webnovel

KABANATA 18

Kanina pa ako titig na titig saking sarili mula sa salamin. Bawat patak ng aking mga luha saking pisnge ay pinupunasan ko. Nagalit sakin si daddy at lolo dahil sinigawan ko ang make-up artist na aayos sakin.

Bigla akong natawa habang pinupunsan ang mukha. Sa araw na ito, ang araw na ito ang wawasak sa buong buhay ko. Ganon paman, matagal na akong wasak simula nang mawala si mommy.

Ngayong araw na ito ang simula ng aking paghihirap at sobra-sobrang galit. Ngayon ang kasal namin ni Clifford, at sisiguradohin kong sa araw na ito ay simula lalo ng kanilang galit. Ano ako gaga para mag paganda sa taong hindi ko naman lubos na kilala? Fuck them, nagkamali sila ng pinasokan. Ibahin nila ako, ako si Marilou ang babaeng palaban.

Natawa ako habang titig na titig saking sarili mula sa salamin, na tila parang baliw na maganda. Nasa isa akong kwarto kong saan ay aayosan na sana ako ng baklang make-up artist na iyon. Isa sya sa pinaka sikat at mayaman na make-up artist sa buong mundo.

"Marilou," nagulat ako at hindi manlang namalayan na bukas na pala ang pinto. Sumilyap ako mula sa salamin at nasa pintoan si daddy. Huminga ako ng malalim.

"What do you plan to do now? you Want to be embarrassed on your wedding day?" matagingting na saad ni daddy. Napalunok ako, kuyom ang dalawa kong kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit ni daddy.

"I dont know!" iyon lang ang tangi kong naisagot bago umiwaa ng tingin. Nanatiling nakatitig sakin si daddy.

"you don't know what to do because you are full of anger, Marilou." sigaw sakin ni daddy. Napapikit ako, gusto kong sumagot ngunit... "Binigyan kita nang magandang buhay kaya gagawin mo kong anong gusto namin. Maliwang!!?" isang malakas na boses ang bumuo sa kwarto. Hindi ko magawang tignan si daddy.

"Hon, tama na bumaba kana ako ng bahala kay Marilou." napasulyap ako sa narinig. Umirap ako ng magtama ang mata ko sa mata ng stepmother ko. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nilang dalawa at tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko.

Tumaas ang kilay ko ng lumapit sakin amg stepmother ko.

"Pasensyahan muna ang daddy mo anak," nakangiti niyang saad na may awa. Umirap ulit ako.

"Tsss bait-baitan," bulong ko.

"Alam ko," nanlaki ang mata ko dahil narinig niya iyon. Tumayo ako at dumistansya sa kanya. Tumungo ako sa malaking kama.

"Great!!! So bakit ka nandito?" maldita kong tanong. Bahagya syang ngumiti.

"Tutulongan kitang mag-ayos, dalawang oras nalang ay magsisimula na ang kasal." buhakhak akong tumawa sa sinabi niya. Hindi ko manlang maramdaman ang galit niya. Ganyan sya kabait..... bait-baitan nga lang.

"Then?" ismid ko. "Hindi ko kailangan ang tulong mo, at lalo-lalong hindi ko kailangan mag ayos ng bongga. Sino ba sila para pag ayosan ko? Huh?" natatawa kong wika. Napabuntong hininga sya habang hawak-hawak ang kanyang dalawang kamay.

Kumunot ang noo ko ng bigla syang ngumiti.

"Okay," tanging naisagot niya bago ako tinalikuran. Kuyom ang dalawa kong kamay at hinayaan syang lumabas.

I screamed as she closed the door. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking katawan, I threw the comb against the door wall before returning to the vanity mirror. Napatitig ako na sobrang galit saking sarili. Bakit pa sya naparito kong wala rin namang saysay ang sasabihin niya.

"Ganito pala ang gusto nyo huh! Sige pagalitan tayong lahat....." natatawa kong saad at nagsimula nang ayosin ang sarili.

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaction nilang lahat sa gagawin ko. Gusto kong makita nilang lahat kong gano ako ka weirdong babae. Tsaka hindi sa simbahan kami ikakasal ni Clifford, kundi nasa isa mansion kami na sobrang laki at alam kong pag mamay-ari ito ng mga Edelbario. Napagdesyonan ng pamilya ko at pamilya ni Clifford na sa lawyer kami ikakasal.

And...I dont care, dahil kahit kailan hinding-hindi ako papayag na sa simbahan kami ikakasal dahil para lang akong nag-sisinungaling sya Diyos, na ang kasama kong lalaki sa altar ay ang taong hindi ko mahal.

Humanda kayo sakin, sisiguradohin kong mas lalo kayong magalit sakin.

Fast forward....

Paglabas ko ay bumungad sakin ang iilang bulak-lak mula sa hagdanan. Ang buong paligid ay pinalilibutan ng puti at peach na mga bulak-lakin. May iilang mesa sa bawat daanan, sobrang simple ngunit magagarang bagay ang nakapalibot sayo.

Dahan-dahan akong bumaba sa bawat palapag ng hagdanan habang hawak-hawak ang itim na boquet, buti nalang talaga ay may gamit pang paint ang baklang iyon at nakulayan ko ang bulaklak.

Kuyom ang dalawa kong kamay sa galit at sakit. Lahat sila ay nakatingala sakin na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Gusto kong matawa sa bawat reaksyon nila.

Lumingon ako sa pamilya ni Clifford at tila naka nga-nga ang iba. Habang ang mommy at daddy niya ay hindi ko ma guhit ang ekspresyon sa mukha. Lumingon ako kay daddy at aakmang sasampalin niya ako ng bigla syang pinigilan ni lolo, kitang-kita ko ang pagtaas ng kamay ni daddy sa galit. Napabuntong hininga ako, gusto kong tumakbo ngunit di ko magawa. Kailangan kong taposin ang araw na ito.

"Huwag na, ang importante ay makasal ang dalawa." rinig ko pa ang bulong ni lolo kay daddy.

Gusto nyong malaman kong anong ang ginawa ko? Suot ang kulay puting body con na mahaba na may slit at sobrang luwal ng aking dibdib. Ang make-up kong napakakapal na halos maubos ang itim na lipstick saking labi. Kulot na kulot na buhok at bilog na hikaw ang gumuguhit saking awra ngayong araw.

Halos hindi sila makapaniwala lalo na ang mga kaibigan ni daddy at lolo. Ngiting tagumpay akong lumapit sa gitna. Hindi ko alam kong bakit ako biglang kinabahan ng magtama ang dalawang mata namin ni Clifford, hindi ko sya magawang mabasa dahil kahit ni isang ekspresyon ay wala. Titig na titig sya sakin, lumipat ang tingin ko sa kaibigan na lawyer ni daddy, maging sya ay nakangiti na sobrang seryoso.

Sobrang tahimik ng buong paligid, bakit ako nakaramdam ng ganito. Tila para akong nanlamig.

Lawyer: Good morning everyone!

From this place, from the very significance of beauty and wonderful place. We take ourselves out of the usual routines of daily living to witness a unique moment in the lives of Mr. Clifford and Mrs. Marilou. Today they join their lives in the union of marriage.

Nagsimula nang magsalita ang kakasal samin. Hindi ko magawang tumingin sa buong paligid dahil lahat sila ay nakatingin samin. Ilang minutong dumaan ay sobrang seryoso ni Clifford. Minadali nila ang kasal na ito at hindi ako alam kong bakit atat na ata silang magpakasal ako sa lalaking ito.

Lawyer: A marriage, as most of us understand it, is a voluntary and full commitment. It is made in the deepest sense to the exclusion of all others, and it is entered into with the desire and hope that it will last for life.

Before you declare your vows to one another, I want to hear you confirm that it is indeed your intention to be married today. Before you declare your vows to one another, I want to hear you confirm that it is indeed your intention to be married today.

Bigla akong napalingon kay Clifford, kumunot ang noo ko dahil nakangiti sya sakin ngayon. Isang ngiting patago ngunit nang-aasar. Nanlaki ang mata ko nang matagpoan ko ang mata niya mula saking dibdib.

"Fuck you," hina kong sabi ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. Napailing sya na may ngiti.

"Baliw," sagot niya bago umiwas ng tingin. Aakmang sisigawan ko sya ng biglang magsalita ang lawyer.

Lawyer: Before you declare your vows to one another, I want to hear you confirm that it is indeed your intention to be married today.

"Mag bibase ang sagot ko sa gagawin mo." bulong sakin ni Clifford. Tinaasan ko sya ng kilay, buong akala niya siguro ay tatakbo ako sa bwesit na kasal na ito. Humanda ka sakin Clifford, araw-araw kong pasasakitin yang ulo mo.

Lawyer: Mr. Edelberio do you come here freely and without reservation to give yourself to Mrs. Charleston in marriage?

Dahan-dahan tumingin sakin si Clifford, halos lumuwal ang mata ko dahil kanina pa sya nakangiti.

"No," isang buong boses ang binitawan niya. Napalingon ako sa buong paligid at isa-isang nagbulongan ang mga bisita.

Aakmang lalapit ang mommy ni Clifford nang bigla niya itong dinugtongan. "No one can stop me to say yes I do!" napalakpak ang lahat sa sinagot niya. Napahigpit ang hawak ko boquet.

Lawyer: Mrs. Charleston do you come here freely and without reservation to give yourself to Mr. Edelbario in marriage?"

umirap ako sa narinig, agad kong tinignan si Clifford ngunit nakatingin na ito sakin. Kuyom na kuyom ang dalawa kong kamao. Sobrang tahimik na tila nag hihintay sila sa maaari kong sagot.

"Yes I do," mahina kong sagot bago umiwas ng tingin kay Clifford. Gusto kong maiyak sa galit dahil na pa YES I DO ako sa taong ayaw na ayaw ko, sa taong hindi ko mahal.

Pagkatapos ng mahabang usapan, ay direkto kaming nag exchange vows at pagkatapos non ay exchange wedding ring. Sa puntong ito ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil alam na alam ko na ang kasunod nito. Kanina ko pa iniisip kong gagawin ito ni Clifford sa harap ng tao, gusto ko ng maiihi sa kahihiyan sa nangyayari sa buhay ko.

"Relax its just a kiss," napaatras ang ulo ko ng hindi ko namalayan na nasa tenga ko na pala ang bibig ni Clifford. Tinamaan ko sya ng masamang tingin. "First time mo?" pang-aasar niya bago lumayo. Tumawa ako ng mahina. Anong akala niya sakin? Walang alam sa mga ganyan.

"Oo," usal ko. "First time kong ibigay ang matamis kong halik sa taong hambog na tulad mo!" napa whoa sya sa sinabi ko. Nag taas sya ng kilay na tila bang hinuhusgahan ang pagkababae ko.

"Okay sabi mo, so let me try!" saad niya bago umiwas ng tingin na may tawa. Gustong-gusto ko na syang sampalin ng boquet.

Lawyer: And so now by the power vested in me by..... it is my honor and delight to declare you husband and wife. Mr. Edelbario, you may now kiss your bride.

Isa-isang tumayo ang lahat. Napatingin ako kay Lolo at daddy sobrang laki ng kanilang mga ngiti. Napapikit ako sa galit. Gusto kong sigawan silang lahat pati na ang pamilya ni Clifford.

Nanlaki ang mata ko ng biglang may humawak saking bewang. Madali kong tinignan si Clifford, ang mapupungay niyang mata ay nakatitig saking dibdib. Kanina pa ako galit na galit, aakmang hahampasin ko sya ng boquet ng bigla niya akong hinila ng mas malapitan halos ramdam na ramdam ko ang maumbok niyang dibdib sakin. This is so shit, bakit ako nanginig ng ganito, nakatingala ako dahil sa mataas syang tao.

"Bakit ka nanginginig?" ngiti niyang pang-aasar at aakmang itutulak sya ng mas lalo niya akong idinikit sa kanyang sarili. Hindi ko alam kong bakit ako napapikit ng dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sakin.

Hanggang sa...

"Sigurado ako pagkatapos nito ay hahanap-hanapin mo ang mga labi ko." isa-isang tumayo ang mga balahibo sa ko sa huling sinabi ni Clifford bago ko naramdaman ang labi niya sa labi ko.

Para akong nasa alapaap, para akong nakalipad ng madampi niya ang labi niya sakin. Mas lalo niya akong niyakap at dahan-dahan kinagat ang ibabang labi ko, bigla akong nanigas ng may bigla akong naramdaman na matigas sa bahaging gitna. Para akong nanawalan ng lakas, nanghihina ako.

Hinahayaan ko syang halikan ang buong labi ko, at hindi ko manlang magawang gumalaw.

Nanatili akong nakapikit at tanging masigabong palakpakan ang umalingaw-mgaw saking tenga. Para akong nananiginip at nanatiling nakatingala.

"Gusto mo pa? May honeymoon pa mamaya." napatindig ako bigla. Sobrang nakakahiya dahil kanina pa ako nakapikit kahit malayo na sakin si Clifford. Mabilisan akong humarap sa lahat na may kahihiyan. Nanginig ako sa kahihiyan.

Fuck..... anong nangyari sakin? Isa-isang lumapit sakins si Lolo at daddy pati ang dalawa kong kaibigan.

"Ohhh my gosh congratulations friend..." Niyakap ako agad ni Jazzy at Jilheart. Para akong nawawala sa sarili, kanina pa ako kinakausap ng dalawa ngunit di ko magawang magsalita.

Bakit ganon kalambot ang labi niya?

Next chapter