webnovel

Chapter 4

Welcome to Lynux University.

First day of school.

College of Chemical Engineering.

3rd floor.

"Bes, have a nice day. Aga natin best. "

"Oo naman best. Mas maaga mas maganda. Have a nice day too. "

Maaga pa lang pero ang dami ng estudyante. Halatang excited din sa first day class. Halos mapuno na din ang parking.

Pumunta na kami sa 3rd floor ni Maxi,nag elevator kami.May elevator ang Lynux. Oo naman afford na afford nito ang pagpapalagay ng elevator.

"Best, tabi tayo ah",saad ni Maxi.

"Sure," matipid kong sagot.

"Best, ipagdasal natin na wala ung mga impakto na yun. "

"Naku best ako ang bahala sa mga impakto at bakulaw na yun! "

May biglang pumalakpak sa likuran namin. Napatigil kami sa paglalakad papunta sa classroom. Sabay naming nilingon ang pumalakpak na impakto este tao.

"Congrats sainyo at nakapasa kayo sa exam. "

Si JM lang naman ang pumalakpak. Sumandal ito sa pader at nilagay ang mga kamay sa batok.

"Best wag mong pansinin. Tara na".

"Oi, snaberang palaka",saad pa ni JM.

Nabwisit ako sa sinabi n'yang snaberang palaka daw kami. Eh s'ya epal na unggoy!

"May pangalan kami. Wag mo kaming bwisitin epal na unggoy! "Di ko mapigilan self ko kaya lumabas na na man pagka maldita ko.

"Ano? Tinawag mo akong unggoy? "

Lumapit ito sa amin at hinarang kami.

"Sige tawagin mo akong unggoy ngayon pero baka balang araw magiging jowa din kita! "

"Kapal ng mukha.Umalis ka nga sa daraanan namin. Di ako interesado sayo. Kung inaakala mo na kaya mo kaming I bully, well your totally wrong! Excuse us! "Itinulak ko s'ya at nakadaan kmi ni Maxi.

Nahanap din namin sa wakas yung room namin. Hayun isa-isa na namang pakilala sa harapan. Walang kasawa sawang introduce yourself!

"Maxi, di ako sanay na may mga classmates tayong boys. "Bulong ko sa kanya.

"Eh kasi naman sa all girls school tayo nanggaling. "

Natapos na ang pagpapakilala namin sa isat - isa. Umabot iyon ng 30minutes. Sa klase namin ay may limang bading, dalawang tomboy. Lahat sila funny and witty. Majority sa klase namin ay lalaki. Kaming mga babae ay dose lang.

Natapos na din first subject namin at nagutom kami.Pumunta kami sa food court ng university.Ang daming pagpipiliang fastfood.

Sa Greenwich kami pumasok. Nakaorder na kami ni Maxi at susubo na sana ng lasagna ng may tumikhim sa likuran namin. Nabitin yung subo ko dahil sa impaktong gwapong lalaki na nasa likuran ko na walang iba kundi si JM!

"Can I join?".May bitbit din itong pagkain.

Inirapan ako ni Maxi.Nagpapahiwatig na paupuin ko sa tabi ko. Halos mga tao sa canteen sa amin nakatingin. Para bang artista lang talaga ang peg ng JM na ito.

Sige magpapakatao muna ako ngayon. Magpapakabait muna! Ayaw kong malaman ng lolo ko na tigre na naman ang peg ko ngayon.

"Sige upo ka. "

"Okay,salamat naman"cool na sagot nito. "Pero wait lang. "May tinawag ito. Yung mga kasamahan n'ya noon.

"Kasama sila,hindi lang ako. Kaya 'wag kayo mag assume. "Tumawa pa ito.

Hinigpitan ko ang hawak sa tinidor. Nangigigil na naman ako.Gusto kong tinidorin sa mukha si JM. Pero kelangan kong kontrolin ang temper ko. "Okay lang, "cool na lang na sagot ko.

"Jude,August iusog mo ung table, "utos ni JM sa mga kasama nito.

"Hi girls. Kumusta first day nyo sa Lynux?"Jules asked.

"Ok lang naman, "sagot ni Maxi.

"Hello, Miss Margarita. Oo tama Margarita diba? "Si JM ulit. Nang aasar na naman. Nakatitig pa sa akin.

"Margarette Lynx ang pangalan ko. Maganda diba? "Tinarayan ko si JM.

"Pareho lang naman yun. Inenglish mo lang! By the way tropa ko-Si August, Jude, MV, Red at AC. "

Wow nagmukhang formal din si JM kahit papaano. Kung ganito lang sana ang lalaking ito. Kaso di parin ako magtitiwala sa mga ito. Baka may binabalak itong gawin sa amin ni Maxi.

"Hello, Miss Lynx, ".Isa isa nilang kinuha kamay namin ni Maxi at nakipag hand shake.

Si JM ang pinakahuli. VIP talaga hmf. Infairness ang lambot at init ng palad nya. Matagal nyang binitawan kamay ko kaya hinila ko na lang. "OK nice meeting you in a good way. Kumain na tayo,gutom na kami. "

"Halata nga,"si JM ulit.

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain tahimik lang kami habang ang anim ay sobrang ingay. Akala mo sila lang ang tao doon. Akala mo pag aari nila ang fast food.

'Yung mga estudyante halos nakatingin pa din sa amin. Iba talaga ang karisma ng mga anim na gorilla na ito.Dapat sa ABS ito pumunta, nag artista na lang sana.

"August, tuloy ba ang party natin bukas? "Singit ni AC.

"Oo naman."

"Uy Maxi at Lynx attend kayo bukas ng party sa mansyon. "

"Hindi pwede. Di ako umaattend ng party sa taong kakakilala ko lang at hindi ko naman kaibigan. "

"Eh di friends na tayo ngayon. "Si August ulit. "JM, ayaw daw oh?"

Aba nagsumbong pa talaga sa lider nila.

"Umattend na kayo! ".Inakbayan n'ya ako. Gusto kong pumalag pero parang nagustuhan ko yung pag akbay n'ya. Pero siniko ko pa rin sya. Baka isipin nito easy to get ako.

"Narinig mo naman yung sinabi ko diba? Ayaw ko. "

"Pero Lynx gusto ko",sabat ni Maxi.

"Oh kitam gusto ng friend mo, "si RED naman ngayon ang nagsalita. Infairness mukhang ito ang pinakamabait sa anim.

Kahit kelan talaga mukhang party girl ang bestfriend ko.

"Ito invitation".Si MV ang nag abot ng invitation. "Yan yung gate pass n'yo. "

"Kung gusto n'yo ipasusundo ko kayo sa bahay n'yo, ".Si Jude naman ngayon ang nagsalita.

Wow ang babait ng peg nila. Di n'yo ako madadala sa ganyan ganyan nyo.

Basta di ako aattend. PERIOD!

"AH ikaw na lang Maxi ang umattend. Di ako pwede bukas ng gabi."

"Best naman oh! ",may pagtatampong saad ni Maxi. Mukhang nakalimot yata ang best ko na ang mga kasama namin ngayon ay hindi naging okay samin noong nakaraang linggo.

Naku ung best friend ko sarap sabunutan. Nagpapaawa effect na naman. Pero this time hihindian ko talaga s'ya.

"Kapag hindi ka umattend bukas pupuntahan kita sa bahay n'yo. Susunduin kita, "si JM ang nagsalita.

Nag blushed ako sa sinabi nya. Dinagdagan pa ng hiyawan nila.

"Oh ganun naman pala eh. Susunduin ka naman pala ni JM the Playboy. "

Ah kapag nalaman to ng gf nyang si Yassi baka madamay na naman ako sa gulo. Ayaw kong maging war freak dahil lamang sa lalaking ito na hindi ko naman jowa nor friend.

"Hindi ako papayagan ni Lolo".Yun na lang ang nasabi kong rason. Pero papayagan naman talaga ako ni Lolo. Di naman sya strict pagdating sa pagdalo sa mga party.

"Ipapaalam kita sa lolo mo. ",si Maxi.

"Huwag na. Basta final di ako sasama. "

"Sige kung ayaw mo eh di wag. Dami mong arte",si JM ulit. Nakasimangot ito.

Well I don't care basta di ako aattend. Maarte na kung maarte. Basta ayaw ko! Baka may mga plano pa silang gawin sa amin.

"Excuse me, "tumayo na ako. "Tara na Maxi may next subject pa tayo. "

"See you tomorrow, Maxi ."Si August ulit. Hmf halatang type nito ang kaibigan nya.

"LYNX,sumama ka na bukas. Pangako safe kayo doon ".Si Red ang nagsalita. "Don't worry i will take care of you. "

Aba kung ganito naman talaga parang gusto ko ng sumama. Ah bahala na bukas na lang.

"Pag iisipan ko ulit. "

ตอนถัดไป