webnovel

Devil 47: Ferocious Devil

Zero's Pov

S-salamander??!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Para akong natuod sa kinatatayuan at di ko magawang igalaw ang aking mga paa.

Hindi ko alam kung dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon ngunit parang nakita ko na ang ganitong pangyayari dati.

Hawak ni Jack sa leeg si Jichell at halos bumaon na ang kamay niya sa leeg ni Jichell. Ngunit ang nakakagimbal roon ay ang nag aapoy na katawan niya.

Nagbabaga ang katawan niya maging ang bibig at mga mata. At meron siyang nakakatakot na sungay at mahahabang kamay.

Hindi ko na makita ang Jack na kilala ko dahil ang tanging nakikita ko ngayon ay isang nakakatakot na demonyo.

"Oh God!" Bulalas din ni Cody na noon ay waring pinanghinaan ng tuhod at napaupo sa takot.

"A-aanong..! A-ano yan??!" Bulalas pa niya habang takot na takot na nakatingin kay Jack.

"J-Jace??!" Aniya habang hindi malaman ang gagawin habang nakatingin sa nahihirapang si Jichell.

"Jack! Please stop!" Hilam sa luhang sigaw naman ni Shane na nasa gilid na waring nasaktan din. Sunog na ang ilang parte ng damit na suot nito.

"Shane!" Sigaw ni Drew at lakas loob na pumasok saka tinakpan ng coat niya ang katawan ni Shane.

"Grrrhhh!!" Sigaw ni Jack na animoy mabangis na hayop.

Muntik pa kaming masunog nang biglang lumaki ang apoy sa katawan nito.

"Jichell!" Sigaw ni Cody na umiiyak na habang nakatingin kay Jichell na noon ay unti unti nang natutunaw ang mga paa maging ang leeg nito na hawak ni Jack.

Jack!

What are you??!

At nagulat pa kami ng ibalibag niya si Jichell sa kung saan.

"Grrrrrrhhhhh!!!" Sigaw pa ni Jack na lalong nagpahumindig sa balahibo ko.

"R-run!" Hirap na sambit ni Jichell habang halos hindi na makagalaw.

"Jace!" Sigaw na Cody na balak sanang puntahan si Jichell subalit pinigilan siya ni Drew.

"We have to get out of here!" Sigaw ni Drew habang akay si Shane.

"R-run, Cody Sean!" Ulit ni Jichell at di ko na kinayang makita pa ang sumunod na nangyari nang itaas ni Jack ang kanyang mga paa at akmang i-aapak sa mukha ni Jichell.

"Jace!!!" Sigaw ni Cody.

"Let's go!!" Sigaw naman ni Shane at pilit na hinila si Cody habang hila naman ako ni Drew sa kamay at pilit na nilalayo sa umaapoy na silid.

Mabilis kaming tumakbo palabas ng mansyon at halos sabay sabay pang tumilapon ang mga katawan namin nang biglang sumabog ang loob nito.

Salamander...

Salamander...

Hindi ko napigilang mapaluha sa mga nasaksihan kasabay ng alaalang bigla nalang lumitaw sa harap ko.

Ang paglusob ng mga taong mukhang shadows sa bahay namin nung nanalo ako sa race. Ang pakikipaglaban rito ni Jack at Shane.

Ang pagpatay ni Jack sa tauhan nina Draco. At maging ang pagkamatay nito. Ang field na puno ng dugo.

Ang nangyari sa sirang gusali nung niligtas ako ni Draco.

Lahat ng iyon ay parang kidlat na bumalik sa isip ko.

"W-what's happening..?" Hilam sa luhang bulalas ko at napahawak sa ulo ko.

"Zee!" Rinig kong tawag ni Drew. Bahagya akong kumilos at dun ko lang nalaman na nadaganan pala ako ng mga debris na nagkalat sa paligid.

Wasak na ang mansion sa lakas ng pagsabog nito.

Ngunit nanlaki pa ang mga mata ko nang makita si Jack na waring lalong naging mabangis.

"We have to get out of here!" Ani Shane na bakas din ang takot sa hitsura.

"J-Jack.." Anas ko habang nakatingin rito.

Mabilis akong nilapitan ni Drew upang hilahin.

"C'mon Zee! Let's go!" Sigaw niya.

"Cody!" Sigaw naman ni Shane kay Dy na noon ay nakaluhod at umiiyak habang kandong ang katawan ni Jichell.

"Jace.." Umiiyak na sambit niya.

"Cody, Let's go!" Sigaw ni Shane at pilit na hinihila si Dy.

"Jack..." Muling sambit ko habang nakatingin kay Jack na waring natigilan.

Did she hear me?

Yes Jack. It's me, Natsu..

May bumangong galak sa puso ko nang dahan dahan siyang tumingin sakin. At tiningnan niya ako ng katulad ng ginawa niya dati.

"Jack.." Tawag ko habang dahan dahang lumalapit sa kanya.

"Zee! Hindi na sya si Jack! Let's go!" Rinig kong sigaw ni Drew at pilit akong hinihila subalit tinulak ko siya at muling tumingin kay Jack.

Alam kong sya pa rin si Jack. Sya parin si Salamander.

Sya parin ang babaeng minamahal ko.

"Jack..i-its me, Natsu!" Umiiyak na sambit ko habang nagbabakasakaling marinig niya ako.

"Please...tama na." Dagdag ko habang papalapit sa kanya.

Nakatingin lamang siya sakin. Alam kong kung anuman ang nangyayari sa kanya ngayon ay nilalabanan niya iyon.

Hindi ba't ganun naman sa mga palabas?

Alam kong malalabanan niya ang kung anumang demonyong sumanib sa kanya at babalik siya sa dati.

Babalik si Salamander.

"Zero! H'wag kang lalapit sa kanya!" Rinig kong sigaw ni Shane.

"Zero!!" Parang boses iyon ni Tanda.

Subalit hindi ko na sila pinansin at tuluyan na akong nakalapit kay Jack.

"Zero! Hindi sya si Jack!!" Muling sigaw ni Tanda.

"Jack.." Anas ko at dahan dahang inabot ang mukha niya.

"I know you're in there.." Saad ko.

Nanatili siyang nakatingin sakin ngunit natigilan ako nang unti unti ay sumilay ang nakakatakot na ngisi sa labi niya.

"Zerooooo!!!"

At ganun nalang ang pagkagimbal ko nang may kung anong matulis na bagay ang bumaon sa dibdib ko.

"Zee!!!"

"Dude!!!"

Sigaw ng mga kaibigan ko na nagimbal din sa nangyari.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa dibdib ko at ganun nalang ang pagkagulantang ko nang makita ang kamay ni Jack na nakabaon sa dibdib ko.

"J-Jack..!" Hindi makapaniwalang bulalas ko habang nakatingin sa nagbabaga niyang mga mata.

"How pathetic...you worthless human!" Aniya na waring tatlo ang boses.

Salamander...

Napaubo ako ng dugo kasabay ng panghihina ng paghinga ko.

"J-jack..!" Anas ko sa pagbabakasakaling maririnig niya ako.

Subalit ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang iangat niya ako at walang sabing itinapon sa kung saan.

Bumulwak ang masaganang dugo na nagmumula sa dibdib ko kasabay ng pagbagsak ko sa lupa.

"Zeroooo!!" Rinig kong tangis ng mga taong nakasaksi ng lahat.

"Dude!!" Hiyaw ni Cody na mabilis na nakatakbo palapit sakin.

"Zeeeee!!!" Iyak na sigaw din ni Drew.

Nanlalabo ang paningin ko. Humihina ang paghinga ko.

Naririnig ko ang mga iyak at hinagpis nina Drew, Cody, Shane at maging ang boses ni Tanda.

Subalit wala ang boses ni Jack.

Patuloy ako sa pagsuka ng dugo habang nakatingin sa kawalan.

Jack...nasaan ka..

Hindi mo ba ako iiyakan...?

Ah...dahil ba sa ikaw ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay mamamatay na ako ngayon?

Ito na ba ang katapusan ko?

Salamander...

Please...

Come back....

Come back....

I need you...

Salamander ko...

Patuloy kong naririnig ang mga iyak at sigaw ng mga kaibigan ko.

Hanggang sa marinig ko ang boses ng taong kanina ko pa gustong makita.

"Natsuuuu!!!!!!"

--

Drew's Pov

Nagimbal ako nang i-angat ni Jack si Zee habang nakabaon sa dibdib ni Zee ang matutulis at nagbabaga nitong kamay saka malakas nitong ibinalibag sa kung saan ang katawan ni Zero.

"Zeeeee!!" Malakas na sigaw ko at hindi makapaniwala sa nakita.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari samin ito ngayon.

Nakakagimbal ang nangyaring pagbabagong anyo ni Jack maging ang paraan ng pagpatay niya kay Jichell.

Pero bakit? Bakit ganito si Jack? Ano ba sya? Sino ba talaga sila?

"Dude!!!!" Sigaw din ni Dy na mabilis na nakalapit sa bumagsak na katawan ni Zero malapit dito.

Agad akong napatakbo sa mga ito.

Sunod sunod ang pagsuka ng dugo ni Zee at maging ang butas nitong dibdib ay parang malaking gripo na nilabasan ng dugo.

"No!!! Zee!" Iyak na sigaw ko.

"We have to take him to the hospital!" Iyak at nanginginig na sabi ko.

Mabilis namang lumapit din samin si Mr. Gravalez na kararating lang at hindi rin makapaniwala sa nasaksihan.

"H-he's gone.." Nanlalambot na anas ni Cody habang nakatulalang nakatingin kay Zee na noon ay mulat ang mga mata subalit hindi na gumagalaw.

Mabilis na pinulsuhan ito ni Mr. Gravalez. At malungkot itong napaluha.

"No! Zee, pare...dadalhin ka namin sa ospital.." Naiiyak na namang sambit ko habang kinakandong ang katawan ni Zero.

Hindi pwedeng mangyaring mawala ito. Hindi kami magiging kompleto kung wala siya.

"Dude...!" Ani Cody at impit na napaiyak.

"Dudeeee...!" Hiyaw pa niya habang niyayakap ang braso ni Zee. Hindi ko napigilang mapaiyak ulit sa nakikita.

"Natsuuuu!!!!!!" Sabay sabay kaming napalingon sa tumawag.

"J-jack..?" Puno ng pagtataka at gulat na bulalas namin nang makita ang humahangos na si Jack habang nasa likod nito sina Draco at Kurt na waring nagulat din sa nangyari.

"M-master.." Bulalas pa ng dalawa nang makita si Zero.

At nagulantang nalang kami nang biglang maging purong kulay itim ang mga mata nina Draco at Kurt at nagbago ang mga anyo nito na waring mga ninja. Purong itim ang suot ng mga ito at may kung anong nakatakip sa mga bibig ng mga ito at walang sabing sinugod ang taong inakala naming si Jack kanina.

Wari namang tulalang napatitig si Jack kay Zero nang makalapit ito samin.

Tama nga ang hinala ko. Hindi si Jack ang taong nakasama namin. Dahil hindi magagawang saktan ni Jack ang mga kaibigan niya lalo na si Zero.

I felt glad sa isiping iyon ngunit balewala narin naman iyon ngayong nawalan naman kami ng kaibigan.

Hinayaan kong kunin ni Jack ng katawan ni Zero.

"Natsu...hey, I'm here.." Aniya na parang nakikipag usap lang ng normal kay Zero.

Muli kong nakitang napaiyak si Cody kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya at di ko na naman napigilang mapaiyak sa isiping nalagasan kami ng isa.

"You called me right? I heard you Natsu." Ani Jack na noon ay sunod sunod nang tumulo ang mga luha.

"I'm sorry for being late. But I'm here. Please talk to me. I know you can hear me." Aniya habang hinahaplos ang pisngi ni Zero.

Napasinghot ako at napahigpit ang yakap kay Cody na noon ay alam kong mas nasasaktan samin.

Alam kong mahalaga din sa kanya si Jichell at nakakalungkot lang na nawala agad ito.

Napatingin ako kay Shane na noon ay yakap naman ni Mr. Gravalez.

I'm still glad na hindi ako nahuli ng dating..dahil kung nagkataon....baka pati ikaw ay nawala sakin..

Natigilan kami nang makarinig ng ingay. At muntik pa naming makalimutan na naroon parin nga pala ang kalaban namin na noon ay kinakalaban na nina Draco at Kurt na parang mga professionals kung makipaglaban rito.

Saglit kaming lumayo sa mga ito maliban kay Jack na noon ay yakap parin si Zero.

Napalapit ako kay Shane at niyakap ito habang si Cody naman ay inakbayan ni Mr. Gravalez na hindi parin tumitigil sa pag iyak.

Galit at waring hindi papaawat na nakikipaglaban sina Draco at Kurt sa halimaw na inakala naming si Jack kanina.

"Kuya, kailangan na nating umalis. Baka kung mapano pa si Jack." Maya maya'y wika ni Shane.

Napatingin ako sa kanila.

Napatango naman si Mr. Gravalez saka tinapik tapik sa balikat si Cody at nilapitan sina Jack.

"We have to get out of here." Ani Shane at inaya kaming umalis na.

"Jack...we have to go.." Ani Mr. Gravalez kay Jack at kinuha rito si Zero.

Parang wala namang nagawa si Jack at marahang iniabot lang nito si Zero kay Mr. Gravalez.

"You have to come with us. Let them fight with her." Ani Mr. Gravalez kay Jack na ang sinasabi ay ang tatlong naglalaban na animoy mga hindi pangkaraniwang nilalang.

Hindi sumagot si Jack bagkus ay hinaplos niya sa pisngi si Zero.

"Wait for me love...I'll save you." Ani Jack saka tumalikod at akmang aalis nang pigilan siya ni Mr. Gravalez.

"Jack No! Mas magiging delikado ang gagawin mo!" Matigas na tanggi ni Mr. Gravalez sa nais gawin ni Jack.

Nagtataka man ay nanatili nalang kaming walang imik.

"Jack please. Hindi mo alam kung paano ako nag alala nung inakala kong ikaw ang kasama namin kanina. Kaya pakiusap wag mo ng gawin 'to. Iligtas nalang natin si Zero." Ani Shane.

Hindi sumagot si Jack.

"Kill me... once I lost myself. And give my bead to Natsu." Ani Jack.

"What? No! We still can-!"

"That's an order!" Malakas na turan ni Jack na nagpatahimik kay Mr. Gravalez.

Kill her if she lost herself?

What's going on?

Takang nagkatinginan nalang kami ni Dy na tulad ko ay naguguluhan din sa nangyayari.

Waring walang nagawa si Mr. Gravalez.

"Okay." Aniya at mabilis na tinalikuran si Jack. Ngunit napaluha siya na parang iyon na ang huling pagkikita nila ni Jack.

"Let's go." Pukaw samin ni Shane. Muli naming tiningnan si Jack na noon ay nakatingin sa tatlong naglalaban. Halata na ang paghihirap nina Draco dahil demonyo ang kalaban ng mga ito.

Naguguluhan man ay napatingin nalang ulit ako kay Jack na noon ay dahan dahang lumapit sa babaeng kalaban nina Draco at Kurt na balda narin ang katawan.

Anong gagawin nya? Kaya nya ba talaga ito?

At gaya kay Zero ay nagulantang nalang kami nang tuhugin rin ng halimaw sina Draco at Kurt at malakas na itinapon sa kung saan.

Ramdam kong nanginginig na naman ang mga tuhod ko at di makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Hindi ko alam kung paano at bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon pero ang malinaw lang sakin ngayon ay wala na si Zero.

Napukaw ang pansin ko nang marinig ko ang sigaw ng babaeng kalaban ni Jack.

Hawak na ito sa leeg ni Jack. Nagbabaga ang katawan ng halimaw subalit waring balewala lamang ito kay Jack, ni hindi siya nasunog sa pagkakahawak rito. At sa hitsura ni Jack ngayon ay waring kayang kaya niyang patayin ang kalaban sa pamamagitan ng mga kamay niya.

"HOW DARE YOU TO HURT MY FRIENDS...!" Dumadagundong na boses ni Jack.

Puno ng galit at sakit subalit nanlilisik ang mga mata nito.

"HOW DARE YOU TO HURT THE MAN I LOVE!!" Dagdag niya at malakas na binalibag sa kung saan ang kalaban.

Mabilis namang nakabangon ang halimaw na kalaban ni Jack at mapanuyang tumingin sa kanya.

"That worthless human? Hah! Stop making me laugh! You are not like them!! I'm here to get you back!" Anang halimaw na bahagyang naging tao muli. At nakakalito lang dahil parehong pareho ang mukha nito at ni Jack. Subalit maigsi ang buhok nito habang mahaba naman ang buhok ni Jack.

"Worthless human? Tss!" Ani Jack at parang si flash sa bilis na nakalapit sa babae at muli itong binalibag sa kung saan. Muling naging nakakatakot na nilalang ang babae at napatingin kay Jack na noon ay prenting nakatayo lang habang matalim na nakatingin rito.

"If I can't get you back! Then Die!!!" Sigaw ng halimaw at biglang sinugod si Jack.

Nanlaki pa ang mga mata ko sa pwedeng mangyari subalit wala lang reaksyon sa mukha si Jack at nang malapit na sa kanya ang halimaw ay nagulat pa ako sa sinabi niya.

"KNEEL!" Ani Jack at sukat doon ay biglang napatigil at napaluhod ang halimaw.

"Arrggghhh!" Sigaw pa nito na waring nilalabanan ang sariling yumukod sa harap ni Jack.

"Lower!" Matigas at maautoridad na utos dito ni Jack at wala naman itong nagawa nang bigla itong mapayuko na halos humalik na ito sa lupa.

"Arrggghhh!!" Sigaw parin nito habang walang emosyon na nakatingin lang dito si Jack.

"Now Get Up!" Ani Jack at waring sunod sunuran naman dito ang halimaw.

At nanlaki pa ang mga mata ko maging si Cody sa sumunod na nangyari.

Biglang nagbago ang hitsura ni Jack. Katulad nang nangyari kanina sa babaeng kamukha niya.

Nagbaga ang katawan niya at nagkarun siya ng sungay. Mukha siyang naliligo sa lava subalit waring normal iyon para sa kanya.

"W-what's happening..?!" Bulalas ni Cody na hindi pa man nakakabawi sa mga nangyari kanina ay meron na namang ganito.

"S-siya ba talaga si Jack?" Hindi ko rin napigilang tanong habang nakatitig kay Jack na nagbagong anyo.

"Magtago kayo dahil hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari!" Ani Mr. Gravalez at mabilis kaming pinapunta sa likuran ng kotse. Habang naglabas naman siya ng kakaibang baril at nilagyan ng mga tranquilizer na kulay purple at itinutok kay Jack.

"T-teka, anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ko.

"Once na hindi nakayang kontrolin ni Jack ang sarili nya patay tayong lahat." Aniya.

Muli akong napatingin kina Jack.

Nawala na ang nagbabagang katawan ng babae. Naging normal na tao na lamang ito at si Jack naman ngayon ang mukhang halimaw.

Nakalutang sa ere ang babae at waring hirap na hirap habang waring may nakasakal na invisible sa leeg nito.

Iniangat naman ni Jack ang kanyang kamay at nanlaki pa ang mga mata ko nang bigla itong maging matulis na bagay na gaya ng ginawa ng babae kanina at walang sabing itinarak ni Jack ang matulis na kamay sa dibdib ng babae.

"Ulkk!!" Bumulwak din ang dugo nito sa dibdib nang tanggalin ni Jack ang kamay sa dibdib nito.

"I know you can hear me Seige. Don't ever dare to make me mad because once you put my friends in danger again. I'M THE ONE WHO WILL CHASE YOU!" Ani Jack sa malagim na boses at muling tinusok ang dibdib ng babae maging ang iba pa nitong katawan at halos masuka ako nang huli niyang tuhugin ay ang mismong ulo nito.

Lantang gulay na bumagsak sa sahig ang babae.

Wala namang pakialam na tumalikod lang si Jack at ilang sandali pa nang biglang sumabog ang katawan ng babae kaya bahagya pa kaming napatago.

Nang muli naming silipin si Jack ay unti unti nang nagbabago ang anyo nito at bumabalik sa dati.

Wala itong imik na lumapit samin saka may kung anong inihagis kay Mr. Gravalez na nasalo naman ng huli saka tinungo ang kinalalagyan ni Zero. Kinuha ni Jack ang katawan ni Zee at inilapag sa damuhan.

Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito.

"I won't let it happen again, I promise Natsu." Aniya at hinalikan sa labi si Zero ngunit nagtaka ako nang waring lumiliwanag ang bibig ng mga ito.

Bahagya akong natigilan nang maramdaman ang paghawak ng kung sino sa kamay ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Shane na nakagat labi habang nakatingin din kina Jack.

I held her hand too at bahagya itong pinisil.

Muli kong tiningnan sina Zero at napasinghap pa ako nang makitang unti unting humihilom ang butas sa dibdib ni Zero maging ang mga sugat nito ay unti unting gumagaling.

"W-what..!" Di ko mapigilang bulalas.

"What the hell..? Kayang magpagaling ni Jack. No, kaya nyang bumuhay ng patay?" Di rin makapaniwalang bulalas ni Cody.

Ilang sandali pa ang lumipas ay parang walang nangyaring masama kay Zero maliban nalang sa punit nitong damit at dagta ng dugo nito.

"Kayang ibalik ni Jack ang buhay ng tao kung wala pang isang oras itong patay." Sagot ni Shane.

Napanganga ako sa nalaman.

"A-ano ba talaga sya?" Tanong ko habang nakatingin kina Jack at Zero.

"She's a Devil." Mabilis na sagot ni Shane.

"What?" Bulalas ko at napatingin sa kanya.

"Mapanganib na nilalang subalit napakabuting kaibigan." Dagdag niya.

"What will happen now? Mabubuhay pa si Zero?" Tanong ni Cody na hindi rin makapaniwala sa mga nalaman.

"Of course. Just wait for it." Ani Shane.

At ilang sandali lang nga ay bahagya nang gumalaw at napaubo ubo si Zero.

"Zee/Dude!" Sabay naming bulalas at agad na napalapit rito.

"Ugh! What did I just drink?" Nakangiwing turan nito.

Napahinga ako ng maluwag.

Buhay na nga sya.

"Dude!" Iyak sa tuwang bulalas ni Cody at mahigpit na niyakap si Zee.

"Ano ba Dy! Hindi ako makahinga, papatayin mo ba ako?" Reklamo nito. Maging ako ay napaiyak sa tuwa at di din napigilang yakapin ito.

"Pati ba naman ikaw Drew? Ano bang nangyayari sa inyo?" Takang tanong nito.

"Wala dude, basta promise ko sayo magpapakabait na ako sayo at hindi na kita aasarin ng madalas. Minsan minsan nalang. I love you dude!" Umiiyak na turan ni Cody rito.

"What the..." Takang bulalas naman ni Zee at bahagyang natigilan nang makita si Jack.

"S-salamander.."

Napangiti naman si Jack at niyakap rin siya.

"And I promise too na hindi na kita aasarin. Minsan minsan nalang din. At palagi kitang mamahalin. I love you Natsu!" Ani Jack na nagpapula sa mukha ni Zero.

"Tangina! Kahit sa kamatayan nilalanggam ka dude! Bwisit ka tinakot mo ako kanina!" Ani Cody na nakiyakap din sa dalawa.

"Ano bang sinasabi mo?!" Gulat na turan ni Zee.

Natatawang nakiyakap nalang din ako at iniabot ang kamay ni Shane saka nakigroup hug sa mga ito.

"What about me?" Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita.

Nakatayo sa harap namin si Jichell na akay ni Mr. Gravalez.

Lusaw parin sa sunog ang balat nito sa paa at sunog ang leeg at kaliwang mukha nito.

"Aaahhhhh!! Zombie!!" Biglang sigaw ni Cody na agad na nagtago sa likod namin. Maging ako at si Zero ay di napigilang di matakot sa kanya.

"Yah, Oppa!" Asik naman ni Jichell dito.

"T-teka...Jace, ikaw ba yan?" Hintatakot na tanong pa ni Cody

"Of course it is me!" Ani Jichell.

"Eh bakit ganyan ang itsura mo saka namatay kana kanina diba?" Hintatakot na turan ni Cody.

"I'm a Cyborg. I cannot die." Anito.

"Ano? Akala ko ba vampire ka? Eh bakit mukhang zombie ka ngayon? Vampire ka nalang ayoko ng zombie!" Ani Cody na kinatawa namin.

Ngunit nagulat pa kami ng sumigaw din sa takot si Zero.

"Aaahhhhh!!!" Hiyaw nito at biglang nawalan ng malay.

--

Next chapter