webnovel

Chapter 25

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang ipatawag ni Dean Morgan sa kanyang opisina ang anim na estudyante mula sa tinaguriang The Elite Seven at ang apat na magkakaibigan na sina Johansen, Allison, Ian at ang student council president na si Ashley. Maging ang mga magulang ng sampu ay kinausap ni Dean. Hindi na umapela pa ang kanilang mga magulang bagkus ay sumang-ayon pa ang mga ito sa ipapagawa ni Dean Morgan bilang kaparusahan sa kanilang ginawa.

Napagkasunduan na ang sampung estudyante ay mahuhuli ng isang taon sa kanilang pag-aaral at awtomatiko ng bagsak at kailangan nilang umulit ng isang taon. Dahil nalalapit na ang sports meet ay ito na rin ang huling taon nila upang makapaglaro dahil pagkatapos nito ay tatanggalin na rin sila sa varsity team.

Suhestiyon din ng kanilang mga magulang na ang kanilang mga anak na rin ang bahala sa pangmatrikula nila at hindi na sila pakikialaman kung ano ang gusto ng mga ito. Nais din sana nilang makausap ang mga magulang ni Kale at bayaran ang perwisyong naidulot ng mga pasaway nilang anak ngunit tumanggi na lamang ang huli.

Nanlulumo at parang pinagkaisahan ng mundo ang mga itsura ng sampu nang maging pinal na ang desisyon ni Dean Morgan at hindi na rin sila tumutol dahil wala na silang magagawa gayong hinayaan na sila at ang mga bagay na kanilang tinatamasa ay inalis na rin. Ngayon ay kikilos sila sa sarili nilang mga paa at magsisimula ng panibago ng walang tulong mula sa kanilang mga magulang.

Sa kabilang banda, kinausap din ni Dean Morgan si Kale ngunit bago pa niya masabi ang tungkol sa insidenteng nangyari at ang kanyang desisyon ay humiling na lamang ang huli na hayaan na lamang siyang mag-aral nang payapa at huwag na lamang guguluhin. Pagkaraa'y nagpaalam na si Kale at umalis na.

Sa loob ng mga nagdaang araw ay laging magkakasama ang sampu sa paglilinis sa buong university. Tinanggal na rin ang mga ilang nagtatrabaho bilang utility workers at cleaning personnels at sila na ang pumalit sa mga ito.

"Girl, I still can't believe on what you've said between you and Royce," maarteng saad ni Aubrey kay McKenzie habang diring-diri na hawak ang isang garbage bag. Napairap naman si McKenzie sa itinuran ng kaibigan. Kasalukuyan silang nagwawalis sa campus at tanghaling-tapat pa.

"My god Aubrey, will you please stop?" mataray na sabi ni McKenzie habang may hawak na dustpan at itinapon ang kalat sa garbage bag. "Nakakarindi ka na at pauli-ulit pa. We're not together anymore at wala na akong balak na makipagbalikan pa. And I don't fucking care so just shut it, bitch."

"Pero girl, he's Royce and the world knows that he's a goddamn Las—"

"Ano 'yon? Ano 'yon ha mga shonget na merlat? Hiwalay na kayo ng jowabelles mo?" mahaderang bulalas ni baklang Johansen habang nakapamaywang na siyang ikanalingon ni McKenzie at Aubrey. Kasunod naman nito si Natalie dahil katatapos lang nilang dalawa na magtapon ng sako-sakong basura.

"Ay ngayon mo lang ba alam sis? Ilang linggo na silang hiwalay ni Royce," walang pakundangang saad ni Natalie at kumapit kay bakla. "Huwag kang mag-alala sis, ikukuwento ko sa 'yo 'yong iba mamaya," at bumungisngis ito. Diring-diri naman si bakla dahil wagas kung makakapit ang huli sa kanya. Sa isip isip niya ay nadudumihan ang kanyang pagkatao dahil isang malaking kasalanan para sa kanya ang madapuan ng isang merlat.

Nag-iba ang pakikitungo nina Johansen lalo na kay Natalie sa loob ng mga nagdaang araw dahil ito ang lumapit sa kanila at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Mas madalas nang sumama at nakikisakay sa kanilang mga kalokohan ang huli at hinayaan na lang ni Natalie si McKenzie na laging nakabusangot at nanggigigil sa kanya.

Hindi na maipinta ang mukha ni McKenzie dahil sa nakikita niya ngayon sa dalawa lalo na nang marinig ang sinabi ni Natalie. Mas humigpit ang hawak niya sa dustpan habang si Aubrey naman ay binitiwan na ang garbage bag at humalukipkip sa harap ng dalawa.

"Will the two of you just shut your fucking mouth, lalo ka na Natalie Morgan! Ipapasak ko talaga sa bunganga mo 'tong dustpan so better mind your own business!" nanggagalaiting sigaw ni McKenzie sa dalawa lalo na kay Natalie.

Ngumiti lamang nang nakakaloko si Natalie at nagkibit-balikat. Lalapitan na sana ni McKenzie ito nang pigilan siya ni Aubrey. Napangiti naman si baklang Johansen sa nangyayari kaya mabilis itong humiwalay kay Natalie at lumapit sa dalawa.

Huminga muna nang malalim si baklang Johansen at ang mukha ay animo'y nakikisimpatya kay McKenzie. Hinaplos nito ang laylayan ng buhok ng huli saka nakakaawang nagsalita.

"Alam mo pranellang melat, sa totoo lang, I feel sorry for you kasi chipipay ka na ngayon. Binawi na ang mga ari-arian mo, wala ka pang jowabelles. Ano na lang ang natira sa 'yo ngayon? Shonget na fes?" at pailing-iling pa ito.

Walang ano-ano'y ibinato ni McKenzie ang hawak na dustpan na tumama sa dibdib ni baklang Johansen. Nanlalaki ang mga matang tumingin ito at hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ni McKenzie saka bumulong.

"You really are a bitch huh? But you know who's the bitchest?... Karma." Pagkasabi no'n ay hinila niya ang buhok nito. Napangiwi naman sa sakit si McKenzie at hindi makapagsalita.

"Let her go, you ugly pony!" pagtatanggol naman ni Aubrey sa kaibigan habang pilit na inilalayo si baklang Johansen. Napaikot naman ang mata nito at sa kanya naman bumaling.

"Manahimik ka chipipay number two! Maghihiwalay din kayo ni Black at aagawin ko siya sa 'yo!" Mabilis nitong binitiwan si McKenzie at tumakbo papalayo habang nakakabaliw na tumatawa.

Naiwang nakanganga ang tatlo lalo na si Aubrey at McKenzie na hindi makapaniwala.

***

Kinabukasan ay maagang pumasok sa university si McKenzie. May natitira pa itong isang oras at kalahati bago magsimula ang kanyang first subject. Nag-chat muna ito sa kanilang group chat kung nasaan ang mga ito at nagyayang tumambay.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na si McKenzie sa isang gym. Ang gym na iyon ay eksklusibo lamang para sa kanilang pito at pag-aari ng tennis team. Walang sinuman ang maaaring pumunta at pumasok doon maliban kung kabilang ito sa tennis team o sa The Elite Seven.

Nadatnan niyang naglalaro si Silver at Aubrey habang ang umpire naman ay si Natalie. Sa kabilang court naman ay si Tyler at Reign. Si Black naman ang umpire.

"Guys, wala ba kayong klase? Ang aga-aga naglalaro na kayo and look at yourselves, naliligo na kayo ng pawis!" bungad nito sa mga kaibigan. Naglakad na ito papunta sa isang bench at umupo.

"'Wag ka ngang maarte Mc! Parang 'di ka naglalaro! Nagpa-practice na kami dahil malapit na ang intrams baka nakakalimutan mo," sagot naman ni Silver habang patuloy na pumapalo.

"Kenzie, our training starts today. Kaya go change your clothes and play with us."

"Nah, I don't need to train. Magaling na ako kaya kayo na lang. Panonoorin ko na lang kayo. At ikaw Nat, maglaro ka! Hindi 'yong scorer ka lang diyan!" sita ni McKenzie kay Natalie na prenteng nakaupo at nag-i-score.

"Mamaya na captain! Tinatamad pa ako saka naglalaro pa sina Pilak oh! Wala pa naman si coach kaya 'di niya malalaman."

Napaikot na lamang ng mata si McKenzie dahil sa kapasawayan ni Natalie. Hindi niya talaga alam kung paano nakasali ito sa tennis team. Napakatamad nitong mag-training at pumupunta lamang ito sa gym upang umupo o 'di kaya'y kumain.

"Good morning team, how's your training?" bati ng kanilang coach nang bigla itong dumating. "Be ready and prepared dahil ayon sa source ko ay malakas daw ang school na makakalaban natin this year."

Napahinto naman sila sa paglalaro at binati rin ang kanilang coach. "Good morning din coach. Opo coach, puspusan po ang gagawin naming training."

"That's good team. Tuturuan ko kayo ng bago at iba't ibang techniques at strategies para mas ma-enhance ang skills niyo. Don't focus only on your strengths but on your weaknesses too. Alam kong alam niyo na mas mahirap ang training natin ngayon lalo na sa team captain, 'di ba McKenzie? At kung mahuhuli ko kayong papetiks-petiks ay gagawin kong parehas ang training niyong lahat. Are we clear, team?"

"Yes po coach!" sabay-sabay nilang sagot habang si McKenzie ay tahimik lamang.

"Ang training natin ay after ng classes niyo, 4 hours at whole day every weekends. Okay lang ba sa inyo?"

"Okay na okay po coach. Kailan po ang intrams?" tanong ni Black sa kanilang coach.

"Two weeks from now and maybe, i-e-excuse ko na lang kayo sa classes niyo kapag 1 week before intrams na." Matapos iyong sabihin ng kanilang coach ay nagsimula na silang mag-training pero si McKenzie ay nagpaalam na sa hapon na lamang magti-training dahil may klase pa ito. Hindi na nagkomento pa ang kanilang coach at pumayag sa gusto nito.

***

Tumungo na si McKenzie sa kanilang classroom at kahit papaano ay nauna siya nang kaunti sa kanilang propesor. Pagdating ng kanilang propesor ay nagpalabas ito ng papel sa buong klase at nagpa-quiz. Hindi naman nahirapan si McKenzie dahil expected na niya ito at lagi siyang handa sa mga ganitong pagkakataon.

Saglit lamang ang itinagal ng kanilang quiz at nagsimula nang mag-discuss ang kanilang propesor. Halata ang pagkabagot at kawalan ng interes ng buong klase dahil mahaba-haba na naman ang kanilang diskusyon. Ngunit para kay McKenzie, ang bawat klase ay mahalaga kaya sinasamantala niya ang pakikinig at pagsusulat ng notes. Ito rin ang kanyang paraan upang hindi antukin.

Natapos ang pang-umagang klase niya na puro quiz at discussions. Nagbigay din ng iba pang activities at homeworks ang kanilang mga propesor.

***

Dumiretso na agad sa cafeteria si McKenzie dahil lunch break na nila. Nag-message na rin siya sa kanilang group chat na sabay-sabay na silang mag-lunch. Nauna na siyang mag-order ng pagkain. Nang makapagbayad ay nagtungo na siya sa kanilang famous place. Saktong nandoon na rin ang kanyang mga kaibigan at mukhang kanina pa ang mga ito. Naka-order na rin ang mga ito ng pagkain.

"Hey guys, how's the training? Nakakapagod ba?" masayang bati ni McKenzie sa mga kasama.

"Sobrang nakakapagod Kenz at hindi ko kinakaya! Drills pa lang sobrang hirap na! Nagutom tuloy ako ng bongga!"

"Speaking of nakakapagod, 'di ba maglilinis pa kayo? Anong pakiramdam?" sarkastikong saad ni Silver habang hinihiwa ang meatballs na kinakain niya. "May magandang dulot din pala minsan ang 'di pagiging loyal sa grupong ito," sabay tawa nito.

Sinamaan agad siya ng tingin ni McKenzie habang madiin siyang inapakan sa paa ni Aubrey kaya napangiwi si Silver at nabitiwan ang hawak na kutsara't tinidor. Wala namang pakialam ang apat nilang kasama na patuloy lang na kumakain.

***

Natapos na ang klase ni McKenzie kaya't dumiretso na siya sa gym ng tennis team. Sa locker room muna siya pumunta para makapagpalit ng pang-training. Kinuha na rin niya ang kanyang tennis bag na naglalaman ng extra niyang raketa, bola at iba pang mga gamit na kailangan sa training.

Bitbit ang kanyang raketa ay nagtungo na siya sa court upang sumali at makapagsimula nang mag-training kasama ang mga kaibigan. Nagtataka ang kanyang mukha nang madatnang tahimik ang court at walang naglalaro. Inilibot niya ang paningin sa buong gym. Ilang saglit ay namataan niya ang anim na kasama na magkakatabi na nakaupo sa bleachers. Tahimik lamang ang mga ito at may kanya-kanyang ginagawa. Ang magkasintahang Aubrey at Black ay abala sa pagpupunas ng pawis ng isa't isa. Si Silver ay ipinaligo sa sarili ang hawak na isang bote ng tubig habang tinatapik ni Tyler ang likod nito. Si Reign at Natalie naman ay abala sa kanilang mga raketa.

Lalapit na sana si McKenzie sa kanyang mga kasama nang biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran na hindi niya inaasahan kaya napako siya sa kanyang kinatatayuan.

"Innamorata...can we talk?" pakiusap nito kay McKenzie at unti-unting lumapit dito. Wala itong nakuhang sagot. Napakatahimik sa buong tennis gym.

"McKenzie...please? I'll tell you everything. Just let me explain," pagmamakaawa pa rin nito pero sa halip ay mas lalong nagdilim ang mukha ni McKenzie at pinipigilang ihampas ang hawak na raketa dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman.

"What I saw is already enough, Royce. We have nothing more to talk about. We are over," malamig na tugon ni McKenzie at nagsimula na itong maglakad palabas ng tennis gym.

Naiwang nakayuko at malungkot si Royce. Hindi niya maiwasang maikuyom ang mga palad dahil sa pagkakamaling kanyang ginawa. Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok at pailing-iling na umalis ng gym.

Nakayukong naglalakad si Royce papuntang parking lot at maraming iniisip kaya hindi niya napansing may nakabungguan siya.

Nag-angat agad siya ng tingin. "I'm really sorry, mister," hinging paumanhin niya sa taong naka-beanie at may suot na photochromic eyeglasses. Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang wala sa sariling napahinto siya. May biglang sumagi sa kanyang isip at mabilis na lumingon sa direksyon kung saan may nakabungguan siya kani-kanina lang. Wala na ang taong 'yon.

ตอนถัดไป