Hindi na ako sumama muna pabalik sa Vaulter dahil may mga kailangan pa akong gawin dito sa mundo ng mga tao.
I'm still in awe on how they confessed everything in front of the people. It's been a week since the party happened.
Kung tatanungin ang relasyon namin ni Ash—We're doing good but he's still pursuing me.
Nagpapabalik balik sya mula Vaulter dadaan sya sa portal para lang makarating dito.
Alam kong nahihirapan sya dahil hindi pa ako bumabalik sa Atlantis. Inaasahan nilang babalik ako pagkatapos ng isang buwan.
"You should've go back to the Vaulter." sulpot ni Raffy. Yeah, I'm not calling him kuya anymore.
"No. I have undone things to do here."
Nangunot naman ang noo nya. "What do you mean?"
"That's a secret."
Tumayo na ako at nakangising pumasok umakyat at pumasok sa loob ng kwarto. Nakikitira ako sa kanila dahil nagbabalak akong bumalik sa bahay namin dati ni Nanay.
Noong huli akong pumunta doon ay pakiramdam ko may laging nanonood sa mga kilos ko.