SABADO, ang unang araw kung saan silang magkakatrabaho ay pupunta sa destinasyong pinag-uusapan—sa El Nedo Palawan
Nakasuot ng gray tee shirt na pinarisan ng puting cargo shorts si Charles habang nakasukbit ang malaking bag sa kanyang likuran. Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan nilang van habang nagcecellphone—kausap niya si Ishé ang kanyang pinsang babae
"Nandito na ba ang lahat?" Anunsiyo ni Robbie habang nilalapitan sila
"Not yet Sir, may hinihintay pa tayo si Mackenzie at si Giovanni." Nangunot ang noo ni Charles ng marinig niya ang pangalan ng babae
Oo nga't kanina pa sila naghihintay dito sa kung saan sila magkikita kita at ngayon lang niya napansin na kulang pa pala sila ng dalawang kasamahan
"Wala pa sila? Tawagan mo nga si Giovanni." Nakangiwing anas ni Robbie dahil sa init na tumatama sa kanyang mukha
Sinunod naman ng staff ang utos ni Robbie at kaagad ding ibinaba ang telepono
"Sir, cannot be reached po." Tugon nito
At napatingin na lang silang lahat ng may biglang dumating na dalawang tao na kanina pa nila hinihintay. Sina Mackenzie at Giovanni; hindi talaga nagpapalibak ang mga 'to
"We're here," pang-iimporma ni Mackenzie na kaagad namewang sa harap ni Robbie
Nakasuot ito ng puting sweetheart na damit na ang neckline ay illusion at pinarisan niya ng black skirt na ang ikli ay hanggang kalahati ng hita, masyadong wavy ang suot nitong saya kaya kunting galaw lang nito ay paniguradong masisilipan ito
Dapat ay mahaba ang suot nito dahil maraming mga kalalakihan ditong halos panakaw ang tingin kapag nakakakita ng mga babaeng katulad ni Mackenzie. Hindi ba ito sinasaway ni Giovanni? Anong klaseng nobyo naman ito?!
"My God, Mackenzie! Halos mag-iisang oras na kaming naghintay dito sa inyo! Ano ba, saan ba kayo nanggagaling?!" Naiinis na sinigawan ni Robbie sina Mackenzie at Giovanni
Ayaw ni Robbie na nalalate ang kanyang mga katrabaho. Para sa kaibigan mahalaga ang oras at dapat na hindi inaaksayahan
"I'm so sorry Robbie, naflat kasi 'yung gulong na sinakyan namin kanina ni Giovanni papunta dito. Maya wala kaming ibang choice kung hindi ang maglakad" pagpapaliwanag ni Mackenzie na hindi man lang siya tinapunan ng tingin
Parang hindi siya nito nakita kanina dahil nilampasan lang siya nito kasunod ang nobyo. Halata ngang naglakad lang ang mga ito dahil sa nagsisimula ng maging kulay rosas ang balat ni Mackenzie
Tumango lang si Robbie sa ginawang pagpapaliwanag ni Mackenzie at tiningnan silang lahat
"So kompleto na tayo? Let's go, dahil nauubusan na tayo ng oras. Mag-aalas diyes na—" anas ni Robbie na nakatingin sa relong palapulsuhan nito
Kanya kanya namang sakay ang mga kasamahan nila sa van. Nasa front seat si Robbie at ang iba ay nakapwesto na sa kanya kanyang upuan. Dalawa ang van na sasakyan nila dahil ang tatlong pick up na sasakyan ay nauna na sa kanila dala ang mga gamit na gagamitin nila sa photoshoot
"Babe, halika na." Tawag ni Giovanni sa alaga habang ito ay nakaupo na sa gilid malapit sa pinto ng van
Lumapit naman si Mackenzie at pumasok na sa loob pero mukhang wala na yatang espasyo dahil puro okupado na lahat
"Wala na yatang bakante," anas niya habang nakayuko pa din
"May sasakyan pa naman sa kabila Ms Mackenzie, doon na lang po kayo sumakay. Sorry po—halos lahat po kasi dito ay puro kagamitan kasi hindi na kasya sa pick up" nakangiwing pagpapaliwanag ng isang staff
Umatras naman siya para bumaba
"It's okay" sagot naman niya at siya na ang nagsara ng pintuan
Pagkasara na pagkasara niya ay lumapit naman siya sa doon sa kabila at binuksan ang pinto nito
"May bakante pa ba?" Tanong niya sa mga taong prenteng naka-upo sa upuan
Walang sumagot sa kanyang tanong at kapwa naghahanap pa ang mga ito kung may bakante ba. Iginila niya ang paningin sa loob ng van at mukhang malabong may espasyo pa para sa kanya
Ayaw niyang magpa-iwan dito ano?!
"May bakante pa po Ms Mackenzie." Pang-iimporma sa kanya ng lalaking staff na nakaupo sa front seat
"Nasaan?" Tanong naman niya at umuklo para makapasok sa loob
"Katabi po ni Mr Charles—" sagot naman nito
Tumigil siya sa paggawang hakbang ng marinig niya ang pangalan nito, may espasyo nga para sa kanya pero katabi naman niya ang lalaking ayaw niyang makita
Nagkatitigan pa sila ng ilang segundo bago siya tuluyang pumasok at pumwesto na sa harapan nito kahit na nahihirapan na siya. May mga gamit kasi sa lapag at hindi na siya halos makadaan, idagdag mo pang nakauklo siya papalapit sa kinauupuan ni Charles para tumabi dito
Umusog naman ang binata para maka-upo siya pero minalas siya dahil hindi siya nagkasya sa espasyong ibinigay nito
Tumayo siyang muli
"Wala na bang ibang espasyo dito, hindi ako magkasya sa tabi ni Mr De Witt" reklamo niya
Ayaw niyang tawagin ito sa unang pangalan, gusto na niya itong kalimutan pero mukhang hindi na niya iyon magagawa dahil heto! Magkatabi sila sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa El Nedo
Nagkatinginan naman ang kanilang mga kasamahan at nagkibit balikat. Wala na talaga siyang ibang choice kundi ang gawin itong naiisip niya
"Buka—" tugon niya kay Charles na ikinakunot ng noo nito
"Ang sabi ko buka, ibuka mo iyang mga hita mo." Anas niya na sinunod naman nito kahit na naguguluhan sa kanyang inutos
Tumalikod si Mackenzie at ipinikit ang mga matang dahan-dahan na inupo ang sarili sa mga hita ni Charles na nakabuka. Ayaw niyang kumandong dito dahil hindi siya komportable
Mas mabuting ito na lang kesa sa wala siyang mauupuan, ayaw pa naman niyang palaging nakatayo dahil sa nakakangalay iyon sa paa
Ramdam niyang umayos ng upo si Charles sa kanyang likuran para mabigyan siya ng sapat na mauupuan dahil kalahati lang ng kanyang puwet ang naiupo niya
Gusto niya sanang umayos din ng upo para maging komportable siya pero hindi niya iyon ginawang. Nakaupo siya na parang isang prinsesa habang ang kanyang likuran ay tuwid na tuwid ang kanyang mga braso ay nakatukod sa kanyang magkabilang tuhod
Nangangalay na siya at gusto na niya talagang sumandal pero hindi pwede!
"Ayos lang na sumandal ka dito sa dibdib ko. Don't worry I'm not a maniac—hindi ako gagawa ng kalokohan." Bulong nito sa kanyang kanang tenga na ikinatayo ng iilang balahibo niya sa batok
Ang init ng hininga nito na tumatama sa kanyang tenga, para siyang nakikiliti na ewan
Hindi naman siya nagsabi ng mga iilang mga salita sa halip ay dahan-dahan niyang ipinaubaya ang sarili sa pagsandal sa matigas na dibdib ni Charles. Kung paiiralin niya ang sariling pride siya lang din naman ang mahihirapan
"Comfortable?" Tanong ni Charles sa kanya na bahagyang sinilip ang kanyang mukha
Hindi siya sumagot kahit na tango; diretso lang ang kanyang tingin sa unahan habang hindi siya gumagalaw sa pagkakasandal kay Charles
To be honest, hindi talaga siya komportable. Kaya hindi siya makagalaw kasi naiilang siya at nagdadalawang isip siya kung uupo ba siya ng tuwid o mas lalong isiksik ang sarili sa mabango nitong katawan
Gumalaw siya ng kunti at pasimpleng isinandal ng prente ang sarili. Inaantok na siya at anytime ay makakatulog na siya
Ramdam niyang pinaypayan siya ni Charles dahil nararamdaman niyang nililipad ng hangin ang iilang buhok na nakatakas sa kanyang pagkakatali kanina—hula niya ay sira ang air-con dahil pinagpapawisan siya ng walang dahilan
"You can sleep if you want—" bulong na naman nito na ikinapikit ng kanyang mga mata
Ang huling naramdaman niya ay ang kamay nitong dahan-dahang pinunasan ang kanyang pinagpapawisang noo at ang braso nitong dahan-dahang inilingkis sa kanyang bewang