Paulo?" Malamang ang mga kaibigan ni Luna ang tinutukoy nito.

"Si Je okay lang naman po while si Paolo naiwan sa dorm pag-alis ko kasi siya na ang naglinis ng kwarto namin."

"Hindi mo siya tinulungan?"

"Nag-presenta po siya eh." Napatango-tango lang si Tita at kumain na. Ilang sandali pa si Luna naman ang nagbukas ng usapan.

"Tumawag nga po pala si Kuya Von sa 'kin kanina."

"Kumusta daw ang Kuya Von mo?" singit ng Lola niya na kagaya ko'ng kanina pa nakikinig lang.

"Okay naman po siya pero nasa work pa din. Kinausap niya ako dahil do'n sa hindi niya pag-uwi." 

"Ang Kuya Von mo talaga napaka-workaholic." si Tita.

I don't know their names yet. Ha-ha!

"Luna, ano pala'ng pangalan ng mama at lola mo?" Hindi ako tiningnan ni Luna at kumakain lang.

"Luna. Huy!" Hindi pa din niya ako pinansin.

"Tinatanong lang naman eh. Tsk."

Hanggang sa matapos na ang dinner nila at si Luna na ang nag-presentang maghugas ng mga pinagkainan.

Wala naman kasi'ng ibang maghuhugas kundi siya. Bakit kasi wala sila'ng maid? Tsk.

Sinundan ko siya sa may kitchen nila. Naglagay muna siya ng apron at saka nagsimulang maghugas.

"Bakit hindi mo na naman ako pinapansin? Bakit hindi mo ako sinagot kanina?" agaran ko'ng tanong.

"Huy! Hindi mo ba talaga ako sasagutin?" Napahinto siya sa paghuhugas at napatingin sa akin.

"Bakit ba?"

"Ang sabi ko bakit hindi mo ako sinasagot kanina? Tinatanong ko kung ano ba ang pangalan ni Tita at ng lola mo."

"Kung sinagot ko ang tanong mo hindi kaya pagkamalan ako'ng nababaliw na nina mama at lola? Ano'ng idadahilan ko, na kausap ko lang ang sarili ko?" Tinarayan niya ako at bumaling na sa hinuhigasan.

Oo nga ano? Hindi ka talaga nag-iisip, Azine.

"Tsk. Eh, di ngayon mo ako sagutin."

"Bakit ba gusto mo'ng malaman?" Tanong niya na hindi manlang ako tiningnan.

"W-Wala. Nagtatanong lang masama na ba 'yon?" Napatawa si Luna.

"Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" Napatigil ulit siya sa pagluluto.

"Bakit ba curious ka sa pamilya ko?  Bakit ba hindi mo na lang asikasuhin ang mga dapat mo'ng gawin para makatawid ka na?" Nagulat ako sa sinabi niya.

Gusto niya na ako'ng umalis? Akala ko...

Napatighim si Luna kaya napatingin ako sa kaniya na naghuhugas na ulit. Para'ng natauhan din yata sa sinabi niya kasi nakita ko pa siya'ng napapikit. Naglaho na lang ako agad.

LUNA'S POV

Napahinto ako sa paghuhugas at tiningnan ang kinatatayuan ni Azine kanina. Naglaho na siya sa tabi ko.

Nasaktan ko na naman ba siya? Hindi ka talaga nag-iisip, Luna. Salita ka kasi nang salita eh.

"Anak. Huy, Luna!" Napatingin ako sa tawag ni mama.

"Mama."

Lumapit siya sa akin. "Ano, nakatulala ka na naman diyan. Are you okay?"

"Yes, 'ma."

"Para'ng hindi ka okay eh. Ako na nga ang tatapos niyan umakyat ka na sa kwarto mo at ng makapagpahinga ka na rin."

"Ako na ho 'ma mata-"

"Sige na ako na lang. Pahinga ka na 'nak." Napatango na lang ako.

"Goodnight, 'ma." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi saka umalis ng kitchen. Dinaanan ko muna ang kwarto ni Lola. Nakabukas ang pinto kaya pumasok na lang ako.

"Lola," tawag ko sa kaniya. Nahanap ko siya na nakaupo sa kaniyang silyon kaya lumapit ako doon. Sandali ko'ng pinagmasdan si lola na naiidlip yata. Yumukod ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Goodnight, lola." Patalikod na ako nang magsalita si lola.

"Apo." Kaya naman napabalik ako ng tingin sa kaniya at bumalik sa tabi niya.

"Lola."

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"

"Dinaanan lang po kita, 'la. Doon na lang po kayo sa kama niyo magpahinga, Lola."

"Sige"

Tinulungan ko siya papunta sa kama niya at pinahiga ko siya doon. Nilagyan ko na rin siya ng kumot at pinahinaan ang aircon pagkatapos.

Naupo ako sa tabi ni Lola. Tiningnan naman ako nito.

"Apo," sabi nito na nakatingin pa rin sa akin.

"Lola."

"Madalang ka ng umuwi dito kaya na-miss kita, apo."

"Na-miss din po kita, Lola. Naging busy lang po ako sa school kaya hindi na ako nakakauwi."

"Gano'n ba? Basta mag-iingat ka do'n, ha?"

"Opo, 'la. Matulog na po kayo maaga pa po kasi tayo bukas."

"Sige. Umakyat ka na rin at magpahinga."

"Opo." Tumayo na ako at inayos ulit ang kumot ni Lola.

"Goodnight po, Lola." Hinalikan ko siya sa pisngi at pinagmasdan sandaling matulog saka ako umalis na. Nagtuloy ako sa kwarto.

Pinagmasdan ko ang silid at wala'ng bakas ni Azine dito.

Nagalit kaya siya sa akin?

Nasulyapan ko ang bulaklak na binigay niya kaya napaupo ako sa may study table ko at pinagmasdan ito. May kakaiba talaga sa bulaklak na ito kasi biglang gumaan na naman ang pakiramdam ko. Dahan-dahan ko'ng inilapit ang kamay ko sa talulot para hawakan ito pero laking gulat ko nang bigla na lang ito'ng tumiklop nang dumampi ang aking daliri. Napangiti ako at pinagmasdan na lang ang bulaklak.

"Azine." Hindi pa nagtatagal naramdaman ko na lang ang pagsulpot ni Azine kaya napatingin ako sa kaniya. Wala siya'ng ekspresyon at nakatingin lang sa akin.

Baka nga galit siya sa akin?

"Bakit?" diretsong tanong niya. Napatayo ako at hinarap siya.

"A-Ano'ng bakit?" Parang bigla ako'ng nailang sa kaniya.

"Hindi ba't tinawag mo ako kani-kanina lang. Bakit?"

Paano niya naman nalaman?

"Ang kapal mo, ha."

"Luna, 'wag mo ako'ng isipin palagi kasi naririnig at nararamdaman kita."

"A-Ano?"

"Tsk. Aalis na ako matulog ka na." Aktong maglalaho na sana ito nang tawagin ko ang pangalan niya kaya napaharap ulit siya sa akin.

"Bakit?"

"So-Sorry."

"Para sa'n?" Wala pa rin siya'ng emosyon.

"Kasi sinabi ko'ng... ang ibig ko'ng sabihin kanina-"

"Matulog ka na at 'wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano." Tinalikuran niya na ako pero nagsalita ulit ako kaya napahinto siya pero hindi na ako binalingan.

"Saan ka p-pupunta?"

"Hahanapin ko lang kung paano ba ako makakaalis agad dito sa lupa," sagot niya na hindi pa rin ako tiningnan. Pagkasabi niya niyon ay naglaho na siya agad.

"Ano ba'ng ginawa mo, Luna?" Nasapo ko na lang ang ulo ko.

Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin kinabukasan. Nag-inat lang ako at saka tumayo para pagbuksan ang nasa pintuan. Si mama na nakabihis na.

"Luna, bakit hindi ka pa nagbibihis? Late na tayo sa first mass."

Nakalimutan ko'ng magsisimba nga pala kami ngayon.

"Maliligo na po ako."

"Take your time, 'nak, sa second mass na lang tayo a-attend."

Pagkaalis ni mama sinara ko na rin ang pinto at nagtuloy na sa banyo. Inaantok pa ako kasi naman late na ako'ng natulog kagabi.

Matapos ko'ng maligo, makapagpalit at makapag-ayos ay bababà na sana ako nang maalala ko ang bulaklak. Kumuha ako ng paper bag at saka lumapit sa bulaklak. Hindi pa rin ito namumukadkad. Dahan-dahan ko ito'ng nilagay sa paper bag saka tuluyang bumaba.

Naratnan ko sina mama sa may salas at halatang hinihintay na lang ako.

"Wala ka na ba'ng nakalimutan, 'nak?"

"Wala na po."

"Okay. Let's go."

Si mama na ang umalalay kay Lola papunta sa kotse. Ilang saglit pa ay nagbabyahe na kami papuntang simbahan.

ST. JOSEPH PARISH CATHOLIC CHURCH, GASAN. Saktong tapos na ang first mass nang dumating kami at nagre-ready naman sila sa second mass. Pumasok na kami sa loob at pumwesto sa unahan.

Ilang saglit pa at nagsimula na rin ang misa. Nag-focus na lang ako at nakinig kay Father. Maya-maya napapikit na lang ako at napatungo.

"'Nak, okay ka lang?"

Napatingin ako kay mama. Tinanguan ko na lang siya at binalik na ang atensyon kay Father.

Honestly, kanina ko pa pinipilit na mag-focus pero hindi ko magawa. Kasi naman may mga multo ako'ng nakikita. May isa ngayon sa likod ko na bumubulong sa akin kanina pa, may nakaluhod sa gitna at mayro'n sa labas na hindi makapasok. Unlucky, mga ghost na ghost talaga ang datingan nila ngayon kaya natatakot ako at hindi makapag-focus.

Tigilan niyo muna ako, please. Patapusin niyo naman muna 'tong misa.

"Luna-" Napapitlag ako sa biglang pagtawag ulit sa akin ni mama. Nangungunot ang noo niya sa akin. Napatingin din ang ilang katabi namin gano'n din si Lola.

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" mahinang tanong ni mama.

"W-Wala po, 'ma. Mama, may kukunin lang po ako sandali sa kotse."

"Sige, bilisan mo lang, huh." Tinanguan ko lang siya at tumayo na para lumabas.

Pagdating ko sa may kotse napahinto ako at hinarap sila. Nakasunod sila sa 'kin. Napapikit pa ako sandali dahil hindi ko talaga kayang tingnan ang mukha nila.

"O-Okay..." Bumuntong-hininga muna ako saka sila tiningnan ulit.

"Pwede ba ako naman ang mag-request sa inyo?"

Napatabon ako ng mukha nang biglang lumapit sa may mukha ko ang isang nakakatakot na multo. "Tulungan mo kami."

"Oo na tutulungan ko kayo pero pwede ba'ng patapusin niyo muna 'tong misa? Nakakahalata na ang mama ko sa akin kaya, please makisama naman kayo. Hindi ko naman kayo tataka-" Nangunot ang noo ko nang bigla na lang sila'ng maglaho.

Mababait naman pala ang mga 'yon, eh. Napangiti ako pero nawala agad 'yon nang matanaw ko si Sky hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Ano'ng ginagawa na naman niya dito?  May susunduin na naman siya? Napailing ako sa isiping 'yon.

"S-Sandali."

Next chapter