I WANT to court you, and I'm starting now—" pagkasabi na pagkasabi pa lang ni Charles ng katagang 'yun sa kanya ay naturang hindi siya makapagsalita
Gusto daw siya nitong ligawan kahit na alam naman niya at ng lahat na may relasyon pa sila ni Giovanni.
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo Charles? Everyone knows that I have a boyfriend and it's Giovanni my manager" anas niya na ikinabuntong hininga ni Charles
"Wala akong paki-alam kung may relasyon pa kayo ni Giovanni. I'll fight for you, I'll wait for you. And I'm willing to do everything just so you could love me back" sagot ni Charles sa kanyang sinabi
Gaano ba siya nito kamahal? Mahirap kasing paniwalaan ang mga sinasabi nito—she want a proof. Gusto niyang malaman kung bakit gustong gusto siya ni Charles
"Gaano mo ba ako kagusto Charles? Kasi naguguluhan na ako. Akala ko kasi ay sinasakyan mo lang ang mga ginagawa ko sa'yo" nahihiya niya pang wika
"Look Mackenzie, hindi kita minahal kasi maganda ka. Hindi kita minahal dahil sa pareho tayong nabubuhay sa industriya at higit sa lahat hindi kita minahal dahil sa gusto ko; ang puso ko na mismo ang tumibok para sa'yo Mackenzie. At hindi ko na mapipigilan ito—" sabay hawak nito sa dibdib kung saan nakapwesto ang puso nito
Gulong gulo na siya, dapat niya pa bang pagkatiwalaan itong si Charles. Natatakot siya, na baka maulit na naman ang nangyari no'ng nagsagutan sila. Sariwa pa din kay Mackenzie ang sinabi nitong salita ang pagsisisi
"Sagutin na 'yan! Sagutin na 'yan!" Pakinig niyang paulit-ulit na sinisigaw ng mga tao sa kanilang kapaligiran
"I'm so sorry Charles, I-I can't." Mahinang pagkakasabi niya at tumakbo papalayo sa lalaki
NAPATAYO kaagad si Charles ng bigla na lang tumakbo si Mackenzie papalayo sa kanya, pinulot niya ang bouquet of red roses na nabitawan nito at tumingin sa kung saan dumaan si Mackenzie
"Wala, bro. She ran away—" sagot ni Charles sa tumawag sa kanya na tumulong sa plano niyang panunuyo sa dalaga
Ramdam ni Charles na nagbubulong bulungan ang mga taong nakasaksi sa pagtakbo ni Mackenzie papalayo sa kanya. Hindi din naman kasi niya inaasahan na gagawin iyon ni Mackenzie sa kanya
"Bro!" Napalingon si Charles ng bigla siyang tinawag ni Maverick, ito ang tumulong sa kanya na gawin at pagplanohan ang ang panunuyo at panliligaw kay Mackenzie
"Ano? Pumayag ba siya? Are you going to court her na ba?" Sunod sunod na tanong ni Maverick na ikinailing ni Charles
"She refused it Maverick," malungkot na bulalas niya at napabuntong hininga
Hindi dapat siya mawalan ng pag-asa. Bibigyan din siya ng atensiyon ni Mackenzie alam niya 'yun. Liligawan niya ang dalaga kahit na ayaw nito, at hindi siya magpapatalo sa Giovanni na iyon
"Ano bro, suko ka na ba?" Tanong ni Maverick sa kanya na nakapamulsa pa habang pinagmamasdan ang field kung saan nagsho shooting sina Mackenzie
"I won't give up Maverick, liligawan ko pa din si Mackenzie kahit ayaw niya. Kahit magalit pa siya sa'kin ay manliligaw pa din ako sa kanya, kahit na ipagtabuyan niya pa ako—ipahiya sa maraming tao ay tatanggapin ko. I'll do everything just so she could love me back; I'll make her say yes to me even if it takes a lifetime" madamdamin niyang sagot at nagsimulang maglakad papalabas ng field
—
"Oh? Anong nangyari sa'yo?! Ba't ka malungkot diyan?" Tanong ni Giovanni sa kanyang alaga at tumabi ng upo sa inuupuan nitong sofa
Naka-uwi na pala siya sa condo niya at hindi niya inaasahan na dito siya dadalhin ng sarili niyang mga paa. Nabigla lang naman kasi siya sa first move ni Charles, hanggang ngayon ay hindi niya pa din mahukay sa kanyang isipan na bakit niya binigyan ng pangalawang pagkakataon si Charles at bakit hindi siya pumayag na magpaligaw
Although, hindi naman totoo ang relasyon nila ni Giovanni.
"Giovanni, Charles wanted to court me. I didn't say yes it's because—"
"It's because may relasyon pa tayo? Oh, come on Mackenzie! Simple lang naman ang gagawin natin diyan para maligawan ka na niya—let's break up. Let's end this?!" Suhestiyon ng manager na ikinatingin niya dito
"Alam mo ba iyang sinasabi mo Giovanni? I don't want Charles to court me because we have this fake relationship, hindi iyon ang rason. Natatakot ako na baka kapag sinagot ko siya ay sasaktan niya ako; 'di ba may girlfriend siya? Si Aqueela? Alam kong hindi pa sila naghihiwalay dahil wala akong narinig na issue tungkol sa kanya! Ayokong maging second option lang Giovanni! Ayoko!" She outbursts
Kusa na lang tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata ng mailabas na niya ang emosyong kanina niya pinipigilan, ayaw na niyang masaktan ulit. Ayaw niyang matulad na naman ang pangalawang relasyon sa naunang relasyon niya kay Robbie
Sobra siyang nasaktan no'ng nalaman niyang nakabuntis ito ng ibang babae ng nagbakasyon siya sa puder ng kanyang ama't ina. Alam niya kung bakit ito nakagawa ng kasalanan sa kanya
Kasi hindi niya hinahayaang magpagalaw kay Robbie, kahit na smack sa lips ay hindi niya pinapayagan si Robbie. Hanggang halik lang ito sa pisnge at noo
"I understand Mackenzie, you don't need to shout to express what you really felt right now. I'm always here beside you to comfort you and also to listen. Napalapit ka na sa'kin at hindi kita hahayaang sarilinin mo na lang ang 'yung problema. Problema mo ay problema ko na din" maluha luhang usal ni Giovanni na ikinangiti niya
Kaagad niyang niyakap ang manager at umiyak sa dibdib nito, para na din niya itong ina dahil sa palagi na lang itong nasa tabi niya. Nagpapasalamat siya kay Giovanni dahil hindi siya nito sinukuan at iniwan; kahit no'ng una ay palagi niya itong pinapakitaan ng masamang pakikitungo ay hindi nito ginive up ang trabahong pagsilbihan siya at bantayan siya
"Tahan na Mackenzie, don't worry hindi ka naman iiwan ni Giovanni—"anas nito at hinaplos haplos ang kanyang buhok
"Thank you for always there for me Giovanni, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka palagi dito sa tabi ko. I owe you a lot; hindi ko alam kung anong ipambabayad ko sa'yo" humihikbing bulalas niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ng manager
"Hindi ako humihingi ng kapalit Mackenzie, sapat na sa akin na binibigyan mo ako ng pera para panggastos ko. At saka masaya ka namang kasama eh! Mag break na kasi tayo para masagot muna ang long time crush mong si Charles para naman hindi na magselos si Marco sa'yo." Anas nito na ikinatawa niya
"Atat kang masyado ano? Kayong dalawa ni Marco, bagay talaga kayo. Ang sarap pag-untugin ng mga ulo niyo" nakakapang-asar na siniko niya ito
"Just like duh! Pwede na tayong maghiwalay kasi nga lampas one month na naman itong relasyon natin! Hindi ko nga matandaan kung kailan ang first monthsarry natin eh, kaya maghiwalay na tayo" parang batang naiinip na reklamo nito
"Gusto mo ba talagang maghiwalay na tayo? Sige, gumawa ka ng eksena iyong kapani-paniwala ha? Make sure na magugulat iyong netizens once na malaman nila ito—" utos niya na kaagad namang sinunod ni Giovanni