webnovel

CHAPTER 18

"Why are you on her side Darling, you should be on my side not on that bitch!" Sigaw ng babae kay Dhom na ngayon ay nakatayo sa gitna nila ni Billie.

"Hoy Ikaw!!! wag mo ngang tawaging Darling si Dhom!" Sigaw naman ni Billie.

"And why is that...I'm Dhominic girlfriend for your information which gives me the right to call him my DARLING."

"EX-GIRLFRIEND," pagtatama ni Dhom sa sinabi ng babae. [Remember her from CHAPTER 2]

"Bahah! Ex ka lang asawa niya ko kaya may karapatan akong palayasin ka! LAYAS!!!" naiiritang saad ni Billie sabay turo sa pinto na kalahating nakabukas.

"Seriously Dhom...your not going to defend me from this crazy bitch proclaiming that she is your wife in front of my face?!" Hindi makapaniwalang tanong ng babae kay Dhom because she was expecting that Dhom would help her but he's not helping at all kaya sa sobrang galit na nararamdaman ng babae ay muli niyang sinugod si Billie.

Hinagis niya ang flower vase kay Billie dahilan para manlaki ang mata ni Billie sa gulat, pero agad ring nakabawi si Billie nang hilain niya ang babae at pinagsasabunot ang buhok nito, wala nang ibang pag pipilian si Dhom kundi ang hilain ang asawa nito palayo sa babae at pinaupo sa kama nito. Samantalang ang babae naman ay hinila palabas ni Dhom at sinara ang pinto bago pa man muling makapasok ang babae.

Naiiyak na napayakap si Billie kay Dhom nang lapitan niya ito, para siyang bata na inagawan ng candy.

"Dhom tinulak niya ko, baka napano na ang baby ko....Tinulak niya ko kanina...." Naiiyak na pagsusumbong ni Billie sa asawa nito. Kaya wala nang ibang nagawa si Dhom kundi ang patahanin ito sa pag iyak mamaya nalang siya magtatanong pag tumigil na si Billie sa pag-iyak.

"Shhhh.....it's okay.... tatawagin natin ang doktor mo mamaya so he could check you and our baby.....shhhh..tahan na ako tong pasyente pero ikaw tong nasa kama ko."

"B-bakit m-mo ka-kasi ako pi-pinaupo d-ito," sagot ni Billie habang yakap-yakap si Dhom.

"Asan na pala ang kiss ko, sabi mo kanina paggising ko may kiss ako sa lips?" Tanong ni Dhom sabay pout ng labi kay Billie. Dahil sa pag aaliw ni Dhom sa asawa nito ay tumigil na si Billie sa pag iyak, mabuti nalang at madaling patahanin ito. Ganito pala ang mga buntis napaka-moody daming mood swing. Yung tipong magigising ka nalang sa umaga tapos hindi mo alam kung anong ikinagagalit ng asaw mo tapos bigla-bigla nalang sisigaw ng I WANT A DIVORCE pag hindi napapagbigyan ang mga gusto nito.

"Wala...wala kang kiss...wala ako sa mood sinira ng girlfriend mo!" Tignan niyo kakasabi lang ng mood swing nagbago agad ang timpla ng mood ni Billie. Napabuntong hininga nalang si Dhom sa sinabi ni Billie.

"Ex-girlfriend."

"Ah...basta dun ka sa girlfriend mo...ganyan naman ang mga tipo mo diba yung mahahaba ang legs...makinis...malaki ang pang upo tas aalog-alog na dede diba...dun ka na total kanina nahuli kitang nakatingin sa cleavage ng babaeng yun!"

Sabi ni Billie bago bumaba sa kama ni Dhom at tumungo sa Sofa at binuksan ang isang chichirya at pinagpatuloy ang panonood.

Linapitan siya ni Dhom at umupo sa tabi ni Billie, kukuha sana siya sa chichiryang hawak ni Billie nang mabilis niya itong nilayo kay Dhom.

"Billie baby she's just my past...your my present... she's not going to snatch me away from you...dahil di ako papayag."

Hindi sumagot si Billie at nagpatuloy lang sa panonood.

"It was an accident...hindi ko sinasadyang mapatingin sa cl-cleavage niya... it's not my fault na Kitang-kita ang parteng yun."

Still tahimik parin si Billie, hindi siya lumingon kahit isang beses sa gawi ni Dhom. Pero nakikinig siya sa bawat paliwanag ni Dhom.

"Besides I'm a man, natural lang samin ang makakita ng mga ganyan."

Dito na pumutok si Billie, natural!

Hinagis ni Billie ang hawak niyang chichirya sa sahig at matalim na napatingin sa direksyon ni Dhom.

"Natural! Dhominic Demetrius MacCoughlan! NATURAL LANG BA!"

malakas na sigaw ni Billie dahilan para marinig ni Beatrix at Wyatt na kakapasok lang ng silid ni Dhom. Naabutan nilang nakatayo si Billie habang sinisigawan si Dhom na nakaupo sa sofa.

"What's going on here?" Amuse na amuse na tanong ni Wyatt na parang nag eenjoy pa siyang nakikitang walang laban si Dhom sa asawa nito. Ganito pala pag may asawa ka na. Para kang nakapag asawa ng Godzilla...pero sa sitwasyon ni Dhom Wifezilla.

"Billie...cool down alam mong bawal sayo ang mastress diba?" Nag aalalang tanong ni Beatrix sa kapatid nito.

"Kasi naman may pumunta dito kanina...tapos binulgar niya sa pagmumukha ko na girlfriend daw siya ni Dhom."

"Ex," pagtatama ni Dhom.

"Manahimik ka ako ang tinatanong, tapos naabutan ko si Dhom na nakatingin sa cleavage ng babaeng yun....Tapos sinabi ni Dhom Natural lang daw sa mga lalaki yun!" Sagot ni Billie kila Beatrix at Wyatt na ngayon ay nakaupo narin sa sofa kasama si Dhom.

"Wow...sinabi mo yun...kaya pala nag aala Wifezilla tong misis mo kasalanan mo pala." Natatawang saad ni Wyatt kay Dhom. Umiwas naman ng tingin si Dhom nang muli siyang tignan ni Billie. Guilty was written all over his face.

"Oh..naalala ko she's Callisto Mackenzie, she's currently living in New York pero bumalik siya dito sa Pinas just a few months ago.. about two months already... Ka-edad ng tiyan mo." Sabi ni Beatrix kay Billie.

"Dhom nag aaply pala siya bilang secretary mo kasi nalaman niyang mag-leleave ang secretary mo for a month." Pagpapaalam ni Wyatt.

"Wag mo siyang tanggapin! Kung tanggapin mo break na tayo!"

"Wife theirs no break up in marriage... remember di tayo boyfriend and girlfriend we are husband and wife."

"Okay then divorce...meet me in court then mr. MacCoughlan."

"Wala naman talaga akong balak tanggapin siya," mabilis na sagot ni Dhom.

Agad na napalingon si Billie kay Dhom.

"Talaga...."

"Yes so please give me my kiss kanina pa ako naghihintay, wife my lips is waiting for your kiss." Sabi ni Dhom kay Billie.

"Another SPG! I'M OUT OF HERE!" saad ni Wyatt bago tumayo para lisanin ang mundo ng may asawa at may jowa.

"Opsy...you guys needs privacy," saad naman ni Beatrix bago sumunod kay Wyatt palabas ng kwarto ni Dhom.

"Shall we continue then," sabi ni Dhom kay Billie nang mabilis na napayakap si Billie kay Dhom bago siya halikan ng mabilis sa labi ni Dhom. Smack kiss!

"Is that it," disappointed na reklamo ni Dhom kasi iba ang ineexpect niya, para lang halik sa hangin ang ginawang halik ni Billie ni hindi nga naramdaman ni Dhom ang labi ni Billie sa labi niya.

"Oo, ayaw mo di wag dun ka sa Callisto mo!"

"No that's not it. Here, let me kiss you then."

Hinila ni Dhom si Billie palapit sa kanya at pinaupo sa binti nito bago halikan ang palad, balikat, noo, ilong, pisngi dahilan para mapangiti si Billie sa bawat halik ni Dhom sa kanya. Napadilat si Billie at sinalubong ang napakagandang mata ni Dhom, kulay abo ito dahil sa may dugo siyang banyaga, napakaganda ng mata yung tipong kapag sinalubong mo ang mga titig niya ay agad kang maghuhulog sa mahika niya.

Tinititigan siya ni Dhom sa mata na parang hinihingi ang permiso ni Billie, dahan-dahang napatango si Billie nang isang agresibong halik ang natanggap niya mula kay Dhom, agresibo pero naroroon parin ang pag iingat, na halik na pinagsasaluhan nila ni Dhom ay pinaparamdam nito kay Billie na importante siya sa buhay niya. Tumagal ang halikan nila ng ilang mga minuto at nang maghiwalay ang mga labi nila ay habol hininga ang bawat paghinga nila.

Napatawa si Billie ng mahina nang muli siyang halikan ni Dhom sa noo, pababa sa ilong nito bago nito muling angkinin ang labi ni Billie.

Pagkalipas ng isang linggo ay tuluyan nang nakalabas ng Ospital si Dhom samantalang si Elliot ay nagkaroon na ng malay. Punong puno ng pagsisi si Elliot nang malaman ang totoo na walang kasalan ni Beatrix sa pagkakabaril ng kapatid niya. Huminga ng tawad si Elliot kila Billie at Beatrix lalong lalo na kay Dhom dahil sa pagtatangka nito kay Billie. Nang sabihin lahat ni Hellion kay Elliot ang tungkol sa chip at sa relasyon nila ni Beatrix ay maslalong naunwaan ni Elliot ang lahat, kung bakit kailangan nilang itago iyon sa kanya dahil kilala ni Hellion ang kapatid nito na padalos-dalos ng kilos.

Nang makalabas si Dhom sa Ospital ay naisipan niyang dalhin ang asawa nito sa isang restaurant, kung saan unang nagkita ang magulang nito. Pinangako niya kasi sa yumaong niyang ina na kapag nahanap na nito ang babaeng tanggap ang meron sa likod ng yaman niya ay dadalhin niya ito sa Quiet n' Delight restaurant.

"Anong ginagawa natin dito akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong ni Billie sa asawa nito na tahimik na nakatingin sa Quiet n' Delight logo.

Muli kasing nanumbalik ang mga alala niya kasama ang ina nito. Nung Bata pa siya madalas siyang dalhin ng nanay niya dito para kumain dahil madalas wala ang tatay niya dahil sa HETHEROMOS.

Pagmamay-ari ng lola nito ang Quiet n' Delight restaurant nakakatawa lang isipin na mas maaga pang nawala ang ina nito kesa sa lola nito na nasa 80's na ang edad pero malakas parin ito.

Nang maalala niya ang lola nito ay agad siyang lumingon sa kinaroroonan ni Billie at hinawakan ang kamay nito at matamis na hinalikan bago yayaing pumasok sa loob ng restaurant.

"Baby...I want you to meet someone special." Sabi ni Dhom kay Billie bago pa man sila makaapak sa loob ng restaurant.

"Welcome sir, table for two sir?" Tanong ng isang lalaking sumalubong sa kanila.

"Yes table for two please." Sagot ni Dhom sa waiter na lalaki. Tumango ang lalaki sa kanila at dinala sila sa table nila. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik ang waiter para kunin ang order nila pero sinabi ni Dhom na kailangang ang mismong may-ari ng restaurant ang kukuha ng o-orderin nila. Agad namang umalis ang waiter na lalaki para tawagin ang lola ni Dhom na siyang may-ari ng restaurant.

Napatingin si Dhom kay Billie na hindi makapakali dahil kita sa mukha nito na kinakabahan siya sa sino mang makakaharap niya ngayong araw.

"Hey, it's okay. Don't be scared I'm here...calm down." Pagpapakalma ni Dhom sa asawa nito. Hinawakan niyang mahigpit ang kamay ni Billie at pinuno iyon ng mga mumunting halik.

"Salamat,"sagot ni Billie at binigayan niya ng isang halik rin ang kamay ni Dhom. Napangiti naman si Dhom sa ginawa ni Billie.

Lumipas ang ilang minuto ay nakita ni Billie ang isang matandang babae na may tungkod, kahit matanda na ito ay kita mo parin sa kanya ang kagandahang taglay niya nung kabataan pa nito.

Agad na napatayo si Billie nang makita ang matanda at muling nanumbalik ang kabang nararamdaman niya kani-kanina lang, nang makita ng matanda ang paghawak ni Dhom sa kamay ni Billie ay napangiti ito bago tapunin ng tingin ang dalagang nagmamay-ari sa kamay na hawak ni Dhom.

"Ma-magandang hapon po," magalang na bati ni Billie sa matanda. Linapitan niya ito at nag mano' tinignan ng matanda ang apo nito na katabi lang ng dalaga at nginitian dahil nagustuhan nito ang paggalang ni Billie. Alam niyang kinakabahan ang dalaga pero ramdam mo sa pagbati nito ang sensiridad.

"Maganda hapon rin hija," sagot ng matanda.

"Maupo muna tayo," pagpapatuloy ng matanda. Agad na tumango si Billie at pinaghila ng upuan ang matanda. "Salamat."

Nang makaupo na silang tatlo ay humarap ang matanda kay Billie at hinawakan ang kamay nito. Kinakabahang napalunok si Billie dahil sa ginawa ng matanda.

"Kumusta ka hija?" Tanong ng matanda, kinakabahan man si Billie ay nagawa niya paring sumagot mabuti nalang at hindi niya nalunok ang boses niya.

"Mabuti naman po," sagot ni Billie.

"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan hija?"

"Billie Malachi po," sagot ni Billie pero agad ring nagsalita si Dhom.

"Billie Malachi MacCoughlan, granny she's my wife." Pagtatama ni Dhom.

Sandaling nanlaki ang mata ng matanda nang marinig na may asawa na ang apo nito ng hindi manlang siya iniimbitahan sa kasal. Tila nasaktan ang matanda kaya kinuha nito ang tungkod niya at ginamit iyon para ihampas sa paa ni Dhom.

"At hindi mo manlang ako inimbitahan sa kasal ninyo! Katulad ka talaga ng iyong ama."

Naiinis sa saad ng matanda kay Dhom, napaaray naman ang apo nito dahil sa paghahampas nito ng tungkod sa paa ni Dhom.

Muling bumalik ang atensyon ng matanda kay Billie.

"Billie Malachi MacCoughlan... napakagandang pangalan...ako si Amelia MacCoughlan and lola ni Dhom at ang ina ng ama ni Dhom." Pagpapakilala ng matanda kay Billie. "Pero maari mo akong tawaging Granny katulad ni Dhom." Pagpapatuloy nito.

"Gr-granny," nauutal na saad ni Billie, agad namang napangiti ang matanda dahil sa pagtawag nitong granny sa kanya.

"Kumusta ang kasal hija? Engrande ba yung tipong ang ganda ng wedding dress mo na para kang prinsesa habang hinihintay ka ng apo ko sa altar?" Masayang tanong ng matanda pero agad na napa-ubo si Dhom nang marinig ang tanong ni Granny Amellia kay Billie kaya siya na ang sumagot.

"Granny wala pong kasal sa simbahan na naganap, isang civil marriage lang po ang naganap."

Muling nanlaki ang mata ni Granny Amelia dahil sa sagot ni Dhom kaya muli na naman itong nakatanggap ng palo sa paa gamit ang tungkod.

Natatawang napatingin si Billie kay Dhom dahil hindi inaakal na ganito karespeto si Dhom pag ang lola niya nag kaharap niya pero pag ibang tao ay akala mo pinaglihi talaga siya sa demonyo, akala mo walang konsensya pero masmalambot pa siya gulaman pag nagpakita ng kabaitan.

"Hindi mo siya binigyan ng kasal sa simbahan!!!" Galit na galit na sigaw ni Granny Amelia kay Dhom. Dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Granny Amelia ay naistorbo ang mga customers na kumakain. Agad namng humingi ng pasensya ang matanda at sabi nito bilang kabayaran sa ginawa niyang pang iistorbo sa pagkain nila ay libre na ito.

"Katulad ka talaga ng iyong ama, kung ganon Kailan ang kasal?"

Napatingin si Dhom kay Billie, bago muling ibalik ang tingin sa lola nito na naghihintay ng matinong sagot.

"After she give birth granny."

Muli na namang nabigla ang matanda dahil sa sinabi ng apo nito kahit kailan talaga lagi siyang ginugulat ng apo niyang si Dhom, at baka ito pa ang mag sanhi ng pag atake nito sa puso.

"Buntis ka hija," maluha luhang saad ni Granny Amelia tumayo ito at linapitan si Billie.

Maingat niya hinawakan at hinamplos-haplos ang tiyan ni Billie, mangiyak-ngiyak itong napatingin sa nakatinging si Billie.

"Two months na po siya, granny Amelia." Sabi ni Billie, napatango-tango naman ang matanda sa sinabi ni Billie.

"Kumain na ba kayo?"

"Kaya nga kami nandito para kumain," sagot ni Dhom.

"Kung ganon," pumalakpak ng tatlong beses si Granny Amelia at isa isang nagsidatingan ang mga waiter na may dalang iba't ibang putahe ng pagkain.

"Mabuti nalang at buntis itong asawa mo Dhominic Dahil kung hindi kanina pa kita pinalayas dito."

"It's my surprise advance happy birthday gifts for you granny kahit sa susunod na dalawang buwan pa ang kaarawan mo."

"Well this is the best birthday present I've ever received from you Dhom, thank you. Specially to you Billie thank you."

"Wala pong anuman Granny."

Next chapter