webnovel

Chapter 11

Ramdam ni Cash ang banayad na paghinga ni Ferol. Tanda iyon na nakatulog na ito. Matapos ang umaatikabong aaksyon na namagitan sa kanilang dalawa siguradong napagod ito ng husto lalo na at first time pa nito.

Natigilan siyang bigla nang maalala niya iyon. Oh man.

Binaha agad ng guilt ang kalooban niya. Kung sakaling nakontrol niya ang sarili niya maaaring walang nangyari.

What are you thinking man? Pinagmasdan niya ang payapang mukha ni Ferol. May ibang damdamin ang naidulot sa kanya nang malaman niyang siya ang nakauna rito. Pagmamalaki? Hindi.

Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na tinuturing na isang trophy ang makuha ang virginity ng isang babae. Hindi rin siya mahilig mambabae para lang punan ang pisikal na pangangailangan.

But I want her so badly.

"My sweet Ferol." Napabuntong-hininga siya. Ang tanong, ano na ang susunod na gagawin niya? He could marry her.

Kasal? Handa na ba siya para doon? Mahal niya si Ferol. Bago pa ang lahat ng nangyari mahal na niya ang dalaga. He can't even imagine his life without her. But..

There's a but..

Bakit naguluhan ka'ng bigla?

Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Ferol sa mahimbing na pagkakatulog. Mabilis siyang nagbihis.

"Maybe I need some air, bago matukso uli ako'ng hagkan ka Ferol."

Sinulyapan niyang muli ang natutulog na dalaga at pinilit niyang umalis ng kanyang silid.

Iyon na yata ang pinakamasarap ng tulog na naranasan ni Ferol sa tanan ng buhay niya. Mula ng ipikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa muli niyang pagdilat. Hindi naistorbo ang mahimbing na pagkakatulog niya.

Umupo siya at akmang mag-iinat nang dumausdos pababa ang kumot sa kanyang katawan. Napasigaw siyang bigla at natigilan. Bago pa man kung ano'ng salita ang masabi niya agad na pumasok sa isip niya kung bakit wala na siyang saplot sa kanyang katawan.

Napangiti siya nang tila nagflashback ang lahat ng makukulay at masarap na nangyari sa pagitan nila ni Cash.

Nilingon niya ang kanyang tabi. Wala si Cash.

Bahagya niyang tinignan ang banyo, pero wala rin roon ang lalaki.

"Baka naman nasa ibaba." Pinagdadampot niya ang nagkalat niyang damit at isa-isa niya iyong isinuot. Napakasigla ng pakiramdam niya. Hindi lang naman dahil sa nangyari sa kanila. Ang kasiguruhang mahal siya ng binata.

So ito pala ang feeling ng.. napangisi siya sa makamundo niyang naisip.

Tengok ka, naisuko mo na ang Bataan. Dalaga ka na! at higit sa lahat hindi ka na forever alone.

"Magbunyi ang mga praning." Lihim siyang napangiti sa kanyang sarili.

Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa kusina. "Cash? barya ko.."

Hanggang sa makarating siya sa sala ay wala pa rin ang irog niya. Nilingon niya ang buong bahay.

Nasaan kaya ang isang iyon?

"Nagdisappear ang loko? Ano ito? matapos ang pagpapakasarap hanapan naman ang magaganap. Umuuso ka Cashmot ah."

Dire-diretso siyang lumabas ng bahay. Hindi pa man siya nakailang hakbang palabas ng bakuran ay napatda siya sa kanyang nakita.

Tila itinulos siya sa kanyang kinatatayuan. "Ano'ng ibig sabihin nito.."

Halos panghinaan siya ng tuhod nang makita niya si Cash na may kahalikang babae. Si Jeane. At sa tapat pa mismo niya! Oo may kahalikang iba ang taong mahal niya.

Sa isang iglap binawi lahat ng masasayang aura sa katawan niya. Dahan dahan na rin niyang nararamdaman ang pag-usbong ng isang alien na pakiramdam na mukhang ngayon pa lang niya makakadaupang palad.

Mabilis siyang tumakbo papalayo. Papalayo sa kanila. Pigil na pigil niyang umagos ang kanyang luha.

Hindi pwede, hindi pwede iyon.

Bumangga tuloy siya at muntik na siyang madapa kung hindi lang siya inalalayan ng nabangga niya.

"Si Jeane at Cash.." mahinang sabi niya.

"Ferol, ano'ng nangyayari sa iyo?"

Nag-angat siya ng paningin. Nag-aalalang mukha ni Terrence ang bumungad sa kanya. "Terrence.."

"Bakit ka umiiyak?" inalalayan siya nitong makatayo. Nalilitong tinitigan siya nito.

"Ang sakit." Tuluyan nang umagos ang luha sa kanyang mga mata.

"Masakit nga makagat ng maraming langgam. Umalis nga tayo dito sa daan." Inakay siya niya nito sa isang tabi. "At makati rin, umiiyak ka na sa sakit. Bakit ba kasi sa malanggam ka pa naglakad."

Kung sa ibang pagkakataon baka tinawanan niya si Terrence. Ngalingaling sapakin niya ito.

"Terrence please, dalhin mo ako sa malayo. Si Trinket, hanapin natin ang abno'ng iyon."

Hindi ko yata kaya 'to. Bakit ganon, hindi iyon maaari.

"Ferol.." untag sa kanya ni Terrence. Pinahid nito ang kanyang luha. "Halika sa bahay nandoon si bunso."

WALANG tigil sa kakaiyak si Ferol nang makarating sila ni Terrence sa bahay ng mga Rich. Matapos niyang ikuwento ang nakita niya. Kahit ano'ng palubag loob ang gawin ni Trinket sa kanya ay tila hindi magpaampat ng mga luha niya. Tila hindi masaid.

Napasapo sa noo si Terrence. "Ang ayaw ko sa lahat ang makakita ng babaeng umiiyak." Tumayo ito. "Ferol, sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng susuntok kay Cash."

"Terrence ano ba!" singhal ni Trinket dito. "Ang sabihin mo, dapat matagal mo na pinabalik si Jeane sa pinanggalingan niya. Tignan mo kung anu-ano na pinaggagawa dito." halos na nanggigigil na kinayumos nito ang hawak na papel.

"Teka nga bunso, bakit tila galit na galit ka rin kay Jeane? Sigurado ka ba'ng si Jeane nga iyong.. kasama ni Cash.." natigilan itong bigla

Napahagulhol siya ng iyak. "Bakit ganoon.."

"Kuya!" niyakap siya ng kaibigan niya. "Kuya, pwede'ng pakuha naman ng tubig."

Tumango lang ito at nagtungo sa kusina.

"Ferol, tahan na. abno ka. Hindi ka dapat ganyan. Naiiyak rin ako eh." Kumuha ito ng tissue saka ipinahid sa pisngi nito. "Ano ba talaga ang nangyayari? Akala ko ba kayo na ni Cash. ang saya mo pa nga kahapon eh."

Hindi siya umimik bagkus umiyak lang siya.

"Ferol."

"Trinket, ayaw ko munang mag-isip."

"Ferol." Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Kung kailangan mo ng resbak, just call my name and I'll make kalbo kalbo Jeane for you."

"Sira ka talaga, pinsan mo pa rin iyon."

Natahimik ito.

"Baka trip lang ako ni Cash." napalunok siya. "Ang trip na hindi ko masakyan at ako lang ang nasaktan."

"Ferol wag mo sabihin iyan."

"Kitang-kita ko silang dalawa. Trinket." Marahas siyang napahinga. "Si Jeane, ano ba'ng meron siya na wala ako? Sabihin mo sa akin. Wag ka maging magulo sa sagot mo. Alam ko'ng pinsan mo siya at kaibigan mo lang ako."

"Kaibigan lang kita." Niyugyog siya nito. "Gaga ka talaga, wag ka ngang ganyan. Kulot lang ang buhok non ikaw hindi." Hinaplos nito ang mahaba niyang buhok. "Ang sabi naman ng relax mo'ng buhok sa kanya."

"Abno ka talaga. Nakuha mo pa talaga.." napasandal siya sa kinauupuan at tumingala sa kisame. "Siguro hindi talaga kami da-"

"Hep!" pigil ni Trinket sa kanya. "Wag mo'ng tatapusin ang sentence mo. Sinasabi ko sa'yo hindi pwede."

"Pero di'ba.."

"Hindi pa tapos ang lahat Ferol, kung kailangan mo'ng ingudngod si Jeane sa buhanginan at ihagis sa dagat. Hindi kita pipigilan."

"Abno ka ang brutal mo. Wag mo ako'ng patawanin kita mo'ng ang bigat at ang sama ng dinaramdam ko eh."

"Hindi pwede'ng ganyan. Pinalaki ako nina Kuya na lumalaban. Dahil ikaw ang pinakamalapit ko'ng kaibigan, kailangan mo'ng lumaban. Gusto mo ipakulam pa natin iyan kay Fria para magtanda."

"Kahit kailan talaga baliw ka. Pinsan mo 'yon. kapamilya. Kapuso at kabarkada mo."

Oo, si Jeane na kahalikan ni Cash

Isa pang punyal ang tumarak sa kanyang dibdib. Hindi ka pa ba nakuntento sa mga halik ko? Matapos ang lahat lahat.

Ang sakit ng kagat ng langgam. Ang sakit talaga.

Next chapter