webnovel

Mutation, Mythical Bloodline

Chapter 6 - Mutation, Mythical Bloodline

Nagpatuloy ang pagtatawag sa mga lalahok sa Summoner and Guardian Beast Awakening. Ang mga nauna ay mga ordinaryong miyembro ng Divine Tortoise Clan. Lahat naman ay nagkaroon ng Summoning Grimoire ngunit ang mga guardian beast nila ay nasa 1st stage lamang katulad ng Raindrop Tortoise, Rock-shelled Tortoise, Tortoise Shelled-back Cat at iba pang tortoise-type  mayroon din namang isang batang babae ang guardian beast niya ay 2nd-Stage  Swamp Tortoise. Mayroon ding ilang hindi pinalad na magkaroon ng tortoise-type beast at dahil sila ay ordinaryong miyembro lang hindi sila nakasailalim sa tinatawag mutation. Kaya ang mga ito ay nauwi sa pagiging rogue summoner, pero sinamahan rin naman sila ng kanilang mga magulang.

Mahirap mang isipin iyon ngunit ganoon ang patakaran.

"Ang susunod nating awakener na sasailalim sa awakening ay walang iba kundi si, Azi Trevor".

Ang susunod na aakyat sa stage ay ang isa sa kaibigan ni Matteo, Azi Trevor, bunsong anak ni Second Elder Mawi Trevor.

Katulad ng ginawa ni Matteo at mga natapos ng mga awakener pinadaloy rin ni Azi ang kanyang soulforce sa ordinaryong libro. Lumipas ang ilang minuto nabalot ng kulay lupang enerhiya ang lumabas sa kanyang katawan at dumaloy rin sa libro nagtagal nabuo ang guardian beast ni Azi.

Ang Guardian Beast ni Azi ay isang lion na may buntot ng isang alakdan. Ang beast na ito ay Wala kahit na anong anyong mahahalintulad sa Tortoise at maging sa pangalan nito.

Nang makita ito ng mga tao ay pigil ang kanilang hininga dahil sa kaba. Ang kanilang isip ay puno ng katanungan.

'Ang anak ng Elder ay hindi tortoise-type ang guardian beast, anong mangyayari sa kanya?'

'Magiging rogue summoner ba ang anak ng second elder?'

Ilan lamang yan sa katanungan ng mga tao.

"Azi Trevor, 9 years old, Innate Ability: Scorpion Poison Sting, Guardian Beast: Scorpion-tailed Lion, Affinity: Poison, 3rd-Stage Bronze-Rank Beast, Potential of B-Grade".

Anunsyo ng tagapagsalita na nasa itaas ng stage maski siya ay gulat rin sa naging resulta hindi siya makapaniwala.

Maging si Second Elder Mawi ay gulat at kinakabahan dahil sa naging resulta hindi niya alam ang kanyang sasabihin.

Makikita naman sa mukha ng ibang Elder maging ang Grand Elder ang pagkadismaya.

Samantala si Zeuz naman ay nakatingin sa lumabas na mga information ni Azi Trevor at Guardian Beast gamit ang Divine Tortoise Eyes.

-------------------

[Name]: Azi Trevor

[Clan]: Divine Tortoise Clan

[Age]: 9

[Main Class]: Summoner

[Rank]: Low-Tier Bronze-Rank

[Sub-Class]: None

[Rank]: None

[Innate Ability]: Scorpion Poison Sting (An ability to materialize a scorpion tail-like thing on the back of the owner and able to inject poison using the tail like thing)

[Skills]: None

[Guardian Beast]: Scorpion-tailed Lion

[Summon Beast]: None

[Available Slot]: 1

---------------------

[Beast Name]: Scorpion-tailed Lion

[Affinity]: Poison

[Ranking]: 3rd-Stage Bronze-Rank

[Potential]: B-Grade

[Status]: Healthy

[Innate Ability]: Poison Stinger

[Description]: An ability of almost all scorpion-type beast to be able to inject poison using their tail

[Skills]: Poisonous Body, Poison Breath, Poison Claw

-------------------

Kung tutuusin ang Beast ni Azi ay napakagandang uri ng beast at may potensyal na lumalakas. Ngunit ang beast na meron siya ay hindi nabibilang sa Tortoise-type at wala ni isang parte ng katawan nito ang mahahalintulad sa Tortoise. Kaya talagang mababakas sa mukha ng Elder ang pagkadismaya samantalang si Elder Mawi naman ay nababahala.

"Mayroon bang magaganap na mutation o Wala?" tanong ni Grand Elder Matt habang nakatingin kay Second Elder Mawi.

"M-Meron po, Grand Elder Matt" kinakabahang tugon ni Second Elder Mawi

Ang mutation ay paginject ng genes ng beast sa isa buhay na beast para makabuo ng panibagong beast.

Agad pinakuha ni Second Elder Mawi sa kanyang tauhan ang bone essence na nirefine pa ng magaling na Alchemist na galing pa sa buto ng isang Island-back Tortoise. Ang maaaring pagsailalim sa mutation ay bone essence, blood essence, at heart essence na irerefine ng Alchemist na galing sa mga buto, dugo at puso ng beast .

Nang makarating ang tagasilbi ni Second Elder Mawi agad na inabot kay Azi ang boteng may lamang kulay puting likido. Agad namang lumapit si Azi sa kanyang guardian beast at ipinainom ito. Sa una ay parang ayaw ng Guardian Beast ang pinapainom sa kanya ngunit ng makita niya ang mata ng kanyang master na tila nagmamakaawa ay ininom din niya ito.

Lumiwanag ang Scorpion-tailed Lion ng kulay lupa at berde. Nang mawala ang liwanag lumitaw ang bagong itsura ng guardian beast, ito parin ay may mukha at katawan ng lion at buntot ng scorpion. Ang nagbago lang dito ay ang likuran ng nilalang na ito ay may tila shell ng pagong. Tinignan ni Zeuz ang inpormasyon ng bagong beast na nasa itaas ng stage.

-----------------

[Beast Name]: Tortoise-back Scorpion-tailed Lion

[Affinity]: Poison/Earth

[Ranking]: 3rd-Stage Bronze-Rank

[Potential]: C-Grade

[Status]: Anxious

[Innate Ability]: Poison Stinger (An ability of almost all scorpion-type beast to be able to inject poison using their tail.)

[Skills]: Earth Shell Defense, Poison Breath, Poison Claw

[Mythical Bloodline]: Tarasque

[Bloodline Description]: Tarasque is a mythical creature with a head and body of lion, tortoise/turtle shell back and scorpion tail.

----------------------

May napalitan sa inpormasyon ng Guardian Beast ni Azi. Marami sa clan members ang namamangha dahil mukang mas naging malakas ang Guardian Beast ni Azi maging si Melissa ay nakakaramdam din ng pagkamangha. Ngunit taliwas ang nararamdaman ni Zeuz sa mga nararamdaman ng mga miyembro ng Divine Tortoise Clan.  Siya ay nakakaramdam ng pagkadismaya, oo at lumakas ang beast dahil maaari siyang maging attacker at defense dahil sa bago nitong skill ngunit ang nakakadismaya kay Zeuz ay nabawasan ang potensyal ng Beast dahil sa Mutation. At sa status ng guardian beast ni Azi ay nakalagay ang 'Anxious' at dahil doon mas nadismaya si Zeuz dahil halatang hindi gusto ng beast ang nangyari sa kanyang itsura.

Ngunit ang nakaagaw ng pansin ni Zeuz ay ang extra information na mythical bloodline. Sa mga nakaraang beast ay wala ang inpormasyon na ito at dahil nga walang mythical bloodline ang mga beast ng mga naunang awakener. Base sa kaalaman ni Zeuz ang Tarasque ay uri ng beast, hindi lang basta beast ngunit isang mythical beast,  ang mythical beast ay bihirang makita sa Primal Beast Continent at kung meron man ay baka ito ay guardian spirit katulad ng phoenix, griffin, Cerberus at iba pa. At nakupirma niya ang kanyang kaalamam tungkol sa Tarasque ay totoo ng mabasa niya ang inpormasyon sa dulo ng screen.

Ang mythical bloodline ay malaki ang natutulong sa beast dahil kapag ang beast ay may mythical bloodline ay nagkakaroon ito ng kakaibang lakas.

Kaya napawi rin ang pagkadismaya ni Zeuz dahil sa nabas. Swerte parin talaga si Azi na maganda ang kinalabasan ng kanyang Guardian Beast. Sa iba ay parang naging normal nalang ang beast nila ay ayos lamang sa kanila basta hindi mapa-alis sa clan na kanilang kinabibilangan.

---------------

Sa ibang bahagi ng Primal Beast Continent, sa iba't ibang clan may nangyari ring kamangha-mangha dahil may mga beast din na mayroong Mythical Bloodline ang namataan sa pagsagawa nila ng Summoner and Guardian Beast Awakening.

Sa Vermillion Bird Clan, isa sa pitong noble clan ng Primal Beast Continent.

May makikitang isang babaeng may pulang buhok at mata ang nakatayo sa taas ng stage ng kanilang Clan Hall, sa tabi ng batang babae ay isang malaking nagaapoy na ibon. Ito ay isang [Vermillion Fire Bird]. Ang ibon na iyon ay may mythical bloodline na [Phoenix].

[Bloodline Description]: Phoenix is a mythical beast, once a golden bird, at the end of it's life, it burst into flames only to be reborn again.

Sa Soaring Eagle Clan, isa sa dalawang Royal Clan ng Kontinente.

Makikita ang batang lalaking may kasamang dambuhalang nilalang ang nilalang ay may katawang mahahalintulad sa agila at lion, ang harap na itsura nito ay agila at ang likod ay lion. Ito ay isang [Eagle-front Lion-back Beast] isa ring mythical bloodline at ang isang ito ay tinatawag na [Griffin].

[Bloodline Description]: Griffin is a creature with a body and tail of lion and head and wings of an eagle.

Sa Demonic Serpent Clan, isa ring Noble Clan.

May isang lalaki ang naktungtong sa ulo ng higanteng nilalang na parang ahas ang nilalang na ito ay ang kanyang Guardian Beast, isang [Demon Eye Serpent]. Ang kanyang guardian beast ay isang Mythical Beast na [Basilisk].

[Bloodline Description]: A legendary serpent who could kill a man with it's stare.

Sa Moon Wolf Clan, isang Noble Clan.

Isang lalaki ang nakaupo sa tila lobo na may tatlong ulo, isa itong [Three-Headed Black Wolf]. Ang nilalang na ito ay mabibilang sa Mythical Beast na [Cerberus]

[Mythical Beast Description]: Cerberus is a three-headed dog that guards the entrance to Hades, God of Underworld.

Maraming mythical beast na nagising sa araw ng Annual Beast Awakening at mayroon pang kamangha-manghang magpapakita.

Sa Vicious Tiger Clan, Isa sa noble clan.

Isa ring lalaking ang matatagpuang hinahaplos ang isang puting tigre, ang tigreng iyon ay kanyang guardian beast at may mythical bloodline rin. Ang beast na iyon ay isang [White Sabertooth Tiger] at ito ay may bloodline na [White Tiger]

[Bloodline Description]:White Tiger is one of four major constellation guardian.

Sa Multi-tailed Fox Clan, Isa pang noble clan.

Makikita ang babaeng may kasamang puting fox na may siyam na buntot ang beast na iyon ay isang [Nine-Tailed White Fox] may mythical bloodline na [Kumiho].

[Bloodline Description]: Kumiho is a nine-tailed spirit fox.

Sa Primate Rage Clan, Isa na aristocrat clan.

Isang babae ang makikitang nakatayo katapi ng isang beast, ito ay ang kanyang guardian beast. Ang kanyang Guardian Beast ay isang [Magic Warrior Monkey] ang beast na ito ay may mythical bloodline rin at ito ay tinatawag na [Sun Wukong].

[Bloodline Description]: Sun Wukong is a legendary magician and warrior monkey/ape.

ตอนถัดไป