webnovel

Chapter 14

Alas-sais y media pa lang ng umaga ay nakagayak na si Arian upang pumasok. Maaga siyang gumising kaya't heto siya ngayon, hinihintay ang kupal niyang kaibigan. Kahit kailan talaga, napakakupad kumilos ng buwisit na 'yon. Buti pa si Nix, laging maaga at ako lagi ang hinihintay, naiinip niyang sabi sa sarili.

Hindi na nila kasabay si Kale na pumasok dahil sa Henderson University na ito nag-aaral at malayo ito sa university nilang dalawa. Nakakalungkot dahil nawalay ang pinakakamamahal kong si Nix sa 'kin at naiwan ang damuhong Fuentes na kasama ko.

Tinawagan na niya ang kupal niyang kaibigan na si Troy dahil ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin ito. Malilintikan talaga sa 'kin ang lalaking 'yon oras na dumating siya. Malayong-malayo talaga siya kay Nix ko.

Sa halip na mamuti na ang kanyang mata sa kahihintay ay pinili niya munang bantayan ang kanyang baby, si Maggie. Ang himbing-himbing naman ng tulog mo baby ko. Manang-mana ka talaga kay mama mo, ang cute-cute. Sarap panggigilan.

Habang hinehele ni Arian si Maggie ay may bumusina sa labas. Si kupal na siguro 'yon. Hinalikan niya muna sa noo ang bata saka dahan-dahan inihiga sa crib nito. Kinuha na niya ang kanyang bag at dali-dali nang lumabas.

"Ano ba 'yan Fuentes, ang tagal-tagal mo masyado! Kinultaban mo pa ata 'yang bayag mo. Mag-drive ka na, dali!" sigaw na utos ni Arian kay Troy habang itinaas lamang ng huli ang kanyang middle finger sa kanya saka biglang pinaharurot ang motor.

"Alam mo panget, kung di ka lang talaga mahal at hahanapin ni dude, matagal na kitang inihulog sa tulay. Pucha ka!" sigaw nito habang nagda-drive papasok. Marahan ko naman niya itong kinurot dahil baka maaksidente sila. Humanda ka talagang Poncio ka.

Nang makarating ang dalawang magkaibigan ay mabilis bumaba si Arian at iniwan si Troy. Pagpasok sa kanilang room ay tiningnan niya muna ang kanyang selpon. Halos tumalon siya sa tuwa nang mabasa niya ang isang mensahe mula kay mahal niya sa kanilang group chat at may mensahe rin ito para sa kanya. Tinatanong nito kung kailan puwedeng mabisita ang kanilang anak.

May anak na kaming dalawa ni mahal, si Maggie. Tatlong taon na siya at tulad ng kanyang mama ay makulit ito. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil tinanggap niya kaming dalawa kahit sa maikling panahon lang na nagkakilala at nagkasama kami.

'Di naman siya mapakali sa sobrang saya at daig niya pa ang kinikilig. Eh kasi naman, ang sweet sweet niya masyado at thoughtful. Kulang na lang ay mabasag na ang screen ng kanyang selpon dahil sa diin ng kanyang pagta-type. I'm so excited!

Nagsimula na ang kanilang klase at 'di niya namalayang dumating na si Troy na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Nginisian na lamang niya ito at nakinig na sa kanilang propesor.

***

Katatapos lang ng kanilang klase at lunch break na. "Ramirez panget, tara punta na tayong canteen. Nagugutom na ako." Sasagutin na sana ni Arian si Troy nang biglang tumunog ang kanyang selpon.

Pagbukas niya ng mensahe ay 'di niya inaasahan ang nag-text. Si Miss Natalie. Sinabi nito na mamaya na ang pool party at itinatanong kung saan sila magkikita-kita para sabay-sabay na. Nakikiusyoso naman ang kaibigan niyang kupal kaya inilayo niya ang selpon. Matapos mag-reply ay ibinulsa na niya ito.

"Hoy panget, ano 'yon ha? Siguro sugar daddy mo na namang kano 'no? Napakahilig mo talaga kahit kailan!"

"Alam mo Fuentes, nakakagago ka. Kung 'di kaya kita isama mamaya. At dahil mahabagin akong tao, huwag na tayong pumasok ngayong hapon. Mag-ready na lang tayo para sa pool party natin mamaya. Nag-text kasi sa 'kin si Miss Natalie kani-kanina lang," paliwanag niya kay Troy. Nag-chat na rin siya sa kanyang mahal na 'di na sila papasok.

Bigla namang nagmukhang aso ang kanyang kasama dahil sa narinig. "Ay seryoso ba 'yan, ganda? 'Di na pala ako papasok! May maganda pa lang dulot ang pagbato sa 'yo rito mula sa impiyerno," nang-aasar nitong sabi sabay hagalpak ng tawa.

"Oo nga eh 'no kaya pati si Satanas isinama ka sa 'kin. 'Di ka kasi kinaya," banat ni Arian pabalik saka binatukan si Troy nang malakas at tumakbo na.

Palabas na sila ng campus nang mapansin ni Arian ang isang taong nakaitim na jogging pants at itim na hoodie na pamilyar na pamilyar sa kanya. Naghihintay ito sa gate. Lumapit pa siya para makumpirma kung tama ang kanyang nasa isip. Nakasunod lang sa kanya si Troy at nang tuluyan siyang makalapit ay nakaramdam siya ng awa at pagtataka dahil sa kanyang nakikita.

"Nix? Anong nangyari sa 'yo? Ba't ganyan ang itsura mo?" tukoy niya dahil hindi nito suot ang beanie at basang-basa rin ng juice ang maikling buhok nito na may kasama pang ilang hibla ng spaghetti. Hindi ito sumagot at nanatiling nakayuko at madilim ang mukha.

Binigyan agad ito ni Troy ng towel at tinulungan na ayusin ang buhok nito. Sinabi din ng dalawa na 'di na sila papasok. Nag-apiran naman sila saka nagkayayaang umuwi kina Arian.

Pag-uwi nilang tatlo ay sinalubong sila ni Lola Dolores, ang lola ni Arian. Nagmano si Arian at Troy habang si Kale naman ay magalang na bumati. Nang mapansin ng kanyang lola si Kale ay agad niya itong pinapasok .

"Oh, anak! Nandito na pala kayo ni Troy. Sakto at magtatanghalian na rin kami. Sumabay na kayo," bungad naman sa kanila ng tatay ni Arian at humalik naman ito sa pisngi ng magulang.

Ang kanyang nanay naman ay abala sa paghahain ng mga pagkain. "Anak, sino naman itong isang guwapong lalaki na kasama niyo? Manliligaw mo ba iyan ha?" biglang tanong ng kanyang nanay habang nagsasandok ng kanin.

'Di namalayan ni Arian na nakatingin lang pala sa kanilang magpapamilya si Kale. Parang nag-iba ang anyo niya. Ang kaninang badtrip niyang mukha ay biglang lumambot at nakangiti pero hindi umabot sa kanyang mga mata. At tulad ng dati ay nanatili lang itong tahimik.

"Nako Ma, Pa, hindi po siya lalaki. Si Nix po 'yan, matalik na kaibigan namin ni Troy. Wait lang po ha at aasikasuhin ko po muna siya," sabay hila ni Arian kay Kale sa cr. Iniwan niya muna ito ro'n at nanguha ng bagong damit na pamalit nito.

"Mahal, maligo ka na muna at ito ang mga bagong damit. Kumpleto na lahat ng kakailanganin mo. Hihintayin ka na lang namin sa kusina," at iniabot niya rito ang mga damit.

***

Nang matapos silang magtanghalian ay biglang lumabas si Maggie at saktong papunta na sila sa sala.

"Mama!" masaya nitong sigaw nang makita si Kale at patakbong lumapit. Nakangiti at nakaluhod naman niya itong sinalubong at ikinulong ang anak sa kanyang mga bisig.

Tuwang-tuwa si Maggie lalo nang buhatin siya ng kanyang Mama at itinaas sa ere. Nakangiti lang si Kale sa kanilang anak habang ang bata naman ay tumitili tuwing itinataas. Dahil masarap sa pakiramdam na tingnan ang mag-ina ni Arian ay pinicture-an niya ang mga ito. Para silang anghel na ang amo-amo ng mga mukha. Si Nix na halos nakapikit na sa kanyang pagkakangiti at si Maggie ay gano'n din na kita rin ang dalawang ngipin nito habang kurot-kurot ang pisngi ng kanyang mama.

Ilang saglit lang ay nagpaalam na rin silang tatlo sa mga magulang ni Arian na papasyal muna ng mall at isasama si Maggie. Hindi na bumitiw ang bata sa kanyang mama. Binilinan lang sila at umalis na rin.

Pagdating nila ng mall ay dumiretso agad sila sa arcade. Isinakay kung saan-saan ni Kale ang kanilang anak at binilhan ng ilang laruan at teddy bear. Halos hindi na magkandamayaw ang bata sa kanyang mga nakikita at talagang enjoy-enjoy na ito.

Grabe talagang magbonding ang mag-ina. Parang may mga sariling mundo.

"Dude, panget, magsi-cr lang muna ako ha saka mukhang third wheel ako sa inyo. May pupuntahan lang ako diyan sa tabi-tabi," paalam ni Troy sa kanilang dalawa. Hinayaan na lang nila itong umalis.

Umalis na silang tatlo sa arcade at pumunta sa isang ice cream stall.

"Hey kiddo, do you want some ice cream?" malambing na tanong ni Kale sa karga nilang anak. Tumango lang ang kanilang anak sabay sipsip sa thumb nito.

"Pumili ka na rin ng gusto mo, mahal. It's my treat dahil ngayon lang ulit tayo nakapag-bonding kasama ang anak natin," baling naman sa kanya ni Kale at pinisil ang kanyang kamay.

Nang makabili na sila ng ice cream ay umupo lang sila saglit upang kumain. Asikasong-asikaso ni Kale si Maggie. ­Napakasuwerte ko talaga kay Nix. Hindi namalayan ni Arian na nakatulala na pala siya sa dalawa lalo na kay Kale. Pinunasan nito ang kamay niyang natuluan ng ice cream. Wala sa sariling hinalikan niya ito sa pisngi. "Thank you so much, mahal," madamdamin niyang pahayag at hinawakan ito sa kamay. Wala na akong mahihiling pa. You're a blessing, Nix.

Niyaya na siya ni Kale na mag-grocery ng mga gatas, diapers at iba pang kakailanganin ng kanilang anak. Ikinawit ni Arian ang kanyang braso sa braso ni Kale at masaya silang nagtungo sa grocery.

***

"Mahal, okay na ba 'yan? Baka may kulang pa sa mga pinamili natin. Dagdagan mo na. Ako ng bahalang sumuporta sa anak natin," biglang sabi ni Kale kay Arian nang matapos siyang pumili ng mga bibilhin.

"Sobra-sobra na ang mga 'to mahal. Saka hati tayo sa pagbabayad, hindi puwedeng laging ikaw. Nakakahiya naman kung gano'n," pagtanggi ni Arian at pumunta na sa counter.

Nang makapagbayad na sila ay saktong hinihintay na sila ni Troy sa isang gilid.

"Maraming-maraming salamat, mahal. Mahal na mahal ko kayo ni Maggie," nakangiting pahayag ni Arian at hinawakan si Kale sa kamay. Karga pa rin nito ang kanilang anak habang si Troy ang tagabitbit ng kanilang mga pinamili.

Napagpasyahan nilang kumain muna sa Mang Inasal dahil napagod sila sa kanilang mga ginawa. Namilit ulit si Kale na ilibre sila. Aangal pa sana si Arian ngunit nag-abot na si Kale ng pera kay Troy at ito na ang nag-order para sa kanila. Tuwang-tuwa na naman ang gago. Wala talagang ambag.

Tahimik lang silang kumakain habang si Kale naman ay abala sa pagpapakain sa kanilang anak. Wala na talaga akong masasabi kay mahal. Napaka-wife material niya. Hindi tulad no'ng isa naming kasama na patay-gutom at puro pambababae lang ang alam.

Nang matapos silang kumain ay inayos na rin ni Kale ang kanilang anak at mukhang inaantok na ito. Biglang naalala ni Arian ang pool party na pupuntahan nila ni Troy.

"Nix, may gusto sana akong sabihin sa 'yo." Nag-angat naman ito ng tingin. "Tutal day off naman natin sa bar ngayon, yayayain ka sana namin ni kupal na sumama sa pool party para sulit ang bonding nating tatlo lalo na't hindi na tayo magkakaklase 'di ba Fuentes?"

"Oo nga naman dude at nami-miss din kita. Sinolo ka kasi nitong si panget, hindi tuloy tayo nakapag-fishing ng chix," nakangising turan naman ni Troy. Sinamaan ito ng tingin ni Arian dahil yayayain pa nitong mang-chix ang kanyang mahal.

"Pasensya na dude, Yan. Hindi ako makakasama eh. Marami pa akong gagawin. Next time na lang siguro saka napagod na rin ako sa ginawa natin ngayon."

Pinilit pa rin ni Arian si Kale dahi hindi puwedeng hindi ito kasama. "Pero Nix, sina Miss Natalie naman ang nagyaya. Mababait naman sila at madaling pakisamahan." Pagkasabing 'yon ni Arian ay biglang nag-iba ang mood nito at tumahimik.

"It's getting late. We should go, baka mahuli kayo sa pool party," yaya ni Kale sa kanila. Umuwi na sila kina Arian.

***

Kasalukuyang nagbibihis si Troy at Arian sa bahay ng huli. Pag-uwi nila rito ay nagpaalam na rin agad si Kale kaya silang dalawa na lang ulit ang naiwan. Mayamaya ay nakarinig si Arian na may bumubusina sa labas. Baka 'yon na ang sundo namin. Nagmadali na silang dalawa at kinuha na ang kanilang mga gamit at nagpaalam sa kanyang mga magulang.

Paglabas nilang dalawa ay nadatnan nila ang isang van at bumukas ang pinto nito. Masayang mukha ni Miss Natalie ang kanilang nabungaran at niyaya na sila nitong umalis.

"Are you ready? Let's go guys! Reign, drive...to the Acosta's house!"

***

"Arian, nasaan pala si Nic? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong ni Natalie rito habang nasa biyahe sila.

"Ah eh, marami pa raw siyang gagawin," alanganin nitong sagot at nagpalusot ng kung ano-ano.

Makalipas ang kalahating oras na biyahe ay huminto na ang sasakyan at bumukas ang isang gate na bakal saka pumasok at iginarahe ang sasakyan.

"Guys, tara na! Nandito na tayo. Welcome to the Acosta's house!" masayang sigaw ni Reign.

Nauna na si Reign at Natalie habang silang dalawa ni Troy ay hindi pa rin kumikilos. Nakatulala sila sa kabuuan ng bahay. Napakalaki at napakagarang tingnan. Hindi naman bahay ito kung di mansion. Ang ganda ng pagkakadisenyo at talagang detalyado ang bawat sulok, manghang sabi ni Arian sa sarili.

Bumalik lang si Arian sa kanyang ulirat nang hampasin siya nang malakas ni Troy. "Tangina Ramirez! Sobrang ganda rito, ang yaman-yaman naman ng mga kaibigan mong sindikato! Ano pang hinihintay natin, punta na tayo!"

Nagsimula na silang maglakad ngunit nangangapa pa sila kung saan dahil sa sobrang lawak. Baka maligaw kami. Ilang saglit lang ay nakarinig na sila ng mga sigawan at hiyawan pati na rin ang malakas na tugtugan.

Nakarating na sila ngayon sa swimming pool area at nakita nilang nagkakasiyahan ang pitong magkakaibigan na customers ni Arian sa The Midnight Haven. Bigla tuloy siyang nahiya at kahit si Troy ay biglang natulala sa nakikita nito at napahigpit ang hawak sa dalang bag nito.

"Pangit, ang gaganda naman nilang nilalang. Hindi ko akalain na sa paraiso pala tayo pupunta. Sayang, wala si dude. Ang daming chix oh," nahihibang na usal ni Troy sa kanya.

"Gago, puwede ba, umayos ka. Saka anong chix ka diyan, hindi ka nila papatulan. Ikaw pa bang isang Troy Fuentes na may dugong manyakis."

"Arian, Troy, ano pang hinihintay niyo? Tara na rito sa pool! Let's party!" sigaw na yaya sa kanila ni Tyler pagkaahon nito sa tubig at paakyat ito ngayon sa pool ladder, papalapit sa kanila.

Anak naman ng tokwa't baboy Lord! 'Yong abs kasi ang yummy tapos 'yong tubig tumutulo sa may...jusko hotdog! Joke lang! Siyempre do'n pa rin ako kay baby Maggie at mahal ko.

Nagbawi agad ng tingin si Arian dahil baka mahalata siya. Nakakahiya pa naman. Bumaling siya kay Troy pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ito kaya sinundan niya ang tinititigan nito. Doon lang naman sa apat na naggagandahan at nagseseksihang mga babae na naka-swimsuit at naglalaro sa pool. Sa tingin ni Arian ay nakahubad na sa paningin ni Troy si Miss Knight dahil tutok na tutok ito rito at nakanganga pa. Kinurot niya ito sa tagiliran para bumalik na sa katinuan.

"Oh, Arian at Troy, magpalit na kayo at magpakalunod na tayo sa saya at sarap!" sigaw ni Natalie at nag-dive na sa swimming pool. "Puwede na rin muna kayong kumain!" dagdag pa nito pagkaahon sa tubig.

Kahit na gustong-gusto nang lumangoy ni Arian ay niyaya na lang muna niya si Troy na kumain. Grabe naman kasi silang pito. Para silang mga celebrities tapos kami naman ay mukhang naligaw lang. Kumbaga, sirena sila, dugong kami.

Hinila na ni Arian si Troy papunta sa isang mahabang mesa. Halos malula naman ang dalawa sa mga pagkain. Dinaig pa ang may piyesta sa rami ng handang pagkain.

"Panget, tara kumain na ulit tayo! Nagutom ulit ako eh. Ang suwerte suwerte ko talaga ngayong araw! Hindi ka rin naman pala malas kasama," pang-aasar ni Troy kay Arian habang kumukuha na ng plato at iba't ibang putahe.

Nang matapos manguha ng pagkain si Arian ay siya ring pagdating ng pito. Basang-basa ang mga ito at base sa nakikita niyang tanawin ay nagkakasala na siya. Parang may iba akong gustong kainin.

Umupo na silang dalawa ni Troy sa gilid ng pool at gano'n din ang iba habang dala-dala ang kani-kanilang pagkain.

"Nasaan si Kale? Ba't hindi siya pumunta?" biglang tanong ni Silver sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.

"Sino si Kale, Pilak? Babae mo na naman?" inosenteng tanong naman ni Natalie.

Mukhang magtatalo na ang dalawa kaya sumagot na si Arian. "Si Kale ay si Nix. Hindi siya nakapunta dahil may gagawin pa raw at medyo pagod din," palusot na naman niya at nagpaliwanag pa ng kung ano-ano para lang maniwala ang mga ito.

"Mc, narinig mo 'yon? Busy at pagod si Kale kaya wala rito. Saka mo na hanapin, 'di naman mawawala 'yon. 'Wag kang mag-alala, ilakad kita minsan." Nakangisi si Silver kay McKenzie ngayon habang ang huli naman ay nanlilisik ang mga matang nakatingin dito.

"Fuck you, Eiji! Asshole!"

Sa mga sumunod na minuto ay nagbabangayan na ang dalawa dahil napikon si McKenzie at nakisama na rin si Aubrey at Natalie. Tuwang-tuwa naman silang nanonood sa apat nang hilahin si Arian ni Natalie at tuluyan na silang lumangoy.

***

"Para 'di boring, maglaro tayo! Truth or dare! Pero siyempre may twist para maiba naman. Ano game ba kayo?" masayang sigaw ni Silver habang lumalangoy pa rin sila kahit malalim na ang gabi. Ilang oras na rin ang lumipas. Nagsawa na ata sila.

"Bet ko 'yan Pilak! Kahit papaano may alam ka pa lang gimik. Akala ko tatanga-tanga ka eh."

"Oh, wala pa kayong tama nagbabangayan na agad kayo! Alam niyo ba ganyan din nagsimula ang lolo't lola ko!"

"Oo nga Reign pero malabo. May ibang gusto si Silv kaso take—"

"Manahimik ka Tyler! Magsimula na tayo baka saan pa umabot 'tong usapan mga gago! Humanda ka sa 'kin Acosta!"

Umahon na sila at nanguha na si Silver ng isang bote at inilagay 'to sa gitna saka ipinaikot. Unang tumapat kay Natalie.

"Paano ba 'yan Nat, truth or dare?"

"Dare, mga ogag! Ayusin niyo ipapagawa niyo!"

"Oops, teka, teka. Yes or no lang ang sagot saka bawal mag-explain at no follow-up questions. Dahil may twist, kapag 'di mo nasagot or nagawa, iinom ng dalawang shots ng alak. At dahil ikaw ang lucky girl, are you still a virgin?"

"Shit ka talaga Pilak! Sabi ko dare, ba't nagtatanong ka?"

"C'mon Nat, with a twist nga 'di ba so ano na?"

"Y-yes."

"Parang 'di sure ah! Patingin nga kung totoo!" at nagsihagalpak sila habang si Natalie ay buwisit na buwisit sa kanila.

Nag-spin na si Natalie at tumapat ito kay Black. "Itim, truth or dare?"

"Truth siyempre."

"I-lapdance mo si Tyler," pigil tawang sabi nito at humagalpak ang mga babae.

"What?! Are you crazy Nat? Gago!"

"C'mon dude, naghihintay kami oh, 'wag mong sabihing iinom ka ng alak?" Uminom nga ito ng dalawang shots ng alak.

"Ang kj mo pre. Kami-kami lang naman eh, sayang na-video-han ko sana!"

"Humanda ka Reign kapag ikaw na." Sumunod na tumapat kay Reign ang bote.

"Oh paano ba 'yan pre, truth or dare?"

"Sa dare ako boi, 'di mo ko maiisahan."

"Ops wait lang guys. Dahil dalawa na ang nakagawa ng truth or dare, babalik sa dati ang truth or dare. Truth will be truth, dare will be dare."

"Dare ka 'di ba pre? Ready ka na ba? Ito ang dare ko, wear your underwear over your pants for the rest of the game."

Pagkarinig nila ng dare ni Black ay nagtawanan silang lahat. Hindi na sila makahinga dahil sa katatawa. Hindi ko alam na puro kagaguhan din pala silang pito. Hindi makapaniwala si Sir Reign at buwisit na buwisit kay Sir Black.

"Chill ka lang pre, saglit lang naman eh, for the rest of the game lang naman."

Walang nagawa si Reign kung di gawin ang dare at nagtungo sa cr sa gilid ng pool habang sila ay 'di pa rin nakakarekober sa pagtawa. Mayamaya ay lumapit na sa kanila si Reign na suot ang brief nito sa labas ng trunks niya. Hindi na talaga namin kinakaya ang nangyayari.

"Nice outfit pre."

"Hayop ka Tyler!"

"Wait, break muna. Inom munang alak, nalilibang na kayo masyado eh," sabi ni Black sa grupo dahil wala nang gumagalaw sa mga alak.

Sumunod ay si Silver. "Silver, truth or dare?

"Truth."

"Do you have a secret crush on anyone in this group?"

"None. Piece of cake naman niyan!" confident at mabilis nitong sagot ngunit 'di siya nakaligtas sa ibang kasama. Bigla namang sumabat si Tyler. "Talaga lang ha? Ano pala si A—Torpedo!"

Lumipas pa ang ilang pag-ikot ay si Arian, Troy at McKenzie na lang ang natitira. Napapikit si Arian at pagdilat niya ay sa kanya tumapat. Nako naman, sana maayos ang ipapagawa nila.

"Truth," mabilis niyang sagot. "Who is your special someone?" nakangising tanong sa kanya ni Tyler habang iniikot ang basong may lamang alak. "Nixon." Biglang nag-boo ang mga lalaki at nakisakay din si Silver habang naka-thumbs down na nang-aasar kay McKenzie.

Pinaikot na ni Arian ang bote. Pagtingin niya kung kanino tumapat ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Si Miss Knight na nakataas ang kilay sa 'kin. Ano kayang problema niya?

"Truth or dare?" kinakabahan niyang tanong. "Dare," tipid nitong sagot sabay sipsip sa hawak nitong wine glass. "Do you like Oliveros? I mean, Nixon Oliveros?" Try ko lang. 'Di naman ako tanga para hindi sila mahalata.

Biglang kumunot ang noo nito at salubong na ang mga kilay. "Huh? I said dare, ba't ganyan?"

"Just answer Kenzie. Don't tell me you forgot the rules?" maarteng usal naman ni Aubrey at seryoso itong nakatingin dito. Abang na abang sila sa magiging sagot nito ah.

Sasagot na sana ito nang sumingit si Silver at ngumisi. "No lying ha."

"No," simpleng sagot nito at inisahang lagok ang alak sa wine glass niya.

"Ba't may diretsong paglagok ng alak ha Mc? Ay alam ko na. So, tama nga ako? Dahil diyan uminom ka, two shots."

"What?! Tama naman 'yong sagot ko ah," pero ngumisi lang si Silver at itinapat ang dalawang shots ng alak kay McKenzie.

Mukhang alam ko na ang pinagbabangayan at tinutukoy nila. To be exact, ay kung sino. Pasensya na lang pero hindi pupuwede ang gusto nila. I know her.

Natapos na silang maglaro at bumalik na ulit sa pool para maligo at mahimasmasan dahil sa epekto ng alak. Si Troy ay hindi na makagulapay habang si Arian naman ay umiikot na ang paningin. Umahon na siya at tiningnan ang kanyang selpon. Kahit nahihilo ay nabasa niya ang text mula kay Kale na humihingi ng pasenya dahil sa 'di pagpunta nito. Sa huli, dito na sila pinatulog.

ตอนถัดไป