webnovel

New Member of Family

Chapter 8 - New Member of Family

Marami ang namangha sa nagawang kahanga-hangang nagawa ni Melissa at ang mabilisang pagangat ng stage ng kanyang Guardian Beast, marami tuloy ang nagtatanong kung anong herb ang pinakain nito sa kanyang beast.

Pati si Grand Elder Matt ay naging interesado rito at tinanong kung ano at saan nakuha ni Melissa ang pambihirang spiritual herb na ginamit nito. Sinagot naman ni Melissa ng totoo ang tanong ni Grand Elder Matt.

Nang malaman ni Grand Elder Matt na kay Tandang Dan nakuha ni Melissa ang herb ay tinanong ni Grand Elder Matt kung mayroon pang ganoong herb si Tandang Dan. Ngunit wala ng reserba si Tandang Dan, ngunit sinabi naman nito na nakuha niya ang herb na iyon ng naglakbay siya sa Deep Blue Sea.

Kahit hindi pa humuhupa tinawag na ng tagapagsalita ang huling kalahok.

"Next, Zeuz Trevor!".

Dumating na nga ang oras kung saan sasabak na si Zeuz sa Awakening. Nang makaakyat siya sa stage ay tila nawalan ng gana ang mga Elders at ang mga miyembro ng clan. Sa isip nila ay iniinsulto na nila si Zeuz.

Nang abutin ni Zeuz ang libro ay ginawa niya rin ang ginawa ng iba, umupo siya ng lotus position, pinilit ang kulay abo niyang mata at pinadaloy ang kanyang soulforce sa libro.

Nakita na lamang ni Zeuz ang kanyang sarili sa madilim na lugar ngunit sa hindi kalayuan natatanaw niya ang malaki na dalawang kulay na liwanag, itim at puti.

Napagtanto ni Zeuz na iyon ang kanyang Guardian Beast kaya katulad ng ginawa ni Melissa lumapit siya dito ngunit kung ang nararamdaman ni Melissa ay kapayapaan, si Zeuz naman ay dalawang pakiramdam tila malamig at mainit, kamatayan at buhay at iba pang tila naglalabang pakiramdam. Ngunit sa kabila ng dalawang magkaibang pakiramdam ay nakaayos pa rin ang magkaibang pakiramdam na tila magkasundo ngunit di maaaring maglapit sa isa't isa.

Kinagat rin ni Zeuz ang kanyang daliri at pinatakan niya ng dugo niya ang liwanag.

Nang matapos iyon nabalot ng dalawang kulay ang dimensyon kung nasaan si Zeuz.

Ibang iba ang ang nangyari kay Zeuz. Kung sa iba pagkalabas ng kanilang guardian beast ay magaan sa pakiramdam pero ang kay Zeuz ay tila inubos ang kanyang enerhiya. Matapos ang pangyayari na tila pagod na pagod si Zeuz ay di mapigilan ng iba humagikgik, dahil ang nangyari kay Zeuz ay basehan nila sa pagiging mahina nito. Nangyayari lamang kasi ang bagay na ito kung hindi ganoon kasapat ang soulforce ng isang tao.

Humagalpak lalo sa tawa ang mga miyembro ng makita ang beast sa tuktok ng ulo ni Zeuz.

Ang nilalang ay di lang isa kung hindi dalawa. Ang isa ay tila pagong at ang isa ay parang isang ahas. Ang dalawang nilalang ay napakaliit, ang pagong ay singlaki lang ng palad at ang ahas naman ay singhaba lang ng dalawang magkadugtong na daliri. Ang pagong ay purong itim at ang malalaki nitong mata ay kulay puti at ang ahas naman ay purong puti at ang mata nito ay kulay itim.

"Zeuz Trevor, 9 years old, Innate Ability: Python-Scale Blade, Guardian Beast: Python-Tortoise Beast, Affinity: Unknown/None, 1st-Stage Bronze-Rank Beast, Potential of E-Grade".

Ang mga nakarinig nito ay talaga namang hindi mapigilang tumawa napakaliit na Guardian Beast, isang 1st-Stage, E-Grade Potential at walang specific affinity.

Ang mga Elders ay walang pakialam sa nangyayari, hindi man naging rogue summoner si Zeuz na hinihiling nila ay alam nila na sa Guardian Beast palang nito ay wala ng talento si Zeuz Trevor.

Kaya sa loob loob nila ay tumatawa sila na tila demonyo.

Doon natapos ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening ng Divine Tortoise Clan. Hindi na nagawang tignan ni Zeuz ang kanyang information sa kanyang Summoning Grimoire dahil sa pagmamadali ng mga tao. Hindi na kailangan ni Zeuz Trevor ang kanyang Divine Tortoise Eyes sa pagtingin ng kanyang information dahil nakalagay na iyon sa kanyang Summoning Grimoire.

Pauwi ngayon si Zeuz kasama si Melissa at Lolo Dan. Pinapalakas ni Melissa ang loob ni Zeuz dahil ang alam niya ay nawalan na ng tiwala sa sarili si Zeuz dahil sa kanyang guardian beast.

Ngunit hindi alam ni Melissa na ayos na ayos lang si Zeuz dahil kahit na ganoon ang kanyang Guardian Beast ay tanggap niya ito. Naging masaya pa nga si Zeuz dahil nakikita ni Zeuz ang kanyang magulang sa kanyang Guardian Beast dahil kamukha ng kanyang guardian beast ang Guardian Beast ng kanyang mga magulang. Ang Black Shadow Tortoise at ang White-scaled Light Python.

Kaya parang ang kanyang Guardian Beast ay alaala na ng kanyang mahal na magulang.

Nang marating ni Zeuz at Munting Squeek ang bahay nila ay binaba ni Zeuz ang kanyang Guardian Beast sa ibabaw ng kanyang kama. Si Munting Squeek naman ay agad bumaba at pinuntahan ang dalawang bagong nilalang.

"Squeek squeek----"

"Hiss hiss---"

"Kru kru----"

Tila naguusap ang tatlong munting nilalang gamit ang tunog na hindi maintindihan ng tao. Ngunit ang sinasabi ng ahas at pagong ay naiintindihan ni Zeuz dahil sa kanilang soul connection.

At dahil nais na ni Zeuz na malaman ang kanyang information. Binuklat ni Zeuz ang kanyang kulay Bronze na libro. Nang buklatin niya ang unang bumungad sa kanya ay ang kanyang information at ang sa pangalawang page ay information ng kanyang Guardian Beast.

------------------

[Name]: Zeuz Trevor

[Clan]: Divine Tortoise Clan

[Age]: 9

[Main Class]: Summoner

[Rank]: Low-Tier Bronze-Rank

[Sub-Class]: None

[Rank]: None

[Innate Ability]: Python-Scale Light Blade (Description: An ability to materialize a Python scale-like blade and use it as weapon)

Divine Tortoise Eyes (Description: Like a Divine, a Divine Tortoise Eyes is an ability to see through the information of certain object, beast and even human)

[Skills]: None

[Guardian Beast]: Python-Tortoise Beast

[Summon Beast]: None

[Available Slot]: 1

---------------------

[Beast Name]: Python-Tortoise Beast

[Affinity]: Unknown

[Ranking]: 1st-Stage Bronze-Rank

[Potential]: E-Grade

[Status]: Incomplete

[Innate Ability]: Unknown

[Description]: Unknown

[Skills]: Unknown

[Rank-Up]: It can't rank-up.

[Note]: Due to the lack of spirit essence and soul essence of the Summoner, beast are incomplete and because the beast has two body the amount of essence need to absorb are doubled.

----------------------

Natuwa si Zeuz sa kanyang nabasa lalo na sa kanyang Innate Ability, dalawa ang kanyang Innate Ability kasama ang nakikita niyang weird na bagay.

Ngunit nag-alala siya sa kanyang guardian beast na halos walang gaanong inpormasyon at ang kasalukuyang kaso nito na kinulang sa essence.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin ng maalala niya ang herb na bigay sa kanya ni Tandang Dan. Naalala niya na ang epekto noon ay mag-gather ng essence.

Kinuha niya ito sa mesa na nasa tabi lamang na kanyang kama at hinati ito sa dalawa upang ibigay sa dalawang nilalang. Kung titignan ang Guardian Beast ni Zeuz ay dalawa talaga ngunit ng subukang niyang tanggalin ang pagkapulupot ng maliit na ahas sa katawan ng pagong ay hindi niya ito matanggal dahil kapag gagalawin niya ito mas lalong humihigpit ang pagkapulupot nito.

Nag-alala naman si Zeuz sa maliit na pagong na baka maipit kaya pinabayaan niya na ito.

Nang kainin ng dalawang maliit na nilalang ang Blue Ocean Turtle Grass ay nagliwanag ang mga ito ng magtagal ay di pa rin nawawala ang liwanag tinignan ni Zeuz gamit ang Divine Tortoise Eyes ang kanyang Guardian Beast.

---------------------

[Beast Name]: Python-Tortoise Beast

[Status]: Evolving...

---------------------

Dahil sa tingin ni Zeuz ay matatagalan pa ang kanyang Guardian Beast sa pagkukumpleto ng form nito ay binilinan niyang bantayan ni Munting Squeek ang mga ito habang siya naman ay nagpunta sa tahanan nila Tandang Dan at Melissa.

Nang makarating siya sa bahay ni Tandang Dan nagkwentuhan su Zeuz at Melissa habang gumagawa ng pills si Tandang Dan. Napagkwentuhan nila ang susunod nilang hakbang ngayong sila ay beast tamer na.

Sinabi ni Melissa na bukas ay magtutungo sila ng kanyang Lolo Dan sa Azura Forest upang magform ng contract para sa kanyang beast para sa kanyang unang summon beast at magaaral siya ng Alchemy kay Tandang Dan.

Inaya ni Melissa si Zeuz sa pagpunta sa gubat para magform din ng contract para sa kanyang first summon beast ngunit tumanggi si Zeuz. Tinanong rin ni Melissa ang magiging plano ni Zeuz sa hinaharap ngunit kibit balikat Lang ang nasagot nito. Dahil talaga namang wala pang plano para sa hinaharap si Zeuz ang tangi niya munang pagtutuonan ng pansin ay ang kanyang Guardian Beast.

Nang malapit ng magdilim tsaka lang umuwi si Zeuz sa kanyang tahanan. Hindi na nagtraining si Zeuz dahil sa marami ang nangyari sa seremonya kanina.

Ang naabutan ni Zeuz sa kanyang bahay ay naging dahilan ng paglaglag ng kanyang pangga dahil ang kanyang bahay ay napakagulo, sira na ng tuluyan ang lamesa at upuan, wasak ang kumot at lampin ng Kama at ang salarin ay si Munting Squeek at ang kanyang maliit na Guardian Beast na ngayon ay nasa 2 feet ang laki ng itim na pagong at 4 feet ang haba ng puting ahas. Nang tignan ni Zeuz  ang kanyang guardian beast sa kanyang Summoning Grimoire ay nagpalaglag Lalo ng kanyang panga.

--------------------

[Beast Name]: Yin Yang Beast

[Affinity]: Dark/Light

[Ranking]: 3rd-Stage Bronze-Rank

[Potential]: A-Grade

[Status]: Healthy, Happy

[Innate Ability]: Yin Yang Domain, Death Stare, Holy Scale

[Description]: Yin Yang Domain (Description: Domain which the area of domain feel that they are between death and life, in short this domain make your mind and soul choatic.)

Death Stare (Description: White means light, but when you stare at the white eyes of the Black Tortoise and this abilty is activated that means your death is coming.)

Holy Scales (Description: This Phython Scales are the most holy things in the world, this scale uses to purify the evil)

[Skills]: Call of Undead, Holy Healing,  Shell-Scale Shield, Flash, Yin Yang Ball

[Mythical Bloodline]: Black Tortoise

[Mythical Beast Description]: Black Tortoise is one of the four major constellation guardian.

----------------------

Hindi alam kung ano ang mararamdaman ni Zeuz kung matutuwa dahil malakas na ang kanyang guardian beast o matatakot dahil sa nakakatakot nitong lakas at skill.

Ang mga maliliit, cute at harmless na nilalang dati ngayon ay mayroon ng pambihirang lakas na tinataglay.

Kaya naman natatakot din lapitan ni Zeuz ang dalawang beast na iisa lang. Ngunit sa gulat ni Zeuz ang kanyang Guardian Beast na ang lumapit sa kanya ng masaya at may binibigkas na salita.

"Papa!"

Dalawang tinig ang kanyang narinig sa kanyang soul sea na parang isang taong gulang na batang lalaki at babae.

Natawa si Zeuz sa binigkas ng kanyang Guardian Beast. Ang alam ng mga ito tatay nila si Zeuz.

Hindi nagtagal masaya ng naglalaro si Zeuz, Munting Squeek at ang Guardian Beast ni Zeuz.

Naisipan rin ni Zeuz na pangalanan niya ang kanyang Guardian Beast.

Pinangalanan niya ang pagong na 'Xiao Yin' na gustong-gusto naman nito at ang ahas naman ay pingalanan niyang 'Xiao Yang' na labis rin nitong ikinatuwa at dinilaan pa ang pisngi ni Zeuz.

Pinangalanan niya ang mga ito ng 'Xiao' na ibig sabihin ay maliit kahit na napakalaki na nitong mga ito. Dahil para kay Zeuz lumaki man ang mga ito ay nagmumuka parin silang maliit sa itsura nilang may naglalakihang mata na halos sakupin ang kanilang mga ulo.

At Lalo pa sa tinawag ng mga munting beast kay Zeuz

Nang matapos ng araw na iyon makahanap nanaman si Zeuz Trevor ng pamilya, kaibigan at isang Guardian Beast.

Hindi Lang isa kundi dalawa.

Ipinapakilala ang bagong miyembro ng pamilya.

Xiao Yin

at

Xiao Yang

Na makakasama ng ating bida sa kanyang paglalakbay niya.

ตอนถัดไป