webnovel

37

KATE

It's been 3 days since me and Andy talked on the phone. Inaabangan ko pa rin ang pagbabalik niya and I tried to busy myself by reading my favorite books para hindi ko siya maisip pero hindi ko talaga kaya.

I haven't talked to Skye also kasi masama pa rin ang loob ko sa kanya and gano'n din siya. Alice and Claire asked me no'ng weekends if gusto ko raw bang sumama sa kanilang dalawa para gumala. I made an alibi na lang na may pupuntahan din kahit wala.

I'm not in the mood to interact with other people.

"Kate?"

Nakatulala lang ako sa kusina nang medyo lumakas na ang pagtawag sakin ni Mama.

"Kate! Kanina pa kita tinatawag. Iabot mo na rito ang pinagkainan mo. Hindi ka na naman nagkakakain na bata ka. Namimili ka na naman ng ulam. May sakit ka ba? Don't forget to invite James for dinner tonight. Kumusta na pala kayo g boyfriend mo?" tanong ni Mama habang nagliligpit.

"Uhm, w-were fine and busy with our own stuffs you know his basketball while me, my studies," kabado kong sagot dahil she's like interrogating me.

"Mabuti kung gano'n. Ipagpatuloy niyo lang but huwag na huwag pababayaan ang studies. Dean's lister ka pa rin ba?"

Para akong natuklaw ng ahas. Naalala ko na naman 'yong pinalabas kaming dalawa ni Skye. For sure na mahahatak ang grades ko for missing a quiz.

Humarap na sakin si Mama habang diretso at seryosong nakatingin sakin.

"Ah o-oo Mama. I'm also a u-university scholar."

Napataas siya ng kilay. "You are not sure?"

"Ma, I need to go. I'm getting late na. Bye Ma!" at nagmamadali akong umalis.

Naglakad ako palabas ng subdivision saka pumara ng taxi papuntang school.

I don't feel like going to school dahil nawawalan ako ng gana. Wala na rin akong pake sa phone ko dahil wala na rin itong silbi for me.

Wala naman na akong natatanggap na calls and messages from Andy even updates so para saan pa. Lalo lang akong nangungulila sa kanya.

Baka lumalayo na siya sa akin dahil hindi na rin ako nagrereply sa kanya when me and James started dating.

I sighed in frustration. 

I am to blame for all of these.

Ang tanga-tanga mo talaga Kate!

***

Natapos ang klase namin nang hindi ako tumatabi kay Skye at hindi siya kinakausap. Tahimik din yong dalawang magjowa at ramdam nila ang tension sa pagitan naming dalawa.

Nanatili lang ako rito sa upuan ko habang silang tatlo nama'y palabas na.

"Uy Kate, hindi ka ba maglulunch? Tara na sa canteen, nagugutom na kami. Sabay-sabay na tayo," yaya sakin ni Alice habang nakapulupot ang braso niya kay Claire.

Nangalumbaba lang ako at tumingin sa labas ng bintana. "Kayo na lang. Busog pa ako."

May biglang kumuha sa braso kong nakapangalumbaba. "Tara na. Hindi magandang nagpapalipas ng gutom. Baka mapano ka. Magkasakit ka pa, lalong mas mahirap," si Skye na straight lang na nakatingin sakin.

Binawi ko ang braso kong hawak-hawak niya.

"Ayoko nga sabi. Kayo na lang. Hahanapin ko pa si Andy."

"Kaya nga kumain ka muna. Pano kung mahimatay ka sa paghahanap sa kanya dahil sa gutom? Sino tutulong sayo? Pano namin malalaman? Buto't balat ka na lang oh," pangangaral sakin ni Skye na inirapan ko talaga dahil dinidiktahan na naman ako.

"Ang OA mo. Para kang tanga. Tara na, nabubwisit na ako sa kakulitan niyo," at kumapit ako kay Claire.

"Sasama ka rin pala. Ang dami mo pang arte. Daig mo pa 'tong tuko sa tabi ko," na ang tinutukoy niya ay si Alice.

Nag-order na sila habang nakaupo akong naghihintay. 

"Bati na kayo ni Skye?" tanong ni Claire habang mapaglaro ang mga ngiti niya sakin. Hindi ako umimik dahil bwisit pa rin ako sa kanya.

Lalo akong nawalan ng ganang kumain dahil sina Claire dapat ang katabi ko kasi inunahan na sila nitong babaerong katabi ko ngayon na inaasikaso ang pagkain ko.

"Nag-away ba kami?" Tatayo na sana upang tumabi kay Claire nang hawakan na naman ako nitong linta sa braso ko.

"Kumain ka na. Tatayo pa eh. Daming kaartehan sa buhay. Kumain ka na nang makaalis ka na."

Sumubo na lang ako ng kaunting pork steak na binili ni Skye at nagpaalam na sa kanila. Humigop din ako sa vanilla shake na binili ni Claire para kay Alice.

Ang samang makatingin sakin ni Alice na kinindatan ko.

"Bye guys and thank you, nabusog ako nang too much."

Iniwan ko na sila at pumunta ako sa gym. Walang katao-tao kaya napakatahimik. I sat on the bench to take some rest. I sighed and stared blankly into space.

I was zoning out when I felt the need to pee. I looked for the locker rooms dahil nando'n ang mga cr. I was about to enter when I heard some noise kaya bigla akong kinilabutan. Mag-isa lang ako at naka-off din ang mga ilaw sa hallway. 

Bigla atang umurong ang ihi ko pero baka mga pusang gala lang na palaboy-laboy dito.

Dahan-dahan akong naglakad nang makarinig ulit ng ibang ingay. 

Ang pagsara ng locker.

Maingat akong naglakad at sinundan ang direksyon kung saan nagmula ang ingay na 'yon.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang nakasandal sa ibang locker. Iniingatan ko ring walang masagi o lumikha rin ng ingay.

Unti-unti akong sumilip.

Biglang lumukso ang puso ko sa sobrang tuwa at pagkasabik nang makita ko si Andy na nakatalikod. Naka-gray na sweatpants siya habang black sports bra lang kanyang pang-itaas. May towel sa kanyang ulo habang basa pa ang kanyang buhok na tumutulo pa ang tubig.

Langhap na langhap ko ang mabango niyang amoy.

Shit! Nag-iinit ako!

Bagong ligo siya. Fuck! I wanna pin her against sa lockers and kissed her hard!

Nagpigil ako sa makamundo kong pagnanasa sa kanya. Nang haharap na siya ay mabilis akong nagtago.

Sumilip ulit ako pero wala na siya. 

Ang bilis naman niyang umalis.

Pinuntahan ko ang locker niya at pinasadahan ito ng haplos.

"Kate? Is that you?" Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses niya. Mabilis akong humarap at hindi ako nagkamaling siya nga.

Niyakap ko siya nang mahigpit na ikinagulat niya at napasandal siya sa locker.

"I missed you so much Andy!" Masayang-masaya ang puso ko dahil nayakap ko na ulit siya at matagal-tagal na rin simula no'ng huli. Nakapulupot ang braso ko sa batok niya para wala na siyang kawala pa sakin.

Mahigpit din ang yakap niya sakin at ramdam kong ayaw niya rin akong pakawalan. I could feel her heart beating faster.

"I missed you too Kate," mahinang sambit niya saka ako hinalikan sa aking noo. 

Ibinaon ko pa ang aking mukha sa leeg niya upang namnamin ang nakakaadik niyang amoy.

I wasted no time at sinunggaban ko siya ng halik sa labi na labis niyang ikinagulat pero gumanti rin siya ng halik at hinapit ang katawan ko sa kanya. 

Nagsimula nang mag-espadahan ang aming mga dila at lalong lumalim ang aming halikan.

"Ahmm," ungol ko sa pagitan ng aming laplapan. Nagsisimula na akong mag-init sa bawat ungol niya na musika sa aking tenga.

Habol-hininga kami nang maghiwalay. Namumungay ang mga mata naming nakatingin sa isa't isa.

"Andy, I-I like you and I-love you."

Shock was written all over her face and suddenly, it turned into sadness. Malamlam na ang kanyang mga mata at hindi na makatingin nang diretso sakin.

"Andy, look at me—

"Di ba paborito mo ang strawberry jam? Pasalubong ko para sayo," sabay abot sakin ng isang small jar of strawberry jam na kinalkal niya pa sa hawak niyang bag. "I need to go Kate. Hinihintay na ako ni Mich."

"'Wag ka munang umalis please? P-pwede bang dito ka muna? Nasaan ba siya?"

"Sa cr."

Nagmamadali siyang umalis at iniwan ulit akong mag-isa habang may luhang tumulo sa aking pisngi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Next chapter