NAKANGANGANG pinanood ni Giovanni ang isang balita sa telebisyon ni Mackenzie. Hindi niya magawang ialis ang paningin sa flat screen TV dahil sa pagkagulat ng pag-on niya ay siya at ang alaga na ang laman ng balita alas sais pa lang ng umaga
"Mackenzie!!" Sigaw niya sa pangalan nito at pinaghahampas ang kamay sa armrest ng sofa
"Ano ba ang problema mo at bakit ka nagsisigaw diyan?!" Sigaw din nito pabalik na bagong ligo pa at nakasuot ng bathrobe habang ang buhok nito ay may tuwalyang nakatapis
"Look—" turo niya sa balita at hindi magawang ialis ang tingin sa alaga
Tumingin naman si Mackenzie sa telebisyon at parang wala lang itong pinanood ang sarili sa balita
Prenteng prente pa itong nakasandal sa kanto ng dingding
"Oh, tapos? What's with that?" Tanong nito
"Anong what's with that?! Malaking issue na naman 'to para sa'tin! At saka hindi ko pa sinabi kay Marco na may relasyon tayong hindi naman pala totoo!" Napaparanoid na sukmat niya sa alaga
Wala kasi siyang sapat na lakas at panahon para umamin kay Marco ang ka five months pa niyang boyfriend. Hindi naman sa pera lang ang habol ni Marco sa kanya dahil palagi na lang siya nitong hinihingan ng pera; nag-aaral pa kasi ang boyfriend niya at kailangan nito ng pera para sa mga projects at tuition nito
Umamin naman si Marco na mahal daw siya nito at wala daw siyang ikabahala dahil hindi na daw ito maghahanap ng iba at tanging siya lang ang laman ng puso nito
"Patayin mo na nga 'yan! Lalo mo lang pinapastress ang sarili mo Giovanni, bakit hindi ka gumaya sa'kin—walang problema; except kang Charles." Asik nito at nagpunta ng kusina
Pinatay naman ni Giovanni ang telebisyon at sinundan ang alaga, hindi na siya nag-abalang umuwi pa kagabi dahil si Mackenzie na mismo ang nagsabi na dito muna siya matulog. Mabuti na lang ay sinapian ng kabaitan itong alaga niya at himalang pinatulog siya sa condo nito: pero hindi sa kama—kundi sa couch
"Bellisa, I don't want to entangled in this situation. Let's end this na kasi," nababahala niyang pamimilit kay Mackenzie
Napabuntong hininga na lang si Mackenzie at hinarap siya habang ang dalawang siko ay nakatukod sa island counter
"Giovanni, you don't have to worry about okay? Ako'ng bahala sa'yo—relax ka lang diyan. Imbes na ako nga ang mamroblema ay ikaw pang props lang sa plano ko." Napapailing na asik nito at ininom ang kapeng An Australian Flat White Coffee na ito mismo ang naggawa
Kung hindi niyo pa naitatanong, dating barista si Mackenzie Bellisa Christine San Jose sa coffee shop sa Australia kung saan doon na namalagi ang kanyang mga magulang
Kapwa na ang mga itong Australian citizen at tanging ang alaga niya lang ang hindi, gusto ng mga magulang ni Mackenzie na manirahan na ito kasama ang kanyang alaga sa Australia pero hindi pumayag si Mackenzie
Ayaw nitong maging isang Aussie dahil gusto niyang maging Filipino. Hindi daw nito kayang iwan ang Pilipinas dahil ang rason nito ay dito siya lumaki at mamimiss daw nito ang bansang kinalakihan
"But Bellisa—"
"It's Mackenzie, Giovanni. God knows that I don't want you to call me by my second name. Para lang iyon sa mga taong hindi ko close okay?" Anito at nagsimulang humigop ng umuusok pa na kape
"Oh—okay" sagot naman niya at umupo sa stool
HALOS takbuhin na ni Aqueela ang kanyang kapatid na nakahiga sa sahig nitong tiles ng pagpasok niya ay walang tao sa sala nito. Napa-isip kasi siya na why not kung hindi niya ito dalawin ng pasurpresa; kung dati ay dumadalaw siya kay Charles ay tumatawag pa siya sa telepono para manghingi ng permiso kung okay lang ba na mangulit siya sa kanyang Kuya Charles
Hindi naman siya inaaway ng nakakatandang kapatid sa halip ay sinasakyan pa nito ang kanyang mga kalokohan
"Kuya Charles! Ano bang ginagawa mo, ba't ka dito natulog!" Sigaw niya sa kanyang kapatid at tinulungan itong makatayo sa pagkakahiga sa maginaw na tiles
Nag-aalala siya sa kanyang Kuya Charles, baka magkasakit ito dahil wala itong damit na pang-itaas at nakasuot lang ito ng khaki shorts. Sensitibo ang katawan nito at madali lang magkasakit
Kagaya ngayon, may sinat at nagkasipon
"Kuya Charles, ano bang ginagawa mo; papatayin mo ba ang sarili mo—" pagka-usap niya sa kanyang kapatid na kalahating gising at kalahating tulog
"Oy, Aqueela. Ikaw pala 'yan" nakangising sagot ni Charles sa kanyang tanong
Hindi na lang siya sumagot sa halip ay pinaayos niya ito ng tayo at tinulungang makaakyat sa taas para doon magpahinga
Nang makapasok na si Aqueela sa kwarto ng kanyang Kuya Charles ay bumungad sa kanya ang napakagulong kwarto nito, ang daming mga papel na nakalatag sa sahig at ang dami ding mga bond paper na nailakumos habang hindi natapon ng maayos sa maliit nitong trash bin
Hindi naman sa burara ang Kuya Charles niya, ang hilig nga nitong mag-ayos at ayaw ng kalat sa loob ng teritoryo nito
Itinulak niya ang katawan ni Charles ng madaanan niya ang may kalakihang kama nito, napahiga ito ng tuluyan sa kama na nakabuka ang dalawang braso. Narinig niya pa itong humilik
Naturang tinakpan niya ang bibig at ilong ng maamoy niya ang amoy alak galing sa kanyang kapatid, hindi siya umiinom dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kanya ng kanyang mga kapatid—kahit na lady's drink ay hindi siya pinapayagang uminom
"Kuya Charles naman eh! Kung kailan dadalaw ako sa'yo ng hindi tumatawag ito pa ang ipapabungad mo sa'kin? Ang sama mong Kuya!" Nakanguso niyang bulalas at nagsimulang damputin isa-isa ang mga papel, damit, at kung ano-ano pa ang kanyang mga nakikita sa kwarto nitong pakalat kalat
"ANONG masasabi mo Giovanni sa iyong alaga slash girlfriend mo na ngayon?" Tanong ng isang press ng pagkalabas na pagkalabas nilang dalawa ni Mackenzie sa condo nito ay kaagad silang dinumog
Hindi alam ni Giovanni kung ano ang kanyang sasabihin, sasabayan ba niya ang kabaliwang ginawa ni Mackenzie? O, aaminin niya ang katotohanang hindi naman talaga sila dahil bakla siya
"Ahm," naramdaman ni Giovanni na ipinatong ni Mackenzie ang dalawang kamay nito sa kanyang kanang balikat at ipinatong na din ang baba nito
"Say something—babe" bulong ni Mackenzie sa kanyang tenga na ikinataas ng mga balahibo niya sa batok
Mamaya ka talaga sa'king babae ka!
"I love Mackenzie so much—she's my world and I can't let her go." Palihim niyang kinurot ang kanyang tagiliran para sawayin ang sarili
"Aww—ang sweet mo naman Giovanni! Bagay talaga kayo ni Mackenzie" kinikilig na bulalas naman ng isa pa na sa tingin ni Mackenzie ay kakilala ni Giovanni
Pasimple naman niyang tiningnan si Giovanni at nakita niya itong ngumiti lang ng nakakailang
"Alam niyo guys, mabait itong si Giovanni sa'kin. Palagi niya akong tinutulungan sa mga bagay bagay kung saan ako nahihirapan—kaya hindi na mahirap sa'kin na magustuhan siya." Halos masuka na si Giovanni sa kagagahang pinagsasabi ni Mackenzie
"Totoo ba 'yun Giovanni?" Ang isang press na naman ang nagtanong
Nang hindi siya makasagot ay kinurot ni Mackenzie ang kanyang likuran
"Ah, oo totoo 'yun" at tumawa ng nakakailang
"Sa susunod na lang ulit, may pupuntahan pa kasi kami—" paalam niya at hinawakan sa kamay si Mackenzie
Kung ito ang gusto ng kanyang bruhang alaga edi itutudo na niya. Para matapos na 'tong kabaliwan na ito; paniguradong alam na din ito ni Marco at siguradong mag-aaway sila nito mamaya
"Ewan ko talaga sa'yo Mackenzie! Kung hindi lang talaga kita responsibilidad asa ka pang tutulungan kita dito." Bulong niya
"Just chill Giovanni, ako na ang bahala sa'yo—" parang baliw na wika nito at tinawanan lang siya