webnovel

Annual Summoner and Guardian Beast Awakening

Chapter 5 - Annual Summoner and Guardian Beast Awakening

Isang linggo na ang nakalipas mula ng kaarawan ni Zeuz. Pagkatapos ibigay ni Tandang Dan at Melissa ang regalo nila kay Zeuz, inaya sila ni Zeuz na kumain sa kainan pumayag si Melissa ngunit si Tandang Dan ay hindi na sumama. Naging masaya ang araw na iyon para kina Zeuz at Melissa ngunit ang mas masaya ay si Munting Squeek dahil sa araw na iyon madami siyang nakain, natawa lamang naman si Melissa sa ipinapakitang katakawan ni Munting Squeek. Hindi natakot o nandiri si Melissa ng makita at makasama nilang kumain si Munting Squeek dahil katulad ni Zeuz malapit na rin si Melissa sa munting dagang nilalang na si Munting Squeek.

Sa loob ng pitong araw na iyon ay pare-pareho lang ang ginagawa niya. Siya ay palaging gigising ng madaling araw upang umakyat sa burol at papanoorin ang pagsikat ng araw. Pagkatapos niyang panoorin ang araw siya ay bababa at magtutungo sa kanyang tahanan, sasalubungin naman siya ni Munting Squeek at sabay silang kakain. Pagkatapos ayusin ang kanyang sarili agad na siyang magtutungo sa bahay ni Tandang Dan, para tumulong sa ginagawa nito at tuturuan silang dalawa ni Melissa ng kaalaman sa Alchemy ni Tandang Dan. At sa hapon naman muli siyang aakyat sa burol kasama ni Munting Squeek upang mag-training. Ang training ni Zeuz nitong nakaraang araw ay mas mabusisi at mahirap kumpara sa dating araw araw niyang training.

Isang linggo na rin mula ng gamitin ni Zeuz Trevor ang Body Conditioning Pill na iniregalo ni Melissa sa kanyang kaarawan. Ang pill na iyon ang malaki ang naitulong sa pagbabago ng pangangatawan ni Zeuz.

Malaki ang nagbago sa katawan ni Zeuz. Ang dating payat niyang pangangatawan ay nagkaroon na ng laman o muscle kaya mas kapansin pansin na ang gwapo nitong mukha. Hindi na siya yung tila batang maysakit dahil sa kanyang kapayatan. Napansin rin ni Zeuz na ang kanyang gana sa pagkain ay lumakas kaya nagrereklamo si Munting Squeek dahil parang mawawalan siya ng pagkain kapag sabay silang kumakain.

Sa araw na ito natapos na ni Zeuz ang kanyang pang-araw-araw na gawain. Ngayon makikita si Zeuz na paakyat muli ng burol kasama si Munting Squeek na nasa kanyang bag sa likuran.

Ito ang huling hapon ng pagtre-training ni Zeuz bago ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening. Tama, ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening gaganapin na bukas. Kaya mas lalong hinhanda ni Zeuz ang kanyang pangangatawan.

Sa Beastial Planet kapag ang isang bata ay nasa maayos ang pangangatawan, pagiisip at ang sagana sa soulforce ay magiging matagumpay ang paggising sa Guardian Beast nila. Ang soulforce ay ginagamit sa pagpapalakas maging pagsummon sa summon beast. Dahil kung malakas ang isang beast na ite-tame at ang soulforce ng summoner ay hindi sapat para sa beast na iyon maaaring magkaroon ng backfire na kung saan ang imbakan ng iyong soulforce o ang iyong mismong soul ay magkaroon ng lamat kaya importante sa isang summoner ang panatilihing maganda ang kanilang katawan upang mas makalanghap ng essence na iiimbak nila at magiging soulforce.

Ginagawa nga ni Zeuz na palakasin ang kanyang katawan upang makapagimbak ng soulforce. Kapag siya ay natatapos sa training lumalanghap siya ng essence upang iregain ang kanyang enerhiya at mag-imbak sa kanyang imbakan ng soulforce. Samantala tuwing si Zeuz ay nagtre-training si Munting Squeek naman ay kumakain at kapang natapos kumain ang pagtulog naman ang kanyang ginagawa.

Tiwala naman si Zeuz sa kanyang soulforce. Naniniwala siyang ang kanyang soulforce ay sapat na para sa kanyang magiging Guardian Beast.

Sa nalalapit na Annual Summoner Guardian Beast Awakening maraming batang nasa edad siyam ay hindi alam ang kanilang mararamdaman kasama na rito si Zeuz, Hindi alam ni Zeuz kung siya ay matutuwa o kakabahan. Halo-halo ang emosyong kanyang nararamdaman pero mas nangingibabaw pa rin ang kanyang pagkatuwa dahil ito na ang pagkakataon na kanyang inaantay, ang maging isang Summoner.

Inabot na ng gabi si Zeuz sa pageensayo ngunit hindi parin sila umuuwi ni Munting Squeek. Kasalukuyang nakaupo si Zeuz sa tuktok ng burol at nakatanaw sa malayo.

Mula sa 'di kalayuan may isang pigura ng  batang babae na nakatanaw kung saan nakaupo si Zeuz sa burol at pinagmamasdan ang bilog na buwan, ang batang babae ay si Melissa. Araw-araw sumusunod si Melissa kay Zeuz kung oras na ng training nito. Nababahala ang batang babae sa ginagawa ni Zeuz, dahil sa edad nito ay tila may malaking mundo na dinadala ito. Sa isip-isip ni Melissa na hindi man lang naramdaman ni Zeuz ang maging isang tunay na bata na walang iniisip kung hindi ang maglaro at magsaya. Alam niya na silang dalawa ni Zeuz ay parehong nawalan ng mga magulang ngunit ang pinagkaiba nila siya ay may Lolo Dan pa samantalang si Zeuz ay wala ng pamilyang kinikilala, minsan hinihiling na lamang ni Melissa sa kalangitan na balang araw mahanap ni Zeuz ang pamilyang meron siya, alam na rin ni Melissa ang tungkol sa katauhan ng ina ni Zeuz kaya hinihiling niya na mahanap niya sa pinaggalingan ng Ina nito ang pagmamahal ng tunay na pamilya dahil nararamdaman niya na habang tumatagal si Zeuz sa Divine Tortoise Clan ay pahirap ng pahirap ang nararanasan nito.

Ang hiling lamang ni Melissa ang makakabuti sa kanyang kaibigan na inidolo niya dahil sa tapang at tatag ng kalooban nito na kahit nahihirapan na ay hindi pa rin sumusuko bagkus patuloy pa ring lumalaban at pinapatunayan na siya ay magiging isa itong malakas sa larangan ng pagiging Summoner.

______________

Sa isang tahanan sa Divine Tortoise Clan sa Azura City. Makikita ang batang lalaki na lumabas sa pintuan ng maliit na bahay at kasa-kasama nito ang maliit ngunit matabang itim na daga. Natapos na ang payapa at malamig na gabi sa Primal Beast Continent at madaling araw na ng oras na iyon. Patungo muli si Zeuz sa burol upang pagmasdan ang pagsikat ng araw.

Dahil sa pagsikat ng araw magsisimula na ang kanyang inaantay, ang Summoner and Guardian Beast Awakening.

Nang sumikat ang araw, ang mga miyembro ng Divine Tortoise Clan ay nagsigisingan na. Ang mga batang sasailalim sa Annual Guardian Beast Awakening at ang ibang mga miyembro ng Clan, maging ang Grand Elder, mga Elders at mga mahahalagang opisyal ng Divine Tortoise Clan ay nagsitungo na sa Clan Hall. Ang Clan Hall ay tanggapan ng mga mahahalagang panauhin at lugar kung saan pinagdiriwang ang malakihang pagdiriwang, sa harap ng malaking kuwadradong lugar ay makikita ang malaking stage. Sa stage na iyon magtutungo ang mga kabataang sasabak sa Summoner and Guardian Beast Awakening.

Marami ring kasapi ng clan ang nagtungo sa clan hall. Mga magulang, kapatid at kaibigan ng mga awakener o ang mga sasailalim sa awakening.

Nang makumpleto na ang mga sasali sa awakening. Mga batang awakener, mga kapamilya, mga mahahalagang opisyal, ang Grand Elder at ang anim na Elder ng Divine Tortoise Clan maging sina Zeuz, Melissa at Lolo Dan ay naroon na din. Ang mga Elders ay nasa itaas ng stage at nakaupo sa mga malalaking upuan sa stage, nasa stage din ang isang clan member na naatasang maging tagapagsalita. Ang tagapagsalita ay isang babae na nasa edad dalawampu mahigit. Ang mga sasali naman sa awakening ay nasa ibaba pati narin ang ibang miyembro ng Divine Tortoise Clan. Ang bilang ng sasailalim sa awakening ay nasa dalawampu karamihan dito ay mga normal na miyembro lang.

Magsisimula ang pagdiriwang sa mensahe ni Grand Elder Matt, Si Grand Elder ay matanda na rin na halos kaedaran ni Tandang Dan. Nakapuno si Grand Elder Matt sa gitna ng pitong may kalakihan na upuan sa harap katabi nito ang iba pang Elders mula sa First Elder hanggang sa Sixth Elder. Nang tawagin ng tagapagsalita si Grand Elder Matt ay tumayo ito sa upuan at naglakad paharap upang harapin ang mga miyembro ng clan.

"Mga minamahal kong clan members, ang araw na ito ay ang araw para sa mga kabataan. Para sa mga kabataang sasailalim sa Summoner and Guardian Beast Awakening ang hiling ko sana kayo ay magtagumpay at ipagmalaki ang ating Divine Tortoise Clan."

Pagsasalita ni Grand Elder Matt, ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay maganda at pangungumbinsing pagbutihan ng mga awakener. Ngunit ang kanyang sinabi ay taliwas sa kanyang puso dahil Wala siyang pakialam sa mga ordinaryong miyembro ng Divine Tortoise Clan.

"Maraming Salamat, Grand Elder Matt sa iyong napakagandang mensahe. Kaya ano pa ang hinihintay natin, ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening ay simulan na."

Pagkatapos sabihin ng tagapagsalita ang pahintulot ng pagsisimula ng pagdiriwang ay nagsimula na ang pagtawag niya sa mga lalahok sa awakening, ang unang tinawag ng tagapagsalita ay ang apo ng Grand Elder, si Matteo Trevor, siya ay may kulay itim na buhok, brown na mga mata at ang kanyang kutis ay kulay brown rin. Ang kanyang tangkad at pangangatawan ay mahahalintulad kay Zeuz. Sinasabing si Matteo ay posibilidad na maging Grand Elder ng Divine Tortoise Clan sa hinaharap dahil sa edad nito ay nakitaan na ito ng potensyal kahit hindi pa siya isang ganap na Summoner. Kilala ni Zeuz ang batang lalaking ito dahil ito sa pasimuno sa pang-aapi sa kanya kasama nito ang dalawa pa nitong kaibigan ang anak ng First at Second Elder.

Nang makaakyat si Matteo Trevor sa taas ng stage ay binigyan siya ng isang libro, ang libro ay simple lang at walang nakaukit na kahit ano. Ang balat ng libro ay kulay brown. Ang libro ay ang magiging medium para sa paggising ng Guardian Beast at maging ganap na Summoner. Kung ang bata ay naging matagumpay ang libro ay magbabago na naaayon sa rank ng Summoner. Ang tawag sa kakalabasan ng libro ay tinatawag na Summoning Grimoire.

Ang Summoning Grimoire ay gagamitin ng Summoner sa pagstore ng kanilang Guardian Beast at summon beasts. Makikita rin sa libro ang inpormasyon ng Summoner. Tinanggap ni Matteo ang librong inabot sa kanya at umupo ng lotus position.

Ipinadaloy ni Matteo Trevor sa libro ang kanyang soulforce at pumikit.

Ang pagsagawa ng awakening ay kailangan marating ng awakener ang kanyang sea of consciousness at doon makikita ang kanilang guardian beast at ipapadaloy ang enerhiya at maging ang guardian beast sa libro na hawak ng awakener.

Kasalukuyang nasa lotus position si Matteo at kasalukuyang nagsasagawa ng blood contract sa kanyang guardian beast na nasa anyong liwanag. Hindi nagtagal ng may lumalabas na kulay asul at lila sa katawan ni Matteo at dumaloy sa libro na nasa kanyang mga kamay. Nang mawala ang liwanag sa libro  ay may isang nilalang na nagfo-form sa kanyang likuran at ito ay may laking halos umabot ng dalawang metro ang nilalang ay nahahambing sa isang pagong, ito ang kanyang guardian beast.

"Matteo Trevor, 9 years old, Innate Ability: Black Water Manipulation, Guardian Beast: Void Water Tortoise, Affinity: Water/Space, 4th-Stage Bronze-Rank Beast, Potential of B-Grade".

Anunsyo ng tagapagsalita ang kanyang winika ay mga letrang lumabas sa Summoning Grimoire, ito ang nangyayari kung nagtagumpay ang Summoner sa paggising ng kanilang guardian beast at istore sa libro. Ang libro ay nagbibigay ng basic information ng Summoner at Guardian Beast.

Samantala sa pwesto ni Zeuz Trevor makikita sa mukha niya ang pagkagulat, nagulat siya hindi dahil sa sinabi ng tagapagsalita bagkus dahil sa kulay asul na glass screen sa kanyang harapan.

[Divine Tortoise Eyes activated...]

Ayun ang mga salitang nakasulat sa asul na screen at ng tumingin siya sa stage, kay Matteo at sa guardian beast nito nang muling lumabas ang misteryosong screen ay mas nagulat siya sa lumabas.

________________________________________________

[Name]: Matteo Trevor

[Clan]: Divine Tortoise Clan

[Age]: 9

[Main Class]: Summoner

[Rank]: Low-Tier Bronze-Rank

[Sub-Class]: None (Possible: Magus)

[Rank]: None

[Innate Ability]: Black Water Manipulation (Description: An ability to control water, black water specifically)

[Skills]: None

[Guardian Beast]: Void Water Tortoise

[Summon Beast]: None

[Available Slot]: 1

________________________________________________

[Beast Name]: Void Water Tortoise

[Affinity]: Water/Space

[Ranking]: 4th-Stage Bronze-Rank

[Potential]: B-Grade

[Status]: Healthy

[Innate Ability]: Void Water Vortex

[Description]: An ability to create a water vortex. The vortex have two effect, first is to teleport an object or person to another place. The second one is to attack the enemy and deal a damage.

[Skills]: Space Water Riffle, Water Tortoise Shell, Water Ball

________________________________________________

Ang ranking ng Beast Summoner ay nahahati sa sampu ang;

Bronze

Silver

Gold

Platinum

Diamond

Sky

Legend

Heaven

Holy

at Divine

Ang bawat rank ay nahahati sa tatlong tier ang Low, Middle, at High-Tier. Ngunit sa kasalukuyang Primal Beast Continent ay hanggang Heaven-Rank Summoner lang ang naaabot dahil ito sa tila barrier na humaharang sa mga tamer na nasa peak of Heaven-Rank na kung saan handa ng magbreakthrough sa susunod na rank.

Ang ranking naman ng mga beast ay nahahati rin sa sampu at ang ranking ay katulad rin ng Summoner. Ang pinagkaiba lang sa mga Beast ay ang stages each rank, ang beast ay may sampu na stages mula 1st-Stage hanggang 10th-Stage. Ang 1st to 4th stage ay masasabing Low-Tier, ang 5th to  7th stage ay Middle-Tier at ang 8th to 10th ay High-Tier. Katulad rin ng Summoner ang mga beast ay hirap rin sa pagtungtong sa Holy-Rank.

Ang isang Low-Tier Bronze-Rank Summmoner ay kaya lamang magkaroon ng Beast na nasa Low Tier Bronze-Rank din. At kung ang mga beast ng summoner ay nag breakthrough sa susunod na Tier ang summoner ay magbre-breakthrough rin. At kung magbreakthrough sa susunod na Tier ang available slot ay nadadagdagan rin ng isa.

Si Matteo ay isang Low-Tier Bronze-Rank Summmoner at ang kanyang Guardian Beast ay nasa 4th-Stage Bronze-Rank na. Ibig sabihin ay nasa peak of Low-Tier na ang kanyang beast. Kapag ang Guardian Beast ay magbreakthrough to next tier hindi naapektuhan ang Summoner. Upang maging Mid-Tier Summoner si Matteo kailangan niya ng summon beast at gawin itong 5th-Stage Beast.

Hindi alam ni Zeuz kung saan nanggaling ang Divine Tortoise Eyes daw kuno. Hindi maintindihan ni Zeuz ang nangyayari sa kanya kinusot niya pa ng ilang beses ang kanyang mga mata ngunit walang nangyayari lumalabas ang pa rin ang asul na screen kapag tumitingin siya sa beast ngunit hindi niya na rin pinagtuonan ng pansin dahil sa isip isip niya kung saan man galing ang Divine Tortoise Eyes na ito ay hindi na mahalaga bagkus ang nagagawa nito ay isang biyaya para lumakas siya at maging isang malakas na Summoner.

Next chapter