webnovel

Chapter 12

"Tuloy paba plano mo?"

Iyon ang bungad sa akin ni Irish habang nasa Cafeteria kaming tatlo. Sumasakit na nga ang ulo ko kakaisip. Tatlong araw mula nang nagkausap kami ni Lexord at binigyan ako nang payo ng kapatid ko. Mas pinili kong iwasan muna sya habang hindi pa ako nakakapag isip.

Iyong plano namang sinasabi nya ay ang magkalap ng impormasyon mula sa kanila. Ang hirap nang magtiwala kasi sa panahon ngayon. Alam ko na tahimik ang mga ka trabaho ko pati kina Irish at Chloe kaya mas lalo akong nangangamba dito.

"Paano kung plano lang pala nya itong lahat? Na hihintayin nyang mahulog ako tapos gagamitin nya?" Nag o overthink na sabi ko. Natatakot ako para sa sarili ko.

"Wag mo nga isipin yan. Irish and Israel are now good together na din. Pero si Israel naman ang nagsasabi na wala naman silang plano sa atin at labas tayo sa kung ano man ang pinasok nila. Don't ever think of that. Wag kana ulit mag isip ng ganyan." Sabi sa akin ni Chloe kaya napatingin ako sa kanya. Paano nya kaya nasasabi iyon? May alam ba sya?

"Bakit, nakakausap mo ba si France?" Tanong ko pero umiwas lang sya nang tingin at pinagpatuloy ang kain nya.

"Nako, syempre araw araw na nga magkasama yang dalawa! Mukhang nagkaka mabutihan na." Tuwang tuwa na sabi ni Irish. Buti pa nga sila at love life ang nakakapag pasaya sa kanila. Samantalang ako, nandito pa din at naguguluhan.

"Bahala na." Bulong ko sa sarili ko.

Matapos namin kumain ay naghiwa hiwalay na kaming tatlo. Mukha lang palagi kaming magkakasama pero may sari sarili din kaming mundo at may ibang ginagawa. Iyong dalawa, nag punta na sa mga partner nila. Ako, nagpunta ako sa rooftop ng school para magpahangin.

Naalala ko pa noong unang punta ko dito. Napapikit ako nang maramdaman ko hampas nang hangin sa mukha ko. Nagpapasalamat ako dahil naiintindihan ako ng kapatid ko at hindi naman nya minasama iyon. Siguro ay ganoon din sya, inspire na sa crush nya.

Huminga ako ng malalim, nang maramdaman ko ang kapayapaan sa kinatatayuan ko. Ngunit napatigil din nang makarinig ako ng yabag na paa mula sa likuran ko.

Alam kong sya iyon pero hindi ko na sya nilingon. Masama pa din ang loob ko pero masisisi nya ba ako kung gusto ko lang naman protektahan ang sarili ko? Hindi pa naman ako ganoon ka tanga para magpauto sa kanya.

Masyado yatang tumaas ang tingin ko sa kanya kaya naging ganoon kababa ang tingin ko sa sarili ko para magustuhan nya. Sa itsura pa nga lang nya ay kaya na nyang humakot nang isang daan na babae kahit nga dumadaan lang sya.

"Sa dinami rami ng iba, bakit ako?" Napatanong ko bigla.

"Because if it's not you, who will be?" He said to me. I can feel his cold tone.

Ngumiti ako ng sarkastiko. "Your girlfriend." Of course.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Nakatingin lang kami sa mga taong naglalakad sa ibaba. Why do I have to feel this way? Bakit sya pa?

"You know what my first impression to you?" Pagbasag ko sa katahimikan. Naramdaman kong nilingon nya ako saglit bago binalik ang tingin sa ibaba.

"What?"

"That type of someone you will abandon with you." Natawa ako sa sariling sagot at matapang na hinarap sya. "You're that type of person."

"What? Manghuhula kana ba sa tingin mo? And why would I do that?" Naguguluhan nyang tanong sa akin.

I know that he's kind. But kindness of people sometimes fake. Mas makikita mo ang totoong kulay nila kapag mas kinilala mo pa. At hindi porket pinakita ka nang kabaitan ay mabait na at pwede mo nang pagkatiwalaan.

"Just an impression, chill." I calmly said and open the red candy in my hand.

"Oh I forgot that you're so easily to judge people. Bakit pa nga ba ako magtataka? You're even questioned my feelings for you." Napalingon ako sa kanya nang sabihin nya iyon.

Tinignan ko sya nang blanko at humalukipkip sa harap nya. "First of all, I'm not the person who will followed here because of the news that I'll avoid him. Hindi na nga dapat ako magpapa kita pero ikaw naman ang naghahanap kung nasaan ako. At ngayon naman, isusumbat mo pa din sa akin yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Bakit hindi na lang nya ako tantanan kung ganoon?

"Hindi mo maiintindihan, because you will never get rejected."

"Dahil hindi ako makapaniwala!"

"Na ano?!"

"Na ako ang nagugustuhan mo?!"

"And so what?! Why do you always make a big deal of that?! Tao pa rin naman ako."

"Dahil gusto din kita!" I shouted. His eyes widened because of shocked.

Fuck!

Napaiwas ako ng tingin kasabay nang paglipad ng buhok ko sa mukha ko. "Kahit kailan, ayoko lang maniwala agad para protektahan ko ang sarili ko. Iniiwasan kita dahil naguguluhan pa ako. I don't want to get hurt. I still don't want to take risk. I'm sorry kung mas ginagawa ko ito para sa sarili ko. Hindi ko pa kayang magmahal ulit ng iba. Hindi ko pa alam kung kaya kong matagalan na kasama ka." Pagpapatuloy ko pa.

Hindi ko maiwasan ang pagpigil ko nang emosyon pag dating sa kanya. "At pasensya na kung pinagdudahan ko ang nararamdaman mo. I am just scared. Buong buhay ko, bihira lang ako magkaroon nang kalayaan para kumilos at mag plano nang mag isa. Buong buhay ko, inaalagaan at pinag aaral ko ang kapatid ko dahil iniwan na kami nang mga magulang namin. Na hanggang ngayon, umaasa pa din ako na may babalik sa amin para alagaan kami." Umiiyak na sabi ko. "Please, just gave me a time alone for myself. Bago pa lang sa akin ang nararamdaman ko. I don't want to rush it just because you're there. Ine enjoy ko pa lang ang pagiging malaya ko-"

Natigilan ako sa pagsasalita nang lumapit sya sa akin para yakapin ako. I sighed and let him hug me. I felt comfort. "I'm sorry, I am here. No one's gonna steal your own freedom. I promise that I will help you. I'm not rushing too. Let's take it step by step alright? I am here. Ako ang magiging kakampi mo sa lahat. And I'll respect you. Shushh. Stop crying, it hurts me to see you crying." Nahihirapan na sabi nya na mas nagpaiyak sa akin.

Sa isip ko ay nayakap ko ang mga magulang ko. Ilang taon akong nagluluksa at pinagdadasal na sana magkaroon ako nang taong aalagaan ako. Ako lamang ang nag alaga sa sarili ko mula bata hanggang ngayon. Pero ngayong mayroon na, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kina kailangan ko pa na mag adjust dahil sa paninagong papasok sa buhay ko. And it was him.

It was not easy to give people trust. I just wanted to take this slow. Onti onti kong tinanggal ang yakap nya mula sa akin. "I'm sorry, but let me take my time alone for now." Pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan ako.

Namula ang mga mata nya bago tumango sa akin at nag iwas ng tingin. "You know where to find me." Hinalikan nya ang noo ko bago sya umalis sa harapan ko.

I took a deep breathe, calming myself as I lean my back to the wall. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko yon mula sa bulsa nang palda ko.

From: Irish

'Girl, magpalit kana nang P. E, kasama natin ang 5th year, kailangan daw by partner. Punta kana sa locker.'

Nag punta na ako agad ng locker, para lang makita si Irish na kinakausap iyong tatlong lalaki. Ang pagkaka alam ko ay nagkakamabutihan na sila ni Israel. Nakita ko pa na pasimple ang kaibigan ko sa paghawak don sa Israel.

Kinuha ko na lang ang damit ko sa loob non bago isinara iyon nang makita nya ako.

"Krisha, Sina Israel at France. Israel at France, si Krisha, best friend ko." Tuwang tuwa na sabi nya kaya naman lumapit ako bago makipag kamayan sa kanila.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa tahimik na si Lexord. Nakatingin sya sa magkahawak na kamay namin ni France, hindi ko mabasa ang emosyon nya dahil blanko lang iyon.

"Nice to meet you, Krisha." Sambit ni France at ngumiti lang ako sa kanya.

Nakita ko pa ang pagsulyap nya sa likod ko at agad na natigilan. Tinignan ko tuloy kung sino iyon at nakita kong naglalakad palakad samin si Chloe.

"Oh Chloe, nandito pala crush mo e." Sabi ko sa kanya nang mapalapit sya sa amin. Nakita ko pa ang taranta sa itsura nya nang ibulong ko iyon sa kanya.

"Gago." Bulong nya pabalik kaya natawa ako saglit.

Napansin ko na ngumisi sya nang makita si Lexord sa tabi ko kaya nawala ang ngiti o sa kanya. Pinanlakihan ko sya nang mata dahil alam kong gagantihan nya ako.

"Ang sabi mo magpapa hangin ka lang, bakit magkasama na kayo ngayon?" Bulong nya pabalik sa akin.

Para kaming tanga dito na nagbubulungan. Nahiya ako nang pinagtitinginan na pala kami nila Irish!

"Pa share naman ng pinagbubulungan nyo mga bhe." Nilapitan nya kami matapos maging clingy kay Israel at inakbayan kaming dalawa.

"Wala!" Deny ko ka agad at lumayo sa mga lalaki.

"Aba Krisha kailan kapa naging ganyan?" Hindi ko na pinansin ang reklamo ni Irish at agad lumayo sa kanila.

Bakit ba kailangan ko syang makita ulit doon? Sa bagay, hindi ko naman pwede sisihin si Irish dahil wala naman syang alam sa nangyayari samin ngayon.

Nag punta ako ng restroom para magpalit ng damit bago suotin ang ID ko. Itinali ko ang nakalugay kong buhok at ginawang bun iyon. Iniwan ko na lang ang bangs ko sa magkabilang gilid ng mukha ko bago ako nag powder. D na ako nag liptin dahil mapula naman na ang labi ko.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito sa sarili ko e. Alam ko naman na kailangan ko pang makapag isip. Pero bakit naman parang nananadya ang tadhana ang mas gusto pa yata kaming paglapitin?!

Nagpunta ako ng gym dahil doon daw gaganapin ang p.e namin. Natanaw ko na sina Irish at Chloe halatang hinihintay ang pagdating ko.

"Anong gagawin?" Bulong ko sa kanila at natanaw ko ang mga taga Engineering. Hindi nga ako nagkamali nang mag tama ang paningin naming dalawa.

"Iyong 5th year ang mag gu guide at makaka partner natin. We're playing volleyball and a badminton also. Dito lang nila napag isipan na mag meeting pero sa court tayo mamaya." Sagot ni Chloe sa akin kaya napatango naman ako.

"All right students. If I call your name with your partner, you can go to the court." Sabi ng Professor kaya naman kinabahan ako bigla.

"Ayan na." Dagdag pa ni Irish.

"Ms Lorenzo and Mr Almante."

To be continued...

Next chapter