webnovel

Devil 45: My Brothers

Montero's Mansion...

Zero's Pov

Tahimik lang ako habang nasa hapag kaming pamilya.

Ngayon lang ulit nakompleto ang pamilya namin maliban nalang kay grandpa na matagal ng wala. Dalawa lang ang anak nila ni Madam. Si Dad at ang uncle ko na hindi ko man lang nakilala dahil namatay na raw ito kasabay ni grandpa.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Madam habang kausap ang mga apo nya maliban sakin.

And as usual, they're talking about business and medical thing na sila lang ang nagkakaintindihan.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkain habang iniisip ang mga nangyari kanina. Specially yung nangyari samin ni Jack.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi pamulahan nang maalala ang tungkol sa bagay na yun.

Pero, okay lang kaya na nangyayari samin yun ni Jack? I know we're adults but we're still young..Tsh! What am I talking about?

I mean... Nasa tama na kaming pag iisip subalit ang tungkol sa bagay na ginawa namin ay...ginagawa lamang ng mag-asawa.

But she seems okay with it.

Why am I so bothered about it? Lalaki ako at walang mawawala sakin samantalang sya...

At dalawang beses na naming ginawa iyon.

Teka, paano pala kung mabuntis sya? Shit!

Hindi ako gumamit ng proteksyon nang gawin namin yun. Paano kung...

Hayst! Okay lang kaya sya? Kahit naman mukhang astigin ang taong yun babae parin sya.

Jack...are you okay?

Salamander..

"Hey Zero!"

"Salamander!" Gulat na bulalas ko at nanlalaki ang mga matang napatingin sa tumawag.

Pigil ang tawang nakatingin sakin si Kuya Eric habang natigilan naman ang lahat ng naroon.

"Bunso, okay ka lang?" Medyo pigil din ang tawang tanong ni Erhis.

"Sorry Buddy, you're spacing out kaya ginising lang kita." Natatawang turan ni Kuya Eric na sinuway naman ng asawa nito.

"What is wrong with you, Ezequil?" Kunot noong tanong naman ni Madam.

"Umm..wala po." Tipid na sagot ko saka pinagpatuloy ang pagkain saka sinamaan ng tingin si Kuya Eric na pilyo paring nakangiti.

"Who's Salamander?" Takang tanong naman ni Edward.

"Nothing." Mabilis na sagot ko.

Napatingin naman ako sa gilid ko nang maramdaman ang paghila nito sa damit ko.

"Atsu." Ani Baby Trisha habang hawak hawak ang laylayan ng damit ko.

Nginitian ko sya saka kinuha sa ina nito at sinubuan ng pagkain nito.

"Atsu?" Takang tanong ni Kuya Eric nang marinig si Trisha.

Bahagya lang akong natigilan ngunit hindi ko sya pinansin.

"It's Natsu and Salamander." Natigilan kaming lahat at napatingin kay Kuya Eros na noon ay patuloy lang sa pagkain.

"What do you mean by that? You know them? Who are they?" Naguguluhang tanong ni Edward.

"Yeah, it's Zero and Jack." Walang gatul na sagot niya.

What the..

"I don't get it?" Ani Ed.

"Tch! Nothing that concerns you Dean. It's obviously an endearment of teenagers now a days. Palibhasa wala kang kasweet sweet sa katawan." Sagot ni Kuya Eric na sinabayan ng tawa.

"What? Don't you humiliate me Kuya Eric I'm juts trying to know-!"

"Just eat your food honey." Agaw naman ni Ate Tracy at sinubuan ng pagkain si Edward. Bahagya akong natawa sa ginawa niya.

Serves him right?

"An endearment? That's only mean Zeroin have a girlfriend right Dad." Singit naman ni Third, ang panganay ni Kuya Eric.

Tss, wala talagang galang ang batang 'to!

At bago pa ako makasagot ay nakatikim na ito ng batok sa mommy nito na si Ate Mia.

"Mom!" Angil nito sa ginawa ng ina.

"He's your father's youngest brother, learn to respect him." Ani Ate Mia habang pinandidilatan ng mata si Third.

Tsh! Buti nga sa kanya.

"He's just fours years older than me. Why would I-!"

"Obey me or you're going to sleep outside?" Asik ng ina nito.

"Dad?" Hinging tulong na tawag niya kay Kuya Eric.

"You're mom's always right kiddo. Besides, you should be respectful with your uncle. He may be young but he still your uncle." Sagot naman ng ama nito.

"Alright! Sorry Uncle Zero." Napipilitang sabi nito na kinatawa ko.

"It's okay, kiddo." Nakangising sagot ko sa kanya. I know how he hated to call him Kiddo.

Sinamaan niya ko ng tingin saka nagpatuloy sa pagkain.

"Well, who is this girlfriend of yours Ezequil? You're still a high school student and yet you're wasting your time for having this kind of relationship? Who is this girl? Where's she came from and what's her family's business?" Sunod sunod namang tanong ni Madam.

Natahimik ako at di agad nakasagot.

"Mom!" Agad na agap ni Dad.

"Grandma! Don't be so harsh on him!" Ani naman ni Erhis.

"Granny, high school life is the best stage to be in a relationship! Zero is a Montero, what would you expect from him? And if I were Zero, I will have every girl in my classroom to be my girlfriend. Right Zee!" Ani Kuya Eric na kinindatan pa ako.

"Really Eric?" Ani Ate Mia na nakataas ang kilay.

"Ahaha, I was just saying if I were Zero, Babe." Agad na bawi ni Kuya Eric.

Tsh! He such a coward!

"Pfft..!" Pigil tawa naman ng lahat.

Napuno ng tawanan ang hapag at mukhang nakalimutan na ni Madam ang tanong nya sakin kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

Matapos naming kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko.

At syempre hindi pa doon natapos ang gabi ko dahil inistirbo pa ko ni Third at nakipaglaban pa sakin sa e-game at ML.

At kung hindi pa siya sinundo ng mommy niya ay sa kwarto ko pa yata balak matulog.

Malalim na ang gabi nang bumaba ako upang kumuha ng tubig nang maabutan ko sina Kuya Eric, Dad, Kuya Eros at Ed na nasa veranda at mukhang masayang nag iinuman.

"Hey Zee, Come here!" Tawag sakin ni kuya Eric nang makita ako.

Tsh, hindi talaga nawawala ang alak sa katawan ng lalaking 'to.

"Oh, ang bunso namin ang laki na ah!" Sabi pa ni Kuya Eric saka ako inakbayan.

"Kuya! Get off!" Asik ko sa kanya habang tinatanggal ang braso nyang nakayapos sa leeg ko.

"Aba, amoy binata na rin!" Dagdag pa niya at inamoy amoy ako sa ulo at leeg.

"Agh! Kuya! You're gross! Dad!" Nandidiring atungal ko habang humihingi ng tulong kay Dad.

Subalit tumawa lang si Dad samin maging ang iba ko pang kuya na mukhang naaaliw pa kaming panoorin. At nang makawala ako kay Kuya Eric ay agad akong tumakbo at nagtago sa likod ni Dad.

"Hoy Zee, wag mo nga akong takbuhan. Halika, uminom ka rin. Binata kana kaya pwede ka ng uminom." Natatawa pang sabi ni kuya Eric saka binigyan ako ng alak.

"Ugh! Hard drink talaga kuya? Baka malate pa ako ng pasok bukas at pagalitan na naman ako ng Dean namin. Palagi pa namang galit yun." Turan ko saka bahagyang tumingin kay Ed ngunit nagulat pa ako nang agad niya ako batukan.

"Ouch!" Reklamo ko.

"Hoy Zeroin! Kahit normal days nalelate ka parin no! Dahilan mo pa ako!" Asik niya sakin na tinawanan naman ng iba.

"Hayst, mambatok talaga Dean? Akala ko ba bawal ang manakit ng estudyante at-!" Di ko naituloy ng sasabihin ko nang ipulupot nya ang braso nya sa leeg ko.

"Anong estudyante, kuya mo ako ngayon, loko!" Aniya habang ginugulo ng buhok ko.

"Aahh.. Edward, stop it!"

"Sinabi nang kuya mo ako eh! Wala kang galang na bata ka ha!"

Natatawang pinanood lang kami nina Dad.

Ilang sandali pa ay natapos rin ang kulitan namin at di ko rin talaga naiwasang uminom.

"So, can you tell us now who's this Salamander?" Ani Kuya Eric na pilyong nakangiti.

"Ayst! Can we just forget about it?" Walang ganang sagot ko.

"No! Ito lang ang time na pwede kang mag open-up saming mga kuya mo at pati kay Dad." Aniya. Nagkibit balikat naman si Dad na waring sang ayon din dito.

"Kuya? Eh mas mukha pa nga kitang daddy keysa kay Dad eh."

"Aba't loko talaga 'tong-!" Bago pa niya ko maabot ay agad na akong lumayo subalit hinarangan ako ni Kuya Eros na noon ay kunwaring walang pakialam.

"Eros, hawakan mo yang batang yan. Lagot ka sakin ngayon!" Ani Kuya Eric habang palapit sakin.

"Kuya Eros!" Angil ko habang pilit na kumakawala sa kanya.

"Eric is right, you can tell us now what's your score with Jack." Aniya.

Maang na napatingin ako sa kanya.

"Whoaah! So, may alam ka? Pero teka..Jack? Ano yun? Lalaki ba yun? Hwag mong sabihing...bakla ka Zero?" Bulalas ni Kuya Eric.

Napa roll eyes nalang ako sa sinabi niya.

"Wait. Jack? You mean Jack Ryder?" Maang na tanong naman ni Ed.

Hayst! Oo nga pala, kilala nya si Jack.

"Err.." Atubiling sagot ko.

"Yes, her name is Jack Ryder. And she's been saving Zeroin twice in a row now." Ani Eros.

Maang na napanganga ang mga naroon.

"Whoaah! Did I heard it right? This girl has been saving you? Samantalang halos mamatay ka na nung una kayong magkita!" Bulalas ni Ed.

"Really? You know how did they meet?" Bulalas naman ni Kuya Eric.

At sila sila na nga ang nag usap usap.

Tumabi naman ako kay Dad na noon ay kanina pa tahimik.

Kumuha ako ng alak at itinaas ang baso ko.

"Cheers dad?" Pukaw ko sa kanya. Wari namang dun lang sya nagising sa malalim na pag iisip at nakangiting nakipagcheers sakin.

Natatawa parin ako habang nanonood kina kuya na parang alam na alam ang kwento namin ni Jack.

"How did you met her?" Maya maya'y tanong ni Dad pertaining to Jack.

Bahagya akong natigilan sa tanong niya.

"Uh..she's a transfer student." Sagot ko.

"Is she the one who was here on Eros's birthday?" Medyo seryosong tanong niya.

"Yeah, Kuya Eros invited her. She's James adopted sister."

Waring napaisip si Dad sa sinabi ko.

"Sya din ang babaeng nasa ospital na nagligtas sayo right?" Aniya.

Bahagya akong napatango.

"Why? Is there something wrong dad?" Pagkuwa'y tanong ko dahil bigla siyang natahimik.

"No, nothing. I'm just having a thought that her name was familiar."

"Really?" Hmm..familiar si Jack kay Dad?

"Wait, are you sure that she's not a man?" Biglang tanong ni Dad.

Sukat doon ay di ko napigilang maibuga ang alak na iniinom ko.

"Zeroin!!" Malakas na angil ni Kuya Eric na syang nabugahan ko.

"I'm sorry, I was caugth off guard!" Agad na paliwanag ko habang natatawa.

"Arrgg! It's gross!" Reklamo pa rin ni kuya Eric saka hinubad ang damit nito.

Matapos niyon ay tuloy parin ang kwentuhan nilang tatlo nina Ed at Kuya Eros.

Hinarap ko naman si Dad na bahagyang natatawa pa.

"Dad, I thought you've seen her already?" Tanong ko.

"Yeah, I've seen her at the hospital but I thought her name was Jackie, Jack for short." Aniya.

"But why did you ask if she's a guy?" Nagtatakang tanong ko. Of course I know she's 100% woman. I already laid her twice! Jesus!

"Nothing. It's just that. It's a guys name right? So, I...just forget about it." Natatawang saad niya.

"But wait, is she your girlfriend now?" Pahabol niya.

Biglang uminit ang mukha ko sa tanong niya.

"Uhh..no, she's not my girlfriend, we're just friends, I guess?" Atubiling sagot ko.

"Really? But why? I think she's beautiful. Wait, what about Miss Sison? Did you break up with her?"

"You mean Heart? She's never been my girlfriend." Takang sagot ko.

"Really? I thought you've been in love with her since you were a kid." Medyo natatawang turan ni Dad.

Natigilan din ako at bahagyang napaisip. Si Heart ang kababata ko na akala ko ay mahal din ako.

Yeah right, akala ko rin girlfriend ko sya noon. But lately, she's been avoiding me and I don't really know what's our relationship.

Coz, I think we're just strangers now. Even my friends are not close with her. And not even talked about her.

"So, what's your real score with this girl named Jack, lil bro?" Baling sakin ni Kuya Eric na waring walang nakuhang sagot sa dalawa.

"What do you mean?" Kunwa'y tanong ko.

"C'mon bro, don't act like your innocent. It doesn't suit you okay?" Angil niya.

"What?" Bahagyang natatawang tanong ko.

"You and Salamander! What's your real status now? Don't tell me that you haven't told her what's your real feeling about her coz it's so lame lil bro. But if you really don't know your real score then tell her that she's yours. Own her! Coz if you're gonna crawl like a turtle baka maunahan ka pa ng iba." Aniya saka tinungga ang alak niya.

"Guess I need to give you a heads up." Ani Kuya Eros. Takang napalingon naman ako sa kanya.

"What do you mean?" Ako.

"Well, the day that she brought you at the hospital, she confessed to me that she likes you. Ah..no! She said she loves you." Aniya saka bahagyang napangiti.

Natigilan naman ako sa narinig.

"I think she's sincere. No one in your friends have talked to me like that not even a single girl who had a crush on you. Only her. I'm not saying that you should go and marry her now. I just wanted you to know that... not every girl have guts to talked to the family member of the one they love. Besides, she saved you twice and I like her for you." Dagdag pa niya.

Matapos ang gabing iyon ay halos hindi rin ako nakatulog dahil kay Heart at Salamander.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang status namin ni Salamander habang hindi ko rin alam kung nagkarun nga ba kami ng relasyon ni Heart.

Pero ang alam ko lang ay sumasaya ang pakiramdam ko kapag naiisip at nakikita ko Jack.

Am I falling with her?

Tsh! But if I'm not.

Bakit ako masaya at walang maramdamang pagsisi sa mga ginawa namin?

Why am I feeling safe with her? And why am I...happy around her?

Does it mean that I'm falling with that Devil?

--

Next chapter