webnovel

CHAPTER 44

AMIRA'S POV

"Really bestfriend?! Kyaa nakakakilig!" sigaw ni bea. Nagsign ako ng shh at pilit na tinatakpan ang bibig niya "Sa dami ng kinuwento mo doon lang ako natuwa at kinilig!!! Kyaaaa!!!"

"Quiet please he's just around" pagmamakaawa ko kaya napagiggle na lang siya at tumango "So bestfriend again?"

"Sige!" ginawa namin yung hand gesture namin at natawa ulit. I am so happy!! My bestfriend is back!! "Pero tss hindi lang pala namimimlip top yang ate mo!"

"Bestfriend, ayos lang~ haays"

"Miss amira pinapatawag na kayo sa baba" napatigil kami nang marinig ang boses ni yaya.

"Opo" umayos na kami ni bestfriend at lumabas agad. Sinundan lang namin si yaya hanggang sa dining area kaya bumungad silang lahat sa amin.

"Excuse" gulat akong tumabi at napatitig kina ace at dunkan na pumwesto na sa hapagkainan. B-baaaaaaakit?!!!

Napatingin din ako kay mr.linc na nasa likod ng natirang bakanteng upuan. Nakayuko lang akong pumunta doon at tinulungan akong makaupo ng maayos.

Nandun kasi si ate sa palagi kong inuupuan noon pero nasa gitna pa rin namin si kuya. Mukhang nagpalit lang kami ng pwesto ganun.

"Let's eat" sabi ni papá na nasa dulo. Sabay sabay na kaming kumain. Tahimik lang akong kumukuha ng pagkain--bakit nasa harap ko si ace?!! Nakakahiya kaya!! Ang pangit ko na sa benda ko!!!

Napatingin ako kay mr.linc na sumingit sa tabi ko habang nilalagyan ng juice ang baso. Sumenyas ako ng 'tulong' pero kumunot lang ang noo niya kaya palihim kong kinurot. Umalis naman siya at saktong mga mata ni ace ang bumungad sa akin.

"I supposed to throw a welcome party as well as for the new house but seems that princess is not in a good condition, so please have a good dinner" napapalunok na ako habang nakatingin kay papá dahil hindi tumitigil si ace sa pagtitig sa akin.

"We are really grateful tito that you invited us for dinner. Ethan called me for some matter" pasimple kong tinakpan ang pisngi ko at tahimik na kumain. Hindi naman niya ako kailangan titigan kung magsasalita siya!! Sobrang pangit ko na ba???!

"Yeah, very important matter knowing that the LADY here really need to watch" siniko ako ni kuya pero kay ace ako napatingin--!!! Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.

"I told you hindi nga ako gumawa!!!" bakit naman kasi hindi agad nagets ni mr.linc??! Hiyang hiya na ako sa itsura ko!! I am confident with mr.linc but where is he???!! 

"Yeah we actually brought them to double your security" sabi ni dunkan na tinuro pa ang mga nakablack suit sa likod niya. Dalawang babae at dalawang lalake.

"What?! Okay let's say I did that but dunkan that's not right--"

"I also asked them for that" singit ni papá kaya di makapaniwalang sumandal si ate sa upuan niya. Tumuwid naman ang likod ko nang lumingon sila sa akin "As for amir, nothing change. They will secure that your sister cannot go near you"

"Amazing looks like I am the most evil person here" rinig pa naming bulong ni ate pero umiling lang si papá tsaka bumalik na sa pagkain.

"I will leave tomorrow, so I cannot watch you. If your sister did something to you, tell me and we will deal with her" tumango lang ako at tinignan saglit si ate na ang sama ng tingin sa akin tsaka inikutan pa ako ng mga mata "We will talk about your wound if it is already healed"

"Okay papá" 

"Stupid! Tell them that I didn't did that to you! I don't know who did that but I am sure it's not me!! Or you did that to yourself para kaawaan ka?!!" tumayo si ate kaya lahat kami napalingon sa kanya.

"Enough. We are in front of the food. Sit down and just shut your mouth. You might forget the rules that I am strict with. Go to your room and don't eat until you realizes what you said and what you did" mahinahong sabi ni tita habang nakatutok lang sa pagkain.

"But mom?! Hindi nga ako o baka nama--"

"Go to your room and don't eat until you realizes what you said and what you did"

"Papá this is too much! I don't know who---"

"Just follow your mom" sinundan ko ng tingin si ate nang padabog siyang umalis. Sumunod pa sa kanya yung apat na dinala nina dunkan.

"Papá I'm full" ngumiti si papá sa akin kaya binaba ko na ang kutsara't tinidor. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Why don't you take a look around? We also have something to discuss with your mother" tumango lang ako at tumingin kay tita. Alam ko kasing ayaw niyang may naiiwang pagkain sa plato, eh yung akin ilang subo nga lang nagawa ko!

"Finish it" tumingin ako kay papá para hintayin ang sasabihin niya. Gusto ko na talagang umiwas sa tingin nila!! Lalo na kay ace na ayaw akong tigilan "Why aren't you listening to me? I am also your mother! Finish your food"

"No elisa, don't force her"

"Ace, samahan niyo muna si amir" nagkatinginan ulit kami ni ace dahil tumayo agad siya.

Tumalikod na ako at hinanap si mr.linc. Nasaan siya?!!! Nagsimula na akong maglakad palabas kaya pumantay na sina dunkan at ace sa akin.

"Bestfriend, samahan daw kita" pahabol ni bea nang makarating kami sa sala. Kumapit siya sa braso ko kaya palihim ko siyang kinurot dahil katabi ko si ace!!!!

***

"Ahmm iinom muna ako ng tubig" paalam ko sa kanila habang iniiwasang makita nila ang pisngi ko.

"Oh sige bestfriend pupuntahan ko din si mama, tutulong ako sa kanya" tumango lang ako at iniwan na sila sa may hagdan.

Nilibot na namin ang buong lugar. Sina dunkan at bea na nga lang ang parating nagsasalita. Nakita pa namin sina papá kanina na pumunta na sa mga kanya kanya nilang gawain.

"Can we talk?" gulat akong humarap kay ace nang sumunod siya papasok ng kusina.

"A-ahm?" kumuha agad ako ng tubig at ininom yun. B-bakit siya s-sumunod?!! Kanina pa talaga ako nahihiya sa kanya!

"I hope that what happened between us won't affect our good relationship that we had before amira" humarap ako sa kanya dahil mukha naman siyang sincere sa sinabi.

"N-no, I-I a-also h-hope f-for that" umiwas na ako at nilagay ulit sa ref ang pitsel.

"Thank you but I need to go now. Meron pa kaming paguusapan ni ethan" natigil ako nang bigla siyang lumapit. Pati siya napatigil din pero sa huli tinuloy niya pa rin ang paghalik sa pisngi ko.

W-we used to do that before!!! Kainis bakit mas awkward na ngayon?! Umalis na siya kaya binaba ko agad ang baso at hinanap si mr.linc.

"Miss saan ka?" bungad ni yaya nang makadaan ako sa dining area. Baka nagtago lang yun? Hays! Hindi man lang nagpaalam! "Ohhh alam ko na kung sino miss, nasa likod po siya, basta sundin niyo lang yung ingay"

"Salamat po yaya mildred" pumunta agad ako sa likod kung saan tinuro din ni bea kanina. Buong magdamag akala ko kasama niya si ate pero kanina lang nakita ko siyang magisang bumaba.

*bang* si mr.linc ba yun? May mga puno kasi kaya hindi ko alam kung gaano pa kalawak tong likod.

*bang* maya maya pa ay tumigil muna ako tsaka napabuntong hininga habang pinagmamasdan siyang iniensayo ang baril. Tinakpan ko ang mga tenga at dahan dahan nang naglakad palapit.

*bang* natamaan niya yung lata sa dulo! Kinasa niya ulit ng baril kaya tumakbo ako sa harap niya bago pa maiputok yun.

"Hi mr.linc!" kumapit ako sa mga braso niya at pumwesto sa ilalim ng baril. Umayos naman siya ng tayo kaya ngumiti ako kahit blangko lang ang ekspresyon niya "May I know why you left me?"

"M-miss amira" mabilis kong kinuha ang braso niya at kinagat kaya napadaing siya. Gulat naman siyang tumingin sa akin.

"I want to learn how to do that!"

"What for?"

"Agh! Remember that spy? Kung hindi si ate baka siya ang gumawa nito. Baka susugurin niya ako edi alam ko paano gamitin to diba!" kinagat ko siya ulit at ngayon tuluyan na niyang binawi ang braso niya tsaka nagsalubong na din ang kilay.

"That hurts!!" tinapon niya ang baril sa mesa at nireassemble ang isa pang baril. Kinabahan ako kaya maingat akong lumipat sa tabi niya.

"I'm sorry mr.linc napalakas ba?" pinagmasdan ko ang mukha niya. Kanina pa to nung pagdating ko ah??

Hindi siya kumibo at tinuon lang ang pansin sa ginagawa kaya lumapit pa ako. Dahan dahan kong inabot ang braso niya kaya inis siyang lumingon sa akin. Tinitigan niya muna ako habang napapasinghap. 

"When you feel something just don't bite me!! That hurts a lot!!" aalis na sana siya kaya mabilis kong hinila ang braso niya at kinagat ng malakas dahilan para maitulak niya ako ng konti "Aghhh! I said stop!! Kakasabi ko lang diba masakit?! Hindi mo ako binabayaran dito para kagatin!"

"N-napalakas ba?" napasinghap na naman siya at minasahe ang noo. Sobrang galit na siya!!

"What do you think?!! You just bit me thrice! You disturbed my practice just to bit me!!!" hinimas ko ang parteng kinagatan pero iniiwas niya yun sa akin kaya napayuko ako.

"My system just went too high when I finally saw you. You left me there. Kanina pa kita hinanap at sinabihan kita diba na ilibot mo ako? Ayan si bea tuloy gumawa nun kahit na ikaw yung gusto ko kasi komportable akong maglibot kasama ka, nahihiya ako sa kanila"

*sigh* nahihiya akong tumingin sa kanya matapos niyang bumuntong hininga. I feel so bad for him. I shouldn't bit him but I can't stop.

"Sorry, babalik na ako sa loob" niyakap niya ako bigla kaya napapikit pa ako nang inakala kong h-hahalik siya.

"I'm fine now, what happened?"

"Hinanap lang naman kita buong magdamag dahil palaging tumitingin si ace sa akin kaya sobrang nahihiya na ako. Kung nandun ka lang siguradong magaganahan ako sa paglibot libot"

"N-nothing more--just that?"

"Why? Do you want to hear something?" umiling siya at hinagod pa ang likod ko. Napangiti ako nang ipahawak niya sa akin ang pulsuhan niya.

"You can bite me now" hinigpitan ko lang ang pagyakap at hinagod din ang likod niya. Narinig ko pa siyang tumawa ng konti.

"I finally feel at ease~" umayos siya ng tayo kaya umangat ako ng konti.

Next chapter