webnovel

Chapter 7

Chapter 7: Alicia Willows

Hindi naman ako nainform na ang academic classses pala ang pinakanakakaantok na mangyayari sa buong buhay ko. Halos bumigay na ang mata ko para lang makinig sa instructor na nagtuturo sa harap.

Kaklase ko nga si Cale at nakita ko siyang nakadukdok sa dulo kung sa'n tago sa instructor. Magkasama pala ang A-rank at S-rank sa klase kaya kasama ko rin sila Rai. Si Aqua ay bored na nakikinig habang si Blaze ay natutulog din. Si Rai ay ginawa pang unang ang isang braso at nakabukas ang bibig, tila sarap na sarap sa pagtulog kulang nalang ay maghilik.

Last class namin ang academic classes which consist of English, Math, Science and Filipino. Katulad lang ng mga subject sa mortal realm. Kagaya namin, hindi lang kami ang nabubuhay sa mundo. May isa pang mundo kung saan ang mga tao do'n ay walang kapangyarihan at kapag napunta raw sa mundo na 'yon, hindi pwedeng gumamit ang mga tulad namin ng kapangyarihan.

Wala nang nakakaalam kung sa'n ang portal papunta sa mortal realm pero sabi nila totoo raw ang mundong 'yon.

Buti nalang natapos na rin ang klase at dinismiss na kami. Pabalik na ulit kami ni Blaze sa dorm nang madatnan namin si Aqua na kausap si Kei at kasama ang squad niya. Pinagtitinginan naman sila ng iba pang estudyante dahil nasa gitna sila.

Nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Aqua ang kwelyo na kapatid.

"Gagi," hindi malamang gagawin ni Blaze, "Makikielam ba tayo?"

Tinignan lang ni Kei si Aqua at inawat sila nung lalaking nakasalamin. Parang takot naman ang iba pang kasama ni Kei dahil hindi sila nakagalaw sa kinatatayuan.

"Anong nangyayari dito?" Narinig kong sabi ni Cale habang naglalakad papunta kina Kei para pumagitna. Binitawan na ni Aqua si Kei.

Hindi na namin narinig ang pinag-uusapan nila dahil nakamasid lang kami sa 'di kalayuan. Eto ata ang unang beses na nakita kong galit na galit si Aqua.

Galit namang umalis si Aqua at sinundan siya ni Blaze na puno ng pag-aalala sa mukha. Naiwan naman akong mag-isa. Tinignan lang namin si Aqua na habulin ni Blaze.

Ano naman ang pinag-awayan nila? Wala naman akong pakielam pero hindi ko maiwasang hindi ma-curious.

Nauna nalang akong bumalik ng dormitory dahil nawala na si Blaze. Hinintay ko lang din ang dinner para makalabas ako. Hindi ako magdidinner, pupunta ako sa Stellar. Wala lang, gusto ko lang ulit itong tignan.

Hindi ko alam kung kailan ako ulit makakakita no'n kapag umalis na ako. Walang oras o araw ang nakatakda kung kailan ako aalis. Sa totoo lang, napapaisip ako kung may progreso ba ako sa pagpunta ko dito.

Akala ko magiging madali lang lahat kung ako lang mag-isa ang pumunta dito. Gusto kong mapagisip-isip kung dapat ko pa itong pagpatuloy.

Sa pag-akyat ko ng tower, hindi ko aakalaing maabutan ko do'n so Kei. Nakita ko na naman ang mata niyang namumukod tangi sa dilim. Kahit ata ilang beses ko 'yon pagmasdan ay mamamangha pa rin ako.

"What are you doing here?" Bigla naman napunta sa'kin ang pares ng mata.

Nalaman niya agad ang presensiya ko at bumalik ang kulay ng mata niya sa itim. Bakit kailangan niya pang itago 'yon?

Hindi ko siya pinansin at pumunta sa kabilang gilid at do'n ako tumingala. Akala ko kakalma ako kapag pumunta ako dito pero lalo lang akong nailang dahil ramdam ko pa rin ang titig ni Kei.

"Make a wish," I was surprised to hear Kei in a calm tone, a monotone rather.

Lagi kasing may bahid ng inis ang boses niya o 'di kaya'y maiinis ka kapag nagsalita na siya.

Nagtataka akong lumingon sa kaniya na nasa tabi ko na pala, may isang metro ang layo. "Anong nakain mo?"

He eyed me with those emotionless pair of orbs again, "When three stars crossed each other and created a triangle with the moon inside it, it's called the Moon's Rebirth. It happens once a year and they say it grants your wish."

My lips parted. Those were the longest words that came from his mouth! It was the first time he explained something relevant to me. Should I clap? No. I wanna slap him.

"And you believe that?" I asked.

"I did."

Wow. Really. Just wow. Are we making a conversation right now?

But he said he did. Why? What happened?

I didn't ask furthermore because I'm not in the position to do so. I felt it was something personal. Tumingin ako sa langit at nakita do'n na makaka-form nga ng triangle kapag konektado ang mga bituin at sa loob ng triangle, nando'n ang buwan.

Maybe wishing wouldn't hurt right?

My only wish is to keep my love ones safe. If I could remove my curse... I'll be able to protect them. Dahil lang naman sa'kin kaya sila napapahamak.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakita no'n o parang kuminang ang buwan. Weird. It was like something that happens in movies.

"Winter is coming soon. Don't you think it's connected to what the book says?" I asked after making a wish.

"It might be." He wasn't looking at me now, he was also looking up at the sky.

"And what makes you think that?" Tanong ko.

He shrugged. Silence filled the place again. Naririnig ko naman ang mga dahon ng punong nadadala ng hangin.

I checked on Kei. I saw his eyes turned silver again. I was in awe when I looked at it. Lalo ngayon malapitan. Mas lalo akong naantig at 'di namalayang nakataas na ang kamay ko para hawakan ang mukha niya. Nabalik lang ako sa realidad dahil hinawakan niya ang pulsuhan ko.

I gulped. His silver eyes were staring at me. Those penetrating eyes.

"Your eyes are..." I said.

"Terrifying?"

"It's enchanting."

His grip loosened from what I said and there was a hint of warmth in his eyes. So he has this kind of side, too. It made me think for a brief moment that we're the same. My mother used to say it once.. that.. there's a light in every person's heart.

"You're not half-bad at all." Inalis niya na ang pagkakahawak niya sa'kin.

Not half-bad? What did he mean?

"You're the first person to say that," he smiled bitterly. "Technically, this is what they call blessing but it's a curse for me. These eyes determined my fate."

I was frozen on the spot. Bigla akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya. Naguguluhan ako pero parang naiintindihan ko rin.

"Determined your fate, huh?..." I repeated in a low voice.

He chuckled, "I tried preventing it... I tried changing it... I tried everything I could but I ended up losing the most important person in my life just to change my fate. It's just... the Gods have chosen me as their puppet and I must fulfill my role."

There was sadness in his voice. Hindi ko alam kung pa'no kami napunta sa ganitong usapan pero sa isang banda, pakiramdam ko parehas lang kami.

Parehas lang kaming naghahanap ng paraan para makawala... finding ways to escape our cruel fate.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at na-speechless ako. I saw him close his eyes and when he opened them, his eyes went back to normal again.

Nagtagal ng ilang minuto at natahimik kami ulit kaya nagpaalam na ako sa kaniya.

"I'll go first." I said.

He only gave a nod without looking at me. I turned my back and walked away, leaving him to be alone that night.

Sa tingin ko kailangan niya ring maging mag-isa nang gabing 'yon.

Another morning, another day. Potions Class ang subject ko ngayon at hindi nawawala sa isip ko ang nangyari kagabi. The sadness in his eyes were disturbing... as if his eyes wanted to tell more... to show more... I don't know.

But not just because we had a good talk last night doesn't change the fact na hindi na ako naiinis sa kaniya. Nakita ko lang ang sarili ko sa kaniya kaya gano'n.

"Walang instructor ngayon?" Usapan ng mga ibang kaklase ko.

Si Rai at si Cale lang ang kasama ko ngayon. Tumabi sa'kin si Cale at gano'n din si Rai. Pinagtitinginan pa kami ng iba pero hindi ko alam kung bakit. 

"May bago atang instructor ngayon." Naghikab si Rai at inunat ang mga braso.

"Good afternoon everyone!" A jolly voice surrounded the room and we sat properly. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung kanino nanggaling ang boses na 'yon. What is she doing here?!

Bigla akong napatayo at nahampas ko ang desk ko ng malakas kaya sabay-sabay silang nagtinginan sa'kin. Nahiya naman ako sa inasta ko at naupo ulit.

"S-sorry." Iwas ko ng tingin.

"Well... sorry for waiting, class! I got lost," her bright smile did not leave her face. She placed a book or something on the table. "Let me introduce my self first. I am Alicia Willows and I'm your new instructor for your Potions Class." Lumibot ang mata niya sa'min at nginitian niya ako nang magtama ang tingin namin.

Ano'ng ginagawa niya dito? 

Hindi ko namalayang napabuntong hininga nalang ako. Nagsimula siyang magturo na para bang isa talaga siyang guro. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko pero umakto nalang akong bilang normal na estudyante. Limitado ang bawat galaw ko.

"Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Cale.

Tumango naman ako at nagpatuloy nalang sa pageekperimento ng mga potion na nasa harap ko. Ang ginagawa namin potion ngayon ay cure para mawala ang sugat. Hindi naman uso ang healer sa mundo na 'to.

"You need to mix the Mana potion," bigla akong kinausap ni Alicia nang maglibot siya para makita ang mga ginagawa namin.

Tinignan ko lang siya pero nginitian niya lang ulit ako bago naglakad ulit. Kinuha ko nalang ang asul na likido at hinalo ito sa pulang likido. Sinusulyap-sulyapan ko pa siya pero mukhang wala siyang pakielam dahil ngingitian niya lang ako. 

Natapos ang klase namin na naging tahimik lang ako. Binalingan pa ako ng huling tingin ni Alicia nang umalis siya. Sunod naman kaming dumeretsyo sa Academic Class dahil 'yon na ang huling subject ulit para sa araw na 'to.

Wala. Hindi ko magawang makinig. Gusto kong matapos ang klase para makausap si Alicia na ang tunay na pangalan ay Alice.

Mabilis akong tumayo nang i-dismiss kami ng guro. Tinawag pa ako ni Blaze dahil nagmamadali ako.

Hinanap ko si Alicia pero sa laki ng eskwelahang ito, baka hindi kami magkahanapan. Ano ang pumasok sa isip niya at pumunta siya dito? Hindi niya ba alam ang panganib na meron dito?

"Ate," may mahinang boses akong narinig sa likuran ko at nakita ko si Alicia.

Mabilis ko siyang hinatak sa kung saan. Hindi ko alam kung pwede sa headquarters dahil mamaya may mga devices do'n na makarinig sa'min. Hindi naman pwede sa dormitory dahil instructor siya, baka magtaka ang ibang estudyante. 

Ewan ko kung sa'n ako dinala ng paghatak ko sa kaniya pero nang maramdaman ko na wala nang ibang tao bukod sa'min ay binitawan ko na siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Inis kong sambit.

 

"I just wanted to help," she said. 

Napasinghap ako, "Then you're not helping. You're making it worse! Alam mo ba kung ga'no kadelikado sa lugar na'to? Pa'no kapag nalaman nilang Tenebran ka? Hindi sila magdadalawang-isip na patayin ka!"

Tumaas ang boses ko. Hindi ko naman sinasadya 'yon pero sawa na akong may taong pilit ako pinoprotektahan. Dahil alam ko... na sa oras na protektahan nila ako.. mawawala rin sila. Sa oras na tulungan nila ako... buhay nila ang kapalit.

Sawa na akong makita ang mga taong mamatay at masaksihan ng dalawang mata ko.

"Sa tingin mo hindi ko naisip 'yon? Alam ko ang pinasok ko. Alam ko ang ginagawa ko."

My lips parted in disbelief. I treat her as my little sister.. until that day came. Kinalimutan ko silang lahat. Wala akong balak na baguhin ang pakikitungo ko sa kanila hangga't alam kong mapanganib ako.

I looked at her with anger but she chose to stand firm. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Suit yourself."

Mukhang hindi niya nagustuhan ang naging akto ko dahil naging seryoso ang mukha niya. Sa pagsabi ko no'n, umalis siya at binangga pa ang balikat ko. My eyes followed her retreating back.

"I knew it." Mabilis kong naramdaman ang matalim na bagay sa leeg ko. A sword was on my neck.

Fuck.

I was distracted by my emotions.

Am I caught now? Mamamatay na ba ako? Baka okay na rin ang mamamatay para hindi na madamay ang ibang tao. If I die, the prophecy will stop but it won't stop the same old story. It will repeat. And it will take hundred years again to happen... 

I closed my eyes. I could feel my blood dripping from the wound created by Kei's sword. 

"Why are you here?" It sounded like a demand to answer, not a question.

"I'll.. We will be gone. 'Wag mo lang siya idadamay." Ang tanging nasabi ko nalang. 

Pwede ko siyang labanan at tapatan pero sa oras na gagawin ko 'yon, madedetect ako ng barrier. Mahirap pa namang makaalis dahil dadaan pa ako sa noble grounds at common grounds. Baka patay na ako bago ako makabalik sa Tenebrae.

"You didn't answer my question." Mas diniin niya ang espadang nakalagay sa leeg ko, dahilan para mas dumugo 'yon. 

Sigurado akong walang tao dito kanina. Pa'no niya nagawang itago ang presensiya niya? Hanggang sa'n ang narinig niya? Ako ang may kasalanan dahil nagsalita ako. Ako na naman ang dahilan kung bakit mapapahamak si Alicia.

I tightly shut my eyes, refusing to answer. Will answering his question guarantee my safety? No.

"How dare you step in the gates of Lumiere?" Kulang nalang ay idiin niya pa ang espada para alisan na ako ng ulo.

"I.. just wanted to live... without harming anyone." I didn't realize that my eyes teared up. I sounded so selfish. Maybe I am selfish. Gusto kong mabuhay kahit nakatadhana akong mamatay.

"Hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mo," I felt him withdraw his sword. Nawalan na ng lakas ang tuhod ko at napaluhod nalang. I was crying my heart out. 

This is something I feared the most.. Pumunta akong ng Lumiere para hanapin ang bagay na wala namang kasiguraduhan kung nag-eexist. Baka sakaling... may makuha akong inpromasyon dito. Dahil ang sabi... nakatago iyon sa palasyo.

 

Kapalit ng kagustuhan kong mabuhay ay maraming beses na nasa dulo na ako ng kamatayan.. Parang kahit anong gawin ko, mamamatay at mamamatay ako.

Suddenly, a pair of gentle arm helped me stand up, the blood from my neck was still dripping.

"Come on. I'll take you to the infirmary."

Next chapter