webnovel

EPILOGUE

"A-ARE YOU SURE about this?" kinakabahang tanong ni Rose kay Thorn bago sila pumasok sa bahay nito sa Manila kung saan naghihintay sa kanila si Lola Pamela.

"Relax. Hindi naman kita pababayaan. Magkasama natin siyang haharapin. Kung kinakailangang lumuhod ako sa harap niya para lang matanggap ka niya ay gagawin ko."

Napangiti siya sa isinagot nito. May isang linggo na ang nakalilipas simula noong opisyal na sinagot niya ang proposal ng kanyang kasintahan. Simula noon ay araw-araw na itong dumadalaw sa bahay nila. In fact, naranasan na nito ang lupit ng mga magulang niya nang interogahin ito ng kanyang mommy at daddy. Ang mga kapatid naman niya ay nagsilbing mga supporter ni Thorn dahil napabilib ni Thorn ang dalawa nang magpropose ito sa kanya.

Hindi naging madali ang pakikiharap ni Thorn sa mga magulang niya. Like other folks do, kinwestyon din agad ng mga magulang niya ang intensyon ni Thorn sa kanya. Tinanong ng mga ito kung paano nila lulusutan ang Lola Pamela nito na galit na galit sa kanya at sa kanyang pamilya. Thorn has shed buckets of sweat when he was put in the hot seat.

Ngunit napabilib naman nito ang mga magulang niya dahil walang playa nitong sinuyo ang parents niya. He even courted her the traditional way. Nag-igib ito, nagsibak ng kahoy at nagpakaalila kay Nicanor na noo'y hindi matanggap na may boyfriend na siya. But Thorn proved his pure intention towards her. Well, alam niyang palabas lang din ng parents niya ang pagpapahirap na iyon. Kanina ba siya nagmana ng pagpapakipot, diba?

Ngaya heto siya ngayon, siya naman ang kailangang magpakahirap magustuhan at matanggap lang siya ng Lola nito. She squirmed at his side when they walked inside his house.

"B-baka palayasin niya ako," natatakot niyang ungot kay Thorn.

Nang dumating si Exodus Briar upang salubungin sila ay lalong nanginig ang mga tuhod niya. Napalunok siya nang mataman siyang tinitigan ng kambal ni Thorn. She could feel how scrutinizing his stare was. Animo'y binabalatan siya ng buhay.

"She's waiting," wika nito.

Nang ngumiti ito sa gawi niya ay tsaka lamang siya nakahinga ng maayos. At least, mukha namang tanggap siya nito. Thorn tapped his twin brother's shoulder and nodded. Tahimik silang pumasok sa kwarto kung saan naroroon si Lola Pamela.Nang makarating sila sa loob ng kwarto ay nagulat siya sa kanyang nadatnan. Pamela looked older than she has first seen her.

Siguro ay dahil wala itong suot na make up nang mga sandaling iyon. O baka nakunsumisyon ito dahil sa pagdating niya sa buhay nito. Napayuko siya. She suddenly felt bad.

"Lola…" tawag ni Thorn bago siya nito hinila palapit sa abuela nito.

The old woman remained silent. Nakaupo ito sa isang rocking chair na nakaharap sa isang malaking glasswall, overlooking the city. Mataas kasi ang condo na kinaroroonan nila kaya kitang kita sa bintana ng mga nagtataasang building at nagliliitang mga saksakyan.

"G-good morning po," magalang niyang bati.

Nang magsalita siya ay tsaka lamang nagpasyang tumingin ng matanda sa kanya. Lola Pamela didn't even flinch whe she saw them. Walang mababakas na kahit anong reaksyon mula sa mukha nito. Hindi niya tuloy alam kung alin ang mas dapat niyang katakutan—ang nagwawalang matanda o ang tahimik na si Lola Pamela. Napabuntong-hinga siya.

Binalingan niya si Thorn na noo'y hindi mapakali sa tabi niya. She was afraid too. Ngunit kung hindi niya ipaliliwanag ng husto kay Lola Pamela ang sitwasyon nila ay hindi maaayos ang sigalot sa pagitan nilang lahat. She was a brave woman. Nakarating na siya roon dahil sa katapangang ipinagmamalaki niya. Ngayon pa ba siya susuko? Siyempre hindi.

"Thorn, maaari mo ba kaming iwan ni Lola?" tanong niya sa kanyang kasintahan. Thorn's eyes widened so she immediately gave him a reassuring smile. "Mag-uusap lang kami."

Matagal na hindi sumagot si Thorn, tila takot na iwan siyang mag-isa sa loob kasama ng abuela nito. Hindi kasi iyon ang usapan nila bago sila nagtungo roon. Dapat ay magkasama nilang kukumbinsihin si Lola Pamela na ibigay ang pagpapatawad at pagtanggap nito sa kanya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Thorn bago ito tumango. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga kamay at tsaka siya kinintalan ng isang mabilis na halik sa mga labi—sa harap mismo ng lola nito!

"I'll be outside," wika nito. Binalingan nito ang lola nito. "Lola, lalabas po muna ako. Call me if you both need something, okay?" masuyo nitong bilin.

Isang kiming ngiti ang isinagot ng matanda kay Thorn. With that smile, Thorn left them alone. Deeafening silence enveloped the room. Tila walang balak magsalita si Lola Pamela kaya siya na ang bumasag sa katahimikan. Tumikhim siya.

"H-hindi ko po alam kung paano uumpisahan ang pag-uusap nating ito," pag-amin niya. "Sa katunayan ay naghanda ako ng script ng mga dapat kong sabihin sa harap ninyo. Kaso, ganito po talaga ako. Madaling makalimot kapag naunahan na ng kaba."

Nanatiling tahimik si Lola Pamela.

"Not too long ago, napag-usapan namin ni Thorn ang kwento ninyong dalawa ng lolo ko. Pero nang mga panahong iyon ay hindi po namin alam na ang Mela ng Lolo ko ay kayo mismo na Lola ni Thorn. Y-you see, magkaiba iyong mga kwentong alam namin ni Thorn. Sa kwento ninyo, puro sakit at paghihinanakit ang narinig ko mula kay Thorn."

"Pero iba ang kwento ng mommy ko sa akin tungkol sa nakaraan ninyo ni lolo. Siguro ay hindi ninyo mapaniniwalaan na kayo ang itinuturing na true love ng lolo ko." She smiled sadly.

"Hindi ko ho kayo pipiliting maniwala pero ang totoo, iyong Am—"

"Amor Eterno ang pinakamalaking patunay na ako nga ang mahal ni Alejandro."

Napatigil siya sa pagsasalita nang unahan siya nito sa kanyang sasabihin. Lola Pamela's eyes turned watery but a small smile formed her trembling lips. Ibinalik nito ang paningin nito sa malaking glass wall sa tabi nito. With dreamy eyes, she stared at the bright sky.

"He knew that I love flowers. Rosas ang pinakapaborito ko. Walang araw noon na hindi niya ako binigyan ng rosas. Dahil likas na mahilig ako sa bulaklak ay binalak naming magpatayo ng isang flower shop kapag nakapagpakasal na kami. And that name…it was for me."

Lola Pamela started crying. Hindi niya tuloy malaman kung dapat niya ba itong lapitan at aluin o dapat niya itong hayaan na lang. She opted for the latter so she remained where she was.

"Three days ago, your parents came to me. Ipinaliwanag nila sa akin ang tunay na nangyari kay Alejandro noong maghiwalay kami. It was hard to hear everything from my past, but the truth set me free. I have realized everything that has happened. Sa tuwing nakikita ko kayo ni Thorn, I honestly regret everything from my past. Bakit hindi ako naging kasingtapang ninyong dalawa? Bakit ko hinayaan na pareho kaming panghinaan ng loob?"

"Ngunit tama ang iyong inang si Hyacinth, tama si Alejandro. Ang mga buhay natin ay nakatadhana na bago pa man tayo maisilang sa mundong ito. Marahil ay itinadhana talaga ng Maykapal ang paghihiwalay namin noon upang mapagtagpo naman kayo ni Thorn. Maybe you deserve better than the love Alejandro and I had," malungkot nitong turan.

Umiling siya. "My grandfather's love for you was the greatest love I have ever known, Lola. Ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya maging maligaya lamang kayo. He tried his best. He sacrificed his happiness for you. And he sure is waiting for you right now. Hindi ho nawala ang pagmamahal ni Lola sa inyo. Ang pag-ibig niya sa inyo ay hindi maglalaho."

"Noong una ay kinuwestiyon ko ang pagdating mo sa buhay namin. Sa dinami-rami ng mga babaeng maaaring ibigin ni Thorn, bakit ikaw pa? Pero ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Alejandro set us up. Sapagkat nais niyang malaman ko ang katotohanan. Upang maihanda ko ang aking sarili sa muli naming pagkikita. Upang madugtungan namin ang pagmamahalan naming naudlot limampung taon na ang nakalilipas," ngiti nito.

Napangiti na rin siya. "Iyan din po ang tingin ko."

"I am finally giving you my blessing, hija. Sana ay mapatawad ninyo rin ako sa mga naging desisyon ko. Matanda na ako," malungkot nitong anas. "Maraming bagay na dapat akong alam sa mundo ngunit dahil sa sakit at hinanakit na kinimkim ko sa mahabang panahon ay naging sarado ang utak ko. Sana ay mapatawad ninyo pa ako."

Marahan siyang naglakad palapit dito. She carefully hugged the old woman. "Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin at sa relasyon namin ng apo ninyo. Ipinapangako ko po na hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin."

"Sa apo ko dapat manggaling ang mga salitang iyan. He's a real playboy. You'd better keep an eye on him," biro nito. Natawa siya ng pagak. "But you have to give it to him, Rose. Nagawa niyang makiusap sa kakambal niya na magpanggap bilang siya makaalis lamang siya rito at mapuntahan ka lang. Para namang maloloko nila akong dalawa."

"Because of what he did, napatunayan ko kung gaano ka kamahal ng apo ko. Ingatan mo si Thorn, hija. Nasa lahi namin ang magmahal ng tunay at walang hanggan. Siya, you must go now. Lumabas ka na at harapin mo si Thorn. Alam kong kanina pa iyon hindi mapakali sa labas. Tell him the good news. I'll be fine here. Magmumuni-muni lang muna ako."

Nagpasalamat ulit siya rito bago siya nagpasyang lumabas ng kwarto. Napangiti siya nang halos patakbong lumapit si Thorn sa kanya bago pa man siya makalapit rito.

"H-how did it go?" tarantang tanong nito.

"I love you, Thorn," wika niya. "Huwag mo raw akong paiiyakin kundi lagot ka kay Lola," biro niya. Nanlaki ang mga mata nito.

"I-ibig bang sabihin ay…"

Tumango siya. Biglang napasigaw si Thorn dahil sa isinagot niya. "I love you, Rose!" Mayamaya ay bigla itong yumakap sa kanya at tsaka siya siniil ng halik.

"Tadhana man o hindi ang naghatid sa atin sa isa't isa, wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga ay kasama kita ngayon. Mahal na mahal kita," wika niya nang matapos ang mainit na halik na pinagsaluhan nila.

Sa likuran ni Thorn ay nakita niya ang nakangiting si Exodus Briar, kasama si Lola Pamela. Mukhang sinundo nito ang matanda. Parehong nakangiti sa gawi nila ang dalawa. Wala na siyang mahihiling pa. Alam niyang hindi iyon ang huling problemang kahaharapin nila bilang magkasintahan ngunit alam niya ring kahit ano'ng dagok pa ang dumating sa pagsasama nila ay malalampasan nila iyon dahil mahal na mahal nila ang isa't isa.

~WAKAS~