webnovel

O N E

 

     

        "Sheyi!," sigaw ni Arlyn mula sa labas ng bahay namin.

"Oo na eto na nga eh," pasigaw na sagot ko habang nagmamadaling kumuha ng kanin na babaunin ko sa school.

"Madali ka naman ng madali, aga-aga mo kasing nagigising!!,"

"Kanina pa ako dito, ang kupad-kupad mo kasing gumalaw!!," iritang lintanya nya mula pa kanina.

Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sigaw pa sya ng sigaw. Halos nagkalukot lukot na ang mga bagong notebook ko dahil sa pagmamadali kong mailagay lahat sa bag. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay o nakakapagpulbos man lang. Pagkatapos kong ayusin lahat ay nagmamadali na akong lumabas para sabunutan si Arlyn dahil sa paulit-ulit nyang pag-sigaw.

"Kukutusan kita eh!!," lintanya ko ng makalabas na ako ng bahay. Hindi pa man kami nakakalabas ng bakuran ay narinig ko na ang nadidiwarang bibig ni Mama.

"Sheyi!! Hindi mo man lang inayos ang pagkuha mo ng kanin," sigaw nya at maririnig mula dito sa labas ang tunog ng naguumpugang takip at kaldero.

Hay nako! Eto na naman po kami.

"Alam ko na ang kasunod na sasabihin ni Tita," nakatawang puna ni Arlyn habang nakasimangot naman akong tumatango dahil katulad nya, alam ko na din ang kasunod na sasabihin ni Mama. Kabisado na namin dahil sa anim na taon ko sa elementarya ay iyan na ang palagi nyang sinasabi.

"Alam mo namang mahirap na ang buhay ngayon. Bawat butil ng kanin ay mahalaga, bakit mo sinasayang? Mayaman ka na ba??," nagkatinginan pa kami ni Arlyn bago tuluyang matawa dahil sabay pa kaming nagsalita at ang mas nakakatawa pa ay kasabay din namin si Mama.

"Ano bang ibinubulong nyong dalawa dyan?, " takang tanong ni Mama sabay abot sa akin ng pera.

"Oh baon mo, palagi mo nalang nakakalimutan,"

Pagkakuha ko ng pera ay agad na din kaming nagpaalam ni Arlyn dahil malapit na kaming ma-late. Unang araw pa naman ng pasukan ngayon, kailangang maaga kami.

"She, hindi ka ba kinakabahan?," maya-maya'y tanong ni Arlyn habang naglalakad kami patungo sa sakayan.

"Bakit?? Dahil ito ang unang araw na papasok tayo sa high school?," tanong ko habang nagsusuklay.

"Excited na nga ako, pero syempre hindi maiiwasan na kabahan,"

"Hindi iyon.Hindi ka ba kinakabahan na sasakay tayo ng jeep??," sambit nyang nakasimangot.

"Unang beses nating mag-ku-commute na tayo lang dalawa, ikaw ang pumara ha??,"

Napailing nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Kung meron lang akong ibang kaibigan itatapon ko ito sa bangin. Maya-maya ay narinig ko syang nasamid at napaubo.

"May nagbabanta yata sa buhay ko?," bulong nya pagkatapos nyang mapaubo ng sunod sunod. Napangiti nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglakad.

~~~

"She, hanggang kailan mo ba balak tumayo lang dyan?," iritang tanong sa akin ni Arlyn nang nasa tapat na kami ng gate ng school. Kanina pa kasi ako nakatayo lang dito.

"Finally Arlyn!! Dalaga na din tayo!!," masayang sambit ko sabay yakap sa kanya.

"Junior highschool na tayo, pero hindi ibig sabihin dalaga na tayong dalawa," sabi nya bago ako itulak palayo at tignan mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka pa nga nireregla eh, saka tignan mo iyang dibdib mo, para ka paring pader, flat,"

Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy na sa paglakad. Sana pala kahit sya lang ang kaibigan ko, itinapon ko na sya sa bangin.

"Madalas na yata akong masamid ngayon," sambit nya ng malapit na kami sa gym ng school.

"Mukhang may nagbabanta talaga sa buhay ko,"

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglakad. Nang makarating na kami sa gym ay halos puno na ito dahil sa mga studyante.

May isang teacher na umakyat sa stage at nagsimulang magsalita. Sinabi lahat ng school regulations at kung saan namin mahahanap ang kanya-kanya naming section. Pagkatapos ng ilang minuto ay sinabihan na nya kami na umpisahan na naming hanapin kung saan kaming section kabilang.

"Sana naman magkaklase tayo," sambit ko habang naglalakad patungo sa kabilang classroom. Ilang minuto na din kaming naghahanap at inumpisahan namin sa pinakadulong classroom.

"Kanina pa tayo naghahanap, pahinga muna tayo?," reklamo ni Arlyn sabay upo sa nadaanan naming bench.

"Halika na! Nagkaklase na nga ang iba oh," turo ko sa ibang mga classroom na puno na at nagsisimula nang magklase.

"Sa classroom sa tapat ng gym naman tayo maghanap,"

Mabigat ang mga paang sinundan ako ni Arlyn sa paglakad patungo sa magkakasunod na classroom sa tapat ng gym.

"Arlyn Samantha Gonzalez," sambit ko ng mabasa ang pangalan ni Arlyn sa papel na nakadikit sa pinto ng isang room.

"Arlyn, mukhang first section ka,"

"Weh?? Ikaw dali hanapin mo na yung pangalan mo," sambit nya bago ako hawiin at sya na mismo ang naghanap.

Pinigilan ko lang ang sarili ko na batukan sya kahit gustong gusto kona.

"Sheyi Anne Polyano," sambit nya sabay harap sa akin.

"She!! Classmate kita!!!!!,"

"Oo narinig ko wag kang sumigaw," tinakpan ko ang bibig nya dahil marami na ang nakatingin sa amin.

"Nakakahiya ka talagang kasama,"

Tinanggal ko mula sa bibig nya ang kamay ko at hinatak sya papasok sa classroom.

Pagpasok namin ay marami na din ang nasa loob. Naghanap kami ni Arlyn ng bakanteng bangko at sa pinakadulo kami napunta.

Nagsimula ang klase buhat sa isa-isang pagpapakilala na maghapong naulit dahil marami kaming teacher. Marami din kaming nakilala ni Arlyn sa mga kaklase namin. Yung iba maganda ang mga ugali at ang iba naman ay hindi pa namin masabi.

~~

    Mabilis na lumipas ang mga araw at pangalawang linggo na din ang nakakalipas mula noong pasukan. Marami na din kaming kaibigan ni Arlyn pero syempre, kami parin palagi ang magkasama kahit magkalayo kami sa seating arrangement.

"She, tarang bumili?," aya niya sa akin habang kasalukuyan kaming nakaupo sa bench sa harap lang ng room namin.

"Kabibili lang natin ah?," takang tanong ko habang kumakain ng tattoos. Break time namin kaya nakakatambay pa kami sa labas ng room habang ang iba naming kaklase ay nagseselfie lang sa loob.

"Tara nga ulit bumili!," parang batang sabi nya sabay hatak sa akin kaya napatayo ako bigla.

"Kumain kasi ako ng maalat, gusto ko naman ng matamis,"

"Bukas dadalan nalang kita ng asin saka asukal," nakasimangot na lintanya ko habang papasok kami ng canteen.

"Funny!, " sagot lang nya ng bigla syang mapatingin sa isang table at mapatigil sa paglakad dahilan para mabunggo ako sa kanya dahil sya ang nauuna.

"Ano bang problema mo???," asar na tanong ko habang naghihimas ng tyan dahil tumama sa siko nya. Ang tulis kasi ng mga buto!

"Nakikita mo 'yon?," turo nya sa dalawang lalaki na nakaupo sa di kalayuan.

"I finally find the love of my life,"

"Found yon hindi find," pagtatama ko sa kanya. Kanina lang ay pinag-aralan namin yon. Talagang nakalimutan pa nya?

"Sino ba sa kanila? Yong mapayat o iyong isa?,"

"Yung mapayat," sagot nyang hindi maalis-alis ang tingin sa lalaking mukhang angry bird dahil sa ayos ng buhok.

"Bumili kana, malapit ng mag klase ulit," tinulak ko lang sya kaya sya umalis sa kinatatayuan nya. Napailing nalang ako habang bumibili sya at hindi ko mapigilan na mapatingin ulit sa dalawang lalaki na nakaupo sa isang table at masayang nag-uusap. Napatingin ako sa lalaking sinasabi ni Arlyn at napailing nalang.

Kawawa naman. Ni hindi nya alam na minamanyak na sya ng kaibigan ko.

Napabalik lang ako sa sarili ng bigla akong hatakin ni Arlyn patungo sa isang lamesa kung saan tanaw na tanaw namin ang dalawang lalaki. Hindi pa man sumasayad sa upuan ang puwitan ko ay hinatak na naman niya ako patayo.

"Aalis na sila!," kinikilig na sambit nya sabay hatak sa akin palabas sa canteen.

Parang wala na akong sariling isip sa ginagawa nya. Hatak dito! Hatak doon!

"Kahit nakatalikod ang gwapo nya parin," kinikilig na sambit niya habang nakasunod kami sa dalawang lalaking hindi naman namin kilala. Napairap nalang ako bago huminto.

"Kuya!!," sigaw ko at agad namang lumingon ang dalawa sa gawi namin.

"Cru------," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan nalang bigla ni Arlyn ng kamay nya ang bibig ko.

"Crush ka ng kaibigan ko," matulin na sambit nya habang nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sa dalawang lalaki na nagpapalitan din ng kakaibang tingin.

"Ikaw, kuyang may pulang sapatos,"

Sabay pa silang napatingin sa kani-kanilang mga paa.

"Bro, ikaw iyon," sabi ng lalaking gusto ni Arlyn sa kasama nya.

Pilit kong tinatanggal ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko para sabihin na mali ang mga narinig nila pero sa pagkakataon na ito ay iba ang lakas nya kaya wala akong nagawa ng kaladkarin nya ako papasok sa classroom.

I'm doomed!!

Napaupo ako sa sarili kong upuan habang nakatingin sa kawalan.

"Anong nangyari dyan?," tanong ng isa sa mga kaklase namin pero parang wala akong naririnig at nakatulala lang sa kawalan.

"You know, girls thing," sagot naman ni Arlyn bago maupo sa tabi ko.

All I want is a silent life! Hindi ako gumagawa ng eksena na makakapag lagay sa akin sa spot light.

Hindi ko na napansin na pumasok na sa classroom ang math teacher namin na si Ma'am Layla. Hindi din ako nakatayo para mag-greet dahilan para mapansin nya ako.

"What happened to Miss Polyano?, " takang tanong ni Ma'am at kahit gusto kong sumagot ay hindi ko magawa.

"Psst, ako nga muna dyan sa tabi ni She, doon ka muna sa upuan ko," mahinang pagpapalayas ni Arlyn sa katabi ko.

"Wag ka nang magreklamo, isusumbong kita na nangodiko ka sa quiz natin sa math kahapon," Agad namang umalis ang katabi ko at pumalit si Arlyn.

"Wala po Ma'am, nakita nya lang po ang crush nya kanina," narinig kong sabi ni Arlyn kaya napalingon ako sa kanya.

Akala ko kaibigan kita Arlyn! Bakit lagi mo nalang akong pinapahamak!

"Bakit ganyan ang tingin mo sakin?," takang tanong nya. Akmang sasakalin ko na sya ng biglang magsalita si Ma'am.

"Nako, mag-aral muna kayo bago ang mga ganyan," sabi nya bago simulan ang klase. Lumilipad na nga ang utak ko ngayon, lilipad na naman yata ng mas mataas. Ewan ko ba, hindi ko talaga love ang math!!

Natapos ang lahat ng klase namin na pang-umaga ng hindi ako kumikibo kahit kausapin ako ni Arlyn. Ayoko syang kausapin. Dahil sa kanya, nasa alanganin ako ngayon.

   ***

Next chapter